Chapter 04

2292 Words
Hope's Pov   Tulad ng sinabi ko kay Sean, kinabukasan nang magkausap kami ay agad akong nagpa-discharge ng ospital. Sinabi ko na din kina Mama at Papa ang plano ko at nakita kong natuwa naman sila though, nababakasan din sila ng pag-aalala na hindi ko na nagawang itanong pa.   "Hanggang dito nalang kami, anak." sabi ni Mama. "Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo? Oras na ipaliwanag sila sayo ang lahat ay hindi ka na maaaring umatas pa."   Tumango ako habang nakatitig sa pinto ng opisina ni Kei. Nakaupo lang ako sa wheelchair dahil nga sa damage ng paa ko. "Kahit anong paraan iyon, Ma. Kung iyon na lang ang nag-iisang makakapagpagaling sa akin ay gagawin ko." Bumaling ako sa kanila. "Kaya hintayin nyo ako. Mag-iingat kayo habang wala ako, okay?"   Tumango sila.   "Kayanin mo, anak." Hinaplos ni Papa ang buhok ko. "Hindi madaling tanggapin ang malalaman mo sa loob at mas hindi madaling tanggapin ang magiging proseso para pagalingin ka pero sana ay kayanin mo. Kaming ng mama mo ang una mong dapat puntahan sa pagbabalik mo."   Ngumiti ako. "Syempre. Uuwi muna ako sa bahay bago puntahan ang gagong i—aw!" Napahawak ako sa tenga ko nang pitikin iyon ni Mama.   "Iyang bibig mo, Heydrich!" singhal nya. "At ayusin mo iyang ugali mo. Baka nakakalimutan mo kung sino ang haharapin mo sa loob."   "Mama naman eh." Napasimangot ako. "Noong pinuntahan ako ni Kei, sinabi nyang itrato ko sya kung paano ko itrato ang iba. Baka magalit—"   "Heh!"   Napalabi ako. Itong si Mama talaga. Eh sa kanya ko nga namana ang pagmumura tapos ako itong sisitahin nya. Hmp. "Oo na po." Wala naman akong magagawa kapag si Mama ang nagsabi noh. Baka mabatukan pa ako ng wala sa oras kapag hindi ko sya sinunod.   "Heydrich, it's time." ani Papa.   Bumuntong hininga ako at tumango. "Yeah." Muli akong tumingin sa kanila at ngumiti. "Huwag nyong pababayaan ang sarili nyo. Umalis akong buo kayo kaya siguraduhin nyong buo pa din kayong babalikan ko. Walang kahit anong kulang. Walang gasgas o sugat, okay?"   "Ang dami mo na namang sinabi." naiiling na sabi ni Mama. "Ngayon pa ba kami magpapabaya kung kailan nagpasya ka nang magpagaling. Kaya huwag ka nang masyadong mag-alala sa amin. Pagtuunan mo nalang ng pansin ang pagpapagaling mo."   "Okay."   Hinalikan nila ako sa ulo tsaka niyakap. "We will miss you."   "I will miss you too."   Nang kumalas sila ng yakap ay si Papa na ang nagbukas ng pinto.   Binigyan nila ako ng isang tango bago ko tuluyang iginiya ang wheel chair papasok sa loob ng opisina.   Bumungad sa'kin ang malawak na silid at sa pinakagitna nito ay naroon ang taong sadya ko dito.   Bahagya akong lumapit hanggang sa tuluyan kong makita ang kabuuan nito. "I'm here."   Tumingin sya sa akin at ngumiti. "I know."   "Now, tell me everything I need toknow about this way of treating me."   "Slow down, Lady Ehrenberg." Kumunot ang noo ko nang makita sa bandang kanan ko ang sampung lalaki at isang babae na nakaupo sa mahabang sofa. At kilala ko ito lalo na ang nagsalita. "Nagmamadali ka naman masyado. Hindi ba pwedeng chill ka lang?"   "Aba, kailangan ko talagang malaman agad nang mapaghandaan ko. Ni wala nga akong kaide-ideya kung anong gagawin sa'kin para gumaling." Inirapan ko sya at muling bumaling kay Kei. "Anong ginagawa ng mga iyan dito? Obvious naman siguro sa lagay ko na hindi kita magagawan ng masama, di ba?" Ang oa kasi ng isang ito eh. Kailangan ba talagang may bantay sya habang kasama ako? Tsk.   "It's not what you think, little lady." ani Kei. "Maganda man o hindi ang lagay ng katawan mo, alam kong hindi mo ako gagawan ng masama. Nandito sila dahil ang mga iyan ang tutulong para masigurong magiging maayos ka kapag sinimulan na ang proseso sa pagpapagaling sayo."   Tumangu-tango ako. "Okay. Kung ganoon, sabihin nyo na dahil halata namang hindi magiging madali ang prosesong iyon."   "Bago namin sabihin ang lahat, ipapaalala ko lang na kapag sinimulan na ang pagpapaliwanag ay hindi ka na maaari pang umatras." sambit ng isa sa bantay ni Kei. "Confidential ang mga malalaman mo kaya wala ka nang choice kundi ang magpatuloy."   Tumango akong muli. "Wala na din akong planong umatras noh." Dahil kapag umatras ako, hinid ko matutupad ang pangako ko kina Papa at kay Sean. "Huwag na kasing maraming pasiko-sikot. Diretsahin nyo na ako. Paano ako gagaling?"   "Fine. Just make sure you'll listen to what we're going to say carefully." dagdag ni Kei. "First, we want you to know your true identity."   Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Anong totoong pagkatao? Hindi ba sina Mama at Papa ang tunay kong magulang? Ampon ba ako? Kamag-anak ko ba ang lalaking ito kaya ganoon ang kagustuhan nyang tulungan ako. Sayang ang kagwapuhan nya kung magkamag-anak kami.   Oh! Hindi pwede iyon! Ayoko syang maging kamag-anak! Paano—   Natigil ako sa iniisip nang marinig ang mahinang tawa ng mga lalaki sa gilid ko. Bumaling ako dito at sinamaan ng tingin. "Anong nakakatawa?"   Umiling sila. "Nothing."   Kunot noo akong bumaling kay Kei na napapailing nalang pero kita ko ang tipid nyang ngiti. "Ano ba kasi iyon?"   "Don't mind us." Huminga sya ng malalim. "So, what I am saying is you need to know your true identity. You're a vampire, little lady."   "I am what?" gulat kong tanong. Aba, baka mali lang ang dinig ko.   "You're half blooded vampire, Heydrich." ulit nya.   "Vampire. Iyong nilalang na may matatalas na pangil, makinis pero maputlang balat, mababang temperature ng katawan at umiinom ng dugo at may mahabang buhay?" muli kong tanong for confirmation. Aba, sa panahon ngayon, marami ng meaning ang tinatawag na vampire kaya kailangan kong makasiguro.   "Yes." walang gatol nyang sabi. "Idagdag mo na din ang malakas naming resistensya kaya hindi kami basta dinadapuan ng kahit anong sakit at ang mabilis na pag-regenerate ng balat namin kapag nasusugatan."   "Okay. Just like what you said, I am a vampire. Half-blood to be exact." Tumangu-tango ako. "Ibig sabihin, isa ka ding vampire?"   "I am a pure blood vampire. From the origin of the first vampire here in earth." aniya. "And everyone in this room is also a vampire."   Bumaling ako sa mga nakatayo sa likod ng lalaking ito at ipinakita nila ang mga pangil na ikinasimangot ko. "I don't need proof. Naniniwala ako dahil ang boss nyo mismo ang nagsabi." Inirapan ko sila tsaka bumaling sa lalaking ito. "Kung may dugo akong vampire, bakit nagkakasakit ako? At bakit hindi gumagaling itong sugat at pilay ko?"   "Mas nag-over power ang human blood mo kaya hindi nag-a-appear ang kakayahan mo bilang vampire." paliwanag nya. "At ang taging paraan para tuluyan kang gumaling ay baliktarin ang sitwasyon ng dugo mo."   Kumunot ang noo ko. "Kailangang ang vampire blood ko ang mag-over power? Eh paano iyon mangyayari? Sasalinan nyo ako ng dugo nyo?"   Umiling sya. "I will bite you."   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Kakagatin mo ako? Bakit hindi mo sinabi agad?" Umiling-iling ako. "Ayoko. Kagat nga ng langgam, iniiyakap ko eh. Paano pa kaya kung ikaw ang kakagat." Pero natigilan ako nang maalala ang sinabi nila kanina kaya napabuntong hininga ako.   Kasalanan talaga ito ng babaeng iyon eh. Kung hindi kasi nya sinabi sa gagong lalaking iyon ang kundisyon ko ay wala ako sa sitwasyong ito.   "Fine. Pero dapat mabilis na kagat lang, huh."   "Ang bilis magbago ng isip mo, huh." sambit ng isa sa kasama nito.   "Duh. Nakalimutan mo ang warning nyo kanina? Hindi na ako pwedeng mag-back out kapag nasimulan nyo na ang pagpapaliwanag." Inirapan ko uli sila. "Payag ako sa plano nyo. Just explain everything to me. Maging ang mangyayaring pagbabago kapag nangyari na iyon."   Kung hindi lang dahil sa gagong iyon, hindi naman ako magpipilit pang mabuhay at ito lang ang tanging choice na mayroon sa ngayon para madugtungan ang buhay kong tinaningan na ng doctor.   Hay nako.   Being a half-blood vampire isn't bad, right?   Pare-pareho kaming napalingon sa pintuan nang makarinig ng katok at ilang sandali ay bumukas ito tsaka pumasok ang isang babaeng kahapon ko pa gustong makita dahil sa panggigigil ko.   "What are you doing here, Yuuna?" singhal ko pagpasok nya. Yeah, ang madaldal na nurse na nagsabi kay Sean ng lagay ko ang dumating.   "Maliban sa pagiging nurse sa Draco Hospital, sya din ang 13th General ng palasyo." ani Kei. "And just like us, she's also a vampire."   "What?" Muli kong ibinaling ang tingin kay Kei. "Please tell me. Hindi mo naman siguro inutusan ang bruhang iyan para sabihin ang totoong lagay ko kay Sean. Because right now, pumapasok sa isip ko na gusto mo din akong magtrabaho sayo dahil sa nagawa kong pagpatay kay Domniguez kaya tinutulungan mo akong gumaling."   "He's nothing to do with it." sabi ni Yuuna at ng dalawa naming kasama.   "Emperor doesn't have any interior motives in your situation." Matapang akong hinarap ni Train. "He just wants to help you and your parents."   "Wala din syang kinalaman kung bakit ko sinabi kay Graysean ang lagay mo. Ako mismo ang nagdesisyon noon dahil naaawa ako sayo."   Marahas akong napalingon kay Yuuna dahil sa sinabi nyang iyon.   "Hindi ko din maatim na makita syang masaya habang ikaw naman ay nagdudusa dahil hindi ka na makakalakad."   "Damn it! Hindi ko kailangan ng awa mo!" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat. "Sino ka para makialam sa buhay namin? Sino ka para makialam sa gusto kong mangyari? Sino ka para iparamdam kay Sean na kasalanan nya ang nangyari sa akin when in the f*****g first place, kung hindi ka sumulpot at nakipaglandian sa kanya ay magkasabay kaming aalis dito!"   Higit sa ano pa man, awa ang pinakaayokong ipinaparamdam sa akin ng kahit sino sa paligid ko. Kaya nga hindi ko inilalapit ang sarili ko sa kahit sinod ahil alam kong maaawa lang sila sa sitwasyon ko tapos itong babaeng ito na wala namang koneksyon sa buhay ko ay gagawa ng gulo?   "Calm down, litte lady." mahinahong sabi ni Kei. "Wala nang magagawa ang galit mo. Ikaw lang din ang mahihirapan kaya kumalma ka muna."   He's right. Wala na ngang magagawa ang galit kong ito dahil alam na ni Sean ang totoo at naipaliwanag na nila sa akin ang lahat. Pero hindi ibig sabihin ay ipagsasawalang bahala ko nalang ito.   "You'll pay for this, Yuuna." madiin kong sabi. "Hindi ako mabait para palagpasin ang ginawa mo. At lalong hindi ako magiging mabait nang dahil dyan sa awa mo dahil tangina! Kahit kailan, hindi ko kailangan ng awa ng kahit sino!"   "I'm sorry." Yumuko ito.   "Lumabas ka muna, Yuuna." ani Kei. "But we'll talk later and you have to explain everything to me. You too, Train."   "Yes, your majesty." Agad lumabas ang babaeng iyon matapos magbigay galang kaya muli ko nang ibinaling ang tingin kay Kei at sa labing isang heneral nya na ngayon ay nakatayo na sa likod nya.   Kei or Krio Elkhart Ien Sierra is our country's current emperor. That's his real identity kaya kasama namin ngayon ang labing isa sa labing tatlong heneral na direktang nagta-trabaho sa kanya. Ito ang katulong nya sa pagsasaayos ng bansang matagal nang pinag-iwanan dahil sa palpak na pamumuno ng mga nakaraan emperador.   "Do it, Kei. Bite me. Let my vampire blood over powered in my body."   Tumayo ito at lumapit sa'kin. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"   "Don't make me repeat what I said."   "Don't talk to him like that, Ehrenberg." madiing sabi ng 10th General. "Hindi lang sya basta pinuno ng bansa natin. Sya din ang pinakamataas sa lahi ng mga bampira so give him some respect."   Malamig ko silang tiningnan na ikinatigil nila. "He said that I can treat him like how I treat the others so why do I need to listen to you? You're just one of his general, right?"   "You still—"   "Rob, don't argue with her. Si Kei told her to do that." sabi ng 5th General na si Maysie Snow. "Besides, we all know her standing in vampire race."   "Tsk."   Tuluyan nang nakalapit si Kei tsaka hinawakan ang baba ko at iangat ang mukha para magtama ang tingin namin. "Don't mind them, little lady."   Buong tapang kong sinalubong ang tingin nya.   "Let's start." aniya. "Once I bite you, my venom will enter your body that will awaken your vampire blood and you'll feel a massive pain. All you have to do is calm yourself and trust me. Can you do that, little lady?"   Tumango ako. "But I still have questions."   "Go ahead."   "My name is Heydrich and I am sure that you know since you're friends with my father that but you keep calling me little lady. Mukha ba akong maliit o bata sa paningin mo?" Tinaasan ko sya ng kilay.   Ngumiti sya. "It's not that. Kilala na kasi kita when you're still a child at nakasanayan nang iyon ang itawag ko sayo."   "Ilang taon ka na ba?" muli kong tanong. Kung itsura ang pagbabasehan, mas mukha pa nga syang bata kaysa kay Gray na tatlong taon ang tanda sa akin. But then, he's a pure blooded vampire kaya siguro mas mukha syang bata kaysa sa edad nya.   "Save your question later, lady." ismid ng 6th General na si Drew Clarke. "Malalaman mo ang gusto mong malaman kapag nagising ka na."   Napalabi ako at umirap sa kanya. "Fine."   Dahan-dahang inilapit ni Kei ang labi nya sa leeg ko at napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga.   Halos mapigilan ko ang paghinga dahil bigla akong kinabahan.   "Relax, little lady." mahina nyang sabi. "And breathe."   Huminga ako ng malalim tsaka tumango. "S-sorry."   "Just remember what I told you. Calm down and trust me, okay?" Muli akong tumango. "Close your eyes."   Ipinikit ko ang mata ko pero agad ko ding naidilat nang maramdaman ang matalim na ngipin an unti-unting bumabaon sa leeg ko.   Masakit. Sobrang sakit kaya napahawak ako sa likod ni Kei at pilit syang hinihila palayo sa akin. Hindi ko kaya ito. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay dahil sa sakit ng kagat nya sa akin. Idagdag pang ramdamn ko ang bawat pagsipsip nya sa dugo ko.   "Lady, calm down." Nakita ko ang ibang heneral na lumapit na sa amin para hawakan ako. "Kumalma ka lang o mas lalo kang masasaktan."   Humigpit ang hawak sa'kin ni Kei kaya pumikit ako at pilit ikinakalma ang sarili. Just like what he said, I need to calm down and trust him.   #TheHalfBloodVampire #THBVChapter04 #Hope'sIdentity #KnightmareZero Date: January 01, 2018 (02:15am)   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD