Agatha Beatrix's POV Idinikit ko sa lupa ang walis ting-ting at sinimulang walisin papunta sa dust pan na hawak ng kaliwang kamay ko. Patuloy lamang sa pag galaw ang kanang kamay ko para simsimin lahat ng kalat sa tapat ng bahay namin. Hiyang-hiya kasi ako dito sa mga kapit-bahay namin na hindi marunng magtapon ng basura sa tamang basurahan tapos kapag nilipad ang kalat nila sa amin napupunta. Mga chismiso na nga tapos hindi pa marunong maglinis ng mga kalat nila. May pa paskil-paskil pa sila na tapat ko linis ko. Eh putcha, lahat naman ng kalat nila sa amin napupunta. Parang ang lumabas tuloy ay, kalat mo linis ni kapit-bahay. "Nakakainis hah," iritadong sambit ko at nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ng kapit-bahay namin. Napatayo ako at nag-unat sa parteng balakang ko na nga