JENNIFER'S POINT OF VIEW:
"Jennifer, male-late ka na naman sa eskwelahan niyo, gumising ka na." Sigaw ng aking ina na galing sa ibaba. Pagkatapos ko ibaling sa kabilang posisyon ang katawan ko ay dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata at bahagyang napapikit ako muli. Hinayaan ko munang sanayin sa sandali ang mata ko sa sinag ng araw na diretsong nakatutok sa mukha ko.
"Jen, hindi ko na uulitin sarili ko." Sigaw muli ng aking ina.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga sa pinakapaborito kong kama.
Dumiretso ako sa banyo at tingnan ang sarili sa salamin. I looked like a hot mess. It appeared as though I had not poured for months. As I began to clean my teeth, I sought.
After that, I did my business there and took a hot shower.
Since it was my first day of the academy after my vacation. Lumabas ako sa banyo at inayos ko ang sarili. Pinili kong suotin ngayon ang kumportable at casual na damit para sa 'kin.
"Bakit ba ang tagal mo?" Tanong ni mama pagkababa ko at akala ko ay ako na ang pinagalitan ng makita ko ay nakatuon siya ng pansin sa kapatid kong si Kleo.
Mula sa Pilipinas ay lumipat kami sa New York para mag-simula muli para ibaon na sa limot ang nangyari sa akin at sa tatay ko noon. Naniniwala kasi ang pamilya ko na makakapagsimula kami ng magandang buhay sa New York.
"Morning," saad ko nang makapasok ako sa kusina. Nakita ko si mama na nagluluto ng aming agahan habang ang batang kapatid ko namang si Kleo ay naglalaro ng video games sa sala.
"Late ka na naman," saad ni mama habang patuloy itong nagluluto.
"What's up, little buddy." Saad ko at agad ko naman ginulo ang buhok ng kapatid ko. Tinulak niya ang kamay ko bahagya palayo at naglabas ng isang buntong hininga.
"Gusto mo ba sumama lumabas sa akin ngayon?" Tanong ko sa kanya habang si mama naman ay hinanda na ang almusal.
My all-time favorite, bacon with scrambled eggs. I thanked her and waited for her to respond.
"Sorry, hindi muna ngayon. Napagkasunduan kasi namin ng kaibigan ko na magkita-kita na sa bus station." Saad ni Kleo at tumango na lang ako.
"Ma? Anyways... Meron pala akong archery ngayon so maybe ma-late ako ng uwi."
"Sige, si Kleo na lang ang susunduin ko." Saad ni mama sa kapatid kong lalaki.
"Hmm," saad ni Kleo habang na sa bunganga pa nito ang bacon. Napakunot-noo naman amo sa ginawa niya. I really hate when people make a weird noise when they eat.
Ilang sandali ay inilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.
8:13
"What the—kailangan ko na umalis. Bye, see you at school, Kleo. Bye ma, I love you." Bulalas ko ng makita ko ang orasan habang tumakbo ako palabas ng bahay.
Agad ako pumunta sa garahe at buksan ang pinto nito. Na sa loob ay ang aking motor.
"Long time no ride," bulong ko nang hawakan ko ang upuan ng akin motor. Kinuha ko naman ang helmet pagkatapod ay umupo na dito.
Pagkatapos kong ayusin sa tamang sikip ang helmet at inumpisahan ko na patakbuhin ang makina ng motor ko at tuluyan ng umalis.
Habang nagmamaneho sinimulan kong makinig sa all-time favorite playlist ko sa Spotify, ang kanta ni Taylor Swift.
Dama ko ang saya habang nagpapatugtog ako sa biyahe. Kinakalma kasi nito ang utak ko.
"Ganda ng pwet, ah!" Huminto ako at tinitigan ang lalaking sumigaw non sa akin. Napa-iling na lang ako sa irita at pagkatapos ay inangat ko ang gitnang darili bago tuluyang umalis.
Binalik ko ang position ko sa unahan at nagsimula na among bumaling sa kaliwa at kanan hanggang sa matunton ko ang paaralan na pinapasukan ko.
Notre Dame High School
Dito dati nag-aaral ang nanay ko nang makilala niya at tatay ko.
My parents had the healthiest relationship. They have both been married for so long. And they had me after one year of getting married.
Kwento ng ina ko ay love at first sight daw ang kanilang pag-iibigan .pero hindi ako naniniwala sa mga ganong bagay.
How can you love someone when you just see them for the first time?
Kwento pa ng ina ko ay ang pag-ibig ay parang isang magical creation na hindi ka na makakawala pa kapag naramdaman mo 'yon sa sarili mo.
How the f**k can I love someone when I don't even know how to love myself?
But how should I know? I never tried that situation, ni isang beses ay hindi ako umibig at inibig. So, paano ko malalaman kung ano ang pakiramdam ng 'love at first sight'?
Umiling na lang ako sa aking na-isip at sinumulang ko iparada ang aking motor. Pumunta ako sa madalas kong pagparadahan. Pagkatapos ko patayin ang makina ng motor ay huminga ako ng malalim.
Nagulat naman ako ng may biglang sumigaw ng pangalaw ko mula sa mataas na tono.
"Jennifer!" Bulaslas ng best friend kong si Reyna.
Reyna Bernal—siya ang tumulong sa akin noong unang beses akong lumipat dito sa New York. Noong unang araw, madalas itong pumupunta sa bahay namin kapag end of the week at madalas itong may pasalubong na tsokolate and kung ano pang pwede namin kaining dalawa. Akala niya kasi ay mag-isa lang ako sa buhay at kailangan ng bagong kaibigan. Pero ang totoo, pinili ko lang talaga ang mapag-isa.
Hanggang sa dumating ang araw na sabihan ko siyang iwanan na niya ako. Pero ang kinagulat ko ay hindi ko pala alam na merong dalawang pagkatao si Reyna. Ang una ay ang cute–and–nice Reyna pero ang isa naman ay ang hell–bitch–face Reyna. Sabi nito na tanggapin ko raw ang pagkain na binibigay niya sa akin at pahalagahan ang sarili.
And let me tell y'all, this girl scared the s**t out of me. But I love her goofy vibes with some b***h attitude . At ngayon ay hindi ako makapaniwalang nakadikit na ako sa kanya. Noong una, hindi ki siya pinapaniwalaan pero siya lang 'yong palaging na sa tabi ko kapag kailangan ko siya and was with every time I called her. It took her five months to gain my trust.
Si Reyna ay kahulugan ng isang extrovert. While I'm here being that girl that I used to grow up. I consider myself an introvert.
"Ano naman ang ginagawa ng napakaganda kong kaibigan ngayon sa magandang umaga?" Bulaslas muli nito kahit pa hindi na nalalayo ang distansya naming dalawa. Napakunot-noo naman ako sa tanong niya.
"Bakit ba ang ligalig mo lunes na lunes? Unang araw ng eskwela? Pagkatapos ng hindi ko naramdaman na bakasyon?" Sunod-sunod kong tanong habang inayos ko ang bag sa aking balikat.
"Ang sweet mo talaga, na-miss din kita!" Sagot nito at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
"Okay, that's enough. Kumusta ang bakasyon mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oh my God, hindi ka makakapaniwala. Sobrang saya—" naputol naman ang kanyang sinasabi nang makita namin ang dalawa pa naming kaibigan mula sa malayo. It was Samantha and Aaliyah.
"Hi, girls!" Bulaslas ni Reyna habang sabay namin silang nilapitan.
"Hi!" Both of them said.
Nang magsama-sama na kami ay inumpisahan namin i-kwento sa isa't-isa ang naging kaganapan sa bakasin namin. Little was done by me. Si mama at ako ay kumipad patungo sa France at pagkatapos ay binisita namin ang pamilya ni mama sa Canda. Kleo wished to travel there to see our mother's relatives. Nakalimutan na kasi namin kung gaano na katagal noong huking bisita namin doon.
Sa France naman ay binisita namin ang kamag-anak ni Daddy na naninirahan doon.
"Narinig niyo na ba 'yong balita na bumalik na daw 'yong notorious four?" Tanong ni Samantha.
"What? Really? Oh my God!" Gulat na sagot ni Reyna.
"Oo, narinig ko nga rin 'yon. Akala ko isa na namang stupid humor na kumakalat dito," saad naman ni Aaliyah habang Inikot niya ang kanyang mga mata.
Napakunot-noo naman ako sa kanila.
"Sino 'yong notorious four?"