Prologue

1166 Words
Napailing siya at pinagsiklop niya ang kamay naming magkahawak kaya mas ramdam ko ang pagbalot ng malaking kamay niya sa maliit kong kamay. Naglakad kami palabas ng kwarto namin at masaya kaming naglakad pababa sa unang palapag. "Sa tingin mo mami-miss tayo ni Tito Lime kapag umalis tayo? Tatlong linggo rin tayo sa Korea," sambit ko. Dalawa lang kasi kaming aalis ni Liam dahil maraming inaasikaso na kaso si tito Lime ngayon. Ang dami kasing krimen at siya pa naman ang isa sa pinakatanyag na abogado kaya sa kanya tuloy halos nagpupunta ang mga nanghihingi ng tulong para sa kaso nila. "Maiingit pa 'yon sa atin dahil ang dami niyang trabaho dito," natatawang sambit sa akin ni Liam. Napaiilng naman ako sa kanya dahil nagawa pa talaga niyang tawanan ang daddy niya habang ako ay naaawa sa daddy niya. Masaya kasing kasama si tito Lime lalo na sa mga ganito. "Eh ikaw? Wala ka bang trabaho sa kumpanya n'yo? Tatlong linggo tayong mawawala hah," pagpapaalala ko sa kanya. Baka kasi nakakalimutan niya na isa siyang CEO ng kumpanya nila. Masyado siyang nasisiyahan sa pagsama sa akin pero may trabaho pala siyang dapat unahin kesa sa akin. "Marami akong trabaho pero pwede namang gawin sa susunod," sagot niya sa akin. Huminto ako sa paglalakad ng makatapak na kami sa unang palapag. Nagtungo ako sa harapan niya at sinamaan siya ng tingin. "Inuna mo na naman ako bago ang trabaho mo? Sabi ko naman sa'yo na pwede mo namang unahin ang trabaho mo bago ako. Pwede naman natin 'tong ipagpaliban—" "Shhh, okay lang sa akin. Alam mo naman na mas mahalaga ka kesa sa trabaho ko. Narito na rin tayo oh kaya tara na." Inakbay niya ang braso niya sa akin at hinila na ko papunta sa pintuan pero bago kami tuluyang lumabas narinig ko pa ang boses ni tito Lime sa likod namin. "Sana naman pag-uwi ng dalawa diyan may apo na ko." Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Tito Lime na kausap ang kumapare niya. Gustong-gusto na talaga niya ng apo at gustong-gusto pa niya ko para sa anak niya. "Daddy naman. Baka ma-pressure si Agatha niyan," saad ni Liam. Napailing ako kay Liam dahil ayos na ayos lang naman sa akin. Wala namang masama dahil normal lang siguro 'yon sa isang ama. Na-miss ko tuloy ang mga magulang ko. Paano kaya kung narito sila ngayon? "Umalis na nga kayo. Ang bagal mong gumalaw. Parang hindi kita anak," asik pa ni tito Lime. Napatawa ako sa inakto ni tito na parang bata. Si Liam naman ay hinila na ko papalabas ng tuluyan sa bahay nila. "Ano kaya ang magiging reaksyon ni tito kapag nagka-anak nga tayo?" natatawang sambit ko. "Baka mahimatay siya," natatawang sagot ni Liam at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse sa front seat. Agaran naman akong sumakay sa BMW niya. Isinara niya ang pinto at kinabit ko naman ang seat belt sa katawan ko. Maigi ng maging maingat kahit alam ko naman na sobrang ingat sa pagmamaneho ni Liam. "Are you ready, Agatha?" masayang tanong sa akin ni Liam ng makasakay siya sa driver seat. "Yes na yes!" pasigaw na sagot ko. Sabay kaming napatawa ni Liam at nagsimula na siyang lumarda papunta sa airport. Hindi mawala-wala ang tingin ko kay Liam. Siguro hindi ko nakikita ang ngiti niya ngayon kung nanatili ako sa bahay ni Nicolas. Kung pinairal ko ang pagmamahal ko noon kay Nicolas baka wala ako ngayon dito at baka hindi ko kasama si Liam papunta sa bansa na pinangarap ko lang noon. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin hah? May gusto ka bang gawin sa akin?" nakangising tanong sa akin ni Liam. Kinurot ko agad ang tagiliran niya at napatawa naman siya sa akin. Inirapan ko siya at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. "Bawal ba kong tumingin sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Masyado ka bang humahang sa mukha ng boyfriend mo?" aniya. "Utot mo! Bakit naman kita hahangaan? Baka ikaw ang humahanga sa akin," asik ko sa kanya at tumingin na sa harapan ng kotse niya. Sana ganito na lang palagi. Sana palagi ko na lang siyang napapasaya para makabawi sa lahat ng tulong na ginawa niya sa akin noon. Gusto kong mapalitan lahat ng kabaitan sa akin ni Liam kaya gusto kong palagi siyang nakikitang masaya. Dahil kapag nakikita ko siyang malungkot, naaawa ako sa kalagayan niya. "Ayaw mo pang aminin na gwapo ang boyfriend mo." Nasamid ako sa kahanginan niya at napalingon sa kanya. Magrereklamo sana ako sa kanya ng makita ko ang kotse na mabilis ang takbo at pasalpok na sa amin. "'Yong kotse babangga!" Mabilis naman nakabuwelta si Liam at bago pa kami masalpukan ng kotse ay nakaabante na siya. Napahawakan ako sa dibdib ko sa takot. "Tanginang 'yon hah!" anas ni Liam at dali-daling niyang inalis ang seat belt sa katawan niya. Agad kong hinawakan ang braso niya bago pa siya makalabas ng kotse. Nasa gitna kami ng high way at ayokong mapurnada pa ang alis namin. "Huwag mo nang labasin. Palagpasin mo na lang. Umalis na tayo," sambit ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at muli na sanang ikakabit ang seat belt sa kanyang katawan ng biglang nabasag ang bintana ng kotse. "Hoy!" Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko akalain na masisira ni Nicolas ang salamin ng kotse ni Liam sa isang suntok lang ng kamao nito. Nagtatagis ang panga nito at galit na galit siyang binuksan ang kotse at hinaltak pababa si Liam. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa takot. Hindi ko alam kung anong demonyo na naman ang nasa loob ni Nicolas. "Liam!" Bigla na lang akong natauhan at dali-daling kinalas ang seatbelt sa katawan ko. Mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa kanila. Napatakip ako sa bibig ko at nanginginig ang kamay ko sa sobrang takot sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Papatayin niya sa bubog si Liam! Hindi ko hahayaang masaktan pa niya si Liam. Marami ng nagawa ang taong 'to para sa akin. "Nicolas! Tumigil ka na! Tama! Awatin niyo!" nagsisigaw ako pero wala man lang nagtangkang tumulong o bumaba sa kotse nila para awatin sila. Kahit na punong-puno ako ng takot, nilakasan ko pa rin ang loob ko na maglakad papalapit sa kanila at malakas na tinulak si NIcolas. "Ano ba?! Tama na!" Napapunas siya sa kamao niyang puno ng dugo at nagtatagis ang panga niya sa galit. Ito siya. Ito ang totoong ugali niya at minahal ko ang ganitong klase ng tao... noon. "Kailan ka ba titigil hah?!" Mabilis siyang humakbang papalapit sa akin kaya agad akong napapikit sa takot. Akala ko magiging duguan na rin ang mukha ko pero laking gulat ko ng maramdaman ko ang malaking bisig niyang nakahagkan sa akin. "Kapag nasa akin ka na ulit, Agatha. Bumalik ka na sa akin at ititigil ko. Mahalin mo lang ako ulit, Agatha. 'Yon lang ang gusto ko para mapakalma mo ang demonyong 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD