Agatha Beatrix's POV Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa apelyido n'ya at urat na urat siya na ikabig sa pangalan ko. Maganda naman ang Silario sa apilyido ko at hindi naman mukhang mabantot. Para akong tanga na paulit-ulit na iniisip 'to simula kagabi. Bakit ko na naman ba iniisip ang lalaking 'yon? Dapat nga masaya ako dahil wala siya ngayon sa paligid ko at sunod nang sunod e. "Atha!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko ang katrabaho ko. Nahinto tuloy ako sa pag-aayos ng mga alak na dapat kong i-serve sa VIP room. Alas dose na ng gabi at marami na namang tao sa bar na pinagtratrabahuhan ko kaya dapat magmadali para hindi magwala ang mag customer naming atat na atat makainom ng alak. "Oh bakit, beh? Bilisan mo kasi hahatid ko pa 'to sa taas," sambit ko sa kanya