CHAPTER 18

1907 Words

"OH! GRACIA HIJA, akala ko ba'y aalis kayo ni Octavio?" bungad na tanong ni nana Rosing sa dalaga nang makasalubong niya ito sa may swimming pool area ng mansion. "Umalis po kami kanina, kaso pinauna niya na po akong umuwi kasi wala naman daw po akong gagawin do'n at mukhang matatagalan daw po ata ang lakad niya." anang Gracia sa matanda. "Gano'n ba? Siya sige at mag pahinga ka na muna. Mayamaya'y kakain na tayo." "Kakakain lang po kanina, kakain na naman po ulit tayo?" kunot pa ang noo na tanong ni Gracia sa matanda. Napangiti na lamang si nana Rosing sa dalaga. "Dumating kasi si Don Demetrio. Ayaw kasi no'n na hindi siya sinasabayan sa pagkain. Kaya kahit busog ka pa, sumama ka nalang sa hapag." turan nito at inilapag sa ibabaw ng bakal na lamesa ang bitbit nitong maliit na plorera.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD