Hope's Pov
Dapat ngayon magaganap ang test na ibibigay sa akin nila Maysie at Jian pero hindi na natuloy dahil kay Kei. Sinabi na nyang tapos na ang lahat ng dapat kong pag-aralan dahil palihim akong nagpapaturo kay Xan so tulad ng inaasahan ay bakas ang inis sa mukha ng mga heneral.
But they can't complain. Well, because I am Ehrenberg.
Dahil wala naman akong gagawin para sa araw na ito at balik trabaho na ang lahat ng heneral kaya wala akong makakasama ay naisipan ko nalang munang maggala. Pinayagan na din kasi ako ni Kei na lumabas but I still need to stay in the palace for another month bago ako umuwi sa bahay.
At una kong pinuntahan ay ang school kung saan nag-aaral si Tammy, ang bruhang girlfriend ni Gray. Close kami kahit pa madalas kaming magbangayan kapag bumibisita sa ospital and I know, we both treat each other as friends lalo na't naging damayan din namin ang isa't-isa nang mamatay ang kambal.
Eksaktong pagdating ko sa entrance ng school nila ay naglalabasan na ang estudyante kaya tumayo nalang ako sa gilid ng gate at nag-abang.
Ilang sandali pa ay natanaw ko na sya at mukhang nakita din nya agad ako dahil napangiti sya nang mabaling ang tingin sa direksyon ko.
Sasalubungin ko na sana sya pero nakakatatlong hakbang palang ako nang matigilan habang nakaturo sa kanya.
"Y-you..."
Tuluyan na syang nakalapit sa akin kaya hindi ako pwedeng magkamali.
Tinakpan ko ang ilong ko habang mataman syang tinitigan at mukhang na-gets nya agad ang nasa isip ko.
Ngumiti sya. "I didn't recieve any news that they already turned you." Kumapit sya sa braso ko at bahagya akong hinila. "Doon tayo sa favorite restaurant ko at doon ka magtanong ng mga gusto mong malaman."
Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang syang hilahin ako hanggang makarating kami sa restaurant na sinasabi nya.
The restaurant serves food for both humans and vampire kaya hinayaan ko nang si Tammy ang mag-order ng pagkain namin.
Nang makaalis ang waiter ay nakangiti syang tumingin sa akin. "Have your way, Hope. You can tell and ask me anything."
"You're a vampire." sabi ko. Yes, iyon ang na-realize ko nang maamoy ang dugo nya kanina. "A monarch."
She nodded. "Yes. I'm a monarch vampire form Holland Clan of L City. Sorry for not telling you but I didn't fake myself when I approach you at the hospital. I really wanted to be your friend because I know that you also love the twins just like how I loved them."
"Did they know this? I mean the twins? Especially Gray"
"He knows everything about me when he decided to court me." sabi nya at nakita ko ang pagdaan ng lungkot at pangungulila sa mga mata nya. "And you know what, he accepted me without any second thought that's why I fell in love with him kahit tarantado ang lalaking iyon."
One thing that makes us the same is the way we talk. Hindi pwedeng mawala ang mura at bad words. Other than that, we are totally opposite. She's a lady type, minus the way she talks and I'm a boyish type.
"If you're a monarch vampire and he knew, bakit hindi mo sila iniligtas? You have the power to save both of them but you didn't do anything." Naikuyom ko ang mga kamao ko. "If you really love them then why? Kasi kung ako ang nasa sitwasyon mo—"
"Do you think, hindi ko naisip iyon?" madiin nyang sabi. "Bago pa sila ma-diagnosed, I'm thinking of turning him into a vampire because I want to be with him for a long, long time but... but I can't."
"Why?"
"In our race, Holland has the strongest venom that can kill anyone we bit but some might survive if they have strong body resistance." aniya. "At alam mo kung gaano kahina ang resistensya ng kambal kaya hindi ako ang maaaring magligtas sa kanila. I can't just bit and turned them into a vampire because they will suffer more. At posibleng mas napaaga pa ang kamatayan nila kung ginawa ko iyon."
"I..." Yumuko ako. "I'm sorry." I saw how much she loves Gray. I know how she value Gracie. At ako ang higit na nakakalaam kung gaano sya nahirapan na makitang nahihirapan ang kambal at wala syang magawa para matulungan man lang ang mga ito.
"I even asked for other monarch clan but that time, they are all out of the country dahil nagsisimula na noon ang paglakas ng mga rogue." dagdag pa nya. "Kei tried his best para matapos agad ang problemang iyon but when they came back, that was also the time when the twins died."
"I wish I knew all of this way back then." mahina kong sabi. "Maybe it is my fault. If ever I had hopes in surviving. If ever I struggle enough to fight for my life, siguro noon ko pa nalaman na bampira ak—"
"It's not your fault, Hope." Hinawakan nya ang kamay ko kaya inangat ko ang tingin sa kanya. "I admit, naiinis ako sayo noon. You abandoned your hope to survive the moment you enter the hospital even though your parents try their very best to save you. You accepted your defeat without even fighting. But then, I understand everything now. I understand why the entire vampire who knew your condition, especially your family, decided to respect your decision." aniya. "Don't blame yourself. Beside, before Gray died, he said that it is better for him to die as a human."
"Do you know that he is actually afraid of the blood?"
Natatawa syang tumango tsaka napa-face palm. "And that was also the reason why he didn't want me to turn him into a vampire. He always faint everytime he saw the blood in my bag."
Napatawa din ako nang maalala ang mga panahon na laging nahihimatay si Gray kapag nakakakita ng dugo. "Anyway, I'm sorry for doubting you." sabi ko. "It's just that, you know that those twins change my life and until now, I still can't accept the fact that they died while I survive."
"Hope, hindi natin hawak ang kapalaran ng mga mortal. If it is their time, kahit ano pang pilit ay hindi natin iyon mapipigilan." sabi nya. "It's the fate who decides when and where they will die."
"I know." Sa'min kayang mga bampira? Ang tadhana din ba ang nagde-desisyon sa buhay namin? But Kei told me that we're the one who can decide if we want to rest for life. Pero siguro ay depende pa din iyon sa sitwasyon. Ngayon kasi isang delikadong laban ang posible naming maharapin dahil sa paglakas ng mga rogue.
"Enough with the drama." aniya. "When did Kei awaken your vampire blood? Wala na kasi akong balita sayo mula nang lumabas ka ng ospital."
Ang huling pagkikita namin ay noong nag-discharge ako sa hospital. After that, hindi ko na sya kinontak dahil natatakot ako na makadagdag sa sakit na nararamdaman nya kapag naging malapit pa ako sa kanya.
"I enrolled in C City for college." Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko kaya napairap ako. "It was actually your boyfriend's fault. He made me promise to enroll and you know how I take promise seriously so I did."
"And?"
"And I dropped out 6 months ago. Hindi nya sinabi na tapusin ko ang college kaya bago pa maubos ang pasensya ko sa kaartehan ng kaklase ko, umalis na ako and I decide to do the promise I make with Gracie."
Kumunot ang noo nya. "Ano naman ang ipinangako mo kay Gracie?"
"She made me promise to protect her elder brother.
"What? Si Graysean?"
Tumangu-tango ako. "Plano ko lang sana syang protektahan sa malayo kasi doon din pala sila nakatira sa subdivision kung saan kami nakatira at aksidente kaming nagkakilala."
"And he has something to do with your decision to wake your vampire blood, right?" tanong nya na tinanguan ko. "What happen?"
"He proclaimed himself as my bestfriend so when I had a car accident and learned the true condition of my body, he blamed himself."
"Damn it." mahina nyang sabi. "Gago pa naman ang isang iyon." Kilala nya ng personal si Sean at alam nya din ang pinagdadaanan at ugali nito kaya siguradong alam nya kung bakit ko nga ba piniling mabuhay.
"Sobra. Well, may nakialam din kasi." sabi ko. "And I'm sure you knew Yuuna Kim, the 13th Palace General."
"Bakit? Anong ginawa ng babaitang iyon?"
"Sya ang nagsabi kay Graysean ng totoong lagay ko. She even told him about my cancer at tulad ng kinukwento ng kambal, he blamed himself and actually threaten me that if I didn't go back after 1 year, susunod sya sa akin."
"Gago talaga." Napailing nalang ito. "Tinuruan mo naman ba ng leksyon ang maarteng nurse na iyon?"
"Hindi pa masyado Noong nakita ko kasi sya paggising ko, biglang dumating si Kei kasama ang parents ko kaya binitiwan ko sya and you know that I am not that kind lalo na sa mga taong kinakaawaan ako."
"Yeah. Pity is such an insult to you kaya hindi ka titigil hangga't hindi nasa-satisfy sa paghihirap nya." Hindi lang naman ako. Kahit ang kambal ay ayaw ding kinakaawaan. "Anong balita kay Sean ngayon? Noong huling punta ko sa kanila para bisitahin sina Tita, halos isang buwan na daw itong hindi umuuwi pero tumatawag naman daw para ipaalam na maayos ang lagay nya at buhay pa sya."
"Hindi pa ako nakikibalita because I am still adjusting in this new life. Medyo kakaiba pa sa pakiramdam eh." paliwanag ko. "And I'm sure, kapag nalaman ko kung nasaan sya ay agad akong pupunta sa kanya para masigurong maayos lang talaga sya."
Napangiti sya at umiling-iling. "You really take promise seriously. Baka naman masobrahan ka sa pag-aalala sa lokong iyon at ma-inlove ka."
Napangiwi ako sa narinig. "Careful with your words, young lady. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong in love sa gagong lalaking iyon."
"And why is that?"
"Dahil mas malala ang tama nya sa utak kaysa kay Gray." Muli syang natawa kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Stop teasing me, okay? Hindi ako mai-inlove sa kanya kahit magmakaawa pa sya. And I don't have time for love. I am busy with a lot of responsibility."
"Speaking of that." Lumipat sya sa tabi ko tsaka hinawakan ang kamay ko. "I heard that the palace is currently searching for your security."
Tumango ako. "Xan told that to me kaya nga naisipan kong puntahan ka dito dahil busy silang lahat. So, what about that?"
"Can you recommend me?" Nagsimula syang magpa-cute na ikinangiwi ko. "Please, Hope."
"Y-you're a monarch, right? Is it okay if you're under the command of someone like me?" tanong ko. "You know, a half bloood."
"Isang karangalan para sa isang tulad ko ang mapabilang sa team ng half blooded and don't belittle yourself. You're an Ehrenberg. Much higher than my family kaya hindi magiging problema kahit under mo lang ako."
Pinakatitigan ko sya at mukhang gusto nya talaga ito kaya napabuntong hininga ako. "Fine. But first, I want to know why do you want to become part of my team?"
Napabitaw sya sa'kin at nag-iwas ng tingin tsaka bumalik sa upuan nya.
"Tammy?"
Bumaling sya sa'kin at bumuntong hininga. "Kailangan talagang sabihin ang dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang dahil magkaibigan tayo."
"Kung sinabi mo iyan agad, baka naniwala pa ako. Pero dahil sa ikinilos mo, alam kong may iba pang dahilan at gusto ko iyong malaman." sabi ko. "Because this is a matter of life and death of our race so I need to be careful on whom I will be welcoming in my team."
She's my friend and I know that I can trust her but still I need to know everything because my life will be secure by the vampire who will be part of my team.
"Fine." Napakamot sya ng ulo. "You know, hindi lang ikaw ang pinilit ng kambal na mangako sa kanila. They made me promise one thing too because I told them about your identity."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Sorry. Napasobra kasi ang kadaldalan ko that time and I say things like that." sabi pa nya na ikinailing ko. Isa sa kinakaayawan ko sa babaeng ito, hindi sya pwedeng pagtaguan ng secret. Sobrang daldal kasi pero nagiging madaldal lang sya sa mga taong sobrang palagay ang loob nya.
"Nauna pa nilang nalaman kaysa sa akin, huh." Good thing, Gray and Gracie are my true friend because they didn't change after learning the truth about me. At kaya siguro ako pinilit ng dalawang iyon na mangako sa kanila dahil alam nilang mabubuhay pa ako ng matagal. "So, anong ipinangako mo sa kanila?"
"If you'll accept the responsibility of our race, they made me promise to help and protect you." aniya. "Saksi sila sa paghihirap mo dahil sa sakit at iniisip nila na kung pipiliin mong mabuhay ay hindi magiging madali ang haharapin mo. They don't want you to suffer alone again in your new life and they know that I'm willing to help you because you're the only friend I ever had in this endless life."
"Do you think, you can help me if ever we start on hunting rogues?"
Mabilis syang tumango. "I am well-trained by Master Oxen and top 4 in my batch. Aside from that I also have a lot of knowledge in healing so we can regenerate faster that the usual."
Naging student sya ni Daddy Ox at kung ganoon, masasabi kong malaki ang maitutulong nya. And she's a monarch. May makakatulong ako sa pag-ubos sa mga rogue.
"Okay, I will tell Kei."