Hope's Pov
Shit! Kailangan ko nang makausap ang parents ko. Ang dami kong hindi nalalaman sa nangyayari lalo na sa koneksyon nila sa taong ito. Yeah, I know this guy but we never had a chance to talk to each other.
"Just call me Kei. Magkaibigan kami ng papa mo kaya malaya akong nakakadalaw dito. Don't feel awkward in front of me and you can treat me how you treat the others." aniya tsaka inalis ang daliri sa labi ko. "Anyway, kamusta na ang lagay mo?"
"Kung kaibigan ka ni Papa, alam mo kung anong lagay ko." malumanay kong sabi kahit gusto ko talagang mag-panic. Aba, hindi ko inaasahan na ang lalaking ito pala ang sinasabi ng nurse na bumibisita sa akin. "Wala naman kasing nagbabago sa lagay ko mula nang dalhin uli ako dito."
Tumangu-tango sya. "Nabanggit nya na posibleng hindi ka na makalakad at hindi na aabutin ng isang taon ang buhay mo kaya makukulong ka na naman dito. Pero bakit kahit ganyan ang lagay mo ay ang kaligtasan ng lalaking iyon ang iniisip mo? Tell me, do you like him?"
"What the fvck?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Naisip mo iyon? Duh! Hindi ko type ang mga tulad nyang lampa na kailangang ako ang poprotekta. At kahit sya nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi ko papatulan iyon noh."
"Defensive."
Umiling-iling ako. "I need to make this clear kasi nagko-contradict ang ginagawa ko sa sinasabi ko. I am just protecting him because of his twin sibling na naging kaibigan ko. They already died at dahil malaki din ang pasasalamat ko sa dalawang iyon, ginagawa ko iyong bagay na hiniling nila sa akin noong magkakasama pa kami."
"Oh. That makes everything clear. I really thought you like him."
Napairap ako. "I'd rather die."
"But you still want to protect him." sabi pa nya. "Nabanggit iyon ng papa mo nang madatnan namin ang pagbabantay nya sayo nitong nakaraan."
Bumuntong hininga ako. "E—I mean, Kei. Tulad ng sinabi ko, iyon ang pangako ko sa kapatid nya at ayokong mabali iyon kaya hangga't kaya ko, sisiguraduhin kong ligtas ang gagong iyon."
"Pero kilala mo ang ugali nya, right?" sabi nya. "Kapag nalaman nya ang tunay mong lagay, baka sya pa mismo ang magpahamak sa sarili nya."
"That's why I don't want him to know." madiin kong sabi. To be honest, sa kabila ng pagiging madaldal, mapang-asar at makulit ni Graysean, he is fragile. Madali syang ma-depress at may mga pagkakataong sinasaktan nya ang sarili to endure his emotional pain. Siguro nagsimula iyon nang magkasakit ang mga kapatid nya.
And because he treats me as his friend at sya pa ang kasama ko nang maaksidente, siguradong dadagdag iyon sa reason para lalo syang ma-depress at umabot na naman sa self-harm nya.
"Sinasalo nya ang mga sakit na hindi dapat sya ang nakakaramdama at ayoko nang dagdagan pa iyon."
"But you can't hide the truth for a long time. Sooner or later, he will surely notice it." sabi pa nya.
I sigh. "I know. Pero aalis na sya in 2 weeks. Ipapakiusap ko nalang kay Papa na protektahan sya since marami iyong magaling na tauhan."
Imposible nang gumaling ako at tanggap ko na iyon. Uubusin ko nalang ang natitira kong oras para sa mga magulang ko.
"There's still a way, little lady." aniya na ikinakunot ng noo ko. "There's still a way para gumaling ka sa sakit mo at muling makalakad."
"Ayoko." mabilis kong sagot. "Kahit anong paraan iyan. Sigurado man o hindi, ayoko nang subukan. Nakakapagod nang lumaban sa buhay kaya mabuting sumuko nalang. Habang tumatagal kasi, lalo lang nasasaktan sina Mama at ayoko nang dagdagan iyon."
"Paano si Graysean?" tanong nya. "Oo, mapo-protektahan sya ng mga tauhan ng papa mo pero oras na mamatay ka nang hindi nya nalalaman, sa tingin mo ba, anong gagawin nya?"
Arrgg! Ito ang ayokong mangyari kaya iniiwasan kong magkakilala kami ni Graysean. Siguradong malulungkot at masasaktan ang gagong iyon kapag nga naman namatay ako nang hindi nya alam.
Tapos sisisihin nya ang sarili dahil hindi nya nalaman ang totoong lagay ko. Iisipin uli nyang wala syang kwentang kaibigan dahil hindi nya ako nadamayan. Yeah, ganoon kadrama iyon kaya madalas mag-alala sina Gray at Gracie sa kuya nila.
"Think about it, little lady. Pero kung magbago ang isip mo, maaari mo akong puntahan sa opisina ko." Kinuha nya ang kamay ko at inilapag doon ang isang calling card. "Ipakita mo lang iyan sa mga guard at sila mismo ang maghahatid sayo."
Pinakatitigan ko ang calling card pagkuwa'y bumaling sa kanya. "Kung sakaling magbago ang isip ko, may kapalit iyon, right?"
Tumango sya. "Lahat ng bagay ay may kapalit. Kung tatanggapin mo, isang taon kang hindi maaaring lumapit kay Graysean at sa magulang mo. Kung inaalala mo ang kaligtasan nila habang wala ka, ipinapangako kong hindi ko sila pababayaan." Tumayo na sya at ginulo ang buhok ko. "Pag-isipan mong mabuti. Ito nalang ang nag-iisang pag-asang pinang-hahawakan din ng mga magulang ko."
Hindi ko na nagawa pang magtanong dahil lumabas na sya ng kwarto ko.
__________
"Ma, pinuntahan ako ni Kei." sabi ko kay Mama na inaayos ang pagkain ko. Pinauwi ko muna si Graysean kaya kaming dalawa lang ang narito sa kwarto. "Nabanggit nya na may paraan pa para gumaling ako."
Natigilan ito at bumuntong hininga tsaka naupo sa tabi ko. "He's right. Heyd. May paraan pa para gumaling ka at iyon ang pinaghahawakan namin ng papa mo. Pero hindi namin iyon maaaring gawin nang walang concent mo at hindi mo pa naiintindihan ang proseso."
"Sinabi nya na kung gagawin ang paraang iyon, hindi ako makakalapit sa inyo sa loob ng isang taon."
Hinawakan nya ang kamay ko. "Yes. At makakayanan kong malayo sayo ng isang taon kung ang kapalit nito ay ang tuluyan mong paggaling."
"Anong gagawin nila sa'kin, Ma? Bakit parang sigurado kayong gagaling talaga ako sa paraang iyon?" Mula noon kahit masyado nang malala ang sakit ko ay hindi sila nawalan ng pag-asang gagaling ako. Siguro, dahil noon pa man ay alam na nila ang paraang ito at naghihinay nalang sila ng pagkakataon na ako mismo ang humiling na magpagaling.
Dahil mula nang mataningan ang buhay ko, isinuko ko na ang lahat ng pag-asang mayroon ako at tinanggap ang kapalaran ko.
"I'm sorry, anak. Sila lang ang maaaring magpaliwanag sayo ng lahat. At malalaman mo iyon kung ikaw mismo sa sarili mo ay magde-desisyong mabuhay at harapin ang naghihintay sayong hinaharap." Hinaplos nya ang buhok ko. "But to be honest, hindi ko talaga alam kung gugustuhin ko bang mabuhay ka o tuluyan nalang sumuko." Nagsimulang umagos ang luha sa pisngi nya. "Alam kong nahihirapan ka sa buhay na mayroon ka at kung ipagpapatuloy mo pa ay baka lalo kang mahirapan. At nasasaktan ako tuwing nakikita kong nahihirapan ka."
"Ma."
"You'll understand everything in right time. For now, huwag mong pilitin ang sarili mong tanggapin ang inaalok ni Kei. Kung pagod ka na talaga, tatanggapin namin ng papa mo pero umaasa din kaming magiging sapat kami para magpatuloy ka at lumaban sa tadhanang nakaatang sayo." Niyakap nya ako ng mahigpit.
Mas gumulo ang isip ko sa mga sinabi ni Mama. Pero mas gumugulo sa isip ko ay ang nangyayari sa akin.
Akala ko, tanggap ko nang mamamatay ako pagkatapos ng isang taon pero bakit ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? Bakit bigla akong nagkainteres sa paraang sinasabi nila para gumaling ako? Bakit may part sa akin ang gustong subukan ang paraang iyon?
"Ma. Sa totoo lang, gusto kong subukan ang paraang iyon."
Napakalas sya ng yakap at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Yes, I want to try it. But you know me, right? I make decision if I have great reason. I think, I still need to wait for that."
Ngumiti sya. "I'm still glad, Heyd. At least, you already see the hope that we're seeing." Muli nya akong niyakap.
One last reason. Kung sapat iyon, magde-desisyon ako para sa buhay ko.
__________
"Heydrich."
Napalingon ako kay Sean na kapapasok lang sa kwarto ko at napakunot noo ako nang mapansing namumugto ang mga mata nya.
Anong nangyari sa lokong ito?
Agad syang lumapit sa akin at yumakap. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kinailangan mo pang itago ang totoo mong lagay?"
"A-ano?" s**t! Don't tell me, alam na nya? Pero sino ang magsasabi sa kanya? Imposibleng sabihin iyon ni David sa kanya dahil alam ng doctor na iyon ang mga posibleng mangyari. At hindi din ito gagawa ng kahit anong wala sa pinag-usapan namin.
Kumalas sya ng yakap tsaka diretsong tumingin sa'kin. "Seven years ago nang ma-diagnosed ka ng brain cancer at isang taon nalang ang itatagal ng buhay mo. At dahil sa aksidente, hindi ka na makakalakad. Malala din ang injured ng kanang kamay mo na posible mo na ding hindi magamit."
Nanlaki ang mata ko. Paano nya nalaman ang lahat ng iyon? Nangako sa akin si David na magiging confidential ang lahat ng medical records ko.
"Sinong sira ulong nagsabi sayo nyan?"
"Si Yuuna." Damn it! Ang babaeng iyon pa pala ang pahamak. "Sinabi nya sa'kin ang lahat at pinakita nya din ang medical records mo dito mula nang i-admit ka, seven years ago." Sasamain talaga sa'kin ang babaeng iyon eh. Napakapakialamera! "Bakit? Bakit kailangan mong itago? Bakit nagsinungaling ka sa'kin at dinamay pa ang doctor mo? Kasalanan ko—"
"Iyan!" sigaw ko sa kanya. "Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi. You will blame yourself kasi nga, responsable ka din sa nangyari. Kung hindi mo ako dinala sa palasyo, hindi ako masasagasaan. Kung hindi mo inuna ang pakikipaglandian kay Yuuna, hindi ako maaaksidente. Pero sa tingin mo ba, ganoon ako kasama para isisi pa sayo iyon? Oo, lagi kitang minumura, binabatukan at binubully pero itong tungkol sa lagay ko, alam ko ang epekto nito sayo. Ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman mo dahil sariwa pa din sayo ang pagkamatay ng mga kapatid mo!"
Sya naman ang nanlaki ang mata. "P-paano mo nalaman ang tungkol sa kapatid ko?" Mula nang magkakilala kami, never nabanggit ang tungkol sa pamilya nya at hindi din ako nagtanong dahil alam ko ang lahat.
"3years ago sa mismong ospital na ito. Nakasama ko sina Gray at Gracie. We became friends at naging damayan ang isa't-isa sa paghihirap nang dahil sa sakit namin." Huminga ako ng malalim. "Sila ang dahilan kaya ayokong dagdagan ang sakit na sinasalo mo. Oo, responsable ka din sa nangyari pero malinaw naman na ako pa din ang may kasalanan dahil ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko."
"No. Kahit anong sabihin mo, malinaw na ako ang may ka—Ah!" Binato ko sya ng unan sa mukha kaya napaupo sya sa sahig.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Sinabi ko na, 'di ba? Ako ang may kasalanan kaya huwag kang epal. Hindi ko kailangan ng awa at pag-aalala. Ibigay mo iyan sa sarili mo dahil siguradong nalulungkot na sina Gray at Gracie dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo." Muli ko syang binato ng unan at talagang pinatama ko sa mukha nya. "At masyado ka namang naniniwala dyan sa crush mong nurse. Makakalakad ako! At tulad noon, magagawa kong lagpasan ang taning na ibinigay ni David kaya umayos ka."
"Heydrich."
"Ayusin mo ang sarili mo, Sean. Kahit para man lang sa mga kapatid mo." Ikinalma ko ang sarili ko dahil nakakaramdam na ako ng sakit ng ulo. Beside, hindi naman ako galit sa lalaking ito dahil inaasahan ko na ang reaksyon nyang ito kapag nalaman na nya ang lahat. Actually, galit ako kay Yuuna. Pakialamera ang babaeng iyon. "Ililipat na ako ng ospital dahil bukas din, sisimulan na ang proseso para sa paggaling ko."
"Ano?" Napatayo sya at muling naupo sa tabi ko.
"Just like what I said, gagaling pa ako dahil may nakikita pang paraan ang parents ko. Susubukan namin iyon at bukas din ay ililipat ako doon." paliwanag ko. "At isang taon akong hindi magpapakita sayo." Oo, buo na ang desisyon kong subukan ang paraang sinasabi ni Kei. Kahit ano iyon, gagawin ko. Kahit gaano kahirap, titiisin ko masiguro ang paggaling ko.
"What? Bakit? Hindi ba kita pwedeng dalawin doon?"
Umiling ako. "Hindi pwede at ayoko. Mas mabuti nang hindi mo alam ang lagay ko pero itanim mo dyan sa mapurol mong utak na pagkatapos ng isang taon, kamao ko ang unang sasalubong sayo."
"Pero, Heydrich—"
Sinamaan ko sya ng tingin. "Araw-araw akong makikibalita sa ginagawa mo, Sean. At oras na malaman kong pinababayaan mo ang sarili mo at hindi ka nagtitino, asahan mong wala ka nang makikitang Heydrich pagkatapos ng isang taon. Ipapatigil ko ang paggamot sa'kin at hahay—"
"Oo na." putol nya sa'kin na lihim kong ikinangiti. "Hindi ko pababayaan ang sarili ko at magtitino ako. Basta, siguraduhin mo na pagkatapos ng isang taon, babalik ka. Magkikita tayo sa tindahan ni Wain at kakain ng ihaw. Promise me dahil kapag hindi ka dumating, susunod ako sayo."
Bahagya akong natigilan.
Oo nga't nagdesisyon na akong subukan ang paraang sinasabi ni Kei pero may parte pa din sa pagkatao ko na nagdadalawang isip dito dahil hindi ko naman alam ang magiging proseso nito.
Paano kung hindi maging successful ang paraang iyon? Paano kung hindi pa din ako nito mapagaling? Paano kung umasa na naman kami sa wala?
"Ano na, Heydrich? Maipapangako mo bang magkikita tayo pagkatapos ng isang tao o kailangan ko nang ihanda ang lahat para sa pagsunod?"
Pinakatitigan ko sya at bumuntong hininga. Nakasalalay sa buhay ko ang buhay nito kaya wala akong choice kundi magtiwala na gagaling ako. "Fine. Promise, babalik ako at magkikita tayo after one year. Siguraduhin mo lang na magtitino ka dahil masasapak talaga kita kapag nagkataon."
Ngumiti sya at muling yumakap. "Promise, magtitino talaga ko at mag-iingat. Hindi ko pababayaan ang sarili ko. Sisiguraduhin ko iyon para bumalik ka nang buhay at malakas."
Hinaplos ko ang likod nya at lihim na nananalanging sana, magawa kong makabalik dahil hindi ako makakapayag na ako ang maging dahilan ng kamatayan ng pinakamamahan na kapatid ng mga kaibigan ko.