Chapter 06

2615 Words
Hope's Pov   Isang linggo mula nang magising ako at isang linggo mula nang itanong ko kay Kei ang tungkol sa babaeng nagngangalang Heidi pero hindi nya ako sinagot. Kapag sinusubukan ko uli syang tanungin ay agad syang iiwas o aalis kaya wala akong nagagawa kundi sumimangot.   Pinagbawalan pa akong lumabas ng palasyo dahil hindi pa ako sanay sa pagbabago sa katawan ko bilang bampira. At maliban doon, bigla-bigla pa akong sinusumpong ng pagkauhaw ng dugo kaya hindi ako pwedeng makisalamuha sa iba at baka bigla akong mang-atake at manipsip.   Ang sabi ni Kei, dapat kong kontrolin ang pagkauhaw ko para payagan na nya akong lumabas. Sinabi din nya na kailangan ko ding kontrolin ang sarili kong lakas dahil baka makasakit ako ng mga normal.   Kaya sa bawat araw ko ay binibisita ako ng bawat isa sa Generals para turuan sa mga dapat kong gawin ngayong ganap na akong bampira.   Sa ngayon, sina Train at Trio ang nagtuturo sa akin kung paano limitahan ang lakas ko para maging normal pa din ito para sa mga tao. At hindi ko iyon magawa dahil halos isang case na ng softdrink can ang nasira ko nang walang kahirap-hirap.   "You have no future." naiiling na sambit ni Train. "Kahit ano yatang turo namin sayo ay hindi mo magagawang kontrolin ang lakas mo."   "Alam nyo pala, bakit nagpapakahirap kayo?" Nahiga ako sa damuhan. Nandito kami sa garden at nagbababad sa liwanag ng buwan.   Being a modern vampire is so cool. We can stand the sunlight at hindi kami nasusunog tulad ng nababasa ko sa libro. Pero hindi pa din ganoon kataas ang tolerance dito so they created a serum that protects them from the sun kaya nakakalabas sila kahit umaga.   I don't need that serum dahil half human din ako. Iyon ang nakakatulong sa akin para makayanan ko ang sinag ng araw at hindi ko masunog. Well, malaki pa din papel ng pagiging half human sa pagbabago sa buhay ko   "Kailangan kung gusto mong magkaroon ng normal na buhay sa labas."   "I don't need a normal life. I need everything I can learn for me to do my responsibility in our race." sabi ko. "Kapag tinalikuran ko iyon, para ko na ding tinalikuran ang pamilya ko na involve din sa problemang iyon."   "Ayaw ka nga nilang ma-involve doon." naiiling na sabi ni Train. "Bakit ba hindi mo nalang tanggapin?"   "Duh. Hindi ako nagpagaling para lang magkaroon ng normal na buhay. At hindi ko tinanggap na maging bampira para mamuhay tulad ng tao." inis kong sabi. "Nagpagaling ako para matapos ang kadramahan ni Sean. Para makasama ko ng matagal ang parents ko at para tulungan silang masiguro ang kaligtasan nila." Bumaling ako sa kanila. "Kaya sabihin nyo, hindi ba threat sa buhay nila ang problema nyo?"   Napaiwas naman sila ng tingin at hindi nakasagot.   "Kaya huwag nyo na akong pilit ilayo sa problema dahil alam nating ako lang ang pag-asa ng lahi natin para tumagal pa ng maraming dekada." Masyadong malaki ang responsibilidad ng pagiging half blood ko pero makakayanan ko naman ito. Parang sisiw pa nga lang ito kumpara sa paglaban ko sa kamatayan eh.   Tumayo ako at nag-inat. "Bahala na nga kayo dyan."   "At saan ka pupunta?" Agad silang bumangon.   "Maggagala." simpleng sabi ko at nagsimulang maglakad pabalik ng palasyo. "Mas marami pa akong gustong gawin noh." Tumakbo na ako palayo bago pa nila akong maabutan.   Hindi ko kailangan ng alalay sa paggala ko noh.   And to be honest, wala na naman akong kailangang pag-aralan pa kasi kontrolado ko na ang lahat ng pagbabago sa katawan ko.   Ang range ng pandinig, paningin at lakas ko ay kaya kong ibalik tulad ng sa normal na tao. Alam ko na ang buong kasaysayan ng lahi namin at ng bawat pamilyang kabilang sa'min.   Paano ko nalaman ang lahat ng iyon? Syempre, nakikinig akong mabuti kay Xan, ang 2nd General ng palasyo. Mas magaling syang teacher eh.   Pero syempre, hindi ko pa gaanong master ang pagiging bampira noh. Hindi ako genius para ma-master agad ang lahat sa loob ng isang linggo.   Ang pagkauhaw sa dugo ang hindi ko pa masyadong kontrolado. Kapag kasi nakakaamoy ako ng dugo ay natatakam agad ako at may urge ako na inumin iyon kaya iyon ang mas dapat kong pantuunan ng pansin.   "Xan!" Sinipa ko ang pinto ng kwarto nya. Well, sanay na sya dyan dahil sya ang lagi kong ginagambala kapag ganitong oras para magpaturo. At sa loob ng isang linggo ay hindi naman sya umangal kahit lagi kong nai-istorbo ang kababalaghang ginagawa nya.   "Damn it!" mura nya at agad tinakpan ang hubad nilang katawan ng babaeng kasama nya ngayon sa kama. "Napaka-bad timing mo talaga kahit kailan." Bakas ang panggigigil sa boses nya na hindi ko pinansin.   "Hindi ka pa ba sanay?" Tinawanan ko sya tsaka sinilip kung sino naman ang babaeng kasama nya ngayon at nanlaki ang mata ko nang makilala ito. "Basta bagong salta dito, hindi mo pinapalagpas noh." Well, iba't-ibang babae ang ikinakama ng lalaking ito. At madalas nyang biktima ay ang mga babaeng baguhan na na-aassign dito sa palasyo. Mapa-bampira man o normal na tao.   "Will you please get out?" inis nyang sabi at ginulo ang buhok. "Just wait me in the library. Susunod na agad ako doon."   "Okay. Just don't make me wait long." natatawa kong sabi at lumabas ng kwarto. Dinig ko pa ang sunod-sunod nyang mura dahil sa inis na hindi ko na pinansin. Well, iyon din kasi ang pinagkakaabalahan ko maliban sa pag-aaral. Ang pang-iinis sa lahat ng heneral.   Ayaw kasi nilang sabihin kung nasaan si Yuuna. Eh hindi pa ako tapos sa babaeng iyon kaya gusto ko syang makaharap at pahirapan.   Kumunot ang noo ko nang makita sina Jian at Maysie sa labas ng library. Bumaling sila sa akin nang maramdaman ang presensya ko.   "Yo." bati ni Maysie. "Kanina ka pa namin hinihintay."   "Tinakasan mo na naman sina Train." ani Jian na tinanguan ko. "Ala—"   "Ang boring nila magturo." sabi ko tsaka pumasok ng library. Sumunod naman sila sa akin at naupo sa sofa'ng narito. "Tsaka bakit ba ang kulit nyo? Sinabi ko nang hindi nyo ako kailangang turuan."   "Heyd—"   Itinapat ko ang kamay sa mukha nya. "H.O.P.E." Pinagdidiinan ko talaga ang bawat letra para ramdam nila. Nakakinis na kasi eh. Ilang beses ko na sa kanilang sinabi ito. "Hope ang itawag mo sa'kin at hind Heydrich."   Tinabig nya ang kamay ko "Fine. Hope na kung Hope." sabi nya.   "Uulitin ko, hindi nyo na ako kailangang turuan." madiin kong sabi. "Just do your job as general and leave me alone."   "You know we can't do that." sabi ni Maysie. "His majesty will never let you go out if you keep avoiding your classes."   "Parang may magagawa sya kapag tumakas ako." mahina kong sabi na ikinasama ng tingin nila sa akin kaya natawa nalang ako."Chill."   Masyadong seryoso eh.   "Magseryoso ka nga." inis nilang sabi.   "Okay." Napakamot ako ng ulo. "Kapag ba nakontrol ko na ang lahat ng kakayahan ko bilang bampira at ang pagkauhaw ko sa dugo, hahayaan nyo na ako? Papayagan na ako ni Kei na lumabas at umuwi sa bahay?" Sabay silang tumango. "Good. Then, ihanda nyo ang exam ko bukas." sabi ko na ikinakunot ng noo nila. "Duh. Syempre kailangan ng exam para malaman nyong tapos ko nang pag-aralan ang lahat."   "What?"   "Ay, ewan." Hinila ko sila at inilabas ng library. "I will study tonight kaya huwag kayong istorbo. Ihanda nyo nalang ang exam na kailangan kong i-take para mapatunayang kaya ko nang kontrolin ang kakayahan ko at ang pagkauhaw sa dugo." Isinara ko ang pinto at nahiga sa sofa.   Pumikit ako pero agad ding napadilat at ramdam ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko nang makaamoy ng dugo. May kung ano sa loob ko ang nagtutulak sa'kin para puntahan ang pinanggagalingan ng amoy.   Muli akong pumikit at huminga ng malalim para maikalma ang sarili ko. Ilang beses kong inulit ang paghinga hanggang sa maramdaman ko ang pagbalik sa normal ng mga mata ko at unti-unting nawawala ang gutom at uhaw ko sa dugo. Geez! Hindi pala talaga madaling pigilan ito.   Dumilat ako tsaka tumingin kay Xan na nakasandal sa pinto. "At saan ka nakakuha ng dugo ni Kei?" Yeah, dugo ng emperor ang naamoy ko kaya talagang nauhaw ako at gusto ko iyong inumin. Buti ay nagawa kong kontrolin ang sarili ko dahil kung hindi ay babagsak ako sa test na ito.   Oo, test lang iyon kung makakayanan ko nang kontrolin ang pagkauhaw at luckily, I passed. Pero first phase palang iyon.   "Sinabi kong nauuhaw ka na kaya nagbigay sya." Ibinato nya sa akin ang vial na naglalaman ng dugo ni Kei. "Drink it and we'll proceed to your next test." Naupo sya sa ibabaw ng mesa. "Gusto ko nang matapos ang pagtuturo sayo dahil masyado ka nang nakakaabala sa mga ginagawa ko.   "s*x life mo lang ang ginagambala ko noh." Inirapan ko sya at ininom ang dugo tsaka bumaling sa kanya. "Anong su—" Napatakip ako ng ilong nang magbukas na naman sya ng panibangong vial ng dugo. "What the fvck? Xan! Bakit ang baho nyan? Kaninong dugo iyan?"   "Oh? Mas matalas pala ang pang-anoy mo kaysa sa amin huh." natatawa nyang sabi tsaka tinakpan ang vial. "4th level vampire's blood. Rogue"   "Yuck." Hinimas-himas ko ang mga braso ko dahil kinilabutan ako sa baho ng dugo na iyon. "I will never drink that blood."   May apat na level ang lahi ng mga bampira.   1st level vampire ang tulad ni Kei at ang buong angkan ng Sierra. They are the Monarch Vampire. Maliban sa kanila, may anim pang pamilya ang may purong dugo ng vampire at kabilang sila sa Vampire's Council.   Sa 2nd level nabibilang ang lahat ng mga heneral. May labing dalawang pamilya ang kabilang dito at sila ang nakatalaga para magsilbi sa mga royal blood or yung mga nasa First level. May mga tao ding nagiging bampira dahil sa kagat ng mga royal vampire blood at napapabilang sila sa level na ito. They are called Elite Vampire because they have special bond with the monarch.   3rd level ang tawag sa mga taong naging bampira dahil sa kagat ng Elite. Most of them ay naging bampira dahil sa sariling kagustuhan. Sila ang mga taong nakakaalam ng existence ng lahi namin at nagde-desisyong makianib dahil sa mga advantage ng pagiging isang bampira. They are called Common Vampire. May ilan din na aksidenteng naging bampira dahil may pagkakataon na nawawalan ng kontrol ang Elite sa bloodlust.   And the 4th level is our main problem. Sila ang mga dating tao na naging bampira dahil sa kagat ng common vampire. They are more aggressive at walang kontrol sa sarili kaya ang populasyon nila ang higit na marami sa mga full blooded vampire. They were called Rogue Vampire at ang dugo nila ay lason para sa mga full blooded lalo na sa mga monarch.   But the thing is, monarch and half blood vampire lang ang makapatay sa mga rogue vampire. Elite and common can damage them but they can't kill them kaya isa iyon sa responsibilidad ko bilang nag-iisang half blood dahil hindi naman ganoon kadami ang bilang ng mga monarch vampire.   "It's good thing that you can tell the difference of vampire bloods base on their smell." sabi ni Xan at muling nagbukas ng blood vial. "This one?"   "Animal blood." Walang epekto sa akin ang dugo ng kahit anong hayop. I can drink them but it can't trigger my bloodlust. Muli syang nagbukas ng isa pang vial at nakaamoy ako ng manamis-namis. "Human's blood." For me, hindi ganoon ang epekto ng dugo ng tao sa akin since I am still half human kaya kahit makaamoy ako nito ay nananatili akong kalmado.   But for the other vampires, human blood is the most delicious kaya may mga times talaga na hindi nakokontrol ng full blooded ang bloodlust nila.   "Can you differentiate this?" Dalawang vial ang binuksan nya. At first, pareho iyong amoy alak. Pero dahil siguro sa matalas kong pang-amoy, kaya kong malaman kung anong klaseng dugo iyon.   "Ito." Kinuha ko ang vial na nasa kanang kamay nya. "Elite's blood and this one." Itinuro ko ang nasa kaliwang kamay nya. "Common's blood."   "Nice." Ibinaba nya iyon tsaka ginulo ang buhok ko. "You're great. We're the full blooded but we can't even know the difference between 2nd level to 4th level vampire bloods."   "Eh?"   Tumangu-tango sya at iniligpit ang mga vial. "Kaya may mga aksidente ng pagkamatay ng mga vampire dahil nakakainom sila ng rogue's blood. Kaya sobra ang pag-iingat namin sa blood supply sa bloob bank natin."   "May mga nakakalagpas pa?"   "Hindi maiiwasan iyon lalo na't may mga nagtatangka sa buhay ng mga monarch vampire at iniisip nila na mas mapapadali ang trabaho nila kung ang blood bank ang pupuntiryahin nila." paliwanag nya. "Hindi kasi lahat ng rogue's blood ay kulay itim kaya talagang may nakakalusot."   "Anong posibleng epekto sa akin ng rogue's blood?"   "Poision din but you have more tollerance than us kaya may posibilidad ka pa ding maka-survive thanks for you being a half human." aniya.   "Rogue's blood is poison. Elite and common's blood can make me drunk. Human's blood can satisfy my bloodlust but not enough compare to the first blood I drink when I turned." sabi ko na tinanguan nya. "What about a monarch's blood? Well, except sa dugo ni Kei." Ang dugo ng lalaking iyon ang una kong nainom nang maging vampire ako, di ba?   "If you drink other monarch's blood, it will turn you into a full blood." sabi nya. "But of course, kapag masyado nang madami ang nainom mo."   "So, iyon ang reason kaya hindi nawawala sa 1st level ang Ehrenberg kahit sa'min nanggagaling ang half blood na tulad ko?" Yup, monarch ang pamilya ko kaya hindi ako pinapatulan ng mga heneral kahit sobra na ang pang-iinis ko sa kanila. Well, mas mataas ako sa kanila eh. "Pero ang Ehrenberg lang ba ang pwedeng makipagrelasyon sa mortal?"   Tumango sya. "Vampire-human relationship are not forbiden in our race. But if they want to be with each other forever, the human needs to turned into a vampire before they can get married and had a child. Tanging ang pamilya nyo lang ang pinapayagang magkaroon ng anak sa isang mortal dahil responsibilidad nyong mag-produce ng isang half blood na may kakayahang i-handle ang kapangyarihang tinataglay ng pamilya nyo."   "Vampire-human s****l intercourse are also not forbiden so what if you accidentally impregnate that human?" Sa dami ng ikinakama gabi-gabi ng lalaking ito, hindi na ako magtataka kung makabuntis ito soon. Ah, hindi lang pala sya ang malandi. Kahit ang ibang heneral, nakikita kong kung sinu-sinong babae ang dinadala sa mga kwarto nila eh.   "As long as the child is not yet born, we can turn them into a vampire to avoid problem." sagot nya. "Pero kung babaeng bampira ang mabubuntis ng mortal na lalaki, the council's assassin will automaticaly killed them."   Nanlaki ang mga mata ko. "Both mother and child?"   "They have to do that because it can lead to the extinction of our races kaya nag-iingat ang mga babeng bampira when it comes to intercourse."   I didn't know that they can be this cruel but what can I do? They are just doing their job to protect the vampire race because creating another half blood outside Ehrenberg family will be the end of our lives.   "Sino ang huling half blooded? Si Lolo Ox o si Lola Priya?" Iyon ang mga magulang ni Papa na hindi ko nakilala ng personal pero naiku-kwento sila sa akin ni Mama noon. At ang alam ko ay buhay pa sila.   "Si Don Oxeno."   "Do you know where they are?" muli kong tanong. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ipinakilala sa'kin ang mga iyon. Pero kailangan ko silang makausap para malaman ko ang dapat kong gawin bilang half blood.   "Si Kei na ang tanungin mo dyan dahil tapos na ang pagtuturo ko sayo." ismid nya. "Pasado ka sa lahat ng test mo kaya papayagan ka na nyang lumabas. Just make sure to drink enough Kei's blood bago ka lumabas at makisalamuha sa iba para kahit anong dugo ang maamoy mo ay hindi ma-trigger ang bloodlust mo, okay?"   Tumango nalang ako dahil mukhang hindi nya talaga sasabihin sa akin kung saan makikita ang lolo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD