Chapter 10

1841 Words
Hope's Pov   Hindi ganoon kalaki ang pamilya Ehrenberg. They are 11 in total habang ang ibang kasama nila dito sa mansion ay mga Elite at common vampire na naninilbihan para sa kanila.   Ang sabi ni Mommy, sa lahi ng mga bampira ay ang angkan namin ang unang pinupuntirya ng mga kalaban dahil sa pamilyang ito nanggagaling ang maaaring makatalo sa mga rouges.   At para madagdagan ang kaalaman ko sa lahi ng bampira at sa pamilyang pinagmulan ko, I decided to stay for at least one week kasama si Xan.   And I'm sure, by that time ay tapos na din ang test na ginagawa nila para piliin ang mga makakasama ko sa team.   "One week is too short for you to read all of this." ani Xan nang ilapag sa trolley cart ang mga libro na pinakuha ko. "Why don't you extend your stay here? Maliban pa sa pagbabasa ng mga ito, nagte-training ka pa with your grandfather. Baka nakakalimutan mong half human ka pa din at nakakaramdam ng pagod kaya kailangan—"   "Xan."   Natigilan sya. "I'm sorry." Naupo sya sa mesa. "Alam kong bawat oras natin ngayon ay mahalaga dahil sa pagtaas ng bilang ng mga rouges pero hindi mo ako masisisi kung ipa-prioritize ko ang pahinga mo. Hindi ka makakalaban kung hindi mo aalagaan ang sarili mong katawan."   Bumuntong hininga ako at hinawi ang mga libro tsaka pinatong ang baba ko sa mesa. "Hindi ako nagpunta dito para basahin ang lahat ng ito."   Kumunot ang noo nya.   "At kung pagbabasehan ang unang pagkikita namin ni Daddy, masasabi kong wala na din syang maituturo sa akin."   "Then, anong ginagawa natin dito?"   "I want to know why I am different with the previous half blood."   "What do you mean?"   "There are so many things I can do that the previous half-blood can't." sabi ko at isinubsob ang mukha ko sa mesa. Hindi ko na alam ang iisipin. Ganito ba talaga kalakas ang isang half-blood vampire? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihang pinagpapasa-pasahan ng bawat henerasyon sa pamilyang pinanggalingan ko?   Para sa akin ay masyado itong malakas. At pakiramdam ko, ang ganitong kapangyarihan ay may kaakibat na mas malaking responsibilidad.   Responsibilidad na hindi lang ang lahi ng mga bampira ang nasasakop.   At aaminin ko, nagsisimula na akong makaramdam ng takot.   Natatakot akong mabigo. Dahil kapag nangyari iyon ay iisang bagay lang ang kahahantungan ng lahat. Ang pagkaubos ng lahi ng mga bampirang kinabibilangan ko, ang pagdami ng mga rouges at ang pagkakadamay ng mga normal na tao sa gulong ito.   Idagdag si Graysean na ngayon ay isa nang ganap na bampira at ngayon nga ay posible pang sumali sa gulo.   Maraming buhay ang nakaatang sa balikat ko at natatakot ako—   "Hey."   Napaangat ako ng ulo nang hawakan ni Xan ang kamay ko.   "Hindi makakatulong sayo kung mag-o-over think ka." he said. "Besides, if you are too powerful, then it is good news for us dahil madali mong matatalo ang mga rouges. Madali mong matatapos ang gulo at hindi na madadamay pa ang mga normal na taong naninirahan sa bansa."   "Sa tingin mo?"   Tumango sya. "Why do you bother to think about that when you can just use it and fix our problem, right?"   Tinitigan ko sya at ngumiti. "Right." Ako naman ang pumiling kunin ang responsibilidad na ito kaya hindi ako dapat pangunahan ng takot.   At hindi ako nag-iisa sa problemang ito. I have my parents who choose to claimed their sits in the council to protect me. I have Kei who has my back. I have Xan, Graysean and Tammy.   With this people beside me in this battle, I think wala nang dahilan para matakot pa ako.   Kahit gaano pa kalaki ang responsibilidad na haharapin ko, sisiguraduhin kong matatapos ito nang hindi kinakailangang may madamay na inosente tulad ng mga normal na taong tahimik na naninirahan sa bansang ito.   __________   Tinigilan ko na ang pagbababad sa library dahil tulad ng sinabi ni Xan, hidni ko na kailangang problemahin ang pagiging iba ko sa mga naunang half-blood. Kaya naisipan kong magbabad nalang sa physical training na kasama si Daddy pero sa mga nangyayari ngayon, hindi ko na alam kung sino ba sa amin ang talagang nagte-training.   Kasi naman, halos lahat ng suntok at sipa nya sa akin ay nagagawa kong iwasan o kaya ay sanggain. Pero kapag ako ang umaatake ay agad syang tinatamaan sa anumang parte ng katawan nya.   "Hindi ka pa pagod, Dad?" walang gana kong sabi matapos saluhin ang kamao nya. "Kaninang umaga pa tayo dito eh."   "Hija, the rouge's leader is also a former student of mine kaya kung hindi ka magse-seryoso ay nasisiguro kong madali ka nyang matatalo." Binawi nya ang kamao at bahagyang umatras ngunit agad ding sumugod.   Bumuntong hininga ako at sinalubong sa pag-atake si Daddy. At bago pa tumama sa akin ang kamao nya ay agad ko syang sinipa sa sikmura.   At tulad ng dati ay nakalimutan kong kontrolin ang lakas ko kaya mabilis syang bumulusok papunta sa kinaroroonan ni Xan.   Hindi din inaasahan ni Xan iyon kaya sinubukan nyang saluhin si Daddy pero maging sya ay nadala hanggang sa tumama sila sa isang puno.   "s**t!" dinig kong mura nya at bakas sa mukha nya ang matinding sakit.   Agad akong lumapit sa kanila. Nawalan ng malay si Dad habang si Xan naman ay nakaupo sa lupa at nakasandal sa puno pero hindi makagalaw.   "Sorry. I forgot to control my strength." sabi ko at agad inalis si Dad sa pagkakadagan sa kanya. "Are you okay?"   "I.Am.Not!" madiin nyang sabi. Napapangiwi pa sya habang unti-unting ginagalaw ang katawan. "s**t! S-sa susunod, hindi na kita sasamahan kung ganito lang din pala ang gagawin mo sa'kin."   "Sorry." Inalalayan ko na syang makatayo at dahan-dahang inihiga. Mga ilang minuto pa ang kailangan bago mawala ang sakit ng katawan nya. "Alam mong kapag si Dad ang kalaban ay nakakalimutan kong bawasan ang lakas ko." Ang sabi ni Mommy ay huwag akong magho-hold back kapag si Daddy ang kalaban ko dahil kailangan din daw nito ng dagdag na kaalaman na pwede nyang makuha sa'kin para maituro sa susunod na batch ng estudyante nya.   "You really don't need this training." aniya. "You are powerful that even Don Oxeno has no match for you best fighter sa lahi ng mga bampira."   "I told you." sabi ko at nahiga na din.   Actually, nasa isang patag na damuhan kami hindi kalayuan sa mansion. At dahil nasa tuktok ito ng bundok ay malakas ang hangin kaya masarap magpalipas dito sa labas.   "Anong plano mo ngayon?" tanong nya. "Kung wala ka naman palang kailangang gawin dito, eh 'di bumalik na tayo sa capital. Mas mabuting matutukan mo din ang test na ginaganap para sa makakasali sa team mo."   "Nah. Kei can handle that for me." sabi ko habang nakatitig sa asul na kalangitan. "So, we're still staying here. May naisip na akong gawin."   "At ano naman iyang naiisip mo?"   Bumaling ako sa kanya. "Just wait and see."   Bumuntong hininga sya tsaka bumangon at nag-inat. Mukhang maayos na ang pakiramdam nya at naka-recover na ang katawan nya sa nangyari. "Kung hindi pa din tayo babalik sa capital, then ako nalang ang magte-training kasama si Don Oxeno."   "That's a good idea. Hindi lang ako ang dapat magpalakas dahil ang sabi ni Kei ay magkasama ng team ko ang team ng 2nd general."   Tumango sya. "Nagsimula na kasing dumating ang information mula sa mga espiya natin na nagmamanman sa Rouge City."   Kumunot ang noo ko. "Rouge City?"   "Doon naninirahan ang lahat ng mga rouge vampire." he said. "And it was located at nortwest part of Ehrenberg Mountain's foot."   Nanlaki ang mata ko at napatayo "What? Halos katabi lang ng bundok na ito ang kuta ng kalaban? Kung ganoon ay nasa panganib ang buong—"   "Hey, wait!" Agad akong hinila ni Xan nang akma akong aalis. "Calm down, okay? This place is safe at hindi basta mapapasok ng mga rouge ang lugar na ito."   "At paano ka nakakasiguro?"   "Nang mamatay ang kapatid ni Don Oxeno na isa ding half-blood dahil sa pagsugod ng mga rouge noon ay nagpasya ang council na lagyan ng proteksyon ang buong bundok upang masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro ng Ehrenberg." sabi nya. "Kaya walang sinumang rouge ang makakatapak sa lupain ng pamilya mo. Agad silang masusunog kapag sinubukan nilang tawirin ang pader na nakapalibot sa bundok. Pero—"   Kumunot ang noo ko. "Pero?"   "Pero maaari silang makapasok sa mismong gate kung may mag-iimbita sa kanila na bahagi ng pamilyang Ehrenberg." dagdag nya. "Kaya nga halos hindi na umaalis ng lupaing ito ang buong pamilya mo dahil alam nila ang peligrong naghihintay sa bawat isa sa kanila."   "Then, hindi lang pala ako ang pwedeng targetin ng mga rouge."   "Bawat isa sa pamilya nyo. Dahil hangga't may nabubuhay na Ehrenberg ay mananatili ang pagsasalin ng kapangyarihang hawak ng pamilya nyo."   "Then, hindi din tayo pwedeng makapasok sa Rouge City?" tanong ko.   "Yes." sagot nya. "Wala namang spell na nakapalibot sa lugar. Sadyang hindi lang talaga tayo pwede doon dahil vulnerable tayo sa dugo nila na maaaring gamitin laban sa'tin kapag sinubukan pa nating pumasok ang teritoryo nila." dagdag nya. "Kaya sa labas lang ng syudad nakakapag-manman ang mga espiya natin."   Talaga palang pinahahalagahan nila ang existence ng bawat miyembro ng Ehrenberg. Well, tulad ng sinasabi nila, ang pamilyang ito lang ang may kapangyarihang kayang tumapos sa mga rouge na banta sa bawat buhay, hindi lang ng mga vampire kundi maging sa mga inosenteng tao na namumuhay dito sa bansa.   "Anyway, maliban sa mga rouge, hindi rin nakakapasok ang mga Sierra sa lupain ng pamilya mo nang hindi iniimbitahan ng mga Ehrenberg."   Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Why?"   "Because of Prince Kelliar."   Prince Kelliar is the elder brother of Kei. At kahit ito ang nakakatanda ay hindi kailanman naisipan ng dating emperor na ipasa sa kanya ang trono dahil mainit ito sa mata ng media.   The media branded him as an irresponsible happy go lucky prince na walang ibang ginawa kundi ang mag-party. Pero speculations lang ang balitang iyon dahil wala namang maipakitang ebidensya ang media na madalas nga ito magparty o isa nga syang iresponsableng tao.   Mailap kasi ang prinsipe at makikita lang sya ng publiko kapag merong mga formal announcement ang palasyo   At ayon sa impormasyong nakuha ni Kei, tuluyan nang sumanib sa mga rouge ang kapatid at napapabalita pang anumang oras mula ngayon ay ito na ang mamumuno sa mga ito upang sumugod sa panig namin.   "Why would they banned the Sierra here?" tanong ko. "Hindi ba't rouge na din si Prince Kelliar?"   "Hindi lang ang prinsipe ang nag-iisang Sierra sumanib sa mga rouge. Ilang mga pinsan nya ang umanib sa mga rouge nang mamatay si Heidi." paliwanag nya. "At naghihinala ang emperor na hindi lahat ng umanib sa kabilang grupo ay tuluyang naging rouge kaya nag-iingat na din sila."   Then, hindi talaga magiging madali ang labang tatahakin namin dahil sa mga Sierra'ng umanib sa mga rouge.   Kakaiba ang lakas ng mga galing sa pamilyang iyon dahil ang dugong nananalaytay sa ugat nila ay mula pa sa pinaka-ninuno ng lahi namin.   At kahit sabihing ako pa ang pinakamalakas na half-blood sa ngayon ay hindi ko masasabi kung may chance akong manalo kapag ang mga iyon na ang nakaharap ko.   Bumuntong hininga ako at tumingala. Mukhang kailangan kong ubusin ang isang linggo sa lugar na ito para makahanap ng paraan nang sa gayon ay magawa kong manalo sa sinumang makakalaban ko.   Sa kamay ko nakasalalay ang buhay ng buong lahi namin kaya hindi ako dapat mabigo. Ang mga rouge ang mauubos at hindi ang nasa panig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD