CHAPTER 1

2890 Words
"Papa, naiintindihan ko naman na sabik na kayo ni mama na magkamanugang. Pero huwag naman ninyo akong ipagtulakan kay Ricar." Si Hunter. Bakas ang pagtutol sa guwapong mukha nito. Sukat ba namang sabihin ng ama na pakasalan na lamang niya si Ricar, ang kaniyang spoiled-brat na kababata at inaak sa binyag ng mga magulang. Hindi por que wala pa siyang ipinapakilalang nobya sa mga ito ay puwede na siyang ipilian ng mapapangasawa. He has the right to choose for a woman to be with him for rest of his life. "What's wrong with Ricar, Hunter? She's beautiful. Bagay kayo at hindi ba't magkasundo naman kayo since musmos pa lamang kayong dalawa?" Si Donya Evilin. Halatang botong boto ito sa inaanak para sa nag-iisang binata niya. "And rich," gatong din ni Don Ruperto. Liban sa pagiging abala sa negosyo nila'y abala rin ito sa pangungulit sa unico hijo nila para maghanap na ng mapapangasawa. "Maipagmamalaki mo ang katulad ni Ricar, hijo. She is good." Oh, yeah. Right. But gosh he want the best. Pipili na rin lamang siya ng makakasama habambuhay, bakit hindi pa 'yung pasado at perpekto sa panlasa niya. Kung ihahalintulad sa isang pagkain si Ricar, isa itong dessert. 'Yung matamis na matamis. E, ayaw naman niya sa matamis. Health conscious yata siya. At ayaw niyang magka-diabetes. Masyadong matamis si Ricar. Which is ayaw niya ng gano'n. Gusto niya'y babaeng hindi humahabol sa lalaki. A woman that opposite from Ricar's characteristic. Gusto niyang ma-challenge naman nang kaunti ang p*********i niya. Hindi 'yong lagi siya ang hinahabol ng babae. He want to please and court a woman. Ngunit sa tipo ni Ricar, ni daplis, malayo ang katangian ito. Ang kababata nga ang lumiligaw sa kaniya. Paano siya magkakagusto roon, e pinakaayaw niya ang babaeng naghahabol sa lalaki? "She is not my type." Napipika na siya sa mga magulang. How could they push him to Ricar? "May isamg buwan pa naman, ma, pa. At sa loob ng isang buwan, ihaharap ko na ang babaeng magiging manugang ninyo. So no need to worry." "Dapat lang. Dahil kung hindi, sa ayaw at gusto mo... tuloy ang plano naming magkumpadre," seryosong wika ng ama. Damn. Kung bakit nag-e-exist pa rin sa mundo ang old tradition na parental marriage? He is half Spanish and half Filipino, ang ama niya ay Esanyol at ang ina'y Filipino. At ang alam niya'y matagal nang itinigil sa Pilipinas ang gano'ng tradisyon. Wala siyang dugong Intsik. Ang mga Chinese lang kasi ang tanging nasyonalidad na alam niyang umiiral pa ang arrange marriage sa ngayon. "You shan't forget that your heir is in the hand of your wife to be. Hindi namin ililipat sa iyo ang mga ari-arian namin ng Daddy mo hanggang hindi ka nag-aasawa." Matatanda na kami at kailangan na rin naming makita ang mga apo namin. We want you to be happy with your own family before we die. Sinabayan sa isip ni Hunter ang inang nag-umpisa nanamang magtalumpati. Memoryado na niya ang linya ng ina gayundin ang ama. Sa araw-araw ba namang ginawa ng Dios, walang ibang ginawa ang magulang kundi ang kulitin siya tungkol sa pag-aasawa. At talagang balak siyang ipitin ng mga ito dahil pati mana niya ay idinamay pa nila. Darn. God knows how eager he was to have his heir. Pero paano niya makukuha ang inaasam na mana kung hindi naman ibibigay ng mga ito, liban na lang kung may pakakasalan na siyang babae. Tinakot pa siyang ibibigay daw ang lahat ng kayamanan nila sa charity kaysa ibigay sa kaniya. "Fine. Kung iyan po ang gusto ninyo. Pero bigyan ninyo ako ng sapat na panahon, Mom, Dad," aniya na lamang. Suko na siya sa kakulitan ng mga magulang. Hanggang nagmamatigas siya, hindi siya titigilan ng mga ito. Kaya kahit unfair at dehado siya dahil isang buwan na lamamg ang natitira sa anim na buwang ibinigay na taning ng ama para makapaghanap siya ng babaeng pakakasalan ay umoo na siya sa kondisyon ng mga ito. "Okay, hijo. Well, isang buwan na lang ang natitira. Huwag mong sayangin. Aba'y kumilos ka na." Ang mama niya na halatang tuwang tuwa. Akala siguro ng ina'y papayag siyang walang karay na babae bago matapos ang buwan. Hindi siya tanga na hahayaang paghatian ng mga charity ang kayamanan na dapat ay para sa kaniya. Kung kinakailangang bumili siya ng babae para magpanggap na nobya niya, gagawin niya. Huwag lang mawala ang mana at hindi makasal sa kinakapatid. "Ma, huwag naman kayong ganyan kaatat. It's only ten-thirty in the evening, saan ako maghahanap ng babaeng liligawan sa ganitong oras? Huwag ninyong sabihing ibinubugaw na ninyo ako sa mga alaga ni Aling Amparo." Tukoy niya sa mga belyas sa isang sikat na beerhouse sa kanilang bayan. "Tingnan mo itong palsopong anak mo, Ruperto. Kasalanan mo ito kung bakit hindi siya nagseseryoso sa pag-ibig. Nauna mo pang ipamana ang kalokohan mo noong kabataan mo pa sa kaniya kaysa ang kayamanan mo." "Oh, sa akin mo nanaman ibinato ang kasalanan, honey. Ano'ng malay ko sa kalokohan ng anak mo. Alam mo namang matagal na akong tumino sa kalokohan simula ng makilala kita," malambing na sagot ni Don Ruperto. Nagpipigil nang matawa si Hunter. Sa tuwing magsasara ang usapan tungkol sa kaniya ay laging naibabaling ang kasalanan sa kaniyang ama. Biro-biro at galit-galitan ng ina na nauuwi rin sa lambingan. His parents were a perfect couple. Kung mayroon man siyang hahangaang mag-asawa sa balat ng lupa, isang daang porsyento... magulang niya iyon. Kaya nga ayaw niyang magmadali sa usaping pag-aasawa dahil ang gusto niyang tularan ang kaniyang mga magulang. Gusto niyang bubuo ng pamilya na kasinsaya nilang mag-anak. Puwera bilang ng anak. Siyempre, mas mainam ang mas maraming bilang ng anak. Mas marami, mas masaya. Masaya naman siya kahit solong anak, pero ginusto niya noon na may kapatid katulad ng mga kaklase at mga kaibigan noon. Ngunit talagang hindi na siya nasundan pa ng mga magulang. Napatingin sa kaniya ang mga magulang nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang dinukot iyon sa bulsa ng pagtulog at nag-excuse sa mga magulang. New number ang nakarehistro kaya wala siyang ideya kung sino ang caller. "Hello," bungad niya pagkapindot sa anawer key. "Dude, kumusta?" Napakunot-noo siya nang marinig ang boses sa kabilang linya. Pamilyar ito sa kaniyang pandinig. He's a bit confused kung sino ang may-ari ng boses na iyon sa magkapatid na Spike at Xander Montana. May pagkakahawig kasi sa boses ang magkapatid na Montana. Isa pa, medyo matagal-tagal na ring hindi niya nakausap ang mga ito. Bihira silang magkumustahan sa pamamagitan ng overseas call. Nang binista niya ang country code ng numero ng caller ay nakita niyang numero sa Pilipinas iyon. Are the Montana brothers back? "S-Spike?" "Yes, bro. I'm back." Si Spike Montana nga ang nasa kabilang linya. "Hey, dude, kailan pa?" Masaya siya sa kaalamang nakabalik na si Spike sa bansa. Almost ten years din kasi itong naglagi sa California. At hindi man lang nagbakasyon. "Just arrived yesterday," sagot nito. "Saan ka ngayon?" "Hindi pa naman umaalis ang bahay namin dito sa Cavite, so nandito pa rin." "Akala ko ba kapag nag-asawa ka, hindi ka na makikisilong sa mga magulang mo." "Yes. At mabuti't wala pa akong asawa, nakikisilong pa rin ako sa mga magulang ko." Naalala niya ang sinabi niya noon kay Spike na kung mag-aasawa siya'y bubukod sila ng magiging Misis niya. Ang totoo'y biro lang niya iyon noon. Napikon lamang siya sa mga magulang dahil sa kabubuyo kay Ricar. "Oh, man, baka maunahan pa kita," himig pagmamalaki ni Spike. "Gaano katotoo iyan, bro?" Ayaw niyang maniwala sa kaibigan. Knowing Spike was untamed. Seryoso ito sa negosyo at walang panahon sa mga babae. Paano siya mauunahang makapag-asawa kung wala nsman itong panahong manligaw? "I'm engaged," pamamalita nito. "What?!" He chocked. "Was it too shocking?" He laughed. "Nah! You're kidding, man." He chuckled. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Kung gusto mong makita ang lucky girl, nake your way to Cape Montana." "Come on, Spike. Huwag mong sabihing nagsasama na kayo sa iisang bubong?" Napapalatak na si Hunter. He couldn't believe a chaste would do that. Kilalang kilala niya ang kaibigan, he's an upright man. But the word was from Spike Montana. So malamang totoo nga. Dahil ito na mismo ang nagsabi. "Mahabang istorya. Malalaman mo rin pagpunta mo rito. Kumusta pala kayo ni Ricar?" Tsk! Ricar nanaman? Wala na siyang ibang narinig kundi sa mga magulang man o sa mga kaibigan ang pangalan ng kababatang disperada sa kaniya. He was sicked! "Gano'n pa rin. Hindi pa rin ako nilulubayan ng mga magulang ko." "Wala ka pa bang nahahanap na itatapat kay Ricar?" Bumuntonghininga si Hunter. "Wala pa, e." "Alam mo, mas mainam siguro magbakasyon ka rito sa Cape Montana. Maraming chicks dito, bro. And maybe, one of them will be your destiny." Isang beses pa lamang siyang natuntong sa Cape Montana. And that was five years ago. Maganda ang lugar, malawak, at magandang site para sa negosyo at turismo. Ngunit hindi na siya nagkaroon ng panahon para bumalik doon. Naging abala na kasi siya sa kaniyang architectural firm. "Siguro nga kailangan ko nang seryosohin ang paghahanap ng karapat-dapat na babae para sa akin," wika niya. May pagkukulang din naman siya kung bakit nanganganib na ang kaniyang mana. Masyado siyang naging abala sa trabaho at binalewala ang babala ng ama. "See you there soon, bro." Malay niya nga ba niya, baka totoo ang sinabi ni Spike. He might find the woman for him in Cape Montana. Who knows? "So, kailan? "I have to settle my prior engagement sa negosyo ko before going there." "Okey. Good. May gusto rin akong i-discuss sa iyo personally," "Business?" sansala niya. "Definitely." "Okey then," aniya. May pakiramdam siyang hindi lang babae ang mahahanap niya sa lugar ng kaibigan. Isa sa nais niya ang makapag-invest sa Cape Montana. Malaki ang posibilidad na siya ang kukunin ni Spike para sa pagplaplano ng mga itatayong establisimento roon. Perhaps it would be a big opportunity para sa kaniyang kompanya. Parang walang kapaguran si Ianira sa kalalangoy sa naghalong asul at kulay ginto na tubig-dagat. Ang ilang silahis ng araw ay tumatama sa tubig na nag-ala gintong mga barya na kumikinang kinang sa tubig. Papalubog na ang araw at mayamaya lamang ay magtatago na ang huling silahis nito sa kanluran. Magaan ang pakiramdam niyang nagpabalik-balik sa paglangoy mula sa gilid papunta sa parte ng dagat na ma kalaliman na. Tuwing hapon na tapos na ang gawaing-bahay ay ganoon ang ginagawa ng dalaga. Pantanggal stress. Sa dagat lamang ang alam niyang lugar na puntahan. At kahit pa may mga lugar na naisin niyang marating, malabong makatuntong doon. Sa edad na biente-seis ay single pa rin siya't hindi man lang nakaranas na lumabas ng Rehiyon dos. Pinakamalayo na niyang narating ang Lalawigan ng Viscaya. E, paano ba'y galing lamang siya sa pobreng pamilya. Pambili lamang ng bigas at ulam, hirap na hirap na ang ina sa paghahanap. Dahil sa kahirapa'y hindi siya nakatapos sa pag-aaral. Pinakamataas na niyang naabot ay fist-year high school. May dalawa pa siyang nakababatang kapatid, sina Kiara at Kaian. Kambal ang mga ito't kapwa graduating student sa high school. Nakararaos naman sila sa pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa paninilbihan ng kaniyang ina sa mansion ng mga Montana, ang pamilyang may-ari ng malawak na lupain sa Sta. Ana, Cagayan. Pati nga kinatitirikan ng barong-barong nila, pag-aari din ng mga Montana. Nagdesisyon siyang tumigil na sa pag-aaral noong natapos niya ang unang taon sa sekondarya dahil naawa siya sa inang hindi tinatantanan ng rayuma't artritis. Tumutol man ang ina'y wala ring nagawa dahil hindi naman na talaga nito kayamg itaguyod ang kaniyang pag-aaral. Tinulungan na lamang niya ang ina sa paghahanapbuhay at pagpapaaral sa dalawa pang kapatid. Kung hindi lamang sana babaero ang tatay niya, malamang nakapagtapos siya ng kahit vocational course lamang. Kaso ang magaling niyang ama'y nahumaling sa ibang babae at iniwan sila. Ipinagpalit silang mag-iina sa mas batang babae't p****k sa bayan. Pinabayaan at kinalimutan. Sa pagkaalala sa ama'y muling sumulak ang dugo niya't bumalatay muli ang galit at poot sa kaniyang maaamong mata. Mga lalaki talaga, mga manloloko! Naghuhumiyaw sa poot ang isip at puso niya. Hindi lang tatay niya ang dahilan ng galit na iyon kundi pati si Jonas, ang una at kaisa-isang lalaking inibig niya. Pareho ang kulay at tipo ng dugo ang kaniyang ama at si Jonas. Kulay iti. Dugo ng manloloko. Mula nang matiklo niyang may ibang kinalolokohan si Jonas ay isinumpa na niyang hindi na siya iibig pang muli. Hinding hindi na siya palilinlang at padadala sa mga matatamis na salita ng mga lalaki. Tama na ang minsang naloko siya ng kalahi ni Adan. Kung hindi pa niya natiklo nang lantaran ang kababuyan ni Jonas at Milet, ang kaklase niya dati sa elementarya ay hindi pa aamin ang sinungaling niyang ex. Mabuti at siya na mismo ang nakakita sa mga ito nang minsang magtungo siya sa Dos Hermanos, ang islet sa gawing kanluran ng Palaui. Pag-aari iyon ng Montejo twins. Nagtungo siya roon dahil ipinasama siya ni Donya Adelfa para samahan at asikasuhin ang isang anak nito na nagbakasyon sa islet. Pero ipinagtabuyan naman siya ng supladong Montana na si Xander, kaya hindi rin siya nagtagal doon. Sa yate niya natiklo ang panloloko sa kaniya ni Jonas, natiklo niya ito sa isang cabin na may kaulayaw na babae, si Milet. Siguro kagustuhan ng Dios noon ang kamalasan na natamo niya para makita at mamulat siya sa katotohanan. Minahal niya si Jonas pero nawalang parang bula ang damdamin niya para sa binata nang makita itong hubo't hubad sa loob ng isang cabin kasama si Milet. Mabuti at nagkamali siya ng napasukang cabin, kundi baka hanggang ngayon ay binibilog pa rin ni Jonas ang kaniyang ulo. Masama ang loob niya sa dating katipan. At hanggang ngayo'y dala pa rin niya ang pait at sakit sa puso niya. Sa loob ng apat na taon na magkasintahan nila, inakala niyang ito na ang lalaking para sa kaniya. Pero nagkamali pala siya. Dahil si Jonas ay isang kampon ni hudas. Nag-backstroke siya sa paglangoy at bumuga ng hangin. Bigla nanaman kasi siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib nang maalala ang dalawang lalaki na nag-iwan ng malaking pilat sa pagkatao niya. "Wala talagang forever," bulong niya sa hangin at muling sumisid sa kailaliman ng tubig-alat. Tumuntong si Hunter sa malaking tipak ng bato nang makarating sa pinakatuktok ng matarik na dalisdis. He had a fantastic view of the vast ocean from there. It was a very scenic and peaceful setting. It's truly breathtaking! Palaui Island was one of the most beautiful he'd ever seen. Sunsets to die for, unspoiled nature, and a beautiful and very private white sand beach that stretches for miles. Palaui is a peaceful island that has yet to be fully developed for commercial tourism. There is some public transportation, but renting a car is required to fully appreciate this island's diverse natural beauty. Palaui, particularly the east side, has the most beautiful beaches, safe swimming coves, and tidepools teeming with sea life. It was also famous for its lush green scenery, white sand beaches, and capes. One is Cape Montana, owned by the Montanas in Sta. Ana, Cagayan. Kilala ang Cape Montana bilang isa sa pinakamagandang business site sa buong Pilipinas. Hindi lang negosyo kundi maganda rin itong lokasyon para sa turismo. Pero dahil private property iyon, limitado ang mga bisitang pumupunta roon. Welcome lamang ang mga elite at mga negosyanteng malalapit sa pamilya Montana. O kung mayroon mang hindi malapit sa mayamang Montana ay siguradong isa itong investor at may balak makipagsosyo sa negosyo sa mga negosyante sa Cape Montana. Kung may makita ka na mang mga taong mula sa mahirap na angkan, iyon ay mga tauhan o manggagawa lamang ng mga Montana o ng mga bisitang nag-i-stay doon. In-adjust niya ang lens size ng kaniyang dalang Steiner Marine binocular at saka maingat na inilapat sa mga mata't nagmasid sa magandang tanawin ng isla. Inilibot niya iyon sa buong paligid. Ngayon pa lamang ay nakikita na niyang magiging successful ang ipapatayong negosyo ni Spike doon. Hindi ito nagkamali sa desisyong magtayo ng isang malaking Art Gallery doon. Siguradong dadayuhin iyon ng mga mayayaman sa bansa at buong mundo. At siyempre hindi nagkamali si Spike na sa kaniya inialok ang trabaho sa pagpaplano ng itatayong establisimento. Expert siya sa trabahong iyon dahil hindi siya basta-bastang architect. He graduated from Harvard University in New York and was one of the top achievers. Ipinokus niya ang lens sa nagkukulay abo at gintong tubig dagat nang maagaw ng isang imahe ang kaniyang atensyon. He tightly held the binocular in his hand. Christ, what a body! Was it a mermaid? But when did a mermaid swim with a two-piece? It's not a two-piece swimsuit, but rather two small wraps. A white brassier and a white panty on both the top and bottom. Wala itong palikpik. Dibdib, mayro'n. Napalunok siya, pakiramdam niya'y nanuyo ang kaniyang lalamunan. Bigla siyang nanigas nang ilipat niya ang pokus ng hawak na gadget sa nagyayabang na dibdib ng babae. She was floating, kaya lantad na lantad ang parteng iyon ng babae. Nang dumako ang makasalanang lens ng binocular sa parteng hugis tatsulok sa pagitan ng mga hita ay wala sa sariling nabitawan niya ang hawak na gadget at mabilis na napa-sign of the cross. God forgive Thy son. Hindi ko Po sinasadyang tingnan iyon, LORD!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD