CHAPTER 6

2882 Words

"IANIRA friend, baka naman puwede kang mag-overtime ngayon?" Si May. Halatang hindi ito mapakali. Kanina pa ito pinapakiramdaman ni Ianira. Nang lumapit ito'y nagkunwari siyang hindi niya pansin ang pagiging balisa nito habang nagtatrabaho.                "Oh, May, hindi ba't ikaw ang nakatoka ngayon sa pagsasara ng Cafe? Ano'ng mayro'n?" baling niya sa katrabaho.         "Eh, kasi may appointment ako mamayang alas seiz. Hindi ko puwedeng ipagpaliban iyon, Ianira. Ayaw kong magalit nang tuluyan sa akin si Rigor." Mangiyak-ngiyak na tapat ng dalaga.         Napabuntunghininga siya. Sinasabi na nga ba't ang boyfriend nanaman nitong tambay ang dahilan. Alam na niya kasi ang drama ni May sa buhay. Wala namang ibang prinoblema ito kundi ang gagong katipan. Madalas nga niyang pagsabihan si M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD