Agatha Beatrix's POV Pagkalabas ko ng banyo habang nakatapis ng tuwalya agad akong pumasok sa walk in closet ni Nicolas at hindi siya pinansin na nakaupo lamang sa sofa habang nagkakape. Binuksan ko ang drawer n'ya at humanap ng damit niya na pwede kong suotin pero wala. "Ano ba 'yan!" iritadong sigaw ko. Nauubos ang pasenya ko. Nakatulog nga ako ng maayos ay walong oras pa pero grabe naman ang kaba ko. Hindi pa ko kumakain o umiinom ng kahit ano dahil ununa ko ang pagligo ko para makauwi na sa bahay. Ala-una na ng tanghali pero wala pa rin akong damit. "Ano na naman ba ang problema mo? Sigaw ka nang sigaw diyan," kalmadong sambit ni Nicolas sa likod ko. Nilingon ko siya at mas nairita lang ako dahil ang ganda ng gising niya pero ako naiirita agad. Iwasan ko man na 'wag mairita pero h