Agatha Beatrix's POV "Agatha, pinapatawag ka ni Ms. Hessa sa opisina n'ya," sambit sa akin ng ka trabaho ko. Ibinaba ko ang tray na walang laman sa ibabaw ng bar counter at hinarap ang ka trabaho ko dito sa bar. "Sige. Salamat," sambit ko sa kanya at umalis na siya sa harapan ko para ihatid ang mga order na hawak n'ya. Mabuti na lang at katatapos ko lang bigyan ng service ang mga magkakaibigan sa VIP room. Bakit naman kaya ako pinapatawag nito ni Ms. Hessa? Wala naman akong nagawang mali at mas lalong hindi ko naman ipinagkalat ang chismis na kabit siya ng pinaka-boss namin. Madaldal ako pero alam ko naman kung kailan ako lulugar. Ayoko pang mawalan ng trabaho lalo na ngayon. "Sana naman good news 'to," bulong ko sa sarili ko at napa-sign of the cross pa bago maglakad. Bawat paghakba