Chapter 02.a

2560 Words
Hope's Pov   Damn it!   Halos ilang mura na ang paulit-ulit kong binabanggit sa isip ko habang nakatitig sa taong ito na may hawak ng baril at nakatutok sa akin.   At base sa nakikita kong device na nasa kaliwang kamay nya, masasabi kong sya ang dahilan ng pagguho ng sa sahig ng library kung nasaan ako.   Hay nako. Sa dami ng pwedeng makakita sa akin dito, bakit sya pa?   "Heydrich." malamig at madiin nyang banggit sa pangalan ko. Bakas sa mukha nya ang pagkalito pero nangingibabaw ang galit.   "Yo." simpleng bati ko. Nakabitin pa ako at hindi magawang makaalis dahil baka barilin ako ng lokong ito kapag gumalaw ako. "Grayean."   "What the hell are you doing here?" Hindi nya inaalis ang pagkakatutok ng baril sa akin. "Tauhan ka din ba ni Minister Dominguez?"   Sinamaan ko sya ng tingin. "Mukha bang tauhan ako ng gagong iyon?" balik tanong ko tsaka sya inirapa. "Baka ikaw ang tauhan nya."   Hindi sya sumagot kaya muli ko syang tiningnan at base sa eskpresyon ng mukha nya ay siguradong tama ako. Ito siguro ang trabahong sinasabi nya sa akin bago sya umalis.   Ngumisi ako. "Mukhang hindi maganda ang sitwasyon natin. Imagine, you proclaimed yourself as my bestfriend pero heto ka at tinututukan ako ng baril. And maybe, ikaw pa ang pumatay sa akin sa gabing ito."   "Bakit ka ba nandito?" muli nyang tanong. "Kasama mo ba iyong mga nasa labas at pilit na pumapasok? Papatayin mo din ba ang ministro?"   "No and yes." sabi ko. Bumitaw ako sa bakal na kinakapitan ko kanina at naglanding sa unang palapag kung nasaan si Sean at tulad ng inaasahan ay pinaputukan nya ako pero mabilis ko iyong naiwasan hanggang magawa kong makalapit sa kanya at tinutukan din sya ng baril sa noo.   "H-Heydrich." Tsk. Duwag talaga ang isang ito. Bakit ba nya naisipang kunin ang trabahong ito gayong hindi naman pala nya kaya.   "No, hindi ko kasama ang mga gunggong na nasa labas. Nagpunta akong mag-isa dito at walang nag-utos sa akin. And yes, papatayin ko din ang ministro na nag-uutos para patayin ang mga magulang ko." sabi ko. "At kung isa ka sa mga taong haharang sa akin para magawa ang trabaho ko dito, then you leave me no other choice but to kill you too."   Kung kinakailangan kong baliin ang pangakong binitiwan ko kay Gracie para sa sitwasyong ito ay gagawin ko dahil nakasalalay dito ang buhay ng magulang ko sa mga susunod na taon.   Kumunot ang noo ko nang unti-unti nyang ibinaba ang hawak na baril tsaka bumuntong hininga. Anong drama nito?   "Chill na. Hindi tayo magkaaway kaya walang dahilan para magpatayan tayo." Bahagya nyang tinabig ang baril kong nakatutok sa kanya. "Oo, tauhan ako ni Minister Dominguez pero namasukan lang ako dito para magawa ang totoong trabaho ko."   Ibinaba ko ang baril ko. "You're a spy."   Tumango sya. "Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang illegal transactions nito sa iba't-ibang parte ng bansa, idagdag ang insidente ng pagkamatay ng mga taong kumakalaban sa kanya kaya inutusan ako ng superior ko na pabagsakin sya sa kahit na anong paraan."   "At nandito ka para patayin sya?" tanong ko na inilingan nya.   "Heydrich, alam mo ang kakayahan ko at hindi noon sakop ang harapin ang isang tulad ng ministrong iyon." Bakit ko nga ba nakalimutang lampa ang gagong ito. "Ang ibinigay sa aking instruction ay ang pagwasak ng sahig sa opisina nito para makapasok ang taong makakapatay sa hayop na iyon. Wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nila kaya hindi mo naman ako masisisi kung paghihinalaan kitang kalaban namin, right?"   "At hindi mo din ako masisisi kung papatayin kita dito mismo dahil sinira mo lang naman ang plano ko, gago ka!" Sinamaan ko sya ng tingin pagkuwa'y inirapan tsaka bumaling sa itaas kung saan may butas na ang sahig sa opisina ng ministro. Dinig ko pang nagkakagulo na sa itaas at plano na nilang ilabas ang ministro na kailangan kong pigilan.   "Kung sinuman ang inutusan ng superior mo para patayin ang gagong iyan, pasensyahan nalang. Trabaho ko kasi iyon at wala akong planong ibigay sa iba. "Ibinato ko ang dala kong bag sa butas ng opisina at bago ito mawala sa paningin ko ay pinaulanan ko ito ng bala kasunod ng malakas na pagsabog mula dito.   Agad kong hinatak si Sean papunta sa gilid upang makaiwas sa mga nagbabagsakang debri. At kasabay ng mga debri'ng iyon ay ang katawan ni Minister Dominguez at ng mga tauhan nya.   Tanging ang ministro nalang ang buhay sa mga ito pero bakas na ang panghihina dahil sa matinding pinsala na natamo nito sa pagsabog. Lalo na nang tuluyan itong bumagsak hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.   Pinalipas ko ang ilang sandali para mawala ang usok bago lumapit sa ministro na putol na ang kanang paa at kaliwang kamay.   Naupo ako sa uluhan nito at pinakatitigan ang nahihirapan nitong mukha. "Ang sabi nila, mahirap kang patayin. You have extraordinary strength na naging dahilan ng pagkamatay ng daan-daang tauhan ni Papa pero bakit sa mga simpleng c4 na ito ay iyan agad ang kinahantungan mo?"   "S-sino ka?" nanghihina nitong tanong. Mukhang kahit ang paningin nito ay naapektuhan ng pagsabog kaya hindi nya ako makilala.   Bago ako makasagot ay agad akong hinablot ni Sean palayo sa ministro kaya bumaling ako sa kanya at binigyan sya ng masamang tingin. Pero agad iyong napalitan ng pagkunot noo nang makita ang expression nya.   Muli akong bumaling sa ministro kung saan sya nakatingin at ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang pagbabago ng itsura nito.   Nagbabakatan ang ugat sa balat nito. Humahaba at tumatalas ang mga pangil at kuko nito sa kamay at ang kaninang pulang dugo nito ay nagiging itim. Ang mga putol na parte ng katawan nito ay nagsisimula nang maghilom. Damn! What kind of monster is he?   "Akala ko, isang malaking kalokohan lang ang sinabi sa akin ng superior ko pero sa nakikita ko ngayon, mukhang dapat nga akong maniwala." dinig kong sabi ni Sean. "He's a vampire and their race is really exist."   __________   Kasalukuyan akong nandito sa sasakyan ni Sean at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Basta ang sabi lang nya kanina at kailangan nya akong iharap sa superior nya para ipaliwanag ang nangyari sa mansion ni Minister Dominguez.   And speaking of that bastard, tulad ng sinabi ni Sean, he's a vampire. At dahil hindi naman pala sya tao ay walang pagdadalawang isip ko itong pinagbabaril hanggang maubos ang bala ng baril ko. Feel ko kasi, kung magtatagal pa ang buhay ng gagong iyon ay may posibilidad pa syang makagawa ng problema namin.   At tulad ng mga nababasa at napapanood ko, naging abo ito matapos malagutan ng hininga. So, that scene proves those vampires really exist.   Alam kaya iyon ng parents ko?   Bumuntong hininga ako. Kampante akong magagawa ang trabaho pero dahil nag-iingat kami ay pinalabas ko muna sila ng bansa at next month pa makakabalik kaya hindi ko sila matatanong tungkol sa ministro.   And unfortunately, wala akong cellphone para ma-contact sila. Hindi ko alam ang number nila. And to be honest, I don't know how to use one.   Noong nasa ospital kasi ako, lagi ko lang sinasabihan ang mga nurse na naka-assign sa akin kapag gusto ko silang papuntahin.   "Bakit ba kailangan mo akong iharap sa superior mo?" tanong ko kay Sean. "Dahil ba ito sa pagpatay ko sa bampirang iyon?"   Tumango sya. "He's aware na maraming grupo ang susugod sa tirahan ng ministro kaya maliban sa pagsira sa sahig ng opisina nito ay kailangan ko ding alamin kung sino ang makakapatay dito. At kung may pagkakataon akong maisama ito para iharap sa kanya ay kailangan kong gawin."   "Bakit?" Hindi ko alam kung kanino ba nagta-trabaho ang ungas na ito. Actually, hindi ko din naman inaasahan na magiging spy talaga sya. Remember? Lampa at duwag ang gagong ito.   Nagkibit-balikat sya. "I don't know pero siguradong hindi ka ikukulong. Baka kakausapin ka lang dahil nagawa mong makapatay ng bampira."   Tumangu-tango ako. Isa nga siguro iyon sa dahilan.   Kung pagbabasehan ang mga nababasa at napapanood ko tungkol sa mga bampira, imposible silang mamatay dahil lang sa mga bagay na ginamit ko kanina pero si Minister ay nanghina at halos hindi na makakilos dahil nasabugan ng c4 tapos tuluyang namatay ay naging abo dahil sa baril ko.   Pinakatitigan ko ang baril na ginamit ko dito. Ano bang mayroon dito? Ibinigay lang naman ito sa akin ni Tito Bailey, ang assistant ni Papa, kaya hindi ko alam kung saan ito gawa.   Naantala ang pag-iisip ko nang maramdaman ang paghinto ng kotse at ganoon ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung nasaan kami.   "What the hell? What are we doing here?" Marahas akong tumingin sa kanya. "Bakit nandito tayo sa palasyo? Ang emperor ang nag-utos sayo?"   Umiling agad sya. "Hindi ang emperor ang superior ko noh. Isa sa mga general nya at kaya dito kita dinala dahil nandito din ang opisina nya."   Nauna syang bumaba habang ako ay nakatitig sa labas ng palasyong nasa harap ko kung saan nakatira ang pinuno ng bansa namin. Ang emperor.   Bumukas ang pintuan sa side ko at walang habas akong hinila ni Sean. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan nalang syang hilahin ako.   Ito kasi ang unang beses na nakarating ako dito. At madalas ko itong mapanood sa tv noong nasa ospital pa ako at minsang pinangarap na sana bago man lang ako mamatay ay makapasok ako dito.   "Bakit ba nakanganga ka dyan, Heydrich?" Masama akong tumingin sa kanya nang hawakan nya ang baba ko at isinara ang bibig ko. "Baka pasukan iyan ng langaw, sige ka."   "Sino bang hindi mapapanganga? Eh dinala mo lang naman ako sa nag-iisang lugar sa buong bansa na ipinagbabawal pasukin ng sinumang hindi pinahihintulutan." sabi ko. "Dream come true lang naman ang nangyayari sa akin ngayon kaya huwag kang eepal dyan kung ayaw mong masapak."   Napasimangot sya sa sinabi ko. "Ano bang ikinaganda ng lugar na ito? Oo nga, puro mamahalin ang mga naka-display at mga gamit pero hindi mo ba ramdam? Malungkot ang aura na bumabalot dito. Puro problema at negative emotions ang naiipon dito dahil sa pag-aagawan ng trono."   "Alam mo, masyado kang maraming sinasabi." Binawi ko ang kamay kong hawak nya tsaka umirap sa kanya. "Wala kang pakialam kung mamangha ako sa lugar na ito. Mind your own business."   "Aish! Ewan ko sayo." Nagpatiuna na syang umalis kaya sumunod ako hanggang makarating kami sa malawak na hall with red carpet. Ah, ito ang throne hall.   Sa loob nito ay may mga kawal na nakatayo sa magkabilang gilid habang sa dulo ay naroon ang magara at purong gintong trono ng emperor pero kasalukuyang walang nakaupo doon.   Pero sa dalawang baitang sa harap ng trono ay may nakaupong dalawang lalaki na tingin ko ay ka-edad nitong si Sean. May lima silang kausap na nakatalikod sa amin pero ilang sandali din ay humarap ito sa direksyon namin kaya nakita ko ang mga mukha nila.   At ang nakakuha sa buong atensyon ko at ang lalaking nasa gitna nito.   Diretso lang syang nakatingin sa dinadaanan pero ako ay lantarang nakatitig sa kanya. Nakita ko pa nga ang pagkunot noo ng mga kasama nya at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa pero ang lalaking iyon at hindi man lang tumitingin sa akin.   At kahit nakalagpas na sila sa akin at sinundan ko pa din ito ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng throne hall.   "Train."   Naibaling ko ang tingin sa dalawang lalaking nakaupo sa sahig. Pareho itong nakangiti at nakatingin kay Sean.   "Congratulation, Graysean. You did your first job well." bati ng lalaking di hamak na mas matangkad sa kasama.   "Aba, syempre. Siniguro ko sa inyong magagawa ko ang napakadaling trabahong iyon." mayabang na saad ni Sean kaya agad syang nakatikom ng malakas na batok mula sa akin. "Aray!" Marahas syang bumaling sa akin habang hinihimas ang ulo. "Problema mo?"   "Masyado kang mayabang." singhal ko sa kanya. "Eh kung hindi ka nga dumating, baka nagawa ko ang trabaho ko nang mas maaga." Bumaling ako sa dalawang lalaki."Kayo ba ang superior ng lampang ito?"   Sabay silang tumango.   "I'm Train Velasquez, 3rd General." sabi ng mas matangkad. "And this is Trio Marcucious, 7th General." May labing tatlong heneral ang imperyo ng bansang Valier pero ang alam ko ay labing dalawa lang ang kasalukuyang nasa bansa habang ang isa ay hindi kilala ng lahat.   Tumangu-tango ako. "I am Heydrich Oxen Pria Ehrenberg but call me Hope at ako ang pumatay kay Minister Dominguez. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako narito. Bakit kailangan ko kayong makaharap?"   Ngumiti si Trio at umiling-iling. "Mukhang hindi na kami mahihirapang magpaliwanag sayo. Masyado kang diretso makipag-usap eh."   "Ayoko nang paligoy-ligoy kaya sabihin nyo na ang kailangan nyo."   "Nakita nyo naman ang totoong katauhan ng ministro, right?" tanong nito na tinanguan ko. "He's a vampire and their race really exists. Meaning, hindi lang ang ministro ang nag-iisang bampira sa bansa natin. Marami pang nagkalat sa paligid at palihim na nag-aabang ng kanilang biktima."   "Kaya gusto naming makaharap ang taong makakapatay sa ministro ay dahil gusto namin itong alukin ng trabaho." dagdag ni Train.   "You're going to use me to hunt those vampires in our country?" tanong ko na agad nilang tinanguan. "Ah, okay."   "So, are you going to accept the job?"   Pinakatitigan ko silang dalawa pagkuwa'y umiling. "Nope. Ayoko."   "What?"   "You heard me right." sabi ko. "I'm sure you both know my reason since malapit kayo kay Papa. At ayokong ubusin ang panahon ko para sa mga walang kwentang bagay na walang kinalaman sa akin." Ang natitira kong oras sa mundong ito ay uubusin ko sa mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Ayokong mamatay nang may pinagsisisihan. Tumalikod na ako at nag-wave ng kamay sa kanila. "Nice meeting you. Ciao." Naglakas na ako palabas ng hall at naramdaman kong sumunod sa akin si Sean.   "Oy. Wala kang planong tanggapin ang trabaho?" tanong nya. "Base sa nakita ko kanina, pwede kang maging malaking asset ng grupo para ubusin ang mga bampirang tulad ng ministro."   "Hindi ko na kailangang ulitin ang sagot ko, Sean. diretso lang akong nakatingin sa dinadaanan ko. "At wala akong planong ma-involve sa mga gulong walang kinalaman sa akin." Masyado nang maikli ang oras ko sa mundong ito para humanap pa ng magpapagulo sa buhay ko. "At hindi mo din ako mapipilit tanggapin iyon." Pwede ko naman kasing gawin ang pangako ko kay Gracie kahit malayo ako sa ungas na ito.   "Hindi mo man lang pinag-isipan ang sagot mo." sabi nya. "Umayaw ka agad. May advantage din naman para sayo ang trabahong iyon huh."   "Pero mas malaki ang disadvantage sa'kin kaya manahimik ka nalang at ihatid mo ako pabalik sa mansion ni Dominguez. Naka-park doon ang kotse ko." sabi ko. "And please, manahimik ka na dahil pagod ako."   Hindi na sya nagsalita na ipinagpasalamat ko. Masyado nang mahaba ang gabing ito at gusto ko nang umuwi para makapagpahinga.   "Graysean."   Isang babaeng naka-nurse outfit ang lumapit kay Sean.   "Hi, Yuuna." Tumaas ang kilay ko nang marinig ang kakaibang saya sa boses ni Sean. "Long time no see, huh."   Pero mas lalong tumaas ang kilay ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Peste! Pabebe ang loka. May pahampas-hampas pang nalalaman sa braso ni Sean habang mahinang tumatawa.   "Long time agad, eh noong isang araw ka lang naman nagpunta dito sa city." sabi nito na ikinangiwi ko. Aba'y kahit pagsasalita, pabebe.   Wala akong planong manood ng nakakadiri at nakakumay na eksena sa pagitan nila kaya nauna na akong umalis nang hindi nagpapaalam.   Nakakasawa na kaya ang ganoong eksena. Noong nasa ospital pa ako, madalas ding gumawa ng nakakaumay na eskena sina Gray at ang bruhilda nyang girlfriend. Buti nalang, single din si Gracie at pareho kaming nasusuka sa ka-sweet-an ng mga iyon.   Hay nako. Na-miss ko bigla ang kambal.   "Heydirch!"   Masyado yata akong na-space out kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin ang nangyayari sa paligid ko.   Dahil nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko ay unti-unti din akong nilalamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD