Chapter 08.a

2433 Words
Hope's Pov "Okay, I will tell Kei." "Really?" bakas ang saya sa mata nya na lihim kong ikinangiti. This is the first time I saw her genuine smile after Gray's death. "Huwag ka munang magsaya." ismid ko tsaka pinaglaruan ang cake na nasa harap ko. "Sasabihin ko palang iyon kay Kei at hindi tayo sure kung papayag sila dahil isa ka ngang monarch." "Nako, siguradong hindi ka tatanggihan ni Kei." natatawa nyang sabi. "At paano mo nasabi?" "Kasi—" Saglit syang natigilan pagkuwa'y muling ngumiti. "Kasi isa kang Ehrenberg at malapit sya sa parents' mo, lalo na kay Heidi." "Kilala mo si Heidi?" "Of course. Walang hindi nakakakilala kay Heidi Olivia Ehrenberg." sabi nya. "At alam ng lahat ang nagawa nya para sa lahi ng bampira kahit pa hindi sya ang itinadhana para tapusin ang problema natin sa pagitan ng rouge at ang dahilan kung bakit sya namatay sa kamay ni Prince Kelly." dagdag pa nya. "At bestfriend sya ni Auntie Yeon." "Si..." Lumunok ako. "Si Prince Kelly ang pumatay sa kanya?" Tumango sya. "Aunt Yeon said, the prince knew that Heidi doesn't have the ablity of your family so he made her suck his blood and in less than a year, she became full blood. At nasakto na may engkwentro sila sa isang grupo ng mga rogue at ginamit iyon ng prinsipe para patayin sya." "Naikwento na sa'akin kung paano sya namatay at naisip ko na din kung paano sya naging full blooded ng hindi nya napapansin." sabi ko. "Ang hindi malinaw sa akin ay kung alam pala ng prinsipeng wala kay Heidi ang kakayahan ng pamilya ko, bakit pinatay pa din nya ito?" "Because Heidi is our hope that time." she said. "Sya ang dahilan kung bakit nananatiling matatag ang lahat ng bampira. Kung bakit patuloy na lumalaban ang mga monarch at elite kahit paunti na kami ng paunti. Sya ang dahilan kung bakit nananatiling matapang ang lahat laban sa mga rogue. At kasama ng pagkamatay nya ang pagbagsak ng pag-asa namin." Ganoon kalaki ang nagawa ni Heidi para sa lahi namin. She became a symbol of hope in our race. She still became a hero even if she doesn't have our ability. "When she died, karamihan sa kasama namin commoner, nagpa-convert into a rogue at umanib sa kalaban dahil sa takot na mamatay. May ilan ding elite kaya nagsimulang lumakas ang kalaban." "So? We're really into a big mess." Hindi ko alam kung anong giyera ba ang papasukin ko pero dahil pinili ko ito ay kailangang ako mismo ang maghanda. Ayokong iasa ang lahat kay Kei dahil masyado na din silang maraming pinagdaanang paghihirap para lang maisalba ang lahi namin. I don't even had a chance to meet my sister but I will not let her sacrifice be in vain. Hindi ako papayag na maubos ang lahi namin kaya gagawin ko ang lahat. Kahit pa ikamatay ko. __________ Maggagabi na nang bumalik ako sa palasyo. Matapos naming mag-usap ni Tammy ay naggala kami, nag-enjoy at hindi napansin ang oras kaya hindi na ako nagtaka nang maabutan si Kei kasama sina Xan at Drew sa entrance palang ng palasyo. "Bakit ngayon ka lang?" agad na tanong ni Xan at bakas ang pagkainis sa mukha. "Bakit hindi mo kami sinabihan kung saan ka pupunta?" "You're all busy." sabi ko. "Why didn't you call?" muli nyang tanong. Siguro may kinakama ito na naudlot dahil tinawag sya ni Kei kaya sa akin ibinubunton ang inis. Tinaasan ko sya ng kilay. "Bitin ka ba sa s*x kaya sa'kin mo ibinubuhos ang inis mo?" Natigilan sya at nag-iwas ng tingin na ikinailing ko. "And to answer your question, I don't even have a phone with me." Inirapan ko sya at bumaling kay Kei. "Si Tammy Holland ang kasama ko maghapon. Napasarap ang kwentuhan dahil sa tagal naming hindi nagkita kaya sorry kung ginabi na ako ng uwi." Umiling sya. "It's okay. Pinayagan na naman kitang lumabas pero hindi mo maiaalis sa'min ang mag-alala lalo't kaninang umaga pa ang huling inom mo ng dugo. We're just worried that you might loose control." "Ah." Now that they mention it, bigla akong nakaramdam ng uhaw at naamoy ko pa ang dugo ni Kei kaya agad kong tinakpan ang ilong ko at ikinalma ang sarili. "I don't know how but I don't feel thirsty earlier." "Let's go inside." Nauna na silang pumasok at sumunod nalang ako Pagdating sa opisina ni Kei ay umalis din agad sina Xan at Drew. "Saan ba kayo nagpunta ni Tammy?" tanong ni Kei habang niluluwagan ang necktie tsaka naupo sa sofa. "We stayed at Oni Restaurant until lunch then we go around the city." Tumangu-tango sya. "I told you not to be shy if you want to drink my blood, right? So, come here and drink before you lose control." He said. "You know, I can't handle your strength." Itinaas nya ang sleeves nya. Lumapit ako at tinitigan ang braso nya pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa'kin para gawin ang bagay na hindi ko inaasahang gagawin ko. Naupo lang naman ako sa kandungan nya at imbes na ang braso ang kagatin ko ay leeg nya ang pinuntirya ko. I bit him in his neck and suck his blood. "H-Heydrich." Natauhan ako nang marinig ang boses nya kaya agad kong tinigilan ang pagsipsip sa dugo nya at tumayo. Itinakip ko ang isang kamay sa mukha ko at iniwasang mapatingin sa kanya. "I—I'm sorry." I heard him groaned kaya sinilip ko sya at nakita kong minamasahe nya ang leeg. "Y-you're that thirsty?" "I... don't know." sabi ko at muling umiwas ng tingin. "And I don't know why I bit you in the neck instead in your arm." "Hindi kaya epekto iyan ng lagi mong pangpasok sa kwarto ni Xan at—" "Krio!" Inis akong tumingin sa kanya pero mabilis ding nag-iwas. s**t! Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkakaganito. "Amn... Can you cover your neck? To be honest, nate-temp na naman akong kagatin ka." "I did." sabi nya kaya muli akong tumingin sa kanya at nakahinga ng maluwag. Damn that sexy neck! "Do you have fetish in men's neck?" I glared at him. "Shut up, okay? I don't even know why it happen basta para akong na-hipnotize when I saw your neck and smell the sweet scent of your blood." Geez! Never kong pinagpantasyahan ang lalaking ito kahit pa sobrang gwapo nya noh. Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at tumingin sa kanya. "Oh." aniya. "It happened because you didn't drink blood the whole day." "I... lose control?" "I can't say." sabi nya. "Maybe yes because until now, you are tempted to bite my neck. Maybe no because the only blood that you want is mine." "Am I that addicted to your blood?" Natawa sya at ginulo ang buhok ko. "Hindi pa siguro. Nagkataon lang na buong araw kang walang iniinom na dugo at dahil ang dugo ko ang first drink mo, natakam ka sa'kin... I mean, sa dugo ko." "Stop teasing me, your majesty." inis kong sabi at inirapan sya. "But don't do that again." seryoso nyang sabi. "You have to drink blood at least 3 times a day so you won't lose control. We can't risk that so from now on, you'll bring a bag of blood in you whenever you leave, okay?" "Does human blood can satisfy my blood thirst?" "No, but it can help you to remain calm." dagdag nya. Bumuntong hininga ako. "Okay. I won't do it again. Sorry uli." "Take a rest because we will have a meeting tomorrow moring. We have things to discuss since you're so eager to do your responsibility." "Okay." Bumangon ako at nag-inat. "Anyway, regarding sa canditate for my team, I'd like to recommend someone." "Tammy?" Tumango ako. "I trust her and I think she can protect me." "Walang magiging issue kung gustuhin nyang mapasama sa team mo but she needs to take all the test just to be fair." sabi nya. "Kahit alam ko ang kakayahan nya, kailangan pa din nyang ipakita sa lahat na kaya ka nyang protektahan and she deserve to be in your team." "Hindi iyon magiging problema sa kanya." Sana lang ay makapasa sya sa lahat ng test na iyon para hindi ako masyadong mahirapan sa pag-aadjust kapag nakumpleto na ang team ko. "Then, tell her to go here first thing in the morning." "Thanks." sabi ko. "And goodnight, your majesty." ********** Someone's Pov "Why didn't you tell me right away?" malamig kong sabi sa mga tauhan ko habang nakatitig sa nanghihinang katawan ng lalaking nasa harap ko. "You know how important this person to us." "We're sorry, Sir." Agad silang lumuhod at yumuko. "Pero mapilit sya at hindi nagpapigil na sumabak sa misyon kahit alam nyang delikado." paliwanag ng isa sa akin na ikinabuntong hininga ko. "Ihanda nyo ang kwarto para sa kanya." sabi ko. "And make sure that woman will not notice his existence inside the place, okay." "Yes, sir." Umalis ang lahat at naiwan kaming dalawa ng lalaking ito. Naupo ako sa harap nya at pinagmasdan sya. Tumingin sya sa'kin. "H-help me, Sir. I-I can't die here." "Bakit hindi mo sinunod ang order sa inyo?" tanong ko. Inispeksyon ko ang sugat na natamo nya at napailing dahil masyado iyong malalim kaya kapag ginalaw sya sa kinauupuan nya ay siguradong lalong lalakas ang paglabas ng dugo sa katawan nya. "I-I thought that it was the best chance to do my job." Huminga sya ng malalim. "G-gusto ko nang matapos ang trabaho ko dito habang hindi pa malala ang sitwasyon. G-gusto ko nang bumalik." "But you're wrong dahil sa pagbalik mo sa lugar ng mga kalaban ay malala na ang sitwasyon at alam na nila ang identity mo." Ginulo ko ang buhok ko. "Do you still want to live?" Agad syang tumango. "I am willing to do everything just to live." "Whatever it takes?" Muli syang tumango. "Even if abandoning your humanity?" Natigilan sya. "A-are you saying that the only thing that can save m—" "Yes." Tumayo ako at inilibot ang tingin sa buong silid. "That's the only thing we can do if you really want to live." Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y tumango. "I am willing to abandon my humanity just to save my life. Bumuntong hininga ako. Mukhang wala na talaga kaming choice kundi gawin ang bagay na tingin ko ay hindi nya magugustuhan. Pero kung ito ang makakapagligtas sa taong ito ay nakahanda akong harapin ang galit nya dahil mas hindi ko kakayaning makita ang malungkot nyang mukha. "This will take time so just rest and let me handle everything." I put him to sleep at bumaling sa tauhan ko. "Dalhin nyo na sya." Agad syang binuhat ng mga kasama ko at naiwan akong mag-isa sa silid. Tumayo ako at bumaling sa bintana kung saan tanaw ang isang lugar na pinaglalagian ng mga kalaban namin. "You made your choice, Dude." mahina kong sabi. "So don't blame me if you had to meet her in this war between us." ********** Hope's Pov Hindi ako makatulog kaya tumambay muna ako sa balcony ng kwarto. Mahangin dito at tanaw ang garden ng palasyo kaya nakaka-relax din. Simula nang maging bampira ako ay hindi ako nakakaramdam ng pagod kaya kahit gaano karami ang gawin ko ay hirap pa din akong matulog. Tuluyan na din akong nakakapag-adjust sa bagong buhay na ito kaya ang kailangan ko nalang ay pag-aralan ang lahat ng tungkol sa kakayahan ko. Pakiramdam ko kasi, marami pa akong hindi nalalaman tungkol dito na siguradong magagamit ko kapag nagsimula na akong mang-hunting. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino iyon dahil kilala ko naman ang bawat presensya at boses ng mga nilalang na naninirahan dito. "Maghapon kang nasa labas kaya dapat ay nagpapahinga ka na." Naupo sya sa tabi ko. "Maaga ka pang kailangan sa meeting room bukas dahil ipapakilala na ni Kei ang mga candidate na maging parte ng team mo." "I know." walang gana kong sabi. "Hindi lang talaga ako makatulog." Bahagya syang natawa at ginulo ang buhok ko. "You're a vampire now. Malamang, hindi ka na talaga makakaramdam ng pagod most of the time at hindi ka makakatulog sa gabi dahil ito ang oras ng mga tulad natin." Tumingin ako sa kanya. "Oo nga noh. Sa gabi gising ang mga bampira at sa umaga sila natutulog dahil hindi sila pwedeng masinagan ng araw." "But that was different story dahil pwede tayo sa sinag ng araw." Ginulo nya ang buhok ko. "But still, you have to rest." "I am resting." madiin kong sabi at tinapik ang kamay nya tsaka inayos ang buhok ko. "Pero bakit ba nandito ka? Himala yata at wala kang se—" Agad akong lumayo sa kanya dahil akma nyang pipitikin ang bibig ko. "Ang dumi ng bibig mo." "Walang hiya ka talaga kahit kailan, Xan." ismid ko sa kanya. Inirapan nya ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Our priority as of now is to protect you 24 hours especially here inside the palace because to be honest, hindi lahat ng nandito ay nasa panig natin." "I'm aware of that." walang gana kong sabi. There are many things that they don't know about my ability being half blooded kaya naiitindihan ko kung bakit ganito nila ako protektahan. At siguradong marami pa akong malalaman kapag pinuntahan ko na ang grandparents ko kaya kailangan ko nang madaliin iyon para masimulan ko na ang responsibilidad ko. "So we all stay on guard." aniya. "You are the last hope of our race so we will do everything to make sure your safety even if we have to sacrifice our free time." Nag-inat sya. "Besides, I am sure that this is just for a mean time habang hindi mo pa nama-master ang ability na mayroon ka." Hindi talaga magtatagal ito dahil may kanya-kanya silang trabaho. Kapag natapos ang training ko kay Lolo, hindi na nila ako kailangang bantayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD