Agatha Beatrix's POV "Kumain ka na," sambit sa akin ni Nicolas pagkalabag niya ng pagkain sa harapan ko. Napatitig ako dito dahil sa sobrang bango ng aroma ng niluto niyang soup. Sa lahat ng sopas na nakita ko at naamoy ito ang pinakamaganda ang pagkakaluto. Hindi ko alam na magaling pala siyang magluto pero baka naman pagsubo ko nito bigla na lang bumula ang bibig ko dahil may lason pala talaga. "Ikaw ang unang kumain ng sopas mo," nakangiting sambit ko at inilapit ko ang isang bowl sa tapat n'ya. Nakaupo kami parehas sa mataas na upuan na nandito sa loob ng kusina at gamit namin ang mataas na lamesa na sobrang kinis. Kahit yata mahiga ako dito, hindi ako madudumihan at baka nga ang lamesa pang 'to ang madumihan ko. "Sopas? Wala namana akong nilutong sopas," salubong ang kilay na s