CHAPTER 2

2936 Words
SHE's not a mermaid. She's a woman. Nalantad ang mahahaba at mahuhubog nitong binti nang muli siyang sumilip sa malinaw na lens ng kaniyang binocular. Mabuti na lang at nakasukbit sa leeg niya ang tali no'n kaya't hindi dumiretso sa tubig nang kaniyang mabitawan. Mahubog ang katawan nito at matangkad. At ang kulay nito, morena. Pilipinang Pilipina. Bago pa man makalayo ang babae ay mabilis na siyang humakbang paalis sa tuktok ng dalisdis. He wanted to know where does the mermaid's live. Ngunit laking dismaya ni Hunter nang pagkababa mula sa dalisdis ay wala na ni anino ng babaeng naka-underwears kanina. Damn. Sayang.  Inakala pa naman niyang makikilala na ang babaeng pinagkamalan niyang serena. Napapikit siya nang maalala ang nakitang tanawin kani-kanina lang. The best view he'd ever seen. Ngingiti-ngiti siya habang iginuguhit sa balintataw ang magandang babae. I'll see you again.  "Hunter!"  Bigla siyang nagmulat nang marinig ang malakas na boses na tumawag sa kaniya. Jagger Montero, pinsan ng nagkakapatid na Montana, kilalang kampeon sa larangan ng car-race.  "Jagger," kinawayan niya ito. Mabilis naman ang mga hakbang ng guwapong Montero patungo sa kaniyang kinaroroonan.  "Hey, man, finally dumalaw ka ulit dito." Si Jagger.  "Of course. Ito ang lugar na hindi mo pagsasawaang balik-balikan. Ikaw, kailan ka dumating dito?"  "I just arrived. Nabalitaan ko kay Spike na dumating ka kahapon." Ngumisi ito. Halatang may gusto itong ipabatid sa kaniya.  "Kaya ka sumugod," he grinned.  "Partly, yes. Alam mo naman ang gustong gusto ko."  Obviously, gusto nanaman siya nitong hamunin sa karera. Iyong huli kasi nilang kompetisyon ay natalo niya ito. Marahil ay gusto nitong bumawi. Kilala niya ang likaw ng bituka ng spoiled-brat na Montero, hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo. Alam din niyang pinaghandaan nito nang husto ang paghaharap nilang muli.  "You're really Montero, Jagger," wika niya. "Ayaw mong natatalo."  "Natsambahan mo lang ako noon, Hunter. Ngayon natin patunayan kung talagang mahina na ang kampeon ng car-race."  Bagama't nakangiti, batid pa ring seryoso ito sa tinuran.  "Okey. Para naman maibangon mo ang nasira mong dangal." Binuntutan ni Hunter ng tawa.  Natawa rin si Jagger.  "Hindi naman sa gano'n. Sa totoo lang, may gusto lang akong i-impress." His eyes glimmered. "Babae nanaman?"  "Natumbok mo. Hindi naman ako mahilig sa lalaki. Ngumisi ito.  "Akala ko ba seryoso ka kay Mira?"  If he's not mistaken, si Mira lang ang tumagal na girlfriend ni Jagger. Inakala nga ng mga pinsan nito, si Mira na ang hihintayin nito sa altar.  Nahalata niya ang biglang pagkulimlim ng anyo ni Jagger. Tumikhim siya. Mukhang may nasagi siya sa isyung personal ng kaibigan.  "I thought she's the one, but I was wrong." May pait ang tinig nito.  "What happened?" usisa niya. Hindi naman siya ipinanganak na tsismoso. Usisero lang. Kaibigan din niya ito pero nawalan ng kumonikasyon ng ilang taon. Hindi nga niya alam kung saang bansa nagtago si Jagger,e.  "She got pregnant," sagot nito ibinaling ang atensyon sa gawi ng maalon na dagat.  "Ba't 'di mo pinakasalan?" palatak ni Hunter. Bumuntonghininga ito. "Ayaw niya,"  "What?!"  Imposible. For the first time na makarinig siya ng gano'ng istorya. Nabuntis na ang babae ay ayaw pang maikasal. What the...  "Anyway, hindi si Mira ang gusto kong i-impress. The woman was lovely. Suplada nga lang. " Napangiwi ito sa huling sinabi."  "Wow! Ito ang unang pagkakataon na malaman kong may hindi tumalab ang karisma mo." "Oh, shut up. Pakipot lang iyon. Tingnan natin kung hindi iyon maghahabol aa akin." Nakangiti na ulit ito at muli nanamang umaliwalas ang guwapong mukha.  "Kailangan pala, e, magpatalo ako sa karera para ma-impress ang babaeng tinutukoy mo." "Tsk! I told you, Del Carlo, natsambahan mo lang ako noon," dipensa naman ni Jagger.          Nagkibit-balikat si Hunter. Si Jagger nga ang kaniyang kaharap. "Kailan?"  "Tomorrow at eight o'clock in the morning. Tulad ng dati ang ruta. At sa Lighthouse Caffe pa rin ang sentensiyador."  Ang Lighthouse Caffe na tinutukoy nito ay ang na pag-aari pa rin ng mga Montana, nasa tuktok iyon ng talampas sa gawing kanluran at tumatanaw sa Dos Hermanos at Babuyan Island. Istilong European Coffee Bar iyon na sa pagkakaalam niya'y pinangangasiwaan na ng illigitimate daughter ni Don Aurelio Montana. Masarap yaong pagtambayan kasama ang mga kaibigan. "Shoot!" tugon ni Hunter. Sa totoo lang ay sabik na rin siyang painitin muli ang makina ng kaniyang Lamborghini Centenario. "Ate, huwag mo raw kalimutan ang mga bulaklak para sa altar ni Donya Adelfa sabi ni nanay." Boses iyon ng kapatid ni Ianira na si Kiara.  "Oo, sige." Nilingon niya ito't tinanguan. Nakasuot na ito ng school uniform. Alam niyang ibinilin iyon ng kanilang ina sa kapatid bago tumungo sa Montana Mansion. Nag-aalala ang ina na baka makalimutan niya ang utos ng Donya.  Kinuha niya ang kaniyang bag at dinukot ang kaniyang pitaka. "Oh, baon ninyo ni Kian. Paghatian ninyo iyan, ha. Huwag mo nanamang lamangan ang kambal mo," madiing wika sa kapatid.  Kilala niya ang likaw ng bituka ng kambal, lalo na si Kiara. Kung si Kian ay tahimik at may sariling mundo, si Kiara nama'y kabaligtaran. Pasaway ito, magulo, at barkadista. Ang masama, magulang ito't mapanlamang pagdating sa pera. At hindi lingid sa kaniyang matalas na pandama, hindi man nagsusumbong si Kian--- alam niyang lagi siyang dinudunungan ni Kiara sa ibinibigay niyang allowance. Paano'y unang dumadaan sa mga kamay ni Kiara ang perang baon bago mapunta kay Kian ang bahagi nito.  Ngumiti si Kiara. "Sure, ate. Ako pa, honest ito."         "Tumino ka, Kiara. Ayaw kong malamang nakipag-away ka na naman sa paaralan, ha? Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si nanay, kundi ako ang pipilay sa iyo para hindi ka na mahawa sa mga kaibigan mong walang alam sa buhay kundi..."  "Kundi mambugbog ng mga lalaking mayayabang. Amen!"  Tinuktukan ito ni Ianira ng hawak na pitaka. "Ikaw puro ka kabulastugan. Kababae mong tao... tinalo mo pa si Kian sa kalokohan."  "Si Kian ay boring na tao, ate. Bagay sana sa kaniya'y magpari, kaso hindi naman siya marunong humawak ng biblia." Humagalpak pa ito ng tawa. Hindi mintis ang sinabi ni Kiara, bagay nga ang bokasyong iyon kay Kian kung hindi lang canvas at paintbrush ang laging hawak ng kakambal. "At ikaw, bagay na s-um-ideline na tagabuhat ng semento doon sa mga gusaling ipinapatayo ni Señorito Spike," patutsada niya sa malditang kapatid. "Kaysa para kang amasona na nakikipagbasagan ng bungo sa mga kaaway ng grupo mo, durugin mo na lang ang mga buto mo sa construction site ng mga Montana. Kikita ka pa ng pera, sa halip na black eye at pasa sa katawan."  Agad na nanulis ang nguso ng kapatid. Kontrabida talaga! Ipagtatanggol pa sana ni Kiara ang dangal na inapakan at dinikdik ng kapatid, pero nag-alangan siyang bawiin nito ang ibinigay na pera. Pihadong kick-out siya sa gimmick nila mamaya ng barkada. Nagawa na nga nito minsan. Kaya kahit na kating kati siyang ilaglaban ang baluktot na paniniwala'y minabuti na niyang tumahimik at magpakumbaba sa ate niya.  "Huwag kang mag-alala, ate, mabait naman ako. Sa mga mas walanghiya lang sa akin ako nagiging walanghiya.  "Oh, siya sige, lumakad na kayo ni Kaian at baka maiwanan kayo ng school bus," pagtataboy ni Ianira.  Nagsaludo pa si Kiara bago tumalikod at muling nagwika, "'Yung mga bulaklak ni Donya Adelfa."  "Oo na!"  Maldita na, makulit pa! Bitbit ni Ianira ang basket na yari sa rattan ay isa-isa niyang pinitas ang mga bulaklak ng Chrysanthemum. Sarisari ang kulay ng mga iyon. May ilang bulaklak ng Chrysanthemum na halo-halo ang kulay. May white, to yellow and gold, pink, orange, bronze, deep red, maroon, violet at purple. Kung hindi magkabula ang hinala niya, paboritong bulaklak iyon ni Donya Adelfa. Iyon kasi lagi ang ipinapakuha sa kaniya.  Alas-siete y media na ng umaga at kailangan na niyang mapuno ang basket para hindi siya ma-late sa trabaho. Kada umaga ng linggo ay nagtutungo siya sa Giardino Dell' amore, ang malawak na hardin ng Cape Montana. Hindi naman niya iyon dating ginagawa, inako lang muna niya ang trabahong iniwan ng kaniyang kaibigang si Destiny. Another income rin kasi ang pagpitas niya ng mga bulaklak para sa matandang Donya Montana. Sa edad niyang dalawampu't anim ay banat na banat na ang kaniyang mga buto sa trabaho. Wala siyang pahinga. Kahit linggo ay pumapasok pa rin siya sa trabaho. Isa siyang ulirang waitress sa Lighthouse Cafe. Araw-araw naman kasing bukas ang Cafe kaya puwedeng puwede ang mag-duty anytime. Sa katulad niyang poor at laging butas ang bulsa, hindi uso ang day-off.  Nang mapuno ng bulaklak ang dalang basket ay nagpasya na siyang lisanin ang hardin. Kalahating kilometro ang layo ng Montana mansion mula sa Giardino Dell'amore kaya kailangan ay bilisan na niya ang mga kilos. Mula sa mansion ay kinse minutos pa ang gugugulin niya bago marating ang Lighthouse Cafe. Buhay mahirap nga naman... bisekleta lang ang service. Hindi tulad ng mga mayayaman, de-kotse't de-motorsiklo. Magagara at pagkamahalmahal na service.  Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaniyang bisikletang bagama't nalapnos na ng kalawang ay nasasakyan pa't tumatakbo pa naman. Iyon nga't napapakinabangan pa niya araw-araw. Kaya lang dahil gutay-gutay na ang foam na upuan nito'y nagkakalyo na ang kaniyang puwet sa tuwing siya'y uupo. Salamat sa makapangyarihang grasa ni Mang Temyong, ang driver ng nag-iisang dalagang Montana at manager niya sa Cafe. Kung hindi dahil sa itinatapon nitong basyong galon ng mga grasa ay tiyak na hindi na iikot ang kadena ng kaniyang bulok na bisikleta.  Makakabili rin ako ng bago. Lagi niyang sabi sa sarili para paglubagin ang kalooban sa masakit na dagok ng kahirapan. Ngunit magsasampung taon na ang paghihirap at pagtitiis niya sa kaniyang bisikleta'y Awa ng Dios, hindi pa napapalitan ng bago ang astig niyang service.  Sit in calvary.  Pinagpag niya ang kaniyang suot na bestida nang maitali ang basket sa harapan ng kaniyang bisikleta. Wala siyang kimeng sumakay at iwinagayway ang isang kamay sa matandang mag-asawang tagabantay ng hardin tanda ng pamamaalam.  "Mag-ingat ka, Ianira. Ikumusta mo kami kay Donya Adelfa!" Si Aling Meding. Kumaway din ito sa kaniya.  "Opo! Ikumusta rin po ninyo ako kay Destiny kung natawag!" ganting sigaw niya.  Nasa kabilang dulo kasi ang mga ito ng hardin. At kung hindi niya lakasan ang boses ay malabong marinig siya. Idagdag pa ang katandaan, siguradong may hearing deffect na ang mga magulang ni Destiny.  "Aba'y walang problema. Makakaabot kay Destiny, Ianira!"  Ngumiti siya sa mga ito at agad na pinidalan ang bisikleta. "Aalis na po ako!"  "Ready?!"          Si Jagger na lulan ng kaniyang blue ferrari. Wala itong suot na pantaas. Sinadya yatang mag-shirtless ito para akitin ang katabi nitong babae. Sopistikada ito at maganda. Doon ay nahinuha niyang ito ang tinutukoy ni Jagger na babaeng gustong i-impress. Naka-shades din si Jagger, katulad niya. Kaso nagsuot siya ng polo. Takot kasi siyang mabiktima ng mga insekto. Sa nagtataasang puno at mga d**o't halaman sa paligid ay tiyak niyang nakatago ang mga alaga ni Spike. Mga lamok.  "Siya ba?" tanong niya sabay baling ng tingin sa babaeng katabi ni Jagger.  Kumindat si Jagger. "Si Lily," pagpapakilala naman nito sa kasama.  "Hi, Lily. Komportable ka ba diyan? You can ride with me if not."  "Hey!" agap ni Jagger. "She's quite comfortable here. Right honey?" Binalingan nito ang babae at bahagyang ibinaba pa ang shades at nagpa-cute. Hindi naman umimik ang babae. Tila nakikiramdam lang sa dalawang lalaki na tila walang panama ang matalim na patutsada ng isa't isa sa kakapalan ng mga mukha.  "Tsk! Kailan ka pa naging komportableng kasama?" Napapalatak siya. "I'm Hunter. Still single and available." Ngumisi siya kay Jagger.  "Ito komportableng kasama!" Sabay bato ni Jagger ng empty bottle ng mineral water na ininuman nito. Agad namang nasalo iyon ni Hunter.  "Eat my dust, man!" sigaw nito at mabilis na pinaharurot ang sport car nito.  "Beat my ass!" ganting sigaw ni Hunter. Mabilis at itinodo ang pag-apak sa selinyador ng kaniyang Lamborghini centenario. Agad na humagibis iyon sa gitna ng kalsada.  Salitan sila sa unahan ni Jagger. Maya't maya ay kung hindi sila magkapantay, nauuna ang isa sa kanila. Pero hindi nila nalalayuan nang husto ang isa't isa. Kapwa tutok ang atensyon sa kalsada. Kapwa pursigidong manalo. Ang usapan nila, kung sino'ng matalo'y siyang sasagot sa inumin para sa pagtitipon nilang magkakaibigan mamayang gabi. Ilang mga young businessman ang naroon din sa Cape Montana at naging malapit na sa kanila.  Gusto asarin ni Hunter si Jagger para magtanda ang huli, kaya gano'n na lamang ito kaditerminadong manalo sa karera. Nais niyang pingasan ang kayabangan ng kaibigan. At magagawa niya iyon kung mananalo siya sa pangalawang pagkakataon. Sigurado siyang uusok ang bumbunan ni Jagger sa galit dahil sa kahihiyang tatamuhin kung sakali harap mismo ng babaeng kasama.  Ilang talampakan lang ang inunahan ni Jagger kay Hunter. Paliko na ang daan nang magtangka siyang ungusan si Jagger. Ngunit laking gulat niya nang mamataan ang isang babaeng sakay ng bisikleta. "s**t!" mura niya nang makitang bumulagta ang babae sa kalsada. Damn you, Jagger! Kitang kita niya ang pagpina ng walanghiyang kaibigan sa kawawang babae. Ang masama'y hindi pa ito huminto, mabilis pa ring pinaharurot palayo ang ferrari nito.  Mabilis siyang nag-preno. Sumagitsit pa ang mga gulong ng kaniyang sport car dahil sa biglaang paghinto. Agad niyang kinalag ang seatbelt at madaling bumaba. Nakita niyang pilit tumayo ang babae at pinulot ang basket. Nahagip ng kaniyang paningin ang nagkalat at luray-luray na bulaklak ng chrysanthemum sa paligid ng magandang babae. Nakapusod ang mahaba at itim nitong buhok, walang anumang arte sa katawan, nakasuot ito ng luma at kupas nang bestidang kulay lavander. Sa kabila ng kasimplehang ayos ng babae ay hindi pa rin naitago ang iwi nitong ganda. Sumikdo tuloy ang puso niya. Lalo nang mataman niya itong pagmasdan sa mukha. I'm right, she's indeed beautiful. Kung ano-ano tuloy ang naglumikot sa kaniyang isip. He finally met the mermaid he saw yesterday. Nang dumapo sa kaniya ang basket na hawak ng babae ay saka lamang siya nagising sa pagpapantasya.  "Mga hayop!" tungayaw ng babae. Bagama't halatang may iniinda'y nakuha pa nitong paliparin ang hawak na basket.  Ouch! Aba't walang modo ang babaeng ito. Tutulungan na nga't babatuhin pa siya ng basket! Gusto niyang mapikon sa babae pero nang muli siyang tumitig sa mukha nito'y biglang dinagsa ng imaginary animals ang kaniyang dibdib. Animo biglang nagrambulan ang mga iyon sa loob ng kaniyang dibdib. Lalo siyang kinabahan nang makitang tila matutumba na ang babae. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. "Miss!" malakas niyang tawag sa nanghihina at putlang putlang babae.  "Oh, Dios!" Nanginig siya nang makita ang dugong namakat sa laylayan ng bestida nito. Kasunod ang paglandas ng saganang dugo sa makinis nitong binti. Buntis! Nakunan!  Lalo pang sumidhi ang takot sa kaniyang dibdib nang tuluyan na itong bumagsak. Mabuti at maagap siya. Sa halip na sa lupa ay sa dibdib niya ito sumubsob nang kabigin ang babaeng nawalan ng ulirat.  Natanto niyang sugat lang pala sa makinis na hita ang pinanggalingan ng dugo. Nakahinga siya nang maluwag. Napawi ang katiting na pagkadismaya sa kaniyang puso at napalitan ng laksa-laksang tuwa. Hindi dahil sa maliit lang ang pinsalang inabot ng babae, kundi dahil malinaw na hindi ito buntis at lalong hindi nakunan.  Nakita ulit kita.  Puno ng galak ang kaniyang puso sa kabila ng tensyong namamayani dahil sa aksidente. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matuwa dahil sa pagkakitang muli sa babaeng nasilayan kahapon. Bago pa siya dalhin ng isipan sa pinakasensitibong parte ng kaganapan kahapon ay mabilis na siyang kumilos. Kailangang magamot ang babae. Binuhat niya ito't agad na isinakay sa kaniyang sasakyan. Maya't maya pa'y humaharurot na ang kaniyang Centenario, bagtas ang daang patungo sa malapit na klinika.  Masakit na masakit ang katawan niya dahil sa pagkaaksidente. Tila mauuyot ang kaniyang pakiramdam lalo na nang maalala ang nakitang dugo na umagos sa kaniyang binti. Sa lahat ng kinatatakutan niya, makakita ng dugo ang pinakamalala. Dugo ang bumubuhay sa kaniya, pero dugo rin ang papatay sa kaniya. Sa tuwing makakita siya ng dugo ay nahihimatay siya. Kung bakit kasi dinapuan siya ng hemophobia.  "How are you feeling? Better?" Baritonong boses ang nagpalingon kay Ianira sa kabilang panig ng kamang kinahihigaan. Sumalubong sa kaniyang mga mata ang guwapong mukha ng isang lalaki. Nasilayan na niya ito kanina. Ito ang isang pumitpit sa mga walang labang chrysanthemum flowers na dala niya. Suwerte ang isa at tumakas na pagkatapos na pinahan ang kaniyang bisikleta. At ang isang ito'y mukhang nakonsenya matapos din nitong disgrasyahin ang mga bulaklak.  Sa kabila ng inis sa lalaki ay hindi pa rin niya naitago ang pagkahanga sa guwapong nilalang sa kaniyang harapan. Nabatubalani siya. Lalaking lalaki ang hugis ng mukha nito, perpekto at firm ang jawline, matangos ang ilong, makinis ang mukha nitong tila kinatakutang guhitan ng wrinkles sa noo. Napalunok siya nang dumako ang kaniyang mga mata sa mga labi nito. Manipis sa bandang itaas na bibig at sa baba ay mas makapal nang kaunti. Iyong tinatawag nila sa ingles na 'sensual lips'. Tantiya niya ay may taas itong lagpas sa anim na talampakan. Hindi rin naging hadlang ang suot na polo para maitago ang six-packs nito. Mahahaba at matatag ang mga binti nitong nakatayo't nakapamulsa ang mga kamay habang titig na titig sa kaniya. Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan habang walang malay?  Nakaramdam siya ng hiya, biglang nag-init ang pisngi niya. Kumilos siya para ayusin ang pagkakahiga nang bigla siyang lapitan at alalayan. Sa paglalapit ng mga mukha nila'y nagrigodon ang puso niya. Ang bango nito.  Oh my! Nahiya ang cologne niyang Bambini na binili pa niya sa bangketa sa amoy ng mamahaling pabango nito. Napapitlag siya nang gumapang ang malakas na boltahe ng kuryente sa kaniyang balat nang hawakan siya nito sa magkabilang braso. Bigla siyang nanigas, nanginig, at pinanlamigan ng katawan--- parang nasabit siya sa naggro-ground na poste ng Cagelco. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD