Chapter 01

2207 Words
Draco Medical Hospital; "Oy." tawag ko sa nurse na lumabas sa hospital room na nasa harap ko ngayon. "Sino iyong mga bagong salta?" 3 years na akong nakatira sa ospital na ito at ngayon lang nagkaroon ng pasyente ang kwartong katapat ng kwartong tinutuluyan ko. Bihira lang kasi silang magpa-admit sa kwartong nandito sa east wing ng building kaya bihira lang din akong makasalamuha ng kapwa ko pasyente. "Gracie at Gray." sagot ng nurse. "Mula ngayon, dito na din sila titira." Tumango ako at sumilip sa nakaawang na pinto kung saan tanaw ko ang isang babae at isang lalaking naka-hospital gown din tulad ko. "Anong sakit nila? Malala tulad ng sa'kin kaya kailangan nilang tumira dito?" "Bone Cancer. Stage 3 na nang ma-diagnosed kaya ipinasya nilang i-admit na dito sa ospital para matutukan din ang pagpapagaling." kwento nito. "Bakit hindi mo sila lapitan para magkaroon ka na ng kaibigan. Sa tatlong taon mo dito, bihiral ka lang makisalamuha sa mga pasyente." Bumaling ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Sira ka ba? Paano kaya ako makikisalamuha sa mga kapwa pasyente ko? Eh karamihan sa pasyente nyo sa floor na ito, nandoon sa kabilang sulok ng building. Sinong may matinong utak ang maglalakad ng ganoon kalayo para lang makipagdaldalan?" Inirapan ko sya at pabagsak na isinara ang pinto. Baliw din talaga ang mga nurse dito eh. At ako pa ang may problema kung bakit hindi ako nakikisalamuha sa mga kapwa ko pasyente huh. Sino bang ayaw makipagkaibigan? Tsk. My name is Heydrich Oxen Pria Ehrenberg, but you can call me Hope. Masyadong mahaba ang pangalan ko at idagdag pang tunog panlalaki kaya gusto kong Hope ang itinatawag sa akin. I'm turning 18 this year at tulad ng nasabi ko, tatlong taon na din akong nakatira sa ospital na ito. I was diagnosed having brain tumor 3 years ago. At dahil madalas akong atakihin, nagpasya ang mga magulang ko na i-admit na ako dito. Pero kahit naman dito na ako tumira ay wala pa din silang nagawa. Hindi ako gumaling at binigyan na din ako ng taning. Ang sabi ng doctor, pinakamatagal na ang dalawang taon pa sa buhay ko at kung mamalasin pa, baka within 6months na lang. Gusto ko na ngang umuwi sa bahay namin since wala nang nagagawa ang ospital na ito sa sakit ko pero hindi pumapayag ang parents ko at umaasa pa din na magagamot ako kahit pa may taning na ang buhay ko. Marahas akong napalingon sa pintuan nang marinig ang pagbukas nito at sinalubong ko ng masamang tingin ang nagbukas nito pero agad din akong natigilan nang makita kung sino ito. Ang kambal na pasyente sa katapat na kwarto. "Hi." masigla at masayang bati ni Gray at walang sabing pumasok sa kwarto ko habang hinihila ang kambal. "Kami nga pala iyong titira sa katapat kwarto mo." "I know." Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang makaupo sila sa mahabang sofa na katapat ng kama ko. "I'm Gray, 21 years old." pakilala nitong lalaki at inabayan ang kambal. "Ito naman si Gracie, kakambal ko." Tumango ako. "Just call me Hope." "Hope?" Kumunot ang noo ni Gracie. "Bakit ang nabasa ko sa labas ay Heydrich Oxen Pria Ehrenberg?" Muli akong tumango. "Yup, that's my name but I don't like it. Mahaba at panlalaki pa. So, call me Hope." "Ang choosy mo naman." ismid ni Gray. "Hindi bagay sayo ang Hope kaya sa ayaw at gusto mo, tatawagin kitang Heydrich." I didn't know that the moment they enter my hospital room, they also enter my life without me being notice. __________ "Hope!" Agad akong nagkalukbong ng kumot nang marinig ang boses ni Mama. Bakit ba masyadong mapilit ang mga magulang ko? Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang sandali lang ay marahas na naalis sa akin ang kumot tsaka bumungad sa akin si Mama na masama na naman ang tingin. "Bakit dito ka na naman umuwi? Sinabihan kitang mag-stay nalang sa dorm mo, hindi ba?" Napasimangot ako tsaka bumangon. "Seriously, Ma? Parang ayaw mo akong makasama huh. Mula nang lumabas ako ng ospital, ayaw nyo na akong pinauuwi dito. Lagi nyo akong pinagtatabuyan sa dorm." My life has been change when I met the twins, 3 years ago. Well, it's not like gumaling na ako sa sakit ko pero nagawa kong makalagpas sa taning ng doctor sa'kin. Mas naging better ang pangangatawan ko. Hindi na ako gaanong nanghihina at sinusumpong ng pananakit ng ulo kaya last year lang, nagpasya ang parents ko na i-discharge ako sa ospital. Ang sabi nga ng doctor ay nasa akin nalang kung patuloy pa ba akong mabubuhay pero kung pati daw ako ay magpapatalo sa sakit kong ito ay hindi na ako aabutin ng isang taon. Iyon nga siguro ang nagagawa ng matindi kong pag-aasam na mabuhay, 3 years ago. Bago ko naman kasi makilala ang kambal na iyon ay wala akong pakialam sa buhay ko. Ang sabi ko noon sa sarili ko, bahala na kung hanggang kailan ang itatagal ng buhay ko. Back then, Gray was right when he said na hindi bagay sa akin ang pangalang Hope. Dahil kahit ako, bumitaw na sa pag-asang nakikita ng mga magulang ko para humaba pa ang buhay ko. But just like what I said, everything change because of them. Gray and Gracie are both positive thinkers and they have a lot of hope despite of their worst situation. At na-adopt ko iyon mula sa kanila dahil lagi kaming magkakasama sa loob ng dalawang taon. They gave me hope and now, I'm still continuing my life. Pero hindi kasing bait ng kapalaran ko ang sa kanila. Because on our 2nd year friendsary, they both died at ang masama pa, hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makita sila dahil agad silang kinuha ng magulang nila. Well, okay na din. Ayokong ang huling alaala sa kanila ay ang malamig nilang katawan Mas gusto kong maalala ang kakulitan nilang dalawa at ang mga masasayang araw na magkakasama kami nang sa gayon ay magawa ko ang mga ipinangako ko sa kanila. Nagbalik sa reyalidad ang utak ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Mama. "Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin kong dito ka nalang kasama namin. Pero alam mo namang hindi maganda ang sitwasyon ng pamilya natin dahil sa trabaho ng papa mo. "Ma, I can protect myself. Mula nang makalabas ako sa ospital, puro physical activities na ang ginagawa ko at kasama na doon ang ilang martial arts at gun firing." Kumalas ako ng yakap at diretsong tumingin sa kanya. "At ayoko na sa pesteng eskwelahang iyon na puro kaartehan." "Then, paano ang promise mo kay Gray?" tanong nya. "Sila ang reason kung bakit ka pumasok uli sa college, right?" Tumango ako. "Nagawa ko namang pumasok huh. At wala silang sinabi na kailangan kong tapusin ang apat na taon sa school kaya sapat na iyon. Gusto ko nang gawin ang para sa sarili ko at ang promise ko kay Gracie." Kumunot ang noo nya. "May promise ka din kay Gracie?" Muli akong tumango. "Please? Dito na ako titira." Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Promise. If ever na may mangyari, I'll stick to our promise." Actually, my father is one of our country's public official at dahil sobra syang dedicated sa trabaho ay marami syang masasamang grupo na nakakabangga kaya madalas silang kumain ni Mama ng death threat. Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Fine. Just keep that promise of yours. Whatever happens, you will let yourself as long as you can. Kahit pa mauna kaming mamatay ng papa mo." "Yes po." We're all aware that anytime ay pwede mamatay ang isa sa'min dahil nga sa trabaho ni papa. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na kami mag-iingat. But still, we made our promise na kung sakaling may mamatay sa amin ay agad itong tatanggapin at patuloy na mabubuhay hangga't kaya namin. "Good. Ipapakuha ko nalang ang mga gamit mo sa dorm at ipapa-drop out na kita sa school mo." Ginulo nya ang buhok ko tsaka tumayo. "At lumabas ka na ng kwarto for lunch. Wala ka na sa ospital o sa dorm mo para hatiran pa ng pagkain, okay?" Natawa ako sa sinabi nya. Sa dorm din kasi, lagi akong hinahatiran ng pagkain ng dorm manager dahil na din sa utos ni Mama. "Okay, Ma. I will just organize my whole room then lalabas na ako." "Good." Tuluyan na syang lumabas ng kwarto at ako ay nagsimulang ayusin ang kwartong masyado nang outdate. __________ Nagawa ko nang matapos ang pag-aayos sa kwarto ko at dahil maaga pa before dinner, naisipan ko munang gumala dito sa subdivision namin. Kakabili lang ng bahay namin dito last year kasabay ng paglabas ko sa ospital pero hindi naman ako masyadong nakakapunta dito dahil nga binabawalan ako ni Mama kaya wala akong masyadong alam sa paligid. At sa paglilibot ko ay may nakita akong mga stall ng pagkain na hindi kalayuan sa clubhouse ng subdivision at umagaw ng pansin ko dito ay ang nagtitinda ng ihaw-ihaw kaya doon ako tumambay para kumain ng paborito kong betamax You know, iyong dugo ng baboy na pa-box ang itsura at nakatuhog sa barbeque stick. I always crave for it when I was young (well, until now actually) kaya madalas ding gumawa ng ganito si Mama. "Kuya, bibilhin ko na lahat iyang betamax nyo kaya itabi mo na at iluto." Nag-abot ako ng isang libo at naupo sa bangketa na katabi nitong stall nya. "Keep the change na po. Pakilagay sa plato kasi dito ko kakainin." "Mauubos mo bang lahat ito, Miss?" taka nyang tanong. May halos 30 sticks kasi ang betamax na iyon. "Nako, kulang nga iyan sa'kin. Kaya ko lang kasing umubos ng 50 sticks nyan. Pero dahil malapit nang mag-dinner, magta-tyaga ako sa 30." "Aba, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng mahilig sa betamax na nakatira dito." natatawa nyang sabi. "Bago ka lang ba dito?" I nod. "Nagdo-dorm ako sa city pero dito nakatira ang parents ko." "Ah. Kaya naman pala ngayon lang kita nakita dito." aniya. "Don't worry, Kuya. Lagi mo na akong makikita dito kaya damihan mo lagi ang paggawa ng betamax huh." Sinimulan ko na kasing kainin ang mga naluto nyang betamax at masasabi kong masarap kaya siguradong babalik-balikan ko ito dito. "Regular customer mo na ako kaya damihan mo na din ang suka dito." "Aba'y kahit siguro ikaw lang ang customer ko ay hindi ako malulugi sa paninda ko." natatawa nyang sabi. "Ako nga pala si Wain, ang pinaka-gwapo sa mga tinderong narito." At talagang nag-pogi sign pa sya. Pero infairness, sya nga ang pinakagwapo sa mga tinderong narito. "Heydrich ang isa sa pangalan ko pero mas mabuting tawagin mo nalang akong Hope." I still don't like my name. Kaya kapag inaasar ako ni Gray noon ay paulit-ulit nyang binabanggit ang buong pangalan ko. At wala akong magawa kundi sumimangot dahil hindi ko sya pwedeng upakan kahit iyon ang gustong-gusto kong gawin sa kanya. "Heydrich? Panlalaki iyon, di ba?" Tumango ako. "Malakas ang topak ng tatay ko at hindi ko alam kung saan nya iyan napulot." "Okay, Hope nalang ang itatawag ko sayo." sabi nya. Marahas akong napalingon sa likuran nang maramdamang may akmang hahawak sa akin at nabugaran ko ang isang lalaking natigil ang kamay sa ere habang nakatingin sa akin. "What do you want?" Agad nyang inilayo ang kamay at nagkamot ng batok. "Sorry. Akala ko ikaw iyong kakilala ko kaya gugulatin sana kita. Buti humarap ka agad." Tumango ako. "Buti nalang din, hindi mo natuloy. Nananapak ako kapag nagugulat." Muli kong ibinalik ang atensyon sa kinakain. "Teka, Miss. Bago ka lang ba dito?" tanong nitong bagong dating. "Halos araw-araw akong nandito pero ngayon lang kita nakita." Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya dahil patuloy ako sa pagkain ng betamax ko. "Like what you said, ngayon mo lang ako nakita kahit araw-araw kang nandito. So obviously I'm new here." I don't like talking to strangers. Pero hindi iyon maiiwasan lalo't nandito ako sa labas. "Hope." Bumaling ako kay Wain. "Isa sya sa mga regular customer ko. Sya si Graysean Clevis. Gray, sya si Hope. Bagong customer." Bumaling ako kay Graysean at tumango. "Nice meeting you. Heydrich ang pangalan ko pero mas gusto kong tinatawag akong Hope." "Ang choosy natin, huh." nakangisi nitong sabi. "May kinalaman ba sa pangalan mo iyang hope na gusto mong itawag sayo?" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. When I heard his name, alam kong sya na ang lalaking madalas ikwento nila Gray at Gracie sa akin. At ngayong nakakausap ko na ito, masasabi ko na kung kanino namana ng walang hiyang si Gray ang pagiging mapang-asar nya. "Heydrich Oxen Pria Ehrenberg ang full name ko Siguro naisip mo na kung bakit Hope ang nickname ko, right?" Damn it! Feel ko bumangon sa hukay si Gray at kasalukuyan nasa loob ng katawan nitong kuya nya. Yeah, Graysean Clevis is actually the elder brother of Gray and Gracie. "Oh. H.O.P.E." anito. "It's actually doesn't fit you so I will call you Heydrich, weather you like it or not." Damn Gray na gray ang linyahan. Huwag lang sana syang kasing gago ng kapatid nyang iyon kasi baka lahat ng pagtitimpi kong masapak si Gray ay sa kanya ko maibunton. Inirapan ko nalang sya. "Whatever, Sean."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD