Hope's Pov
As the days passed na lagi kong pagtambay sa tinadaan ni Wain kung saan madalas ko ding makasabay si Sean ay padami ng padami ang nalalaman ko tungkol sa kanya na hindi pa naikwento ng kambal sa akin.
Yeah, lagi nilang ikinukwento ang nakatatandang kapatid na hindi ko nakikitang dumadalaw sa ospital noong kasama ko sila dahil nakadestino daw ito sa ibang bansa for training.
At bakas ang matinding paghanga sa mga mata nila habang ikinukwento ito kaya naisip ko, maybe their brother is amazing. Gustong-gusto ko pa nga itong makilala noon na hindi lang nabigyan ng pagkakataon dahil hindi ito bumisita ni minsan sa ospital.
Pero ngayong nakaharap at nakilala ko na ang lalaking ipinamamalaki nila sa akin, parang gusto kong bawiin ang pagkagusto kong makilala sya. Actually, pinagsisisihan kong nakilala ko sya.
Jusko! Mas malala sya kay Gray kahit pa mas matanda sya dito.
Isip bata. Malakas mang-asar. Parang bakla na laging bukam-bibig ay ang crush nyang nurse na nakatira hindi kalayuan sa bahay nila. Lampa at duwag kahit criminology graduate. At higit sa lahat, isang malaking gago dahil ako ang sumasalo kapag gumagawa ng kalokohan.
"Oy."
Tumaas ang kilay ko nang makita ang gagong Sean na may bitbit na malaking back pack. "Bakit ang dami mong dala? Pinalayas ka na ba ng parents mo dahil sa mga kagaguhan mo?"
Nakatambay ako ngayon dito sa labas ng bahay namin. May meeting kasing nagaganap sa loob at ayokong namang ma-involve doon kaya dito ko minabuting maghintay. Nakaupo ako sa may gutter.
Sumimangot sya at akmang pipitikin ang bibig ko pero agad kong tinabig ang kamay nya tsaka sinamaan ng tingin kaya wala syang nagawa kundi maupo sa tabi ko. "Iyang bibig mo, parang hindi pangbabae."
"Wala kang pakialam sa kung ano ang lumalabas sa bibig ko." singhal ko. "Now, answer my question. Pinalayas ka kaya marami kang bitbit?"
"Ganoon ba kagago ang tingin mo sa'kin para mapatid ang pasensya ng magulang ko?" tanong nya na agad kong tinanguan kaya lalo syang napasimangot. "Grabe ka talaga. "Napailing sya. "Hindi ako pinalayas. May trabahong inalok sa akin sa capital at ngayon din ang alis ko."
"Congrats! May pakinabang ka na din." Tinapik-tapik ko sya sa balikat. "Oh, sige na. Pwede ka nang lumayas nang matahimik na ang buhay ko."
"Seriously? Hindi ka man lang ba malulungkot na aalis na ako?"
"And why would I, Mr. Graysean Clevis?" taas kilay kong tanong. "As far as I remember, you're just my self-proclaimed bestfriend at hindi ako pumayag doon. So, wala akong nakikitang dahilan para malungko ako. In fact, masaya nga ako dahil matatahimik na ang buhay ko."
Hindi ako nakaalma nang bigla nyang ipitin sa braso nya ang leeg ko at ginulo ang buhok ko. "Walang hiya ka talaga babae ka. Ang lakas mong mang-alaska. Kahit hinid mo naman sabihin, alam kong mami-miss mo din ako kaya huwag kang mag-alala, tatawagan kita lagi."
Marahas kong inalis ang braso nya sa leeg ko at agad lumayo tsaka inayos ang buhok ko. "Kahit huwag ka nang tumawag Hindi ko din naman sasagutin. You know, I hate phone calls. Pero siguraduhin mong hindi ka gagawa ng kalokohan nang hindi mag-alala ang mga magulang mo sayo. Isa't kalahating gago ka pa man din."
"Oo na." Ginulo nya ang buhok tsaka tumayo. "Siguraduhin mo ding mag-iingat ka. Hindi din biro ang death threat na natatanggap ng parents mo." Well, he knew my parents at hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga death threats na madalas ipadala sa bahay at office ni Papa.
"Huwag ako ang alalahain mo because we're all aware of our situation. Pero kung ako pala ang mami-miss mo, maghintay ka nalang kasi pupunta din kami sa capital for my father's job." sabi ko. "Kaya lumayas ka na bago pa mag-init ang ulo ko at mabugbog kita ng wala sa oras."
Napailing nalang sya at bumuntong hininga. "Sa tatlong buwan kitang nakasama, naguguluhan pa ako kung babae ka talaga o nagpapanggap lang. Wala kang ka-sweet-sweet sa katawan."
"Huh! Baka ma-inlove ka sa'kin kapag nagpaka-sweet ako." mayabang kong tugon. Wala din akong planong magkapa-sweet sa kanya dahil nakakaurat sya. Parehong-pareho sila ng kapatid nyang ungas. "At pwede ba? Huwag ka nang maraming sinasabi. Layas na!"
Sinimangutan nya ako. "Walang hiya ka talaga! Hindi ka sana magka-boyfriend!" At doon sya tuluyang tumakbo palayo. See? Gago talaga.
Napailing ako at tuluyang pumasok sa bahay namin tsaka dumeretso sa meeting room kung nasaan sina Papa kasama ang ilan nyang tauhan.
Natigil sila sa pagsasalita at bumaling sa akin nang makapasok ako dito.
"What are you doing here, Heydrich?" Papa asked.
"I'm accepting the job." seryoso kong sabi. "And I will do it ASAP."
"Are you reallu sure, anak?" Nilapitan ako ni Mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You know how dangerous this job is at walang kasiguraduhan ang mga posibleng mangyari pagkatapos. Pwedeng lalong manganib ang buhay natin or pwede ding matahimik."
Bumuntong hininga ako. "To be honest, Ma. Hindi ko ito gagawin for the sake of our lives. You see, may taning na naman ang buhay ko and this time, sinabi ng doctor na wala nang pag-asang paghahawakan kaya gagawin ko na kung ano ang ipinangako ko kay Gracie."
"Hindi mo nga talaga matatakasan ang tadhana, anak." malungkot sa bai ni Papa tsaka lumapit sa akin at niyakap ako. "So, do what you want to do with your remaining lives and we will do everything we can to support you. Ayaw naman naming maging malungkot ka at puno ng pagsisisi sa huling saglit mo sa mundong ito."
Napangiti ako. This is why I love my parents. They easily understand me and support my decision kahit nasasaktan sila. They both do everything they can para sa kasiyahan ko kahit unfair na iyon sa kanila.
Just like this one. I will do a job that may danger my life for the sake of others. Alam kong mag-aalala sila at masasaktan kung may mangyaring masama sa akin pero sige pa din ako at susuportahan pa din nila ako.
"Thanks for everything, Papa, Mama. Hindi ko man madalas ipakita at iparamdam pero mahal na mahal ko kayo, so whatever happens to me in that job, stick to what we promise. Stay alive as long as you can, okay?"
Pareho silang naiiyak na tumango.
"I'll be leaving after dinner. I need to pack my things."
"Okay." Hinalikan muna nila ako sa noo bago ako umakyat sa kwarto at sinimulang iempake ang mga gamit na dadalhin ko.
Isang taon. Iyan ang nalalabi sa buhay na mayroon ako at sa bawat araw na lilipas ay nagsisimula ko na namang maramdaman ang mga sintomas ng sakit ko kaya kailangan ko nang kumilos bago mangyari iyon.
Sa loob ng isang taon, gagawin ko ang ipinangako ko kay Gracie. Sisiguraduhin kong magiging ligtas ang mga magulang ko. At sa mga natitira ko pang araw ay igugugol ko para makasama pa sila.
I wil make sure to use my remaining life time for a meaningful things. Just like what Gray Clevis wants me to do.
**********
Someone's Pov
"They already moves." sambit ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan na kapapasok lang ng opisina ko. "The report came this morning. They're here in capital." Inilapag nito sa'king harap ang mga litrato kung saan makikita ang dalawang taong matagal ko nang inaasahang dumating.
"Did you manage to get some information about their plan?"
"I'm sorry. Masyadong magaling ang babae kaya hindi namin alam kung ano'ng plano nya." anito. "At dahil mukhang alam nya ang ginagawa nating pagsubaybay sa kanila ay sya na mismo ang nagbigay ng oras kung kailan sila darating sa lugar na iyon."
"Tama ang hinala natin tungkol sa babaeng iyon pero mali ang ginawa nating pagmamanman sa kanila." sabi ko habang nakatitig sa litrato ng babaeng tinutukoy ko. "Still, we need to make our move bago tayo maunahan ng iba. Proceed to what we plan."
Tumango ito. "Kaninong squad ang ipapada ko sa lugar na iyon?"
"Vria's Squad. Hindi lang sila ang pupunta doon kaya kailangan nating mag-ingat." Ibinaling ko ang tingin sa labas ng malaking bintanang hindi kalayuan sa akin. "We can't let those bastard take our only hope."
"Copy, sir." Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto na nangangahulugang nakaalis na sya.
"Xan." Bumaling ako sa madilim na parte ng opisina ko at doon, lumabas ang isa pa sa tauhan ko.
"Yes, your majesty?" Nakaluhod ang isang tuhod nito sa sahig bilang paggalang sa posisyong mayroon ako.
"Protect her." sabi ko.
"It's a pleasure to accept your order, sir." anito. "Pero paano kung ang magtangka sa buhay nya ay ang lalaking iyon?"
Hindi ako nakasagot. We need both of them alive but in this situation, maaari silang magharap bilang magkaaway at magkapatayan kaya iyon ang dapat naming pigilan.
Bumuntong hininga ako. "Do what you think is right. Juts don't kill him." Kung sakali man, siguradong magagalit ang babaeng iyon kapag nakita nyang nasaktan ang lalaking gusto nyang protektahan. Pero mas mabuti nang harapin ang galit nya kaysa sya ang masaktan.
Pareho silang mahalaga pero higit na mahalaga ang babaeng iyon kaysa kanino pa man kaya sya ang top priority ng buong grupo.
"Okay, sir." Yumuko ito at muling naglaho sa dilim.
Muli akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong hininga. "Hindi na magiging madali ang susunod na mangyayari at lalo itong magiging kumplikado hangga't hindi lantarang nagpapakita ang mga kalaban."
**********
Hope's Pov
Tahimik akong nagmamasild sa paligid at mula sa kadiliman at nakikita ko ang ilang pigura ng taong nakapaligid sa mansion na nasa harap ko.
Marami-rami ang mga ito at iba't-ibang direksyon ang tinatahak kaya masasabi kong hindi lang ako ang may trabahong gagawin sa lugar na ito. Ganoon ba kasikat ang nakatira dito para puntahan ng ilang grupo?
Bumuntong hininga ako pero marahas ding napalingon sa aking likuran nang maramdaman kong parang may nakamasid sa akin.
Pero wala naman akong nakita sa likuran ko o malapit dito sa pwesto ko. Imposible ding may makakita sa akin dahil nandito ako sa itaas ng puno na halos kasing taas na ng ikalawang palapag ng mansion.
Umiling-iling ako tsaka huminga ng malalim. Hindi ko na dapat pang isipin kung may makakita sa akin o wala. Ang mahalaga ngayon ay matapos ko ng maayos ang trabaho ko.
Muli akong nagmasid sa paligid ang nang masigurong wala nang dadaan sa kinalalagyan ko ay agad akong tumalon pababa at tumakbo papunta sa mataas na pader ng mansion. Inakyat ko ito at tinanaw ang bakuran para masigurong wala akong makakaharap na bantay o sinuman sa grupong pumasok din dito. Nang masigurong safe ang paligid ay muli akong bumaba sa pader at papunta sa madilim na parte ng mansion.
Sa mga ganitong parte ng lugar ako mas makakakilos dahil kailangan kong iwasan ang mapalaban hangga't maaari Isang tao lang naman ang kailangan kong harapin dito kaya mas mabuti nang nag-iingat. Ayokong umuwi ng sugatan dahil siguradong mag-aalala sina Mama.
Kung tama ang pagkakaalala ko, matatagpuan ko ang taong pakay ko dito sa 3rd floor ng mansion. Pero hindi ko iyon basta mapapasok dahil sa dami ng nakabantay. Ang sabi pa sa akin ni Papa, ang bawat pader ng silid na iyon ay nababalutan ng matibay na bakal na hindi basta masisira ng kahit anong pampasabog.
Akma na akong aalis sa kinaatayuan ko nang makarinig ako nang sunod-sunod na putok ng baril kaya muli akong napasandal sa pader. Kasunod ang sunod-sunod na pagdaan ng mga nagbabantay sa mansion na ito.
Nag-ingay na ang ibang grupo at doon ang punta ng mga bantay. Well, pabor iyon sa akin dahil mababawasan ang mga posible kong makaharap.
Nang maubos ang bantay sa parte ng mansion kung nasaan ako ay isinuot ko na ang gloves na kasama sa ibinigay sa akin ng assistant ni Papa tsaka naghanap ng pwede kong kapitan para makaakyat sa 2nd floor. Doon ko gagawin ang plano ko para matapos na ang trabahong ito.
Inisa-isa ko ang bintana dito sa 1st floor pero lahat ng iyon nakasarado. Ayoko namang gumawa pa ng kahit anong ingay kaya hindi ko na tinangka pang basagin iyon para lang makapasok kaya sinubukan ko nalang lumipat ng pwesto at kung sinu-swerte nga naman, may nakita akong isang bukas na bintana sa 2nd floor.
Hinagisan ko muna iyon ng maliit na camera para malaman ko kung may tao man o wala. At nang masigurong walang problema ay naghagis ako ng isang hook na may tali. Sumabit ito sa bakal ng bintana at iyon ang ginamit ko para makaakyat.
Nang makasampa ako sa bintana ay bumungad sa'kin ang silid na puno ng libro. At kung maaalala ko ang blueprint na ipinakita ni Papa kanina, ito ang library ng taong iyon at nasa itaas nito ang target kong kwarto.
Itinago ko ang mga ginamit ko sa bag at nag-inspeksyon sa paligid. Baka may mapakinabangan ako pero mukhang ordinaryong library lang ito.
Patuloy ang pagpapalitan ng putok ng baril sa labas. At may pagsabog pang nagaganap kaya tingin ko ay kailangan kong bilisan ang pagkilos. Ayokong maunahan pa ako ng sinuman sa kanila sa trabahong ito.
Nag-inat ako at tiningnan ang kisame na pasasabugin ko para hindi na ako mahirapang makaharap ang taong sadya ko pero kumunot ang noo ko nang makitang may nakakabit na kung ano doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa iyong time bomb at limang segundo nalang at sasabog na iyon. Ang unang pumasok sa isip ko ay tumalon muna sa bintanang pinasukan ko pero huli na para doon.
Sumabog na ang bomba at wala akong nagawa kundi iharang ang mga braso ko sa mukha para protektahan ang sarili ko sa debring mahuhulog sa akin at saluhin ang impact ng pagsabog.
Akala ko, isang pagsabog lang ang mangyayari kaya hindi ako nakaalma nang biglang gumuho ang sahig ng library na kinalalagyan ko.
Shit! s**t! s**t!
Kumapit ako sa isang bakal para hindi tuluyang bumagsak sa unang palapag ng mansion pero pinagsisisihan kong lumingon ako doon dahil nakita ko ang isang lalaking hindi ko inaasahang narito.