Episode 01

2143 Words
Episode 01 Agatha Beatrix's POV "Ibang-ibang talaga ang sarap na hatid ng hotdog cheese dog!" masayang sigaw ko sa harapan ng camera. Sinawsaw ko pa ang hotdog na nakatusok sa tinidor sa ketchup na nasa harapan ko tsaka ito sinubo ng buo. "Sobrang sarap nga, mars!" saad naman ng kaibigan kong sinamahan ko sa f*******: live niya. Pauwi na sana ako kanina kaya lang niyaya pa ako nitong si Pauline para sa f*******: live niya ngayon. Hindi ko naman siya matanggihan kasi mukbang hotdog ang kanyang content ngayon. "Pero alam naman natin parehas na may mas masarap pa diyan," pilyong saad ko at sabay kaming nagkatinginan ni Pauline. Tingin na alam na alam ko na. Tinginan na may sobrang lalim na kahulugan para sa aming dalawa. "Ano ba 'yong masarap na sinasabi mo, mars?" tanong sa akin ni Pauline na akala mo ay isang napakalaking inosente. Humarap ako sa camera na aming ginagamit habang pinapanood kami ng libo-libong tao ngayon. Tumusok ako muli ng hotdog at dinilaan ang dulo nito bago ko dahan-dahan na sinubo. Kumagat ako ng napakaliit sa hotdog at ibinaba na ang tinidor na hawak ko. "'Yong hotdog na may katabing itlog," makahulugang sagot ko sa kaibigan ko habang ang mga mata ko ay nasa camera pa rin. "Aminin natin na masarap ang hotdog kapag may kasama itong itlog." Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin sa sinabi ko. Basta masarap ang hotdog na may kasamang itlog lalo na kung malaki pa 'to at mabango-bango. "Napaka-wild talaga ng guest ko today!" hiyaw ni Pauline sa mga nanonood sa aming dalawa. Sa 24 years kong nabubuhay dito sa mundong ibabaw, lahat yata ng mga sinasabi ko may ibang kahulugan. Sa isang bar ako nagtratrabaho kaya hindi ko na masasabing isa akong inosente. Siguro ang puri ko ay matatawag ko pang inosente pero ang isip ko? Imposible na. "Ano ka ba?!" natatawang saad ko sa kaibigan ko. "Wala namang meaning 'yon." Hindi pa nga ako nakakatikim ng hotdog sa pagitan ng hita ng lalaki e. Malay ko ba do'n. Baka mamaya marumi pa ang makain ko tapos magkasakit pa ako. "Literal na hotdog at itlog kasi ang sinasabi ko. 'Yong iba kasi diyan, may ibang iniisip," nakataas ang kilay na saad ko sa harapan ng camera. Napatawa si Pauline at bahagyang yumukod mula sa pagkakaupo niya sa silya at binasa ang mga komento galing sa mga na nonood sa amin ngayon. "Wow! Mukhang mabenta ka ngayon, mars!" sambit ni Pauline. Hindi n'ya binabanggit ang pangalan ko dahil pinagbawalan ko siya. Ayokong malaman ng mga fans niya ang tungkol sa akin. Kung sa customer nga ng bar na pinatratrabahuhan ko, hindi ko sinasabi ang tunay kong pangalan kaya bakit ko naman ipapaalam sa mga fan niya? Isang beses lang din naman akong sasali dito sa live niya kaya hindi na dapat magpasikat pa. "Bakit naman ako naging mabenta hah?" natatawang tanong ko sa kaibigan ko. Off na ko sa bar ko bilang isang waitress kaya sino naman ang bibili pa sa akin ngayon? Sa sobrang ganda ko, kahit saan binibili na lang ako. Ang hirap maging maganda. Nang umulan nga ng kagandahan, hindi na ako nagpaulan dahil ako mismo ang namimigay ng ganda sa kalangitan. "Tignan mo kasi 'yong mga comment nila tungkol sa'yo. Nagmistulang live mo na 'to e. Ako 'yong bida pero nagmukhang ako 'yong guest mo!" nagtatampong sambit ni Pauline sa akin. Napakibit balikat ako sa kanya at hinawi ang maikli kong buhok na hanggang balikat lamang ang haba. Siya 'tong nagyaya sa akin e. Kasalanan ko ba na mas maganda ako sa kanya? "Tumigil ka na nga sa kadramahan mo diyan. Tabi muna." Hinawi ko siya na nakatapat sa cellphone na ginagamit para sa live namin sa f*******:. "Babasahin ko lang 'yong mga sinasabi nila" Tuluyan siyang umurong para mabasa ko ang mga comment ng mga taong na nonood sa amin ngayon. Dahan-dahan kong binasa ang mga comment nila tungkol sa akin at halos pare-parehas lang sila ng mga tinatanong. "Oh, hinihingi nila social media account mo. Ibibigay mo ba?" tanong sa akin ni Pauline. Panay kasi ang pagtatanong ng mga tao sa akin kung ano raw ang f*******: ko, i********: tapos pati twitter ko pa. Instant famous pala 'tong f*******: live ni Pauline. Hindi ako ready. "Hulaan n'yo na lang," natatawang saad ko sa harap ng camera. Sa mga taong kilala ko lang kasi ibinibigay ang legit kong account username. Hindi rin naman ako nagbababad sa social media dahil marami akong trabaho. Wala na kong magulang dahil maaga silang namatay sa gutom kaya naman halos ako na ang bumubuhay sa sarili ko. Inaalagaan ko po ang pamangkin ko kaya wala na talaga kong oras sa mga social media. "Bigyan mo naman ng thrill, mars." Napalingon ako kay Pauline dahil sa sinabi niya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ano na naman ba ang gusto niya? Thrill? Uso pa ba 'yon? Ang daming alam ng content creator na 'to. Kung hindi lang dahil sa hotdog baka hindi ako sumama dito. "Ano bang thrill ang gusto mo, Pau?" tanong ko sa kaibigan ko. Sobrang thrill na nga ng buhay ko sa sobrang dami kong bayarin tapos gusto pang dumagdag ng kaibigan ko. Grabe talaga ang buhay na 'to. Ang hirap naman din niyang tanggihan dahil nakakabente na kong hotdog. Baka mamaya kasi ay singgilin niya ko kapag hindi ako pumayag. "Ganito, kung sino ang unang makaalam ng social media mo at ang unang tao na mag cha-chat sa'yo na nanood ng live natin ngayon... Pagbibigyan mo na maka-date," aniya. Napairap ako sa kanya dahil napakadali naman pala ng gusto niya at madali lang dayain. Pwedeng-pwede kong e-deactivate ang mga social media ko pansamantala hanggang sa makalimutan na ko ng mga fans niya. Mabilis lang naman mawala ang kasikatan kaya hindi rin magtatagal at makakalimutan din nila ako. Wala namang issue sa akin ang makipag-date sa kung kanino pero sayang lang ang oras ko. Marami akong inaasikaso araw-araw kaya wala akong oras sa mga date-date na 'yan. "Okay. Kung sino ang makahanap ng account ko, siya ang makaka-date ko. Basta ba sagot niyo ang gastos," natatawang saad ko. Napatingin ako bigla sa cellphone ko ng tumunog ito. Ipinakita ko kay Pauline na tumatawag ang kaibigan ko kaya naman tumango siya sa akin. "Okay, guys, aalis muna si Mars. Ipagdasal n'yo na lang na bumalik siya o kaya naman ay mag guest muli sa show ko," sambit ni Pauline. Kumaway ako sa harap ng camera at tumayo na sa silya na inuupuan ko. Dinampot ko ang maliit na bag ko at sinukbit ko ito sa balikat ko tsaka sinagot ang tawag habang lumalakad ako papalabas ng kwarto na para sa tulad kong nagtratrabaho dito sa bar. "Mabuti naman at sinagot mo, Agatha Beatrix Silario," sambit ng kaibigan kong si Ayeza mula sa kabilang linya. Napakamot ako sa uluhan ko habang nagmamadaling maglakad palabas ng bar. Delikado na kapag binanggit niya ang buong pangalanan ko. "Ah, sorry. Niyaya pa kasi ako ni Pauline sa live niya. Pauwi na ko ngayon," sagot ko. Paglabas na paglabas ko ng bar agad akong lumakad patungong pedestrian lane para makatawid sa kabila. Nasa kabila pa kasi ang sakayan pauwi e. "Alam ko. Nakita ko nga sa f*******:," aniya. "Sobrang kalat mo talaga. Hindi mo na naman napigilan ang bibig mo." Napakagat labi ako habang naghihintay sa signal light. Urat na urat na kong makatawid sa kabila dahil siguradong bulyaw na naman ang aabutin ko nito sa kaibigan ko. Si Ayeza ay kababata ko na at sa iisang apartment lang kami nakatira kasama ang dalawang taong gulang niyang anak. May anak pero walang asawa kaya naman salitan kami sa pagbabantay. "Bilisan mong umuwi dito ng maalagaan mo si Jaxiel at makapasok ako," aniya. May anak na siya pero patuloy pa rin siya sa pagtratrabaho. Parehas kami ng trabaho ni Ayeza na isang waitress sa bar pero hindi sabay ang pasok namin. Kailangan kasi ng taong maiiwan sa anak niya kaya bawal kaming sabay na mawala. "Okie dokie! Ibababa ko na ang tawag dahil patawid na ko," sambit ko. Maraming magnanakaw dito sa Tanay kaya hindi dapat basta-basta inilalabas ang cellphone lalo na kapag tatawid na. Baka mamaya paglipat mo sa kabilang kalsada, wala ka ng cellphone. "Ingat ka, Agatha. 'Wag tatanga-tanga," aniya. Napabuga ako ng hangin at ibinaba na ang tawag. Kung tutuusin hindi ko naman siya kadugo pero inaalagaan ko pa rin ang anak niya dahil mahal ko ang kaibigan ko at napamahal na rin ako sa anak niya. Kahit kailan hindi ako tinalikuran ni Ayeza ng ako ang na ngangailangan kaya hindi ko rin siya magawang pabayaan ngayong siya ang naghihirap. "Panibagong gabi para sa akin," saad ko at napatingin pa sa bilog na bilog na buwan. Buwan na pare-parehas naming nakikita pero may mga tao pa rin na mas malapit dito at sobrang layo naman dito. Tulad ko na lamang na palagi na lamang nakatapak ang mga paa sa lupa. Namulsa ang dalawang kamay ko sa suot kong pantalon at lumakad na sa pedestrian lane ng magbago na ang traffic light. Payapa akong naglalakad sa kahabaan ang pedestrian lane ng maramdaman ko ang mabilis na motor na paparating. Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ito. Masyadong mabilis ang pangyayari at naramdaman ko na lamang ang paghapdi ng kanang hita ko at kanang braso. "Puta!" Napasalampak ako sa lupa at mabilis na tumayo. Masakit man ang katawan ko pero tinakbo ko pa rin ang nakahintong motor na bumangga sa akin at malakas na kinaltukan ang ulo niya na walang helmet. "Mag-ingat ka na man! Ang ganda ng motor mo pero hindi mo naman alam kung para saan ang traffic light!" galit na galit na sigaw ko sa kanya. Parang mapuputol ang ugat ko sa ulo dahil sa sobrang tanga nitong lalaki na 'to. Sayang at gwapo pa naman siya pero hindi alam kung para saan ang traffic light. Sobrang laki ng traffic light pero hindi niya man lang nakitang naka-stop sign. "Tama na, Miss. Budol ka lang naman," nakangising saad niya. "Akala mo yata hindi ko alam na isa kang pokpok diyan sa bar," dagdag pa niya at tinuro ang tabi-tabing bar sa kalsada. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking nasa harapan ko. "Ano naman kung pokpok ako?" nakangising tanong ko sa kanya. Hindi naman ako nasasaktan sa tuwing sinasabihan ako ng pokpok. So what? Basta alam ko sa sarili ko na marangal ang trabaho ko sa bar at wala akong pinapatay. "Pokpok na kung pokpok basta hindi ako bobo tulad mo na hindi marunong alamin kung para saan ang traffic light," sambit ko pa. Nagsalubong ang dalawang kilay niya at bumama pa siya ng motor niya. Sobrang tangkad niya pero hindi dapat ako matakot kahit na alam kong tulog agad ako kapag sinapak niya ako. Taas noo ko pa rin siyang hinaharap. "Bobo ako? Nag-graduate ako sa mataas na paaralan tapos tatawagin mo lang akong bobo?" "Bakit hindi ba?" sabat ko agad. "Kung hindi ka bobo, e 'di sana alam mo kung kailan ka dapat hihinto." Narinig ko ang pagbubusina ng mga kotse at sigawan ng ibang driver sa kalsada. Nakaharang kami sa gitna kaya ang iba ay hindi na makadaan. "Eh tangina ka pa lang babae ka!" Itinaas niya ang kamao niya pero agad naman may humawak nito kaya napahinto siya sa pagsapak niya sa akin. Dahan-dahan na nalipat ang tingin ko sa lalaking may mas malaking katawan at matangkad pa. Para akong hihimatayin sa kagwapuhan niya. May maayos siyang buhok at napakaperpektong kilay. Parang bagong ahit pa ang kilay niya tapos 'yong mga mata niya na wala man lang ka rea-reaksyon. Ilong niya na nagmistulang triangle sa sobrang tangos nito. Bumaba pa ang tingin ko papunta sa pantalon niya at napalunok agad ako. Is this a sign para mas lumandi pa ako? Mukha siyang daks! "Masyado kayong nakakagulo sa kalsada. Dapat kasi kanina mo pa binayaran ang babaeng 'to ng sa gano'n natigil na sa pagputak," sambit ng bagong dating na lalaki. Nawala ang atensyon ko sa pantalon niya dahil mukhang mas matapobre pa pala 'tong bagong dating. Hayop na buhay 'to. "Isang bobo at isang matapobre," natatawang saad ko. Binitawan ng bagong dating na lalaki ang kamao ng lalaking bumangga sa akin tsaka ito humarap sa akin. Inilabas niya ang wallet niya at basta nalang kumuha ng libo-libong pera tsaka sinaboy sa mukha ko. "Shut up and go home, call girl. Stop pestering on the highway." Basta na lang akong tinalikuran ng lalaking akala ko ay tutulungan na ako. Sinundan ko ng tingin ang likuran niya at dahan-dahan ko siyang pinapatay sa isipan ko. "Daks ka pero sobrang sama ng ugali mo! Ang pangit-pangit mo! Sana tumanda kang mag-isa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD