Chapter 11

1916 Words
Hope's Pov   Dahil hindi ko naman kailangan ng training with Dad, hinayaan ko muna na si Xan nalang ang makasama nito.   At ako ay nagdesisyong manatili sa loob ng silid ang mga half-blood na tulad ko lamang ang maaaring pumasok. Well, silid lang ang tawag nila dito pero hindi hamak na sobrang laki nito para sa isang silid lang.   Tingin ko nga ay kasya ang isang eroplano dito sa sobrang laki eh.   At wala ding kahit anong laman kaya nakaupo lang ako sa sahig habang nagkalat sa paligid ko ang mga libong kinuha ko sa library.   Kabilang sa librong nasa harap ko ay record ng bawat isang bampirang nananatili sa panig namin. Mayroon ding record tungkol sa mga pumanig sa mga rouge pero hindi iyon updated pero malaking tulong na din ang mga ito para malaman ko kung sino ang mga kakampi namin at kalaban.   At para masiguro kong hindi ako matutulad kay Heidi na namatay dahil sa lubos na pagtitiwala ay isa-isa ko ding inaalam ang katauhan ng mga nasa panig namin, well, isinasama ko ang mga high profile personalities na namumuno sa mga rouge tulad ni Prince Kelliar.   Hindi nga ako makapaniwala na kumpleto sa ganitong impormasyon ang library ng pamilya ko. Kahit iyong mga nasa common vampire class o elite, buhay man o patay ay may record dito.   Ah, at may nabasa din akong tungkol sa silid na kinalalagyan ko.   Iba ang takbo ng oras sa loob ng silid na ito. Ang isang araw sa labas ay katumbas ng isang taon dito sa loob kaya nagdesisyon akong dito muna mag-stay dahil marami akong magagawa kung mananatili ako dito.   Syempre, nag-stock na din ako ng makakain ko dito dahil isang taon din ang lilipas sa akin nang hindi ko mamamalayan.   At para hindi masayang ang oras ko ay isa-isa ko nang pinag-aralan ang mga spell na nakita ko sa librong pinakatatago pa yata nila Mommy.   Nasa isang vault kasi ang librong iyon na aksidente kong nakita nang halungkatin ko ang lahat ng shelves. At dahil curious ako sa laman ng vault ay sinira ko ito at heto nga ang bumungad sa akin.   Ancient Book of Spells by Heya Ehrenberg   It was a hand written book and it is pretty detailed kaya halos kalahati ng mga nakasulat dito ay madali kong natutunan.   At habang patuloy kong pinag-aaralan ito, unti-unti akong nagkakaroon ng interes kilalanin si Tita Heya.   Pero kaunti lang ang information na mayroon sa mga librong ito. At ang nakakapagtaka pa ay ang records na narito ay tungkol lang sa naging kabataan nya. Walang kahit anong impormasyon tungkol sa pagdadalaga hanggang sa mamatay sya.   Kaya lalo akong kinakain ng curiousity ko.   Pero hindi ko naman kayang tanungin sina Mommy dahil sa nakita kong lungkot sa mga mata nya noong mapag-usapan ang first born nya.   "Heyd?" Ilang mahinang katok ang narinig ko mula sa kabilang panig ng pintuan. "You've been there for three hours."   Sinilip ko ang maliit na hour glass na nasa pintuan. I've been here for one and half months. Marami-rami na din ang nalaman ko kaya tingin ko ay dapat ko na itong subukan sa labas.   Tumayo ako at niligpit ang mga libro at pagkaing nagkalat sa sahig tsaka inilagay sa isang cart tsaka ko binuksan ang pintuan at lumabas ng silid.   "Yo." bati ko dito. "Long time no see." Kumunot ang noo nya.   "Duh! In my time, one and half month kitang hindi nakita."   "In my time, tatlong oras lang tayong hindi nagkita." ismid nya. "Ano bang ginagawa mo sa loob?"   Itinuro ko nalang sa kanya ang mga librong binasa ko tsaka ako nag-inat. "Tapos na ba ang training mo for today?"   Tumango sya. "Kakatapos lang."   "Good." Sinilid ko ang librong isinulat ni Heya sa dala kong bag at hinila palabas ng library si Xan. "Samahan mo ako."   "At saan naman tayo pupunta?" Bakas ang inis sa boses nya pero kusa pa din syang nagpahila sa akin.   "Basta. Kailangan kong subukan ang mga napag-aralan ko sa loob."   Nang makarating kami sa field ay binitiwan ko sya at humarap sa kanya.   "Did you know something about Tita Heya?" tanong ko na inilingan nya.   "I think, she died before I was born." aniya. "Well, wala ding masyadong record tungkol sa kanya kahit sya pa ang first born nila Don Oxeno. At kahit ang papa mo ay hindi din sya nababanggit."   "Then, hindi din sya kilala ni Kei?"   "If she's a half blood then kilala sya ni Kei maliban nalang kung namatay ito bago pa man din ipanganak si Kei." sagot nya. "Why are you asking?"   "Well, I found something that belongs to her." Inilabas ko ang libro at ipinakita sa kanya. "And it has different kind of spells."   Kinuha nya ang libro at isa-isang binuklat ang bawat pahina nito. At ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata nya tsaka tumingin sa akin.   "This are high level spell, Heydrich." sabi nya. "Are you saying that you manage to cast at least one of this?"   "Kalahati palang ang natutunan ko pero hindi ko pa nasusubukan." sabi ko at kinuha ang libro. "And I was wondering how someone like Tita Heya knew this bunch of spells. Hindi ba't wala sa generation nila ni Papa ang napasahan ng ability na hawak ko ngayon?"   Inilagay nya ang kamay sa baba at tila nag-iisip. "If she doesn't possess your family's ability even if she's a half-blood, then maybe she's friends with a creature called Seirei."   Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "What is that?"   Tumingin sya sa'kin. "Well, hindi lang mga vampire at normal na tao ang naninirahan sa mundong ito. Marami pang tulad natin na itinuturing na supernatural beings ng mga tao tulad ng werewolve, elemental spirits, fairies, dragons, mermaids and so on. At ang tinatawag na Seirei ay mga elemental spirits. They are like orbs of light, according to our records and only selected being are able to see them."   "They can cast this spell?"   Bumuntong hininga sya at napakamot ng ulo. "To be honest, I don't have idea. Tulad nga ng sinabi ko, pili lang ang mga nilalang na nakakakita sa kanila. Lalo na kung maging kaibigan nila. At kung si Heya Ehrenberg ang gumawa ng mga spell na iyan, then she probably friends with them."   Tinitigan ko ang librong hawak ko.   Habang tumatagal ay lalo akong naku-curious sa pagkatao nitong si Tita Heya. What was she like? Is she also kind like my father?   Is she awesome like Mommy Priya?   Bumuntong hininga ako. "Sayang at hindi ko sya nakilala." Ibinalik ko ang libro sa bag ko. "Tingin ko pa naman ay magkakasundo kami."   "What makes you say that?"   Nagkibit balikat ako. "I just feel it." Tumingala ako at itinapat ang kamay ko sa langit. "Ame." May tatlong lumiliwanag na linya ang umiikot sa kamay ko at ilang sandali pa ay nagsimula nang magdilim ang langit hanggang sa unti-unting pumatak ang ulan tulad ng nais ko.   "s**t!" mura ni Xan kaya bumaling ako sa kanya at bakas ang matinding gulat sa mukha nya. "You... you really did it."   Ngumiti ako. "Well, I guess, namana ko din ang kakayahan ni Tita—"   "You can't have her!"   I saw some images in my mind. A woman and a child. They are crying and terrified habang nakatingin sa mga nilalang na nakapalibot sa kanila. I can't see their faces but I can feel how scared they are.   "Heydrich!" Natauhan ako sa malakas na sigaw ni Xan na ngayon ay hawak ang magkabilang balikat ko. "Heydrich!"   Wala na ang ulan na tingin ko ay agad tumigil nang mawalan ako ng focus sa spell kaya muli nang umaliwalas ang paligid.   "Hey! What happen to you?" alalang sambit ni Xan.   "Huh?"   "You are crying and look terrified." Nang sabihin nya iyon ay agad kong hinawakan ang pisngi ko at basang-basa nga ito ng luha.   Luha na hanggang ngayon ay tumutulo pa din mula sa mga mata ko.   "I... I don't know." Anong nangyayari? Bakit ako umiiyak?   Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya sa akin pagkuwa'y niyakap ako. "I don't understand why are you crying but if continuing it will make you feel better then cry."   And I did what he said. Umiyak lang ako kahit hindi ko alam kung bakit hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.   _________   Kinabukasan nang magising ako ay hindi na namin pinag-usapan ni Xan ang pag-iyak ko. Hinayaan namin iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit ganoon ang naramdaman ko.   "I thought you'll be staying here for a week." ani Mommy nang sabihin kong babalik na kami sa capital. "Tatlong araw ka palang dito ah."   "Malapit nang matapos ang evaluation para sa mapapabilang sa squad ko kaya kailangan ko nang bumalik. I need to spend more time with them to enhance our squad work dahil sasabak na din agad kami sa misyon."   "Aw." Niyakap nya ako. "I guess, I have no choice but to let you go kahit na gusto pa kitang makasama."   "Babalik po ako kapag nagkaroon ako ng spare time."   "You should be." Kumalas sya ng yakap sa akin at hinawakan ang mukha ko tsaka ngumiti. "You really look like you mother."   Kumunot ang noo ko. "Si Mama? Marami nga pong nagsasabi na hindi kami magkamukha eh. Mas may hawig pa ako kay Papa."   "You're wrong, hija." singit ni Daddy tsaka inakbayan si Mommy. "Like what your Mommy Priya said, you look like your mother and there's no doubt that you are her child."   Pinagkumpara ko ang itsura namin ni Mama pero hindi ko makita kung paano kami naging magkamukha. Hindi hamak na hawig ng mata ko ang mga mata ni Papa. Pero hindi na ako nagsalita at ngumiti nalang.   "Ikamusta mo nalang kami kina Oliver at Hina." ani Daddy..   Tumango ako. "Okay po. Anyway, pwede po ba akong mag-uwi ng ilang libro galing sa library nyo?"   "Of course." mabilis na sagot ni Mommy. "We actually collect all those books because Oliver said that you loves reading different kind of books especially history so you can take everything you want."   "Really?" Basically, those books are all mine?   "Yes, hija." nakangiting sabi ni Daddy. "Those books are all yours."   Napangiti ako. "Then, mukhang mapapadalas nga ang pagbisita ko dito. Anyway, aalis na po kami. Nandyan na ang sundong ipinadala ni Kei."   Muli nila akong niyakap. Medyo nagtaka pa nga ako dahil sobrang higpit ng yakap nila sa akin na para bang ayaw nila akong paalisin.   "Mom? Dad? Is there a problem?"   Umiling sila pero nananatili pa din silang nakayakap sa akin.   "There is something in your hug." Kumalas ako ng yakap at doon ko nakitang lumuluha na si Mommy habang bakas ang matinding lungkot sa mga mata ni Daddy. "Hey." Hinawakan ko ang mukha ni Mommy at pinunasan ang luha nya. "Why are you crying?"   Umiling sya. "This is the first time we spend some time with you after all those years na malayo ka sa'min kaya ayaw ka pa sana naming umalis. But we know that you need to."   Yeah, sa tatlong araw na nakasama ko sila , pakiramdam ko din naman ay ayoko nang umalis. Gusto ko pa silang makasama at maka-bondng ng matagal but what choice do I have?   Ako ang pumili na tanggapin ang responsibilidad na ito at para na rin sa kaligtasan naming lahat ang ginagawa ko.   Ngumiti ako at muling niyakap si Mommy. "I promise you, mag-iingat ako sa mga misyong tatanggapin ko and I will visit you once in a while." Tumingin ako kay Dad at hinawakan ang kamay nito. "So, don't be sad. This is not the last time that we will had our bonding."   Ngumiti si Daddy at tumango naman si Mommy.   We are not that close yet pero ramdam ko agad ang sakit nang makitang nalungkot sila sa pag-alis ko kaya kailangan kong siguraduhin na hindi ito ang huling bonding namin.   Next time, mas matagal na oras ang ilalaan ko sa kanila. They may be young in their appearance but they are still my grandparents na hindi ko nakasama mula pagkabata kaya kailangan ko ding bumawi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD