Agatha Beatrix's POV Pinagmasdan kong maigi ang bawat kilos na ginagawa ni Nicolas sa loob ng kwarto habang nakaupo ako sa kama n'ya at tanging bath robe lamang ang tumatakip sa hubad kong katawan. Kanina pa siya pabalik-balik dito sa loob ng kwarto at lalabas na naman. Punong-puno ang lamesa na nasa harapan ko ng pagkain. Siya ang amo pero bakit ayaw niyang ipautos na lang sa mga katulong? "Kumain na tayo," sambit niya at naupo sa tabi ko. Parehas kaming nakaupo na ngayon sa paanan ng kama habang ang lamesa na nasa harapan namin ay buno ng pagkain. Alas tres na ng madailng araw at ang pagkain naman namin ay pang-almusal na. Printong itlog na naka-sunny side up, ham, bacon, fried rice tapos may gatas pa sa tabi ko habang sa kanya naman kape. Matutulog na lang pero may paganito pa siya.