Agatha Beatrix's POV "Hindi mo pa ba alam na akin ka na? Papalitan ko na ang apilyido mo. Papakasalan mo na ko, Agatha Beatrix Silario." Para akong sinampal ng realidad na hindi na nga pala ako pwedeng gumawa ng hakbang basta-basta. Hindi n'ya napapalitan ang apelyido ko ng apelyido n'ya pero wala na agad akong karapatan sa sarili kong buhay. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang sundin siya nang sundin sa lahat ng bagay na gusto n'ya. "Ah akin na si Jaxiel," sambit ko at kinuha sa kamay niya ang plastik na may lamang baboy. Ilang bahay na lang at ang apartment na namin. Ayokong ihatid niya pa kami sa mismong tapat ng apartment dahil may posibilidad na makita pa siya ni Ayeza. Hindi pa ko ready na sabihin kay Ayeza ang lahat at hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula at paan