Agatha Beatrix's POV
Nakakapanibago dahil ang kama ko ay mas matigas pa sa isang alaga ng lalaki. Sobrang sarap ng hinihigan ko ngayon kaya imbis na dumilat ay nagbalak na lamang akong gumulong pero bakit parang hindi ako nawawala sa pwesto ko? Bakit nakapirmi lang ang katawan ko sa isang tabi kahit na anong galaw ang gawin ko?
Pakiramdam ko may nakataling bagay sa katawan ko kaya hindi ako makagulong. Imbis na matulog muli, iminulat ko na lamang ang mga mata ko.
"Puting kisame?" gulat na tanong ko sa sarili ko ng puti ang kisame na nasa harapan ko ngayon.
Kailan pa naging puti ang kisame ko? Alam ko kahoy lang 'yon at butas pa nga dahil sa ulan. Inikot ko ang mga mata ko sa kwarto at sigurado na ko ngayon na hindi ko 'to kwarto. Mas lalong hindi rin ito kwarto ng kaibigan kong si Ayeza na kasama ko sa iisang apartment.
Sobrang laki ng kwarto pero isang malaking kama lang ang laman. Wala man lang dekorasyon o kahit isang larawan.
"Nasaan ako? Sino na naman bang lalaki ang pinuntahan ko—"
Napahinto ako sa pagsasalita ng dahan-dahan sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Parang isang motor na sumagasa sa akin noong nakaraan ang dibdib ko ngayon. Sobrang bilis ng kabog nito at rinig na rinig ko pa.
Tumayo ako sa kama pero mabilis din na bumagsak sa kama dahil sa pagkirot ng kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong nakatali pala sa magkabilaan. Hindi lang 'yon dahil pati ang mga paa ko ay nakatali. Nagmistulang letter X tuloy ako ngayon.
"Buhay pa ko! Buhay pa ko!" Masayang sigaw ko.
Dedma kung nakatali man ako ngayon basta ang mahalaga buhay pa ko. Hanggat buhay pa ko, may pag-asa pa rin ako na mabubuhay para makawala sa demonyong kumuha sa akin.
Napatingin ako sa damit ko este panloob ko. Panloob na lang ang suot ko ngayon as in! Bra at panty tapos wala pa kong kumot. Bakit pa ba ko aasa kung isang demonyo naman ang nakakuha sa akin. Mukha wala rin namang nangyaring kababalaghan dahil maayos pa rin ang p********e ko. Wala pa rin namang kirot.
Paano naman kaya ako maka-aalis nito? Ang higpit-higpit pa naman ng pagkakatali niya sa akin at siguradong masasaktan lang ako.
"Tulong! Tulong!"
"Shut up!"
Napatingin agad ako sa taong nakatayo sa isang pinto. Kung ako ay naka panty at bra lang aba mas malala ang isang 'to. Tanging tuwalya na nasa bewang lamang ang tumatakip sa katawan niya.
Dahan-dahan na bumuka ang bibig ko habang nakatingin sa dibdib niya pababa sa ulam este abs niya. Hindi ko alam na hindi lang pala basta gwapo ang demonyong 'to dahil maganda rin ang pangangatawan niya. Mas lalo tuloy akong naniwala na daks talaga ang isang 'to.
"Ang ingay-ingay mo. Kababaeng tao," umiiling na saad niya.
Kung hindi niya lang hawak ang buhay ko baka inirapan ko na siya. Punyemas na 'to! Pati boses ko pinapansin niya.
"Pakawalan mo na kasi ako. Kakalimutan ko naman 'yong nakita ko," mahinang saad ko. "Tsaka kanina pa ko nangangalay sa pagkakatali e."
Bukang-buka na nga ang braso ko tapos bukang-buka pa ang hita ko. Hindi naman kasi flexible ang katawan ko kaya baka mamaya bigla na lang may tumunog tapos buto ko na pala. Nabali na pala 'yong buto ko.
"Why would I?" tanong niya sa akin.
Mabuti na lang talaga at may alam ako sa english kahit first year college lang ang natapos ko. Panay kasi englishero ang mga nakakausap ko sa bar. Minsan nga umaabot pa sa punto na dumudugo talaga ang ilong ko dahil sa pag e-english nila.
"Kasi mabait ka," nakangiting sambit ko sa kanya.
Kung may award lang talaga sa pagiging plastikada baka ako na ang nanalo internationally. Aminadong plastikada pero hindi naman mamamatay tao tulad ng isang 'to.
Sa totoo lang kanina pa ko natatakot sa kanya dahil tandang-tanda ko pa rin ang pagtama ng bala sa noo nang kausap niya kahapon. Takot pa rin akong mamatay sa napakabatang edad ko.
"Mabait huh," nakangising saad niya at naupo sa gilid ng kama.
Napatingin ang mapupungay niyang mga mata sa dibdib ko na natatakpan ng kaonting tela pababa sa puson ko. Napakagat labi ako at kinilabutan habang pinapanood siyang nakatingin sa katawan ko. Hindi naman niya ko hinahawakan pero pakiramdam ko nakalapat ang mga kamay niya sa akin.
"Damn it," mahinang asik niya at napatayo sa kama.
Mabilis siyang tumalikod sa akin at naglakad papunta sa isang pintuan. Pumasok siya doon ng hindi man lang ako pinapakawalan mula sa tali. Mukhang hindi talaga madadaan sa pang-uuto ang demonyong 'yon.
Hindi lang basta matigas ang puso niya dahil mukhang wala talaga siyang puso. Kung makapatay nga siya kahapon parang wala lang ang buhay. Malamang sanay na sanay na siya sa gano'n gawain kaya bakit pa ba ko magugulat at magtataka? Siguro dapat ko na lamang tanggapin sa sarili ko na baka nga ito na ang nalalabi kong araw.
"Mama, papa, magkikita na po tayo," bulong ko sa sarili ko.
Muling bumukas ang pintuan na pinasukan ng lalaki at nakabihis na siya ng isang pants at nakapang-americano pa siya. Pero mas nakakaagaw pansin ang hawak niyang kutsilyo.
Handa na kong mamatay. Alam ko naman na ang mga magulang ko ang makikita ko sa kabilang buhay.
"Salamat," mahinang sambit ko sa kanya nang makarating siya sa tapat ng kama.
"What are you saying?" tanong niya sa akin.
Sayang ang kagwapuhan niya kung bingi naman pala.
"Ang yaman mo pero bingi ka naman pala. Ang dami mong pera tapos hindi ka makapagpalinis ng tenga mo," saad ko sa kanya.
"Wala akong oras makipaglokohan sa'yo," aniya.
Napatango na lamang ako sa kanya dahil mukhang gusto na nga niya talaga kong patayin. Mukhang hindi pa uso sa kanya ang salitang maghintay. Gusto niya agad-agad papatayin.
"Handa na ko," sambit ko at ipinikit ko na ang mga mata.
Alam kong katapusan ko na pero kahit pa paano ay masaya ako dahil hindi ako nakaramdam ng paghihirap. Ang iba, isang taon munang pinahihirapan bago mamatay pero ako sa isang iglap lang mamatay na ko.
"Baliw ka ba?" rinig kong tanong ng demonyo sa tabi ko.
Hinawakan niya pa ang kamay ko kasabay nang pagtanggal ng masikip na taling nakakabit sa akin. Muli kong minulat ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kanya na nasa paanan ko na ngayon at inaalis ang dalawang tali sa paa ko.
"A-Anong g-ginagawa m-mo?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya nang maalis na niya ang dalawang tali sa paa ko gamit ang kutsilyong hawak niya ngayon at ang tali na lamang sa kaliwang kamay ko ang hindi naaalis.
Buong akala ko ay ibabaon niya sa akin ang patalim na hawak niya at paulit-ulit akong pagsasasaksakin pero hindi pala. Pero baka mamaya niya pa gagawin. Nagkaroon na yata ako ng trust issue simula ng una ko siyang makita na inakala kong tutulungan ako pero lalaitin din pala ako.
"Sayang naman ang mata mo kung hindi mo gagamitin ng maayos," sarcastic sa saad niya at lumapit sa kaliwang kamay ko at pinutol na ang tali gamit ang kutsilyo pa rin.
Pakiramdam ko ginaya niya lang ang sinabi ko kanina tungkol sa tenga.
"Pinakawalan mo ko because?" tanong ko sa kanya at dahan-dahan na naupo sa kama.
Napahawak ako sa pulsuhan ko na namumula. Napatingin rin ako sa paa ko na may sugat pa pala dahil sa pagkakatapilok ko. Mas inintindi ko talaga ang kamay at paa ko dahil wala naman akong pake kung nakikita niya ang katawan ko na natatakpan lang ng kaonting tela.
Sanay na sanay akong pinagnanasahan ng mga lalaki ang katawan ko at sanay ako sa mga damitan na maiikli kaya parang wala na sa akin 'to. Basta alam ko sa sarili ko na malinis ako.
"Kumain ka na lang. Parating na ang pagkain dito," sambit niya.
"Papakainin mo pa talaga ko bago mo ko patayin?" natatawang tanong ko sa kanya.
Sabagay may point naman siya. Mahaba rin ang byahe papuntang langit. Hindi pa nga sigurado kung sa langit ba ko mapupunta o babagsak na lang sa impyerno.
"Saan mo naman nakuha 'yan? Napapatayin kita hah?" sarcastic na sambit niya at naupo sa tabi ko.
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko pero isang segundo lang 'yon at umangat din sa mukha ko.
"Bakit hindi ba?" tanong ko sa kanya.
Baka mamaya niloloko lang niya ko tapos papatayin niya pala talaga ako. Mabilis pa naman akong mapaniwala.
"Nakalimutan mo yata ang sinabi ko. Palibhasa takot na takot ka kahapon," aniya.
Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa kanya na may hawak na baril tapos itinutok pa sa noo ko? Lokohan ba kami rito? Sa tingin niya gano'n-gano'n na lang sa akin.
"Dedma sa sinabi mo. Pwede na ba kong umuwi?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Hindi naman na niya ko papatayin e 'di ibig sabihin pwede na kong umuwi. Baka mamaya kanina pa ko hinihintay ni Ayeza sa bahay. Siguradong batok de gulat ang matatanggap ko sa kanya.
"No. Dito ka lang sa bahay ko dahil may pag-uusapan pa tayo," aniya.
Pag-uusapan? Piling close naman siya agad sa akin. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.
"Teka sino ka ba?" kunot nong tanong ko sa kanya.
Nagsalubong din ang kilay niya tulad ko, "Sino ka rin ba?"
"Hoy! Hindi ako sinuka hah! Inere ako ng nanay ko—"
"Kapag hindi ka tumigil sa mga walang kwentong biro mo, papasabugin ko talaga 'yang ulo mong walang laman," pagbabanta niya sa akin.
Dahan-dahan naman akong napaatras palayo sa kanya dahil sa takot. Alam ko naman na kayang-kaya niya kong patayin. Nagbabanta pa nga lang siya pero natatakot na ko.
"Ah eh, Pauline ang pangalan ko," pagpapakilala ko habang nakatingin sa kamay ko.
Hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil nakakatakot siya. Hindi pa naman ako patay pero kasama ko na agad ang demonyo.
"'Yong totoong pangalan mo ang gusto kong malaman kung ayaw mong mamatay," aniya.
Napakagat labi ako dahil alam niya pala na nagsisinungaling lang ako. Eh 'di siya na.
"Agatha Beatrix..."
"Beatrix," tumindig ang balahibo ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko.
Parang mga sundalo ang balahibo ko na sabay-sabay pang sumasaludo sa kanya.
"A-Agatha na lang," mahinang saad ko.
Hindi ako sanay na may tumatawag sa akin gamit ang second name ko. Ang weird pakinggan ang Beatrix. Masyadong pang mayaman ang pangalan na 'yon. Hindi bagay sa magandang tulad ko pero mahirap naman pala.
"Hindi ako utusan mo. Itatawag ko sa'yo kung ano ang gusto ko," matigas na sambit niya.
"Sabi ko nga," kibit balikat na sambit ko.
Napakaarte hah. Bakla ba siya? Ibang level kasi 'yong pagiging maarte niya. Hindi ko ma-reach.
"And your surname?" tanong niya sa akin.
Pati ba naman ang apilyido ko, gusto pa niyang malaman. Baka pati type ng dugo ko gusto pa niyang malaman?
"Bakit pa? Papalitan mo?" pabirong tanong ko sa kanya na baka sakaling gumana ang joke ko ngayon.
Gusto ko lang naman mawala ang tensyon sa loob ng kwarto kaya nagbibiro ako. Kung sakali man na patayin niya ko bigla at least nabiro ko siya. Kahit pa paano naasar ko ang isang demonyo.
"Oo, papalitan ko talaga ang apelyido mo. Sinabi ko naman sa'yo, di ba? Hindi ako papayag na tumanda akong mag-isa dahil isasama kita, Bea."
Para akong tinapunan ng napakalamig na tubig sa mukha ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at kitang-kita sa kanyang mukha na seryoso nga siya. Hindi ko siya makitaan ng kahit kaonting pagbibiro man sa mukha niya.
"A-Anong i-ibig mong sabihin?" Dahan-dahan akong umalis sa kama kahit masakit pa ang paa ko.
Tumayo ako na may agwat sa kanya pero ang demonyong 'to ay tumayo rin sa kama. Naglakad siya papalapit sa akin at huminto sa harapan ko.
"Magpapakasal tayo," diretsahang sambit niya.
Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang walang utak. Kung ako ba o siya na. Magpapakasal sa akin? Tanga ba siya? Demonyong tanga?
"Hah? Sino ka ba? Hindi ko nga alam pangalan mo tapos gusto mong pakasalan kita? Baliw ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Nicolas Andrez Sylvester, that's my name," aniya.
Nicolas pala ang pangalan niya. Akala ko kasi Damon o kaya ay Hell. Mukha kasi siyang demonyo sa sobrang sama niya kaya akala ko ipinangalan siya sa demonyo.
"O-Okay. Pwede na ba kong umuwi?" tanong ko sa kanya.
Alam ko naman na maganda ako pero dapat bang pikutin ako ng tulad niyang gwapo pero demonyo naman? Kahit na daks pa siya at gwapo, hindi ko pa rin siya papatulan. Ang dami ko ng naging ex na sobrang sama katulad niya kaya bakit ko ba dadagdagan? Nangako ako sa sarili ko na sarili ko naman.
"Hindi ka uuwi. Ikakasal pa tayo," aniya.
"Ano?! Ngayon na ba 'yon? Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna? Bawal bang mag-isip? Bata pa ko para sa tulad mo hah," pahina nang pahina na saad ko.
"What? Are you saying that I am old for you, Agatha Beatrix Silario?"
"Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako—"
Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko nang mapagtanto ko na alam pala niya ang apelyido ko.
"Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang apilyido ko hah," kabadong sambit ko.
Dahan-dahan na napaatras ang mga paa ko dahil sa sobrang creepy ng taong 'to. Kanina lang may patanong-tanong pa siya sa pangalan ko at apilyido tapos mukhang alam naman niya.
"I know everything about you. I know you need money. So, marry me and I will give you all you need," saad niya.
Mukhang pinaimbistigahan na niya ko. Sa yaman ba naman niya at ang dami pa niyang tauhan kaya madali na lang sa kanya ang magpaimbistiga.
"P-Pwedeng mag-isip? Bigyan mo lang ako ng ilang mga araw," pakiusap ko sa kanya.
Mahirap ang gusto niya. Hindi ko nga alam kung ano ba ang mayroon sa akin para ipangalandakan niya ang sarili niya na pakasalan ako. Baliw talaga.
"Bibigyan kita ng ilang araw pero siguraduhin mo lang na hindi ka tatakas. Kapag tumakas ka, patay ka at kapag tumanggi ka na pakasalan ako, patay ka pa rin," sambit niya.
Wala naman pala kong pagpipilian na makakabuti para sa akin.
"H-Hindi ako t-tatakas. Mag-iisip lang talaga ko," mahinang saad ko.
Mag-iisip kung dapat bang mamuhay ako kasama ang isang demonyo o mamatay na lang agad.
"That's good because I want you to live in hell with me, Beatrix."