Hope's Pov
Maaga akong pinatawag kaya hindi na ako nag-abalang mag-almusal pa at dumeretso na ako sa training feild kung nasaan sya kasama ang mga candidate na maging kabilang sa team ko.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang sampung bampira na nakahilera sa harap ni Kei. Isa doon si Tammy na ngumiti nang makita ako.
Isa-isa ko sanang lalapitan ang mga iyon para inspeksyunin pero natigil ako nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa pinakadulo
"What the f**k?"
Nakita ko ang gulat sa mata nya nang mabaling sa akin ang tingin pero agad syang nag-iwas kaya nilapitan ko sya at hinablot ang kwelyo nya. "Anong kagaguhan ito, Graysean?"
"H-Heydrich..."
"Paanong naging bampira ka?" s**t! Anong nangyari sa gagong ito? Tao sya nang iniwan ko tapos ngayon ay naging bampira na? Bumaling ako kay Kei na hindi makatingin sa akin habang hinihimas ang bangs nya.
"Hey—drich..." tawag sa akin ni Graysean kaya bumaling ako sa kanya. "Walang kasalanan ang emperor. Ako ang may gusto nito."
"Why would I believe you? I am sure that Kei turned you."
"Sya nga pero ako ang may gusto nito."
Hinablot ko ang kamay nya at kinagat ang daliri na sapat para magdugo. Nilasahan ko iyon tsaka ko sya binitiwan.
Ilang sandali ay nag-flash sa utak ko ang mga imahe na galing sa alaala ni Graysean. Isa ito sa kakayahan namin bilang mga monarch vampire.
Sa isang patak lang ng dugo ng isang tao o bampira na iinumin namin ay maaari naming malaman ang lahat ng tungkol dito.
At nang makita ko ang lahat ng dapat kong malaman ay sinikmuraan ko si Graysean. Malakas iyon kaya napaluhod sya habang sapo ang sikmura at napapaubo. "Para iyan sa katangahan mo!"
"Hope, tama na." Nilapitan ako ni Xan at hinila palayo kay Graysean.
Nagpahila ako pero masamang tingin pa din ang ibinibigay ko sa gagong iyon maging kay Kei. Akala ba nila maganda ang ginawa nila? Tsk.
"Ang gunggong na iyon pala ang iniuwi nyo dito kagabi."
Gulat na napatingin sa akin si Xan. "Alam mong may iniuwi kami dito?"
Tumango ako. "I smell his human blood fading and turned into vampire blood. Hindi ko lang alam na si Sean iyon dahil hindi ko pa naman sya nakaharap mula nang maging vampira ako."
Inis kong ginulo ang buhok ko. I didn't expect this kind of situation kung saan mapapabilang si Graysean sa magulong mundo ng mga bampira. Akala ko, mailalayo ko sya sa peligro pero mukhang nagkamali ako dahil sya mismo ang naglalagay sa sarili nya sa panganib.
Bumuntong hininga ako at bumaling kay Yuuna, ang 13th General na in-charge sa unang test na gagawin ng mga candidate. "Hoy, bruha."
Takot syang tumingin sa'kin. Aba, mainit pa ang ulo ko sa kanya noh.
"Siguraduhin mong hindi ka magiging rouge, huh!" madiin kong sabi na ikinakunot ng noo nya. "Don't ask anything. Just do it!"
Mabilis syang tumango.
"Good." Bumaling ako kay Xan. "May tatlong nakakuha ng atensyon ko maliban kay Tammy. If they failed, I want to talk to them."
"Hindi pa nagsisimula ang test, may napili ka na agad sa kanila?"
Umiling ako. "It's not like they are already qualified in my team. As I said, nakuha nila ang atensyon ko kaya gusto ko silang makaharap pa kung sakaling hindi sila pumasa sa inyo."
Tumangu-tango ito. "Okay. Sinu-sino ba iyon?"
Itinuro ko ang tatlong iyon at tumalikod. "Kayo na ang bahala sa kanila. Mag-aalmusal lang ako." Iniwan ko sila at pumasok ng palasyo.
__________
Mula sa balcony ng kwarto ko ay tanaw ang pinagdadausan ng training para sa mga mapapabilang sa team ko. Pinapanood ko lang ang mga ito.
Tammy is great at hindi na nga nya kailangang makipagkumpitensya pa para mapasama sa team ko dahil isa naman syang monarch at may higit na kakayahan para makatulong sa akin.
Si Graysean ay nangangapa pa sa pagbabagong naganap sa katawan nya. Dahil sa kagaguhang ginawa nya, wala akong choice kundi siguraduhing hindi sya mawala sa paningin ko nang magawa ko pa ang pangako ko.
Maliban sa dalawang iyon ay nakatutok din ang atensyon ko sa tatlo pa.
Sinilip ko ang folder kung saan nakalagay ang profile ng mga candidate at inilatag sa mesa ang profile ng tatlong iyon.
Lyle Nightcore, Elite vampire at isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya Ehrenberg. Isa din sa naging estudyante ni Lolo at 3rd rank ng batch nila. Mommy Priya was the one who recommended her.
Argo Oreki, Elite vampire who serve Sierra Clan. He's in the same batch with my father under Daddy Ox at si Kei ang nag-recommend sa kanya.
Finn Connor, Common vampire na kailan lang naging bampira. He was turned by somone in Hamish Clan and he is a genius even when he was still human. Xan was actually the one who recommends him.
Tiningan ko ang profile ng iba pang candidate pero wala na sa mga ito ang nakakuha pa ng atensyon ko kaya itinabi ko na ito at itinira ang lima.
"Sila ang mga napili mo?" Biglang sulpot ni Xan sa tabi ko at tiningnan ang bawat papel na nakalatag sa mesa. "I actually didn't expect for Kei to recommend my brother." Argo Oreki is his elder brother.
"Maybe he knows that I need someone who's familliar in vampire rules."
"He is a lot younger than your father pero madali syang matuto sa lahat ng bagay kaya agad syang isinalang sa traning under your grandfather." sabi nya. "At isa din sya sa pinagkakatiwalaan ng dating emperor."
"He must be great." At hindi ako nagkamali na isama sya sa choices ko.
"He teach me a lot of things bago ako ipasok sa traning area ng lolo mo."
"Well, I don't really need someone who can protect me dahil kaya kong protektahan ang sarili ko." sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga candidate vampire na nasa huling phase na ng test. "What I need is someone who can stay faithful to me no matter what my decisions are."
"In this line up of yours, iyong bagong salta lang naman ang dapat mong alalahanin." aniya na ikinakunot ng noo ko kaya bumaling ako sa kanya. "I have this feeling na hindi maganda ang mangyayari kapag kasama mo ang lalaking iyan. And I am afraid that he will probably the reason para malagay ka sa alanganing sitwasyon."
Kahit naman ako ay ganoon din ang pakiramdam pero hindi ko pwedeng pabayaan ang gagong iyon. He needs to stay alive hanggang sa magawa ko ang pangako ko sa mga kapatid nya.
After that, wala na akong pakialam sa kung ano ang gusto nyang gawin nya. I'm just here because of his siblings. Nothing more. Nothing less.
"Gusto kong puntahan si Mommy." Tumayo ako at nag-inat. "Pwede mo akong samahan?"
"Huh?" Kumunot ang noo nya. "Paano ang test ng mga candi—"
"I already know everything I need." Hinawaka ko sya sa collar ng damit nya at hinila. "Let's go."
__________
Sabi ni Xan, malaking lupain ang pag-aari ng Ehrenberg at ang kabuuan ng bundok kung saan nakatayo ang mansion ay ang nagsisilbing training ground ng lahat ng mga nagiging estudyante ni Daddy Oxeno.
Pero hindi ko akalain na ang buong bundok na halos 9000 meters above sea level ay ang tinutukoy nyang pag-aari ng pamilya ko.
"Hindi ka pa din makapaniwala na pamilya mo ang may-ari ng buong bundok na tinatapakan mo ngayon?" natatawang sabi ni Xan.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Sa tingin mo ay madaling paniwalaan iyon? Alam kong mayaman ang pamilya ko pero ang mag-may-ari ng ganito kalaking bundok, hindi ko kailanman inaasahan iyon."
"You should expect everything when it comes to your family." aniya. "Beside, your clan is next to Sierra kaya ganoon nalang kataas ang tingin sa inyo ng bawat bampira sa lahi natin."
May pitong angkan ang kabilang sa monarch vampire. At ang lahat ng mga pamilyang iyon ay katuwang din ng mga Sierra sa pangangalaga sa lahi ng bampira at syempre, sa bansang ito.
Pagdating sa main door ng mansion na nasa pinakatuktok ng bundok ay natanaw ko sina Daddy Oxeno at Mommy Priya.
Agad akong tumakbo palapit sa kanila at dinamba sila ng yakap.
I never had a chance to meet them before kaya gusto kong bumawi kahit sa sandaling oras na mayroon ako ngayon.
"Nasasanay ka na sa pagbabago ng katawan mo, huh." ani Mom at ginulo ang buhok ko. "That's good news."
Kumalas ako ng yakap. "Xan help me kaya naging madali ang lahat."
Xan bow down to my grandparents.
"Pumasok na muna kayo sa loob at ipakikilala kita sa iba pang miyembro ng angkan natin." Kumapit sa braso ko si Mommy at agad akong hinila papasok ng mansion.
At talaga namang nalula ako sa laki ng mansion. Pang-western ang style na may mga malaking chandelier pa at grand staircase.
Pero nawala ang atensyon ko sa kabuuan ng mansion nang mapatingin sa malaking portrait na nasa itaas ng staircase.
"Mom, sino iyon?" Itinuro ko ang portrait.
"My first born." aniya at iginaya ako paakyat hanggang makalapit kami sa mismong portrait. At doon ko higit na napagmasdan ang kabuuan ng babae sa larawan. Malaki ang pagkakahawig nito kay Mommy pero ang mga mata nito ay kuhang-kuha kay Daddy. "She's Heya."
"Hindi ko alam na may kapatid pala si Papa."
"They never mention any of our clan to you especially us dahil mahirap namang ipaliwanag sayo kung paano mo kami naging lolo at lola kung ganito ang itsura namin." aniya. "Beside, she's already dead kaya hindi mo na din sya mami-meet pa."
Bumaling ako sa kanya. "Anong ikinamatay nila?"
"Rouge." simpleng sabi nito at nakita ang matinding galit na dumaan sa mga mata nya. Is it the same thing that happened to Heidi?
Namatay din ba sya because of betreyal?
"When I gave birth to your father, Kresha, Krio's mother, turned me into vampire to ensure my health dahil hindi naging madali ang panganganak ko. Dalawa lang sila ng papa mo na half blooded vampire habang ang isa pa nilang kapatid ay pure vampire na."
"May kapatid pang isa si Papa?"
"Yes, darling." nakangiti na nitong sabi. "Ipapakilala ko sayo pagdating dahil sya ang naka-assign sa pagpa-patrol sa buong bundok." Hinila nya ako at dinala sa second floor.
Binuksan nya ang malaking double door at bumungad sa'kin ang isang silid na may nagtataasang shelves na puno ng mga libro.
"You'll get everything you need to learn about your ability here." Mom said. "And there is room in the right side where you can test everything you will learn." Nagpunta kami doon at malawak na silid ang bumungad sa akin. "This is a special type of room where only a half blood vampire can activate all the features here."
"Dito din nag-training si Lolo?" Pumasok ako para tingnan ang kabuuan habang sya naman ay nanatili lamang sa may pintuan.
"Yes." she said. "According to your grandfather, this place was created by the first half-blood of Ehrenberg clan."
"Not all Ehrenberg can enter this place?" paniniguro ko na inilingan nya.
"Only half human-vampire can enter here that's why this is rarely use. And they also think that this is the safest place for someone like you if ever na hindi na makontrol ang mga rouge."
According to Xan, kaya ding magproduce ng isang full-blooded ang half blood na tulad ko kaya hindi na ako nagtataka kung napaghandaan na din nila ang lahat kung sakaling mabigo kami laban sa mga rouge.
Kaya pang bumangon ng lahi ng mga bampira mula sa'kin kaya ganoon nalang nila pangalagaan ang bawat half blood sa angkan namin.
"Anyway, can you prepare another place where I can train with Dad and Xan? I need some actual combat dahil hindi ako confident sa mga alam ko. Ayokong laging umasa sa kakayahan ko bilang bampira."
"You can roam around the mountain para ikaw mismo ang mamili ng magandang lugar para sa training nyo." aniya. "I assume you will stay here for a while, right?"
Tumango ako.
"Then, let's go where you can relax bago ka magbabad sa training mo."