Agatha Beatrix's POV
Wala na ako sa bahay ng demonyong si Nicolas pero pakiramdam ko nasa paligid ko lamang siya at nagbabantay. Gusto ko man tumakas pero hindi ko alam kung saan ako pwedeng magtago. Mayaman ang lalaking 'yon at siguradong mahahanap niya ko kahit saan sulok ng Pilipinas pa ko magpunta.
Dalawang araw na simula ng makita ko siya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Wala pa rin akong nakikita na kahit anong sign ng dapat kong gawin sa gusto ni Nicolas na mangyari. Gwapo siya at hindi naman ako lugi dahil maganda ang magiging lahi ng mga anak namin kasi maganda ako pero paano ako? Siguradong habang buhay na kong magdudusa nito.
"Agatha!" napatianod ako sa kinauupuan ko at napatingin sa kaibigan kong nakaupo sa harapan ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nawala sa isip ko na kumakain nga pala kami.
"Bakit, Ayeza?" Tanong ko sa kaibigan ko. Nasa hapagkainan kami at na nananghalian habang nasa kandungan niya ang anak niya.
"Kanina pa kita tinatanong pero ang tahimik mo diyan. Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ayeza.
Hindi lang basta kaibigan ang tingin ko kay Ayeza dahil para ko na rin siyang kapatid. Sobrang mature n'yang mag-isip. Nakakaingit siya sa totoo lang. Sobrang daming bagay na nakakainngit sa kaibigan ko. Unang-una na do'n ay nagkaroon siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo pero ako? Wala. Kahit isa wala man lang nagmahal sa akin ng totoo. Lahat sila puro basura ang ugali at mas malala pa nga ang taong nakilala ko ngayon.
"Ayos lang ako," nakangiting sambit ko. "Iniisip ko lang 'yong gwapo kong customer kahapon sa bar. Daks kasi tapos ang sarap pa magdilig," natatawang sambit ko para matakpang ang alinlangan sa mukha ko.
Ang alam ng kaibigan ko hindi na ko virgin pero ang totoo niyang isang malaking virgin pa talaga ko. Palagi ko lang ginagawang dahilan ang maruming bibig ko sa tuwing may problema akoo.
"Kaya siguro, late ka nang umuwi dahil nagkasarap ka pa pala," aniya sa akin habang sinusubuan ang anak niya.
Napatingin ako kay Jaxiel na dalawang taong gulang pa lamang. Ano kayang mangyayari sa kanila kung mawawala ako? Gusto kong piliin na mamatay na lang kesa makasama pang habang-buhay ang isang demonyo. Kasi kung pinili ko siya na pakasalan, para ko na rin pinili ang kamatayan ko.
"Paano kung mawala ako?" tanong ko kay Ayeza.
Napatigil naman siya sa pagpapakain sa anak niya at salubong ang kilay na napatingin sa akin.
"Saan ka naman pupunta? Alam ko naman na hindi mo kaya ng wala ako dahil wala ka namang alam sa buhay," nakangising sambit niya.
Tama si Ayeza. Hindi ko nga kayang mabuhay ng wala siya dahil wala naman akong alam sa mga gawain at kaonti lamang ang alam ko. Pero siya... Alam kong makakaya niya na wala ako dahil may anak siya at may babalikan pa siya na ama ng anak niya.
"Paano naman kung habang buhay na kong mawala? Mamatay ako? 'Di ba kaya mo naman na wala ako—"
"Agatha Beatrix!" iritadong sigaw ni Ayeza sa akin. Kung wala lang sa kandungan niya ang anak niya malamang kanina pa niya ko nabatukan. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Sira na ba ang ulo mo? May problema ka ba? Pwede naman nating pag-usapan 'yan hindi 'yong kung ano-ano pa ang pinagsasabi mo."
Sinasabi ko pa lang pero nagagalit na siya. Palagi man akong binabatukan ng kaibigan ko pero alam ko naman na mahal na mahal niya ako dahil para na niya kong nakababatang kapatid.
"Nagbibiro lang," natatawang sambit ko. "Pero kapag ba namatay ako, anong manyayayri sa'yo?" tanong ko sa kanya.
Gusto kong malaman kung ano ang mararamdaman nila ng sa gano'n magkaroon ako ng idea kahit pa paano kung ano ba ang pipiliin ko. Kung ang mamatay ba ako o kung pakasalan ang isang demonyo. Mabubuhay ako pero kailangan ko nga lang siyang pag tiisan.
"Bakit ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo, Agatha? Ayaw kong mawala ka. Siguro mamatay ka kasi doon naman tayo lahat patungo pero maaga pa para saktan mo ko. Kailagan pa kita sa buhay ko, tandaan mo 'yan. Ayokong mawalan na naman. Nawala na sa akin ang ama ng anak ko at huwag ka naman sanang sumunod," aniya.
Mukhang mali na maging selfish ako. Hindi ko pala talaga pwedeng piliin ang kamatayan para lang maiwas ako sa pagpapakasal kay Nicolas. May mga tao akong maiiwan dito na tiyak kong masasaktan ng husto. Kami-kami na lang ang magkakapamilya tapos iiwan ko pa sila? Siguro dapat ko na lang talaga tiisin ang lahat.
"Hindi naman kita iiwan. Gusto ko lang malaman ang sasabihin mo. Ang drama mo rin pala," natatawang sambit ko at tumayo na sa hapag kainan.
Sinamaan ako ng tingin ni Ayeza sa sinabi ko pero hindi ko na lamang siya pinansin. Naglakad ako papalapit sa kanila at hinalikan ko ang pisngi ng anak niya.
"Pasok na ko sa trabaho ko hah," saad ko at napatingin sa relong suot ko. "Alas nuwebe na rin ng umaga. Magbubukas na ang mall," dagdag ko pa.
Linggo ngayon at may pasok ako sa mall bilang isang janitress. Part time ko lang ang pagiging janitress sa mall at tuwing Linggo, Lunes at Martes lang ang pasok ko sa mall.
"Ingat ka, Agatha. 'Wag masyadong maingay sa paglilinis. Ang bibig mo hah baka kung ano-ano na naman lumabas diyan at matanggal ka sa trabaho. Magkaiba ang bar sa mall," pag papaalala niya.
Ganyan naman palagi ang sinasabi niya. Palaging ang bibig ko. Kasalanan ko pa ba na hindi inosente ang bibig ko?
"Oo, sige na. Aalis na ko," pagpapaalam ko sa kanya at lumakad na palabas ng apartment. Dala ko lang ang bag na nakasukbit sa balikat ko na may laman na uniform ko.
Paglabas ko ng apartment namin agad kong sinara ng maigi ang pintuan namin para alisto si Ayeza kung may papasok man na iba. Mabuti ng mag-ingat kami parehas kami na marunong siyang mag self defense. Nang masigurado kong nakasara na ang pinto namin, lumakad agad ako patungo sa sakayan sa kabilang kanto.
Pero ang isip ko wala sa kalsada dahil na kay Nico pa rin. Nasa alok pa rin niya ang isipan ko. Iniisip ko kung ano ba ang mas mabuti kong gawin. Kung dapat ba kong mamatay na lang o magpakasal sa kanya at maghirap. Pagod na kong masaktan kasama ang mga ex ko noon kaya iniiwasan ko na ang mga masasamang lalaki pero ngayon mismong ang tadhana talaga ang naglalapit sa akin sa demonyong si NIcolas.
"God, give me a sign kung ano ang dapat kong gawin," sambit ko at naupo sa waiting shed.
Tulala lamang ako habang naghihintay sa pagdaan ng bus patungo sa mall na pinagtratrabahuhan ko. Stress na stress ako simula ng dumating sa buhay ko 'yan si Nicolas. Malamang may balat sa pwet si Nicolas dahil nagsimula akong magkamalas-malas simula ng dumating siya.
Napabuntong hininga ako dahil wala pa rin ang bus na sinasakyan ko tuwing umaga. Nakakapanibago rin dahil wala akong makitang sasakyan pampubliko ngayon. Puro mga private car lang ang nakikita ko. Ano bang mayroon ngayon?
Baka mahuli ako nito sa trabaho ko. Ang laki pa naman ng nakakaltas sa sweldo ko kapag late ako. Sayang din 'yon. Malamang maglalakad na lang ako hanggang sa makakita ako ng sasakyan. Maaga pa naman kesa naman mapanot ako kakahintay ng sasakyan.
Tumayo ako sa inuupuan ko ng bigla namang may sunod-sunod na sasakyan na pumarada sa harapan ko. Puro itim na sasakyan at hindi ko man lang makita kung sino ang tao sa loob ng mga sasakyan na 'to dahil sa sobrang itim ng salamin nila. Hindi ko na lang sila pinansi at nagsimula nang maglakad habang nakatingin pa rin sa mahabang pila ng itim na mga sasakyan.
Laglag pa ang panga ko ng sabay-sabay na lumabas ang mga nasa sasakyan at tumayo sila ng napakatuwid. Para silang mga body guard ng presidente ng America na napapanood ko lang sa T.V. Sobrang galing dahil sabay-sabay talaga sila at kung makatayo, diretsong-diretso pa. Sigurado ako na kahit ang pagtayo at pinag-aralan nila.
"Ms. Silario." Nahinto ako sa paglalakad at napalingon sa likuran ko. Laking gulat ko ng makita ko ang lalaking sumabunot sa buhok ko noon. Tauhan siya ni Nicolas kaya agad akong napaatras palayo sa kanya.
"A-Anong kailangan mo?" kinakabahang tanong ko at napahawak pa ko sa buhok ko. Inipit ko ang buhok ko sa pagitang ng tenga ko at inayos ko pa ito.
Alagang-alaga pa naman ako sa buhok ko tapos sasabunutan lang pala ako ng isang 'to. Nakakainis siya. Akala yata niya papayag ako ulit na sabunutan na lang niya ko basta. No way.
"Pinapatawag ka ni boss," sambit niya.
Pero wala talaga kong tiwala sa isang 'to. Malakas ang kutob ko na hindi dapat siya pagkatiwalaan. Parehas sila ni Nicolas.
"Nasaan siya?" tanong ko sa tauhan niya ng hindi nagpapakita ng takot.
Kapag nalaman niyang natatakot ako, siguradong mas matutuwa siya. Kung wala akong tiwala kay Nicolas aba mas lalo na sa mga tauhan niya.
"Nasa loob ng kotse," sagot niya pero hindi ako naniniwala.
Maraming kotse at lalagpas yata sa trenta ang sasakyan kaya bakit ako maniniwala sa kanya? Baka scam niya lang 'yan para isakay ako sa kotse tapos bigla na lang patayin at itapon sa tabing ilog.
"Gusto ko siyang makita bago ako sumakay ng kotse—"
"Ako na ang bahala sa kanya, Marc," saad ni Nicolas at mabilis naman na umalis ang lalaking 'yon.
Napatingin ako sa likuran ni Marc at nakita ko si Nicolas na suot ang pant at nakapang-americano na naman siya tulad ng karaniwang sinusuot niya. May salamit pang itim a nakapasak sa mga mata niya na mukhang mamahalin talaga. Ang salaming niyang pumoprotekta sa napakataas na sikat ng araw.
"Bakit mo ko pinapatawag? May pasok pa ko sa trabaho ko—"
"Alam ko," aniya ng hindi ako pinapatapos sa sasabihin ko.
Bakit ba nakalimutan kong pinaimbinstigahan ako ng isang 'to? Malamang alam na niya lahat ng tungkol sa akin. Baka nga pati tungkol sa kung kailan ako unang nadatnan ay alam niya o kaya naman ay kung kailan ako na dadatnan.
"Alam mo pala. So, pwedeng sa susunod na tayo mag-usap? Papasok na ko sa trabaho ko. Hindi rin naman kita tatakasan," sambit ko sa kanya.
Sa huli desisyon ko pa rin naman ay ang pakasalan siya dahil hindi pa ko pwedeng mamatay para kila Ayeza. Pero kahit desisyon ko nang pakasalan siya, hindi ko pa rin sasabihin sa kanya ang desisyon ko ngayon dahil gusto ko munang sulitin ang pagiging dalagang Pilipina ko.
"Sumakay ka na sa kotse ko. Ihahatid na kita," aniya.
"'Wag na. Malapit lang naman dito 'yon tsaka baka may makakita pa sa akin na katrabaho ko tapos magtaka pa. Janitress tapos nakasakay sa isang mamahaling sasakyan ay may kasama pang mga tauhan," natatawang saad ko at napatingin sa mga tauhan niyang nasa initan.
Magkano kaya sweldo nila dito sa demonyong 'to? Kung malaki ang sweldo nila baka mag apply na lang ako bilang body guard ng demonyo. Mukhang wala naman silang ginagawa kundi ang tumayo lang at panoorin na pumatay ang amo nila. Kaya lang baka naman mahimatay ako sa tuwing makikita kong pumapatay ang demonyong 'to.
"Sasakay ka o pasasabugin ko ang ulo mo dito sa kalye?" seryong saad niya
Napakamot ako sa noo ko na baka mabutas ng wala sa oras. Ibang klase talagang manakot ang demonyong 'to. Mapapadasal ka talaga sa lahat ng santo.
"Ito na nga oh. Saan ba dito ang sasakyan mo? Ang dami e," saad ko habang nakatingin sa nakahilerang sasakyan.
Siguro milyon-milyon ang halaga ng bawat sasakyan n'ya. Minsan mapapaisip na lang talaga ako kung bakit may mayayaman at may dukha na katulad ko. Mabuti na lang talaga at maganda ako.
"Let's go here," sambit niya at tinalikuran na lang ako basta.
Agad naman akong sumunod sa kanya patungo sa panglabing limang sasakyan. Pinagbuksan siya ni Marc ng pinto na mukang ito nag kanyang kanang kamay o baka bida-bidahan lang talaga si Marc. Naunang sumakay si Nicolas at agad naman akong sumunod.
Tiniganan ko sa labas ang mga tauhan niya na sabay-sabay din na pumasok sa mga sasakyan nila tulad ng pagkakasabay-sabay nila ng lumabas sila ng kotse. Minsan talaga mamangha na lang tayo sa mga simpleng bagay. Mahirap din kayang i-practice ang pagsasabay-sabay.
"Anong desisyon mo tungkol sa alok kong kasal?" Nawala ang tingin ko sa labas at nalipat sa lalaking katabi ko.
Mabuti na lang talaga ang hindi ako nasusunod kapag kasama ko siya. Demonyo kasi e. Mamatay tao.
"Nag-iisip pa rin ako," sagot ko. "Hindi naman kasi isang condom ang kasal na pwede mo na lang ipasok sa kung kani-kanino."
Ang daming tao sa mundo pero ang buhay ko pa ang napag-trip-an ng isang demonyo. Awang-awa ako sa sarili ko. Akala ko malalayo na ko sa mga lalaking basura ang ugali pero mukhang mas malala pa isang basurang ugali ang mapapangasawa ko.
"Wala namang mawawala sa'yo kung papakasalan mo ko. Magkakapera ka pa nga," sambit niya pa.
Nagsalubong ang kilay ko sa kanya dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang napili niyang pakasalan. Hindi naman siguro dahil sa sinabihan ko siya na sana tumanda siyang mag-isa.
"Bakit ako, Nicolas? Bakit sa dami-dami ng babae sa mundo na mas maayos kesa sa akin, ako pa ang napili mo? Trip mo ba dalhin sa impyerno buhay ko?" natatawang tanong ko sa kanya.
"'Wag ka nang magtanong. Basta kailangan kita, tapos ang usapan."