JENNIFER'S POINT OF VIEW:
BIIGLA NAMAN may humintong sasakyan sa parking lot ng school. Bago pa makalabas ang sakay nito ay nagsitakbuhan na ang mga estudyante sa pwesto nila. Halos lahat ata ng estudyante ay nakatayo para abangan ang paglabas ng apat. "Oh my God, bumalik na nga sila?"
"Lalo sila naging sexy! Grabe naman ang glow-up!" Bulalas ng isang estudyante na tumakbo kasama ang kaibigan nito. Inikot ko na lang ang mata ko akin narinig habang pinapanood ang mga ito.
"Is that—" saad ng isang babae na hindi ko masiyado narinig ang sinabi dahil biglang sumulpot sa harapan ko si Reyna.
"Okay, para sa kaalaman mo, let me introduce them. 'yong nakaupo sa tabi ng driver's seat ay si Apollo Sy. He is quiet yet heartless in the group, hindi siya masiyadong nagsasalita sa grupo nila—"
"Okay, hindi ko tinanong at hindi ako interesado," putol ko naman sa sinasabi ni Reyna habang pinapakilala nito isa-isa ang apat na lalaki na bigla na lang lumutang sa kung saan.
"What the f**k? Patapusin mo muna kasi ako," bulaslas nito habang ini-angat ang kamay sa dibdib.
"Whatever, fine."
"Iyong may-ari naman ng sasakyan, 'yong lalaking kulay gray ang buhok. Siya si Tommy Clifford. He is the golden boy in this school. Siya ay kabaliktaran ni Apollo, mabait ito sa karamihan. At ang na sa likuran naman, 'yong lalaking kulay black ang buhok ay si Gerald Luciano. The guy who got his facts straight. Lahat ng itatanong mo sa kanya ay palagi itong may sagot. Everyone calls him a walking miracle. He has an half Italian. Last but not least, we have the sexiest among of them all, the boy sitting next to Gerald, who has red hair and green eyes that makes him look more sexier. Meet Bob Sevada, 'yong kumakalat na rumor tungkol sa kanya ay isa itong f**k boy. He isn't your typical man that f***s around like a man w***e. Matter of fact, ni isang beses ay wala pa siyang inuwing babae dito sa school."
"And you know that because—" I asked but Reyna cut the sentence.
"Sikat sila dito sa school, marami na rin akong narinig tungkol sa kanila," paliwanag niya habang inirapan ko naman siya. Binalik ko ang tingin ko sa apat na lalaki at naglalakad na papasok sa entrance ng school.
Nakita ko na ang jaramihan sa estudyante ay sinusundan sila. Hindi ko alam bakit maraming tao ang gusto sila. I mean, why do you have to look at others differently? They might look like goddesses but they are still the same.
Ilang saglit ay napansin ko naman na matagal na pala akong nakatitig sa kanila. I was so deep in thought that I didn't even notice one of them was looking at me, I think his name was Bob.
Bago suya pumasok sa loob, napansin ko siya na bahagyang ngumiti sa akin at mabilid ko naman binaling ang tingin ko sa mga kaibigan ko na nakatingin na pala sa akin at ngiting-ngiti pa. Napakunot noo naman ako sa kanila. "What?"
I didn't show any emotion because I'm not impressed with their looks. For me, they are just another example of a 'toxic waste of time.'
"Hindi mo ba nakita? Nginitian ka niya!" Bulong ni Reyna at nagkibit balikat naman ako.
"And?" I asked.
"What the f**k? Anong 'and?' girl! The hottest guy in school looked and smirked at you!" Bulaslas ni Samantha.
"Ano namang punto mo?" Tanong ko muli na may blankong mukha.
"You should feel blessed!" Sagot ni Reyna.
Suddenly the bell rang.
"The only thing that makes me feel blessed is my bed," I said and immediately stood up. "Now, let's go. I don't wanna be late on the first day," I said and started walking to the entrance.
Habang naglalakad ako patungo sa unang klase namin ay narinig ko naman na may tumawag sa pangalan ko mula sa aking likuran. Nang ito'y harapin ko bumungan naman sa akin si coach, Mrs. Mendez.
I gave her a big smile on my face. Siya kasi 'yong paborito kong teacher among the others, "hello, Mrs. Mendez," bati ko.
"Salamat nakita rin kita, Jennifer. Listen, hindi ko na papahabain ito," panimula niya.
Muli ay binaling ko ang tingin ko sa akin mga kaibigan at sinabihan sila na mauna na lamang sa klase at sabihin sa teacher namin na male-late ako sa klase niya. Tumango naman ang mga ito at pagkatapos ay iniwan na kaming dalawa ni Mrs. Mendez sa hallway. Muli ay binalik ko ang atensyon ko kay coach.
"Okay, saan na ba tayo? Ito na nga, about sa application sa National this coming November. Kailangan pa natin mag-practuce as much as possible. Alam ko na ito ang kauna-unahan beses mo na sasali sa ganitong laban at inaasahan ko na kausapin mo ako para maipaliwanag ko ang buong detalye tungkol dito pagkatapos ng klase mo kapag interesado ka," paliwanag niya.
"Sige po, pupunta po ako sa opisina niyo pagkatapos ng klase ko." Saad ko at agad naman ngumiti ito.
Tumango naman siya. "Cool, I'll see you later, Jennifer," saad niya at nag-umpisa na maglakad palayo.
Naglakad naman ako sa kabilang direksyon papunta sa klase ko dahil ilang minuto na akong late.
Nang makapunta ako sa harap ng pinto ay kumatok naman ako dito sabay dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi ko maabala ang ilang estudyante. Bumungad naman sa akin si Mrs. Velarica na mariing nakatingin sa akin.
"I'm sorry, I'm late. Kinausap pa kasi ako ni coach Mendez. May pinaliwanag lang siyang importanteng bagay," paliwanag ko at nakita ko naman na inirapan ako nito.
"You may sit down, your presence is interrupting us," saad nito at may sasabihin pa sana ako pero hindi na iyon natuloy dahil nairita ako sa aking narinig. Habang naglalakad ako patungo sa upuan ko ay napansin ko naman ang apat na pamilyar na lalaki na nakatingin sa akin.
"Hey, I'm talking to you," saad ng aking guro habang inangat nito ang kamay sa kanyang dibdib.
"And I chose to ignore you, Mrs. Velarica," saad ko habang umupo sa akin upuan.
She rolled her eyes again and faced the blackboard behind her.
Narinig ko ang ibang estudyante na nagtawanan pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Shut up!" I heard Mrs. Velarica shout. "Go, take your seat," she added.
Nang muling ibaling ni Mrs. Velarica ang sarili sa blackboard ay agad naman akong umupo sa harap ng aking kaibigan na si Jared. I felt him tap my shoulders.
"What's up?" He whispered. Humarap ako sa kanya at ginawa namin ang aming handshake at napangiti naman ito.
"Well, wala namang ganap," bulong ko.
"Galit pa rin talaga sa 'yo si Mrs. Velarica tulad ng dati," saad nito sabay tumawa.
"Maniwala ka, this girl has a death shrine for me in her home." Saad ko na pareho naman kaming nagtawanan.
"Pwede ba na manahimik kayong dalawa at magtuon sa klase ko?" Tanong ni Mrs. Velarica.
Umirap naman ako at sabay binalik ang atensyon sa harap ng blackboard at inumpisahan kong mag-tuon sa lesson dahil alam ko na siya na naman ang magiging dahilan para bumagsak ako.
Ilang sandali ay naramdaman ko naman na bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ko kaya dali-daki ko itong kinuha sa loob ng bag ko at tinignan kung sino iyong nag-text.
It was Reyna.
Reyna:
Oh my god, you won't believe this! Bob is staring at you!
I rolled my eyes and looking for Reyna where she was seated.
Me:
Ano naman gagawin ko?
Reyna:
Girl, he never did that to any girl. You should turn around and smirk at him. Let us see his reaction!
I was about to facepalm myself when I read that message.
Me:
Shut up and focus, Reyna
Napakunot noo naman ako ng tingnan ko siya at mabilis niyang pinatay ang cellphone nito at tumingin diretso sa blackboard na parang walang nangyari.
Habang nagtuturo si Mrs. Velarica, nakaramdam naman ako ng isang pares ng mata ang nakatitig sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag ibaling ang tingin doon pero sa huli ay sumuko rin ako.
Nang ibaling ko ang ulo ko sa kaliwa ay nakita ko siyana nakatingin sa akin. Napangiti ito at bigla na lamang kumindat. Mariin ko naman siyang tiningnan at inirapan ko siya at muling binaling ang tingin sa harap.
God, please make this year fast!