Agatha Beatrix's POV Kanina pa pabaling-baling ang ulo ko sa kung saan-saan dahil sa sobrang kaba ko. Hindi ko makalma ang ulo ko sa iisang angulo pati sa kinauupuan ko at hindi ko maikalma ang sarili ko kahit na sobrang lambot naman inuupuan ko. Ilang kanto na lang at malapit na kami sa tapat ng bahay kaya mas lalo pa akong kinabahan. "Gutom ka ba?" tanong ng lalaking katabi ko. Napalingon ako sa kanya at napailing lamang ako bilang pagsagot ko at muling napatingin sa harapan. Napakamot pa ako sa balikat ko ng mangati ako bigla. Napakagat pa ako sa balat ng hintuturo ko dahil ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko. "Hindi ka pa kumakain," ani pa ni NIcolas. "Alam ko," tipid na sgaot ko. Napakuyakoy ako ang tuhod ko habang bumabyahe ang sasakyan kaya ramdam ko ang bahagyang pagka-a