Chapter 07

2559 Words
Hope's Pov   "Mama!" Agad kong sinalubong ng yakap si Mama nang makita ko sya sa opisina ni Kei. "Na-miss kita."   Natawa sya at niyakap din ako. "Na-miss din kita, anak."   Hindi pa masyadong nakakapag-usap ni Mama dahil sa dami ng trabaho nila sa labas at naging busy din ako sa pagpapaturo kay Xan. Buti nalang at pumunta sila ngayon.   Bumitaw ako sa kanya at yumakap naman kay Papa. "Pa, gusto ko nang umuwi sa bahay. Miss ko na kayo eh."   Hinaplos nya ang buhok ko. "Miss na din kita pero alam mong hindi pa pwede, hindi ba? Hindi pa tapos ang pag-aaral at pagsasanay mo."   Bumitaw ako sa kanya. "Pero ayoko na dito." Humarap ako kay Kei na nakaupo sa swivel chair nya. "Tsaka hindi naman nila sinasabi ang lahat ng kailangan kong malaman eh."   Tinaasan ako nito ng kilay.   "Lagi nga akong iniiwasan ni Kei. Tapos hinahayaan nyang ang heneral nya ang magturo at magsanay sa akin." Sumama ang tingin nya sa akin kaya agad akong nagtago sa likod ni Papa.   "Kei?" Kunot noong tumingin si Mama sa kanya.   Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "She likes to know everything about Heidi." Natigilan ang mga magulang ko. "At ayokong panguhan kayo dahil makakabuting sa inyo manggaling ang lahat ng malalaman nya tungkol dito." dagdag nito.   "Anong mayroon kay Heidi? Bakit parang iniiwasan nyong malaman ko ang tungkol sa kanya?" This time, humarap na sa'kin ang mga magulang ko. Nagdadalawang isip pa ito kung sasagutin ang tanong ko pero pareho silang bumuntong hininga at hinawakan ang kamay ko at iginiya ako sa sofa para maupo. "So, are you gonna tell me everything?"   Tumango si Papa. "I think this is the right time."   Lumapit sa'min si Kei at iniabot sa'kin ang isang litrato. "She's Heidi."   Pinakatitigan ko iyon at naningkit ang mata ko dahil pamilyar ang mukha nito. Mula sa long curly blonde hair nito, sa asul na mata, matangos na ilong, maputing balat, mapulang labi,magandang hubog ng katawan, mahabang binti... Teka—   "You see it, right?"   "Is she my sister?" Tumingin ako kina Mama. Malaki ang pagkakahawig nya sa akin. Magkaiba lang kami sa buhok dahil itim at straight ang akin. Mukhang mas matangkad din sya sa'kin at hindi hamak na mas sexy.   Tumango si Mama. "Heidi Olivia Ehrenberg. She's our first born and your sister. She's also Kei's childhood friend and became the 1st general."   "W-what?" Ang nag-iisang heneral na hindi ipinapakilala sa publiko? 13 ang palace general pero 12 lang ang kilala ng publiko. Tago ang identity ng 1st general habang ang 13th ay paulit-ulit na napapalitan dahil sa iba't-ibang rason. "May kapatid ako nang hindi ko alam? Nasaan sya?"   "She died 25 years ago." sabi ni Kei.   Napahigpit ang hawak ko sa litrato nya. Hindi ko man lang sya nakilala? Nawala agad sya bago pa man ako isilang sa mundo?   "She was born as human but just like you, she also has cancer and it was diagnosed in her young age so we awaken her vampire blood para maka-survived sya." panimula ni Mama. "She survived but being the only half blooded vampire has a lot of responsibility in your race that's why at the age of 10, your grandfather trained her hard."   "She completed the training and become the first palace general. Sya ang kasama ni Kei at iba pang monarch vampire sa pagtugis sa mga rogues." ani Papa. "But we had a huge mistake that lead her into her death."   Ilang beses akong napalunok habang hinihintay ang sasabihin ni Papa.   "When she turned 20, she became full blood vampire without knowing and got killed when one of her squad betray her."   "She got stabbed by a sword with rogue's blood and you know how fatal it is for a monarch."dagdag ni Mama.   Nanlaki ang mga mata ko. How could they do that to my sister? "I don't understand. Hindi ba, magkakaroon muli ng pagbabago sa kakayahan ng mga tulad ko kapag naging full blooded vampire na kami?"   Malaki ang kaibahan ng kakayahan ng half blood at full blood monarch base sa itinuro ni Xan. Sa pandinig palang at pang-amoy, mapapansin agad kapag naging full blood na ang mga katulad ko kaya paanong hindi nila iyon nalaman?   Nagtinginan silang tatlo pagkuwa'y bumuntong hininga.   "Ehrenberg can produce at least four halfblood in every two generation." ani Papa. "But only one can posses the power that passed in our family. The three will become a full blood without a sign and warning while the other one will only turn if she hit the required age limit and drunken enough monarch blood."   "Heidi doesn't acquire the family's ability?"   Tumango sila.   "We thought that she has it. That keen sense of smell and hearing. The strength that nobody can stand. The speeds that even the monarch can't catch up." Naluluhang sabi ni Mama kaya hinahawakan ko ang kamay nya. "But she doesn't have it."   "She knew." mahina kong sabi at muling tinitigan ang picture ni Heidi. "Alam nyang hindi sya ang dapat pumasan sa responsibilidad ng pamilya natin yet hinarap nya ang mahirap na training at panganib tuwing lalaban sya sa rogue." Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang kapatid ko pero sa nai-kwento nila, alam kong mabuti ito at handang isakripisyo ang sarili para sa responsibilidad ng pamilya dahil alam nyang involve sina Mama at Papa sa problemang ng mga bampira.   "We assume that Heidi will be the last half blood kaya nagkagulo ang vampire race." Napalingon ako kay Kei. "Nagsimulang kumilos ang mga ganid na monarch at elite kaya nagpa-convert sila bilang rogue at gamitin ito para makuha ang pamumuno sa lahi natin."   "But I came."   "Yes. 3 years after Heidi's death, Hina announce her pregnancy that gives us hope to save our race." paliwanag nya. "But of course, we have to hide you and wait for the moment to confirm if you really have your family's ability." So, that's the reason why my parent stays in the capital when I was a child. And when I was diagnosed, they insisted to admit me at the hospital pero kahit gaanon ay hindi sila nagkulang ng pag-aalaga sa'kin.   "If I am the hope of our race, bakit ayaw nyo akong hayaan na gawin ang responsibilidad ko bilang nag-iisang half blood?"   "It's not that easy, Heydrich."   "Eh 'di, magte-training ako." pilit ko. "I know how this problem treathen your safety and I will not let anyone to harm you."   "But—"   "I am not Heidi." sabi ko na ikinatihimik nila. "I have our family's ability and I can assure you that. And I can also assure you my own safety. Ma, ngayon ko pa ba hahayaang mamatay ako? Kung kailan natakasan ko na ang kamatayan noong normal na tao palang ako?"   Niyakap ako ni Mama. "Natatakot ako, anak. Ikaw nalang ang natitira sa amin kaya nga hangga't maaari ay hindi namin binabanggit ang pagiging half blood mo. Ayokong mawala ka pa sa amin."   "Ma. I am half blood. I can endure rogue's blood so please, don't worry too much. And don't be scared." Bumaling ako kay Papa at hinawakan ang kamay nito. "At hindi lang naman ako ang lalaban, di ba? We're a family and we tend to have each other's back."   Ngumiti si Papa at pinunasan ang luha tsaka tumayo. "You're right. Now that I claimed the council chair, I can protect you whenever I want. And I'm sure that Kei will do everything in his power to protect you."   "I can assure that." ani Kei.   "See? Hindi ako nag-iisa." sabi ko kay Mama. "Marami ang po-protekta sa akin kaya huwag ka nang umiyak dyan, Ma. Pumapangit ka na oh."   Agad syang bumitaw sa'kin at pinitik ang noo ko. "Ikaw talagang bata ka." Pinunasan nya ang pisngi at diretsong tumingin sa'kin. "But you have to promise me one thing."   "What is it?"   "Huwag ka munang mai-inlove." Napakunot ako sa sinabi nya. "Heidi fell in love with the man who killed her."   "W-what?"   "She blinded by love so when that man offer his blood she gladly accept it without any second thought." She was killed by a monarch?   Posibleng sinabi nya sa lalaking iyon na wala sa kanya ang kakayahan ng Ehrenberg and it makes everything easy for him dahil kailangan lang nito ipainom sa kanya ang dugo nito para maging ganap itong full blood at doon nya ito pinatay.   "I can't force you when it comes to love but please, not now." Hinawakan pa ni Mama ang magkabilang pisngi ko. "Huwag muna ngayong hindi pa natin kilala ang lahat ng kalaban. Ayokong tulad ni Heidi ay mabulag ka din ng pag-ibig. Iyon ang kahinaan nating mga bab—"   Tinakpan ko ang bibig nya. "Ma, nagiging madrama ka na." Tinanggal ko ang kamay sa bibig nya at hinawakan ang kamay nya. "I do have a crush but love?" Umiling ako. "I still don't have time for that. I still want to enjoy this whole new life and love will be just a distraction but if ever I will unexpectedly fall in love I will assure you that he's a good person."   "How can you say so?"   Ngumiti ako ng malawak. "I'm Hope, your halfblood vampire daughter."   Kumunot ang noo nya. "Anong connect?"   "How can you tell that Papa will be good to you even if he's a vampire?" tanong ko sa kanya.   Tumingin sya kay Papa. "Because my heart says." Sa tinginan nila, halatang kahit matagal na silang magkasama ay nandoon pa din ang love.   "Same goes for me. My heart will guide me to a better person."   Natigil kami sa pag-uusap at pare-parehong napalingon sa pintuan nang marahas itong bumukas. Sinipa iyon ng lalaking kaedad yata ni Papa.   "Nasaan ang apo ko?" sigaw nito. Aba, ang angas din pala nito.   Tumayo sina Mama at Papa tsaka nilapitan iyon. Lumipat ako sa tabi ni Kei pero nananatili ang tingin ko sa lalaking iyon.   "Sino iyon?"   "Si Don Oxeno Ehrenberg, ang lolo mo." sabi nito.   "Eh?" Palipat-lipat ang tingin ko dito at kay Papa. Malaki ang hawig nila pero para namang hindi nagkakalayo ang edad. Well, iyon ang nagagawa ng pagiging bampira. Kahit matanda na ay mukha pa ding bata.   My father is actually 75 years old pero mukha syang nasa 30's. Maganda pa din kasi ang tindig nya at malakas ang pangangatawan. And of course, gwapo pa din kaya noong nasa ospital ako ay hindi naniniwala ang mga nurse kapag sinasabi kong tatay ko si Oliver Ehrenberg.   My mother is 65 years old pero mukha syang late 30's. According to Kei, Papa turned her as Elite vampire when I was born dahil muntik itong mamatay nang magkakumplikasyon sa panganganak sa akin. But even in her age, she still pretty and sexy.   "Ilang taon na si Lolo?"   "Almost 204 years old while your grandmother is 351 years old." Itinuro nya ang sopistikadang babae na kapapasok sa opisina. "And that's her."   "Our race is amazing." Iyon nalang ang nasabi ko habang nakatitig sa apat. They're look normal young people having a friendly conversation but in reality, they're old vampire having a family argument.   Bumaling ako kay Kei. "How about you? How old are you?"   "What do you think?"   "You're Heidi's childhood friend then your age must be twice as mine."   Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. "In our race, age is just a number. Madaling palitan ang edad natin dahil na rin sa mabagal na pagtanda ng katawan natin. Pwedeng mas matanda ka pala talaga kaysa sa edad na inaakala mo or maaaring mas bata. What matter the most is how we live our long life to the fullest so that when we decide to die, we don't have any regrets."   "So, we can decide when we are going to die?"   "It's up to you, little lady."   Napatayo ako at agad hinarang ang suntok na muntik tumama sa sikmura ko. At sino ang sumugod sa'kin? Walang iba kundi ang gwapo kong lolo.   Ngumisi ito at bahagyang lumayo. "Oh. You're good."   "Thanks." Napaatras ako ng muli syang sumugod at pinapaulanan ako ng suntok at sipa. Wala akong magawa kundi sanggain o iwasan ang mga ito dahil hindi ako pumapatol sa lolo ko noh. Baka masabunutan ako ni Mama kapag guman—   "Heydrich, pwede mong patulan iyang lolo mo." nakangiting sabi ni Lola Priya. "Don't hold back and show us what you got."   Nang marinig iyon ay iniwasan ko ang suntok ni Lolo Ox. Humakbang ako papunta sa gilid nito at sinipa sa sikmura na ikinatalsik nya. At dahil sinabi ni Lola na huwag maghold back, hindi ko napansing napalakas ang sipa kong iyon kaya nawasak ang pader kung saan sya tumama.   "Oh my!" Lumabas ng hallway sina Lola para tingnan ang lagay ni Lolo   Well, he's a vampire kaya hindi ko kailangang mag-alala. Mabilis syang gagaling kung napuruhan ko sya at hindi sya mamamatay.   Pagpasok uli nila, inaakay na ni Papa ni Lolo at inihiga ito sa sofa. Wala itong malay pero buhay pa at walang kahit anong damage sa katawan.   "When did they turn you?" Lola Priya asked.   "3 months ago."   Kumunot ang noo nya. "Did they train you?" "Ang pagkontrol lang ng bloodlust." Bakit ba? Hindi ba normal ang lakas kong ito para magtaka sila sa nagawa ko? At matanda na si Lolo. Normal na mas mabilis at mas malakas ako kaya natural din na matalo ko sya.   "Did Xan tell you that your grandfather is the best fighter in vampire race until now?" Napatingin ako kay Kei. "Yes, matanda na sya pero hindi pa din nawawala sa kanya ang galing nya as a fighter kaya lahat ng heneral ko at ng aking ama ay sa kanya nag-training.   "Eh?"   "And you beat the best fighter in just one kick." natatawang sabi ni Lola Priya tsaka lumapit sa'kin at niyakap ako. "Nice to meet you, my awsome apo." Kumalas sya ng yakap. "I am your gorgeous grandmother but call me Mommy Priya. Hindi naman halata sa edad na mag-lola tayo, di ba?"   "Ahm, okay po."   "And your grandfather, just call him Daddy. para walang hassle lalo na kapag nasa labas tayo, okay?"   Tumango ako.   "Anyway, I want to know how you manage to control yourself even after turning into a vampire in just a few months."   Nagkibit balikat ako. "I don't know either."   "Oxeno put to sleep for 10 months and trained for 2 years before finally controlled the Ehrenberg's ability and his blood thirst." sabi nito. "And his grandfather who also possed the same ability put to sleep for 1 year and 2 months then trained for at least a year. But you?"   "Maybe because she's the only woman who possessed your family's ability." sabat ni Kei. "And she also has Heidi's blood."   Kumunot ang noo ko. Paano ako magkakaron ng dugo ni Heidi?   Tumangu-tango si Mommy Priya. "Heidi's blood."   "What does it mean?" Bumaling ako kay Kei. Anong kinalaman ng dugo ni Heidi sa nangyayari sa akin?   "Heidi's blood is running in my veins and since you suck my blood, her blood is also in your body." paliwanag nito.   "Heydrich." Muli akong bumaling kay Mommy Priya. "I have something for you so come to our main residence next week, okay? I will also give you all the books that you need to learn about you being the only half blood in our race in this generation. As well as your responsibility."   "Yes, Mom."   Tumangu-tango sya. "Good. Ipapahatid nalang kita kay Kei." Bumaling sya kina Papa. "Buhatin nyo ang isang iyan." Tukoy nya kay Daddy Ox na hanggang ngayon ay wala pa ding malay. "At sumunod kayo sa akin."   Nagpaalam lang saglit sa akin ang parents ko pagkuwa'y inalalayan nila si Daddy Ox at sumunod kay Mommy Priya.   Napaupo nalang ako sa sahig.   Grabe! Parang bigla akong napagod huh. Ang daming nangyari. Parang sasabog ang utak ko sa dami ng impormasyong nalaman ko ngayon.   "Magpahinga ka muna." ani Kei. "I still have a work until dinner so if you have more questions, just asked any of the generals."   I just nod. Mukhang hindi na din naman ako magtatanong muna. I will save some for later.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD