Kei's Pov
"You didn't explain everything to her." bungad ni Hina pagpasok palang nilang mag-asawa sa opisina ko. "Is this what you plan, Kei? Are you planning to use her for you to stop those bastards? Kaya mo ba sya gustong mabuhay pa ng matagal so you can use her and her ability because she's the only half vampire in this generation?"
I sigh. I understand why she thinks this way. Kahit sinong nakakaalam ng sitwasyon namin ay talagang iyon ang iisipin. "I didn't tell her what she needs to know because I know that's the right thing to do."
"What?"
"Hina, we already lost Heidi. Sa tingin mo ba uulitin ko ang pagkakamali sa nakaraan?" Nakita kong natigilan sya nang mabanggit ang pangalang matagal na din naming iniwasang pag-usapan. "I don't want to repeat the same mistake just because I'm the leader of this country and the vampire race. I help you and told the only way for her to survive because I don't want you to loose her. Ayokong sa pangalawang pagkakataon, mawalan na naman kayo ng isa pang anak."
"I—" Nag-iwas sya ng tingin. "I'm sorry."
"I will not give that responsibility to her." I said. "But you know her, right? If I tell her everything, sya mismo ang kukuha sa responsibilidad na iyon dahil involved kayo sa problemang ito."
"He's right, Hina." ani Oliver. "Heydrich will surely do everything if we're involved. At damay tayo sa problemang kinakaharap ni Kei dahil kabilang ako sa lahi nila. Idagdag pa na mas mapapahamak tayo kapag nalaman nila ang tunay na katauhan ng pamilyang pinagmulan ko."
"At kahit sya ay damay na din. She's the only half blooded vampire." dagdag ko. "Kaya kung hindi nating babaliktarin ang sitwasyon ng dugo nya ay mas mapapadali sa kalaban na kunin at gamitin sya laban sa atin."
"Sorry, Kei." Bumuntong hininga si Hina. "I just over reacted. Ayokong pagdaanan ni Heydrich ang nangyari kay Heidi. Ayokong lalo pa syang mahirapan dahil lang sya ang nag-iisang half blooded vampire."
"I know and ayoko ding mangyari iyon sa kanya." sabi ko. "Your family is the treasure of the vampire race and you treat me as part of your family kaya nga ginagawa ko ang lahat para protektahan sya. Ang pamilya nyo."
"I want to see her." sabi ni Hina na ikinabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba't hindi din ito tutupad sa pinag-usapan namin. "Please, Kei. Alam kong nahihirapan ang anak ko. Gusto ko syang makita."
"Fine. But don't make any noise that may disturb the generals or else they might loose their concentration to the spell."
"I understand." Agad itong lumabas ng opisina ko kaya naiwan si Oliver. Naupo ito sa bakanteng upuan na nasa tapat ng mesa ko.
"Ano na bang balita sa nakasagasa sa anak ko?" tanong nya.
Umiling ako. "Wala pang lead kung sino ang nakasagasa sa kanya pero sinadya ang nangyari dahil nakita sa cctv na galing sa parking lot ang sasakyan at nagbukas ng makina nang nakalabas ng palasyo si Heyd."
"Pero may suspect ka na?"
Pinakatitigan ko sya at tumango. "And I hate to admit it but I think it is my fault. Ginawa ang aksidente para dalhin tayo sa sitwasyong ito."
"Ibig mong sabihin, pinlano ang aksidente para mabiyan ka ng dahilan na sabihin kay Heydrich ang pagiging bampira nya at para itulak ang anak ko na magpagaling." Muli akong tumango. "Maliban sayo at sa heneral mo, sino pa ang nakakalam ng tungkol sa katauhan ni Heydrich?"
"Ang council at ang mga kanang kamay nila."
Tumangu-tango sya at nag-isip. Ilang sandali pa ay muli syang tumingin sa akin. "I want to claim my rights in the council."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "W-what?"
"I have the rights in council chair from the beginning but we choose not to claim it para na rin maprotektahan ang pamilya namin." he said. "But now, I will claim it to protect Heydrich."
"Kapag ginawa mo iyan, para mo nang ibinunyag ang pagkatao ng buong pamilya nyo. Lalo kayong manganganib at hindi na kayo makababalik sa buhay na kinagisnan nyo. Ang susunod na henerasyon sa pamilya nyo ay kailangang manatili sa council at pasanin ang responsibilidad dito."
"I know all of that, Kei. At pinag-isipan ko na itong mabuti." aniya. "Ang pamilya ko ang dahilan kaya umabot ng ilang dekada ang lahi natin at hindi tayo nakakaranas ng extinction that's why I am going to use that to protect my daughter. Just like what you said, ayoko ding maranasan ni Heydrich ang dinanas ni Heidi."
"Okay. I will arrange everything."
"Aaahhh!"
Agad kaming napatayo at lumabas ng opisina nang marinig ang malakas na sigaw na iyon galing sa kwarto kung nasaan si Heydrich. At nang makarating kami doon ay naabutan naming magulo ang buong kwarto.
Nakahandusay at sugatan ang labing dalawang heneral habang si Hina ay hindi makagalaw sa kinatatayuan at nakatingin sa anak. Puno ng dugo ang bawat sulok ng kwarto na marahil ay galing sa sugat ng mga heneral. At si Heydrich ay nakatayo sa kama habang sinasakal si Yuuna.
Nilapitan ko si Xan, ang 2nd General at inalalayan ito. "Anong nangyari?"
"Ako hanggang kay Trio ang nangunguna sa spell na nakabalot sa young lady kaya walang naging problema nang pumasok si Lady Hina. Pero nang si Yuuna ang pumasok ay bigla itong nagising at nakawala sa spell para sugurin ito." paliwanag nito. "At nang subukan namin syang pigilan, heto ang inabot namin."
"Anak." Akmang lalapit si Oliver sa anak pero agad ko syang hinarang.
"Hindi pa ito ang tamang oras ng paggising nya. Tatlong buwan palang nang gisingin ko ang vampire blood nya kaya hindi tayo nakakasiguro kung kontrolado nya ang sariling pag—"
"Anong akala mo sa akin?" Napalingon ako kay Heydrich na ngayon ay nakatingin na din sa amin. "Maayos ang pag-iisip ko noh."
"What?"
Inirapan nya ako tsaka walang sabing inihagis si Yuuna kaya tumama ito sa pader na agad dinaluhan ng mga kasama. "I am not crazy at kaya kong kontrolin ang sarili ko."
"If you're okay, bakit ka nagwala?" tanong ko tsaka nilapitan ito. I scan her from head to toe. Hinawakan ko din ang magkabilang pisngi nya at pinagdikit ang noo namin para masigurong walang problema sa kanya.
"Ahm." Umiwas sya ng tingin. "May galit ako sa babaeng iyan eh. And I told her before, right. She will pay for what she did."
Binitiwan ko sya at bumaling sa mag-asawa tsaka tumango.
Agad namang lumapit ang mga ito at niyakap ang anak.
"Hey. Akala ko ba, isang taon bago ko kayo pwedeng makita?" takang tumingin sa akin si Heydrich. "Is it okay?"
"Kung maayos ang pakiramdam mo then there's nothing to worry." sabi ko. "I just said that one year dahil isang taon ka dapat patutulugin para masigurong hindi ka mawawalan ng kontrol sa sarili mo."
"Ah." Tumangu-tango sya.
"Anong nararamdaman mo?" tanong ng ina nang kumalas ng yakap.
"Weird." sabi nito. "Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Then it started last week when I can hear everything happens inside the palace. And amaze dahil nagawa kong patumbahin ang 12 Generals."
Binalingan ko ang heneral ko. "Did you do something unusual?"
Umiling sila. "We just did the exact procedure for the spell." ani Xan.
Sa pamilya ng vampire race, tanging ang Ehrenberg ang pinapayagan ng buong lahi na magkaroon ng kabiyak na galing sa lahi ng mga mortal dahil higit silang mas malakas kumpara sa ibang pamilya.
Kailangan nilang magkaroon ng isang half blooded vampire sa pamilya sa bawat henerasyon dahil ito lang ang may kakayahang kontrolin ang kapangyarihang pinagpapasa-pasahan ng bawat henerasyon.
Ang bawat half blooded sa pamilyang ito ay lumalaki bilang normal na mortal pero dumadating ang panahon kung saan kakailanganin na nilang gampanan ang responsibilidad.
Ang Sierra, ang pamilyang may purong dugo ng mga bampira ang may responsibilidad upang ilabas ang pagiging bampira ng isang half blood.
At sa panahon ko, tatlo nang Ehrenberg ang dumaan sa prosesong ito kaya alam namin ang mangyayari pero iba ang sitwasyon ni Heydrich.
Masyadong malakas ang venom ng mga Sierra habang mahina pa ang katawan ng isang half blood para tanggapin ang venom kaya malaki ang posibilidad na mawalan ito ng kontrol at magwala kaya tumutulong ang mga heneral sa isang spell para manatili itong tulog at kalmado na aabutin ng isang taon ang proseso.
Pero sa nangyari kay Heydrich, ay tatlong buwan palang ang nakakalipas pero nagawa na nyang makontrol ang pagiging bampira.
"I think I know why did it happen." ani Jian Wei, ang 4th General.
"What do you think?"
"Heidi's."
Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ni Heidi dito.
"You have her vampire blood and that makes your venom weaker than usual and it lessen the time for Heydrich to control it." paliwanag nya.
Isa sa kakayahan ng vampire blood ng Ehrenberg ay ang pagpapahina ng venom sa katawan ng sinumang bampira na masasalinan ng dugo nila. And I had a blood transfution with Heidi long time ago.
"Heydrich!"
Lumingon ako kina Heydrich at nakita kong bumagsak ito sa kama pero may malay pa. Lumapit ako dito at sinuri. "Anong nararamdaman mo?"
"Nanghihina na ako sa gutom." mahina nitong sabi.
Tumango ako at bumaling sa mag heneral. "Umalis na kayo at iayos nyo ang paglilipatang kwarto ni Heydrich." Agad umalis ang mga heneral. Bumaling ako sa mag-asawa. "Ako nang bahala sa kanya. Hintayin nyo nalang na mailipat ko sya sa bago nyang kwarto."
"Kei." Bakas ang pag-aalala ni Hina. "Ang una nyang matikmang dugo kapag naging bampira sya, iyon ang hanap-hanapin nya, hindi ba?"
Ngumiti ako sa kanya. "I told you before, right? I will not make the same mistake so trust me. This time, you will never loose a daughter again."
Bumuntong hininga sila tsaka tumango at lumabas na ng kwarto.
Tumingin ako kay Heydrich at huminga ng malalim. Sinugatan ko ang braso ko sapat para magdugo ito tsaka inilapit sa bibig niya.
Agad nya itong hinawakan at sinipsip ang dugong lumalabas dito. Halos ilang ulit din nyang kinagat ang braso ko dahil parang kulang sa kanya ang ginawa kong sugat hanggang tigilan nya din ito.
"Are you feeling okay now?"
Tumango sya at bumangon. "Sorry sa pagkagat. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na mauhaw sa dugo."
"It's fine. Natural lang iyan sa isang bampira." sabi ko. "Pero huwag kang basta-basta maninipsip ng dugo ng iba. Tao man o kapwa mo bampira. Iba-iba ang epekto ng bawat dugo sa isang bampira."
Tumingin sya sa akin. "Iba-iba?"
Tumango ako. "Well, mine will be your water. You can't live without it so kung kailanganin mo ay huwag kang mahihiyang magsabi. You may compare other vampire's blood from alcohol drinks so you have to be careful dahil malalasing ka kapag napadami ang inom. Human's blood will be fruit juice and animal bloods are like soda drinks."
"Can I still eat human's food?" she asked.
"You're still half human so may kakayahan kang i-digest ang pagkain ng mga tao. Hindi iyon makakaapekto sa pagiging bampira mo."
"Okay."
Tumayo ako at inalalayan sya. "Lumipat na tayo sa ibang kwarto."
Lumabas na kami at naglakad papunta sa paglilipatan nya.
"Gumaling nga ang paa at braso ko pero sigurado bang wala na akong sakit?" tanong nya tsaka tumingin sa'kin. "Hindi na ba ako mamamatay?"
"Yes. I can assure you that." sagot ko. "But if you still want assurance, pwede kang magpa-check up."
Ngumiti sya at tumango. "I will do that." Nagulat ako nang bigla syang yumakap kaya natigil kami sa paglalakad. "Thank you, Kei. Though, alam kong hindi magiging madali ang buhay na haharapin ko pagkatapos nito but still, Thank you. You gave me the hope that I already forgotten."
Hinaplos ko ang buhok ko. "It's nothing. I just did what I need to do."
"I know." aniya na ikinakunot ng noo ko. Kumalas sya ng yakap. "So, I will also do what I need to do from now on."
"W-what are you talking about?"
Ngumiti sya tsaka itinuro ang tenga nya. "I told you, right? Since last week, naririnig ko ang lahat ng nangyayari at usapang nagaganap sa buong palasyo kaya alam ko na ang buong katotohanan tungkol sa pamilya ko at sa pagiging half blooded ko."
"Hey—"
"Pero may isa pang gumugulo sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko mabigyang linaw." Tatlong beses syang humakbang paabante at humarap sa akin. "Sino si Heidi? At ano ang relasyon nya sa akin? At ano ang nangyari sa nakaraan na ikinakatakot mong maulit uli kaya ayaw mong sabihin ang responsibilidad ko bilang nag-iisang half blood vampire?"