Agatha Beatrix's POV
Hindi ko alam kung bakit ba paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang lalaking 'yon. Hanggang ngayon pala isipan pa rin sa akin kung bakit ako? Bakit ako pa ang napili niya para pakasalan. Minsan na nga lang akong mapili tapos ng demonyo pa. Tanginang buhay 'to.
Napabuntong hininga ako at ibinabad sa tubig ang map na hawak ko at piniga ito gamit ang kamay ko. Nang mapiga ko ito ng maigi, sinimulan ko na itong ilapad sa tiles ng mall. Pinunasan ko ito ng maiigi at paulit-ulit dahil sa mga padaan-daan na mga tao. Bakit ba naman kasi dito pa ko sa pinakamataas na floor na destino. Ang daming tao na nanonood ng sine tapos pabalik-balik pa.
Ang sakit na ng balakan ko sa paulit-ulit na pagpapaputi ng sahig pero wala eh. Kailangan kong magtiis para sa pambayad ng upa sa apartment. Kailangan ko talaga mag double job kahit pa paano dahil hindi naman pwede si Ayeza. May anak siyang dapat alagaan kaya isang trabaho lang ang nagagawa n'ya.
Ang dami ko na ngang problemang kinahaharap tapos may dumagdag pa. Bakit namna ganito? Ang daming kong problema kahit hindi pa nga ako tapos sa isa kong problema. Sana talaga hindi ko muna makita ang demonyong tae na 'yon. Sa tuwing makikita ko kasi siya nagsisimulang lumabas mga kulubot sa mukha ko.
"Ay shuta!" sigaw ko ng aksidente kong mabangga ang lalagyanan ng mop na may tubig pa.
Mabili ko itong itinayo pero wala rin dahil natapos na lahat ng tubig. Hinanda ko agad ang mop ko para punasan ang basa dahil baka makita pa ko ng manager ko dito. Mabilis ang pag m-mop ko ng mapansi ko na may isang pares ng sapatos na nakaharang sa nililinis ko. Sapatos pambabae.
Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at para akong nakakita ng isang elepante na umuusok ang ilong sa galit.
"Pasensya na po, ma'am. Hindi ko po sinasadya na mabasa po kayo. Pasensya na po talaga," sunod-sunod na sambit ko.
Kinuha ko ang tuyo at malinis na pamunas sa bulsa ko at lumuhod ako sa harapan ng babae para punasan ang sapatos n'ya. Hindi ko dapat 'to ginagawa pero kailangan dahil kailangan ko ang trabahong ito. Kailangan ko ng pera at hindi ko pwedeng itaas ang pride ko at mag-inarte.
"b***h! Alam mo ba kung magkano ang sapatos ko?!" Mabilis niyang inilayo sa akin ang sapatos niya at sinipa ang hita ko.
Napakagatabi ako sa sakit ng pagkakasipa niya pero kinalma ko lang ang sarili ko na sabunutan ang babaeng 'to. Sa huli ako rin naman ang lalabas na mali. Ika nga nila, customer is always right. Mas maiiging tiisin ko muna 'to para sa pera kesa ang mawalan ng trabaho. Hindi pa naman madaling matanggap sa trabaho ang tulad kong 1st year college lang naman.
"Gosh! Kulang pa ang isang taon mong sweldo sa sapatos ko! f**k you, b***h!" sigaw niya sa akin at sinipa pa muli ang tuhod ko.
Napayuko na lamang ako at dinama ang kahihiyan na nakukuha ko. Hinayaan ko na lamang na mailabas ng babaeng 'to ang galit niya sa akin kesa naman pagbayarin pa niya ko sa sapatos niya. Nabasa lang naman 'yong sapatos niya. Pwede naman patuyuin. Tsaka mukhang mahal 'yong sapatos niya kaya sure ako na matibay 'yan. Sapatos ko na binili ko lang sa Divisoria, pwede sa baha e.
"Sorry po, ma'am," pagpapakumbaba ko.
Walanghiyang demonyo talaga na 'yon. Kung hindi ko lang siya iniisip baka maayos kong nagagawa ang trabaho ko ngayon.
"Anong sorry? Nasaan ang manager n'yo dito hah?!" sigaw pa niya.
Napatingala ako sa kanya at sumalubong sa akin ang mga mata niyang galit na galit talaga sa akin. Grabe naman. Bakit ba puro na lang matapobre nakakasalumuha ko? Ang unfair talaga ng mundo! Pinipilit ko naman na magsumikap pero hindi ko magawa dahil sa mga tulad nila na grabe talaga kung mang-away.
"Mawawalan po ako ng trabaho, ma'am. Hindi ko naman po talaga sinasadya," mahinahon na sambit ko kahit nawawalan na ko ng pasensya.
Gustong-gusto ko na rin siyang sipain ngayon. Ang hirap kayang maglaba tapos sisipain niya lang 'yong damit ko? Aba baka gusto niyang tuluyan ko talaga ang sapatos niya o kaya at papuluhan ko ang labi niya dahil sa kamao ko.
"Wala akong pake! Ang manager mo ang gusto ko! Nasaan siya!" hiyaw niya muli na nakakabasag talaga ng eardrums.
Lord, gabayan niyo po ako na hindi ko masaktan ang babaeng 'to. Kailangan ko ng trabaho at pera. Hindi ako pwedeng maging pabigat lang. Kailangan kong mag doble kayod talaga.
"Ma'am, what happened here?" Napatayo agad ako nang dumating ang manager ko kasama ang dalawang body guard.
Sa wakas nakatayo na rin ako mula sa pagkakaluhod. Ang sakit na nga ng balakang ko tapos ang sakit pa ng tuhod ko dahil sa pagkakasipa at pagkakaluhod. Napaka-attitude ng babaeng 'to. Galit na galit sa akin porket nabasa ko ang sapatois niya. Kung mumurahin lang 'yong sapatos niya baka sinungalngal ko na sa kanya 'yong mop.
"Itong janitress n'yo, tinapunan ng maruming tubig ang sapatos ko. My gosh! This is limited edition! Baka kaht sweldo mo bilang manager, hindi mo mabayaran 'to!" pang-iinsulto niya pa sa manager namin.
Mukhang attitude talaga siya dahil kahit ang manager ay iniinsulta pa niya. Ngayon alam ko nang hindi talaga kasalanan ng magulang kung bakit lumalaki ang anak nila na masama. Bakit naman kasi ako? Wala namang akong magulang na nagpalaki sa akin pero kahit pa paano alam ko kung paano makipagkapwa tao pero ang isang 'to? Mukha siyang may pamilya at mayaman pero masama na talaga ang ugali siya.
"Ma'am sa office na lang po tayo ma usap-usap para hindi tayo makaabala sa ibang mga tao," magalang na sambit ng manager ko.
Sigurado kong nagtitimpi lang din siya sa sinabi ng babaeng 'to. Sino ba naman kasi ang taong matutuwa kapag ininsulto ang trabaho 'di ba? Lahat ng trabaho may halaga kahit na janitress pa 'yon o manager. Isipin na lang niya kung wala ang manager na tulad ng manaeger ko at ang janitress na katulad ko. Sobrang laking kawalan namin.
"No! Dito tayo mag-uusap! Gusto kong mawala ng trabaho ang babaeng 'to!" tinuro ako ng babaeng mukhang elepante.
Kung makikita lang siya ni Ayeza na ginaganito ako baka nakatanggap na siya ng malakas na pagsipa mula sa kaibigan ko.
"Ma'am pwede naman po natin idaan ito sa maayos na usapan," mahinahon na sambit ng manager ko.
Alam niyang malaki ang pangangailangan ko kaya sigurado kong naaawa na siya sa akin ngayon. Siya pa naman ang nagpasok sa akin sa trabahong ito pero sakit ng ulo lang ang naisukli ko sa kanya.
"Kung ayaw mo siyang alisin then mas maganda kung dalawa kayong mawawala," mataray na saad niya.
Nabigla ako dahil hindi ko maatim na mawalan ng trabaho si Manager Marla. The best na manager si Ms. Marla. Kayang-kaya niyang i-handle ang restaurant o buong mall man. Nakakahiya dahil ako pa talaga ang mag-aalis sa kanya.
"Alisin mo na lang ako, Ms. Marla," sambit ko at pinulot na ang mop ko.
Isa-isa kong inayos ito dahil mukhang dagdag kamalasan na naman ako ngayong araw.Mawawalan ako ng isang trabaho ng dahil sa isang attitude na customer.
"Mabuti naman." Nakataas ang kilay ng attichona na 'to sa akin na para bang legit ang kilay niya e halata namang tattoo lang "Hindi kailangan ng mall na 'to ang empleyadong katulad mo. Nagtataka nga ako kung bakit ka pa na tanggap dito. Siguro ginamitan mo ng katawan mo," aniya.
Siguro naman pwede na kong gumanti ngayon sa kanya dahil wala naman na kong trabaho e. Pwede ko na rin siyang bigyan ng isang malaking trast talk!
"Inggit ka lang kasi ako maganda kahit na mahirap lang ako pero ikaw... Pangit ka kahit na mamahalin pang damit ang isuot mo. Pangit kka kahit mamahaling make-up pa ang gamit mo. Galit ka sa akin kasi na iinggit ka kasi ako sext at lahat ng damit bagay sa akin pero sa'yo? Wala! Mukha kang elepante sa Manila Zoo!" mahabang lintaya ko.
Lahat ng galit at inis ko sa kanya kanina ay inilalabas ko gamit ang salita. Pasalamat nga siya at hindi ko pa siya sinasabunutan e.
"Shame on you! Halatang palangkera ka!" hiyaw niya sa akin pabalik at humakbang pa palapit sa akin.
Itinaas ko naman ang manggas ng damit ko dahil mukhang naghahamon ng away ang isang 'to sa paghakbang niya papalapit sa akin.
"Ano naman kung palengkera? Kesa naman sa'yo na mukhang baboy na tinitinda sa palengke. Baboy na nilalangaw. Pero dahil yayamanin ka kaya mukha ka ng letchon sa laloma na may bulate naman sa loob!" Tinaasan ko rin siya ng kilay at pumagitna na sa amin ang dalawang guard pero ako akong pake.
Siya ang nauna. Dahil sa kanya kaya nawalan ako ng tabaho kaya dapat ko lang na iganti ang sarili ko. Akala niya basta-basta na lang akong papayag na awayin niya ko.
"Agatha." Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko ang demonyong si Nicolas kasama ang mga asungot niyang tauhan at na ngunguna pa si Marc.
Naglakad siya papalapit sa akin habang nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa likuran niya. Ito na naman siya para mas lalo pa kong ipahita. Siguradio naman na hindi ako ang kakampihan niya.
"Oh nandito ka na pala? Anong idadagdag mong salita sa akin?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at basta na lang niyang inilahad ang kamay niya sa harapan ng babaeng mukhang elepante na para bang niyaya niya itong sumayaw. Akala ko ba ako ang gusto niyang pakasalan? Sira talaga ang ulo nito.
Parang tanga naman 'tong babae kung makangiti at parang uod na kilig na kilig. Kadire. Kinikilig na siya sa demonyong 'yan? Ew hah. Kadire talaga.
"So handsome," sambit ng babaeng elepante at dahan-dahan na inilahad ang kamay kay Nicolas.
Pagkalahad ng kamay niya sa kamay Nicolas mabilis siyang inikot ni Nicolas gamit ang isang kamay at sinipa sa pwetan. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa braso ni Nicolas sa sobrang tuwa ko.
"Hoy! Ang galin mo!" masayang sambit ko.
Sa lahat ng ginawa niya ngayon lang ako natuwa. Akala ko habang buhay na niyang bibigyan ng malas ang buhay ko pero hindi pala. May mabuti rin pala siyang gagawin.
"Buti nga sa'yo! Bagay lang 'yan sa pang-iinsulto mo sa amin!" sigaw ko sa babaeng nakadapa sa sahig na marumi.
Gusto ko man maawa sa kanya pero sa tuwing naalala ko ang sinabi niyang pang-iinsulto sa amin ng manager ko, naiinis ako. Hindi naman kasi namin deserve ang gano'n treatment galing sa kanila. Ang gusto lang namin ay respeto at hindi diskriminasyon sa trabaho.
Inalis ni Nicolas ang kamay ko sa braso niya kaya bigla akong napalayo sa kanya. Bakit ko ba hinahawakan ang braso niya? Dapat galit ako sa kanya dahil mamatay tao siya at demonyo siya.
"Tara na. Iuuwi na kita," sambit niya sa akin.
"Wag na. Kukunin ko pa ang mga gamit ko sa locker," sambit ko at mabilis siyang tinalukuran.
Binigyan ko pa ng masamang tingin ang babaeng nakasalampak pa rin sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasipa sa kanya bago naglakad paalis. Nakaka-apat na hakbang pa lamang ako ng biglang may humawak sa siko ko at basta na lang akong hinila. Naguguluhang napatingin ako kay Nicolas na siyang humihila sa akin papunta sa labas ng mall.
"Hoy! Saan mo na naman ako dadalhin hah?" inis na tanong ko sa kanya.
Parang tanga ang isang 'to na bigla-bigla na lamang akong hinihila basta maisipan niya. 'Yong gamit ko nga hindi ko pa nakukuha. Nandoon ang cellphone ko tsaka damit ko.
"Sinabi kong iuuwi na kita. Ang sinabi ko ang masusunod at hindi ang sinabi mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo," aniya.
Ito na naman tayo sa pasasabugin ang ulo. Napatigil tuloy ako sa pagpupumiglas sa takot ko sa kanya. Ayoko pang mamatay hah. Ayokong malungkot ang mga maiiwan ko dito. Maraming lalaki ang iiyak kapag nawala ang pinakamagandang waitress.
Sinakay niya ko sa kotse niya at sumunod agad siya. Sinimula imaneobra ng driver niya ang kotse at nakasandal na lang ako sa salamin ng kotse niya. Dedma kung madumihan ko. Siya naman may gustong isakay ako.
"Pwede naman hintayin mo na lang ako tapos kukunin ko 'yong gamit ko," sambit ko sa kanya.
Sayang ang pamasahe ko kapag bumalik ako sa mall para lang sa gamit ko. Kahit pamasahe lang 'yon pwede ko pa rin ipandagdag sa pambayad ng utang namin.
"Ibibili na lang kita," maikling sambit niya.
Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko rin naman siya tatanggihan. Sayang din ang ibibigay niya hah. Grasya 'yon at masamang tanggihan ang grasya. Kaya lang kakaiba ang grasya ngayon dahil galing sa isang demonyo.
"Bakit mo nga pala ko tinulungan? Nakonsenya ka na siguro sa mga kasamaan mo," pagbibiro ko sa kanya.
Baka nauntog siya kanina at napagtanto lahat ng kademonyohan niya kaya bumabawi na siya ngayon.
"Is it wrong for me to help my fiancé? I want to defend my wife. I want to be the only one fighting with you and not the other person."