Agatha Beatrix's POV
Nakakabobo 'tong si Nicolas. Sobrang lakas ng apog na pagbantaan ako na papatayin n'ya ko tapos bigla na lang niya kong ipagtatanggol? Nakakapanibago lang tapos 'yong dahilan n'ya pang demonyo talaga. Ayaw niyang may ibang umaaway sa akin dahil ang gusto niya ay siya lang ang umaapi sa akin.
"Ayeza, mamalengke ako para sa lulutuin mong pananghalian," sambit ko sa kaibigan kong naglalaba ng mga damit namin.
Araw ng labahan ngayon kaya naglalaba si Ayeza. Siya lang naman maalam sa paglalaba ng mga damit namin kaya ako naman ang bahala ngayon sa anak niyang hawak ko ngayon. Dalawang taon na si Jaxiel kaya nakakalakad na siya.
"Mag-ingat hah. Kahit mawala ka na 'wag lang ang anak ko," sambit into habang pinaghihiwalay ang mga de color na damit.
Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga 'talaga si Ayeza o baka sadyang isang huwarang ina lang siya kay Jaxiel. Iba talaga magmahal ang isang ina sa kanyang anak. Pero ako wala talaga sa isip ko na magkaanak.
"Oo na," sambit ko at inirapan siya.
Tinalikuran ko na siya at hinila ko na si Jaxiel palabas ng apartment namin. Binuksan ko ang pintuan at inalalayan kong humakbang papalabas si Jaxiel. Napatingin ako sa kalangitan na may araw na. Mabuti na lamang at umagang-umaga pa lang kaya hindi masyadong masakit sa balat ang araw.
"Jaxiel, anong gusto mong ulamin?" tanong ko sa pamangkin ko habang naglalakad kami sa gilid g kalsada patungo sa palengke.
Sa susunod na kanto lang ang palengke namin kaya ayos na ayos lang kung lalakaarin. Hindi rin naman masyadong marami ang bibilhin ko dahil may bigas na kami. Kailangan ko lang talaga na bilhin ang nasa listahan na ibigay sa akin ni Ayeza.
Hindi naman ako nakakuha ng sagot mula kay Jaxiel kaya tumingin na lamang ako sa kalyeng nilalakaran namin. Bakit ko pa ba tinatanong si Jaxiel eh dinaig pa niya ang isang pipi kapag ako ang kasama o kahit ang ibang tao maliban sa mama niya. Tsaka kahit naman sumagot siya, hindi ko pa rin susundin dahil may listahan akong dapat na sundin.
Napatingin ako sa gilid namin ng may itim na kotseng huminto. Hindi lang isa dahil pila-pila na naman. Hindi na ko magugulat kung mga tauhan na naman 'to ni Nicolas the demonyo.Kailangan bang sundan pa niya ko?
"Kotse!" Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa paghinto nitong ni Jaxiel. Hiniwakan ko ng mahigpit ang kamat ni Jaxiel dahil baka takbuhin niya ang sasakyan at magasgas pa niya.
Demonyo pa naman ang may-ari ng kotse na 'yan ay baka saktan pa niya ang pamangkin ko. Ang demonyo pa naman ay pumapatol sa kung kani-kanino. Baka mamaya kapag nasaktan pa si Jaxiel, mabatukan ako ng kaibiga ko. Sobra pa naman ang pagmamahal ni Ayeza sa anak niya dahil kamukhang-kamukha kasi ni Jaxiel ang ama niya kaya gano'n.
"Jaxiel, masasama ang may-ari ng kotseng 'yan kaya tara na," sambit ko kay Jaxiel pero bigla naman siyang naglumpasay sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko dahil malalagot talaga ko kayy Ayeza nito. Kaya mabilis kong kinarga si Jaxiel kasabay ng pagbukas ng sasakyan nang sabay-sabay. Tulad ng una, sabay-sabay pa rin sila. Walang labis at walang kulang. Tama nga ako. Mga tauhan nga ng demonyo 'to.
"Tita, kotse! Kotse! Kotse!"
Paulit-ulit na isinisigaw ni Jaxiel ang kotse kahit wala namang special sa kotse nila. Kung tutuisin mas gugustuhin kong sumakay sa jeep dahil doon presyo pero sa kotse niya, malamig nga pero katabi mo naman ang isang demonyo.
"Jaxiel, mamili muna tayo tapos balik tayo dito para hindi magalit mama mo," pang uuto ko sa pamangkin ko.
Bakit ba naman kasi nandito na naman sa paligid ko ang demonyong 'to. Nagpapalakas ba siya sa akin? Hindi ba siya marunong maghintay ng sagot ko? Akala niya yata tatakaas ako kahit na wala naman akong mapupuntahan. Mukhang wala na nga talaga kong kawala sa demonyong 'to. Habang buhay na nga yata akong makukulong sa kanya.
"Bakit ganyan ang suot mo, Agatha?" Napairap ako dahil kilalang-kilala ko kung sino ang tumawag sa akin.
Minsan tatawagin niya kong Beatrix o kaya naman Bea dahil sariling nickname niya sa akin. Tapos ngayon Agatha na talaga. Baka mamaya Agatae na ang itawag n'ya sa akin.
"Tita, tinatanong ka," sambit sa akin ni Jaxiel at tinuro pa ang tao sa likuran ko.
Napapikit ako ng madiin pero agad ding dumilat tsaka humarap sa demonyong ayaw patahimikin ang buhay ko. Ang demonyong papakasalan ko.
"Oh Demon— este Nicolas," saad ko na may pekeng ngiti.
Hindi niya suot ngayon ang americano n'ya at tanging puting polo lamang na nakatupi ang manggas hanggang siko at bukas ang bitones mula sa taas at pababa sa pangatlo. Suot n'ya rin ang iti niyang salamin na para bang isa siyang bampira na masusunod kapag tumitig sa araw.
"Anong suot 'yan?" iritadong tanong niya sa akin habang nakatingin sa suot ko.
Kung makatingin siya parang may mali sa spaghetti strap na top ko at shorts short ko. Haler! Mamalengke lang naman ako 'no. Wala namang mali sa suot ko lalo na at mainit ang panahon. Tsaka maputi naman ang kili-kili ko at pati na rin ang kuyukot ko.
"Bakit ano bang dapat kong suotin sa palengke? Panty at bra?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Siguro gusto na naman niyang makita ang katawan ko tulad noong nakaraan kaya ganyan siya. Gusto yata niyang mamili ako sa palengke na naka-panty at bra lang. Pwede naman.
"Dapat ko na bang simulan maghubad?" tanong ko sa kanya.
Ramdaman ko ang pagkurot akin ng maliit na daliri. Napatingin ako kay Jaxiel na kinurot pala ang pingi ko. Pinalakihan ko siya ng mga mata ko dahil marunong na siyang mangurot. Dati, ako ang nangungurot nang pisngi niya pero ngayon ako na ang kinukurot niya.
"Bakit mo 'yon ginawa?" gulat na tanong ko sa pamangkin ko.
"Malaswa raw kasi ang sinasabi mo," sagot ni Nicolas.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sabat siya ng sabat sa usapan namin. Hindi naman siya ang tinatanong ko.
"Teka bakit ba kasi nandito ka? Ang aga-aga pero nakabuntot na agad sa akin," iritadong saad ko.
Ayokong makita siya dito ni Ayeza dahil siguradong magagalit 'yon lalo na kapag nalaman niya ag ugali ng lalaking 'to. Gusto ko munang ihanda ang sarili ko batok ni Ayeza dahil hind niya magugustuhan na lumalapit na naman ako sa lalaking basura ang ugali para bumuo ng relasyon. Mas magagalit 'yon dahil ikakasal na agad ako ng bigla-bigla.
"Napadaan lang ako dito. 'Wag kang mag-isip na binubuntutan kita," irtadong saad niya at napaiwas pa ng tingin sa akin.
Nakita ko tuloy ang panga niya na nadedepina at ang ilong na pwede ko ng gamitin sa pag doorbell dahil sa tangos nito. Gwapo niya pero imposibleng magustuhan ko siya dahil sasaktan niya rin naman ako sa huli.
"Napadaan ka lang pala pero bakit bumaba ka pa ng kotse?" tanong ko sa kanya.
Kung hindi ko lang buhat-buhat si Jaxiel ngayon baka nakapamewang na ko sa kanya. Hindi naman kasi ako naniniwalang napadaan lang siya dito. Alam kong sinadya niya talaga dahil iniisip niyang tatakasan ko siya kaya todo ang pagbabantay niya sa akin.
"Binayaran mo ba ang kalsada?" sarcastic na saad nito.
Napairap na lamang ako dahil nasasayang lang ang oras ko sa demonyong 'to. Dapat kanina pa ko nasa palengke kung hindi lang sana dumating ang isang 'to. Palagi talagang nasasayang ang oras ko kapag nang gugulo na siya. Akala yata niya nakalimutan ko ng isa siyang demonyo matapos niya kong tulungan sa babaeng nanggulo sa sm.
"Mauna na ko sa'yo. Dumaan ka sa kalsadang 'to hanggang sa gusto mo," walang ganang sambit ko at tumalikod na sa kanya.
Nagsimula akong lumakad papalayo sa kanya habang nasa bisig ko ang pamangkin ko na nakatingin pa rin sa mga kotse.
"Sumakay na kayo sa kotse," aniya.
"Wag na!" sigaw ko. "Hindi kasya ang kotse mo!" dagdag ko pa. Nagpatuloy pa ko sa paglalakad ko at ibinaba ko na si Jaxiel para maglakad na lang siya.
Dire-diretso lang kami sa paglalakad habang hawak ko ang kamay ni Jaxiel ng biglang may bumuhat kay Jaxiel. Napatingin kaagad ako kay Nicolas na nasa tabi ko na at buhat ang pamangkin ko.
"Hoy! Ibaba mo nga ang pamangkin ko!" sita ko sa kanya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jaxiel dahil baka may gawing masama sa kanya si Nicolas. Ako talaga nag malilintekan nito kay Ayeza.
"Ayoko sa'yo, tita!" sigaw sa akin ni Jaxiel.
Napamaan ako at binitawan ang kamay ni Jaxiel. Ngayon pa lang niya nakita si Nicolas pero gusto na niya agad 'to? Seryoso ba? Ang lakas ng topak nito hah.
"E 'di 'wag pala," anas ko sa kanya.
Humakbang ako papalayo sa kanila. Bahala siya sa demonyong 'yan. Hindi ko rin naman ipipilit ang sarili ko sa kanya.
"Magandang umaga, Agatha!" bati sa akin ni Mang Obet ng makarating ako sa bungad ng palengke.
"Magandang umaga!" bati ko pabalik.
Kilala ako sa palengke namin at close ko silang lahat kaya nga ako ang gustong pinamimili ni Ayeza dahil ang laki ng natitipid namin kapag ako ang namimili. Magaling kasi ako pagdating sa tawaran. Gagamitan ko lang ng charm tapos makakamura na ko.
"Kaya ba gusto mo magsuot ng ganyan?" iritadog sambit ng lalaki sa tabi ko.
Napaigtad pa ko dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa likuran ko. Akala ko malayo pa siya pero nasa tabi ko na pala siya.
"Manahimik ka na nga lang. Hindi ka belong dito," sambit ko sa kanya at naglakad papasok sa looban ng palengke kung saan makakabili ng baboy.
Napatingin ako sa sapatos niyang madumi na ngayon. Napangiti na lamang ako dahil ginusto naman niyang sumama kaya bahala siya kung madumihan ang sapatos niya.
"Tita, ang sungit mo," sita sa akin ni Jaxiel.
Inirapan ko na lang siya ulit at huminto na sa tindahan ng baboy. Adobong baboy ang ulam namin kaya pinabibili ako ng baboy ni Ayeza. May mga sangkap pa sa bahay kaya baboy ang pinabibili niya.
"Nandito na pala ang paborito kong suki!" masayang sambit ni Mang Lito.
"Mang Lito talaga, bolero!" natatawang sambit ko. "Pabili na lang po ng kalahating kilo ng baboy."
Inilabas ko ang perang pambayad sa baboy at at inabot ito kay Mang Lito. Agad naman sinalo ni Mang Lito ang kamay ko at hinimas-himas pa niya ito. Tuminin pa siya sa dibdib ko at nanlalaki ang mga mata.
"Tangina." Mabilis na hinila ni Nicolas ang kamay ko at itinaas niya ang damit kong may mababang hinaharap kaya nakikita ng bahagya ang dibdib ko. "Stop messing around, Beatrice."
Parang isang multo ang bumulong sa tenga ko para masitaasan ang balahibo ko. Wala naman akong ginagawa pero galit na siya.
"Ito na ang baboy," sambit ni Mang Lito at inabot sa akin ang isang plastik.
Kukunin ko na sana 'yon ng maunahan ako ni Nicolas. Kinuha niya 'yon at inabot sa tauhan niyang si Marc na nakasunod pala sa amin. Hinapit niya ang bewang ko pero bago kami umalis ay nagsalit pa si Mang Lito.
"Balik ka ulit bukas, Agatha. May libreng baboy akong ibibigay," masayang saad niya sa akin.
Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng lalaking nakahawak sa bewang ko, "Kung may babalikan pa nga ba siya bukas."
Naglakad na siya palabas at naasunod naman ako dahil nakahawak siya sa bewang ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kay Mang Lito. Sigurado akong babalikan niya ang matanda.
"Ganito ka ba mamili dito hah? Halos ibalandra mo na sa kanila ang katawan mo," kalmadong sambit niya pero alam kong galit na galit na siya sa loob niya.
Tahimik naman si Jaxiel habang buhat-buhat siya ni Nicolas na parang wala lang. Hindi niya man lang alam na may isang tao ng malapit na mamatay.
"Wala akong nakikitang mali, Nicolas. Ikaw lang ang may mali dito. Sana hindi ka na lang sumama dito. Mabait si Mang Lito at gano'n na talaga ang ugali niya—"
"Ugaling maging malibog?" saad niya.
Nang makalabas kami sa palengke medyo nakahinga ako ng maluwag dahil kaonti na lang ang makakakita sa palihim naming pag-aaway.
"Utang talangka ka talaga," natatawang sambit ko sa kanya. "Kapag nalaman kong pinatay mo si Mang Lito, ewan ko na lang talaga."
Mas lalo akong natatakot sa kanya sa bawat araw na dumadaan. Pero hindi ko ipapakita sa kanya ang takot ko hanggat makakaya ko.
"'Wag kang mag-alala, hindi ko ipapaalam sa'yo kapag pinatay ko na ang lalaking 'yon." Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na kinalas ang braso niyang nasa bewang ko.
Tumayo ako sa harapan niya at hindi alintana kung nasa harapan man namin si Jaxiel. Bata pa siya at hindi naman niya maiintindihan ang pinag-uusapan namin.
"Bakit mo ba 'to ginagawa hah?! Ano na naman bang nagawa kong mali hah?!" galit na sigaw ko sa kanya.
Tatanda ako ng maaga dito sa lalaking 'to. Stress na stress ako kapag kasama ko siya. Palagi na lang bang may masasaktan o kaya naman ay pagbabantaan n'ya?
"Dahil ayokong tinitignan ang akin. Slyvester ako at hindi ako marunong makihati."
"Tinitignan ang akin? Anong kagaguhan 'to?" natatawang tanong ko sa kanya.
Wala akong pake kung pagbantaan niya ulit ako dahil inis na inis na ko sa kanya. Sobrang gulo niyang tao.
"Bakit hindi mo pa ba alam?" Tumaas ang sulok ng labi niya.
Nagsalubong ang kilay ko dahil palayo na yata nang palayo ang usapan naming dalawa. Ito na naman siya sa pagiging magulo niyang tao.
"Alam ang ano na naman hah. Diretsuhin mo na ko. Uuwi na ko," iritadong saad ko. "At ang tungkol sa alok mo, 'wag kang magmadali, okay? Matuto kang maghintay," dagdag ko pa.
"Hindi mo pa ba alam na akin ka na? Papalitan ko na ang apilyido mo. Papakasalan mo na ko, Agatha Beatrix Silario."