Agatha Beatrix's POV "Aalis na ba talaga kayo?" tanong sa akin ni Ayeza. Masyadong napasarap ang pag kwe-kwentuhan namin ngayon pero mukhang kanina pa naiinip ang kasama ko kaya gusto ko nang umalis. Kanina ko pa rin gustong awayin si Nicolas dahil sa sinabi niya agad-agad kay Ayeza. "Oo, aasikasuhin pa kasi namin ang sa kasal namin," nakangiting sagot ko at napatingin kay Nicolas na nasa labas na habang nakapamulsa pa ang kanang kamay niya sa bulsa. Bakit ba lumabas agad siya? Gusto ba talaga niyang magpapogi sa mga kapit-bahay namin? Sabihin niya lang at ibebenta ko siya sa mga kapit-bahay namin kahit isang araw lang. Bawat araw, iba-ibang mga kapit-bahay ko ang pag pye-pyestahan siya. Papansin e. "Sayang naman. Balak ko pa naman damihan ang hapunan natin," saad pa n'ya. Gusto ko