Hope's Pov
Nang makabalik kami sa palasyo ay agad kaming sinalubong ng iba pang heneral at pinadiretso na kami sa throne hall kung nasaan si Kei maging ang mga nakapasa para makasama sa squad ko.
Pagpasok ng throne hall ay hindi ko naiwasang ngumisi nang masilayan ang limang bampirang isa-isa nang binibigyan ng authority badge ni Kei,
iyon ang nagpapatunay na kabilang sila sa squad ng isa sa palace general.
Mukhang umaayon sa inaasahan ko ang mga nangyayari.
Nang makalapit ako sa harap ni Kei ay akma akong magba-bow bilang paggalang dahil sya pa din ang emperador ng bansa namin pero agad nya akong pinigilan kaya napakunot noo nalang ako.
Isa pa, hindi lang ang mga at ang kanya-kanya nitong mga ka-grupo ang narito. Maging ang mga ministro ng bawat ahensya ng bansa.
"You don't need to be so formal."
"But—"
"That's an order, lady." madiin nyang sabi kaya napairap ako. At ginamit pa ang posisyon nya para makuha ang gusto.
"Fine."
Iniabot nya sa akin ang isang transparent box at sa loob nito nakalagay ang First General badge. "Nabanggit ni Xan na may ginagawa kang sarili nyong uniform kaya siniguro kong babagay ang badge nyo sa gawa mo."
Tinitigan ko ito at napangiti. I won't deny that this badge will definitely match on uniforms that I made myself.
"And this." Isang tablet ang ibinigay nya sa akin. "Nandyan na ang lahat ng information na kakailanganin mo para sa unang misyon ng grupo mo. Xan's group will join you for that because there's a lot of possibility na makaharap nyo agad si Kelliar sa pupuntahan nyong lugar."
Agad kong binasa ang mga impormasyong laman ng tablet na ito at nang matapos ako ay agad akong tumingin sa mga kasama ko.
Lahat sila ay tumango. Mukhang alam na nila kung ano ang gusto kong iparating kaya muli akong bumaling kay Kei. Well, maganda iyang isang tingin ko palang ay agad nilang naiintindihan ang takbo ng utak ko.
"We will do it tonight."
"What?" Tumingin ako kay Xan na bakas ang pagtutol sa sinabi ko pero wala naman syang magagawa kaya bumuntong hininga nalang. "Fine."
"Ipahahanda ko ang lahat ng kakailanganin nyo." ani Kei. "Maaari nyong gamitin ang conference room para pag-usapan ang magiging plano nyo."
"Then. we will take our leave." Mabilis akong nag-bow bago pa nya ako mapigilan tsaka sinenyasan ang mga kasama ko na sumunod sa akin.
Maging si Xan at ang pitong kabilang sa grupo nya ay sumunod na din sa amin hanggang makarating kami sa conference room.
Naupo ako sa swivel chair at humarap sa squad ko. "You know me and I'm sure, kilala nyo na din ang isa't-isa kaya pwede na tayong mag-skip ng introduction and let's just proceed to some rules of this group. First, since I am your leader, siguraduhin nyong hindi kayo gagawa ng kahit anong desisyon nang hindi nagsasabi sa akin maliban nalang kung talagang kailangan na at hindi nyo ako makontak."
"Yes, ma'am."
"Second, you don't need to call me ma'am. Just Hope and that's an order. Nasa formal or informal meeting man, Hope lang ang tawag nyo sa'kin." Kahit pa sabihing mas mataas ang status ko sa kanila bilang bampira ay hindi ko maaatim na tawaging ma'am.
Wala naman akong pakialam sa status ko noh. And besides, I need them to give their loyalty to me dahil talagang may tiwala sila sa akin at hindi dahil kabilang ako sa Ehrenberg so, I need to break the ice between us.
"But Hope..." Bumaling ako kay Tamara. "That is not acceptable lalo na kapag ang Council ang kaharap natin. They are strict sa mga customs ng status natin bilang monarch. Lalo sayo na half-blood at Ehrenberg,"
"Right." sabat ni Argo. "They will kill us if we call you by your name."
Bumuntong hininga ako. "I don't care about the vampire council. You are on my squad kaya ako ang dapat nyong pakinggan." Walang kinalaman ang council sa pagkakabuo ng grupong ito kaya wala silang karapatan sa anumang gusto kong ipagawa sa mga ito.
"But—"
"You should just listen to her." sabat ni Xan na nakapangalumbaba sa gilid ko. "Hindi iyan titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nya. And don't mind the council dahil hindi sila gagawa ng kahit anong ikagagalit ni Heydrich. Isa pa, siguradong papayag din naman si Kei."
Natinginan sila pagkuwa'y sabay-sabay na bumuntong hininga.
"Kung iyan ang gusto mo, then fine." ani Tamara. "Pero siguraduhin mo lang na sasagutin mo kami kapag nakarating ito sa council."
"Don't worry, as long as you're part of this squad, I will always got your back." kampante kong sabi. Ikinabit ko ang tablet sa giant sceen na nasa mesa namin at doon nag-flash ang mga mission order namin. "Let's start our plan for the mission tonight."
"Are we in rush?" tanong ni Xan. "Kababalik lang natin galing dito tapos gusto mo na uling umalis?"
"We can't waste any more time." sabi ko. "Kei recieve this information two days ago pa at nasisiguro kong sa mga oras na ito ay mahihirapan na tayong i-maintain ang sitwasyon sa lugar na iyon." Ipinakita ko sa kanila ang mapa ng pupuntahan namin ngayong gabi. "Our target location is in Fletcher Region. It is remote area around Mt. Cor at may mga inosenteng naninirahan doon na posibleng naging biktima na ng mga rouge na nagpapakalat-kalat doon. And Kei wanted us to eliminate those bastard as many as we can habang hinihintay nyang dumating ang mga monarch na nasa ibang parte ng bansa."
"It is a suicide mission." sambit ni Lyle. "From what we see, sadyang sinira ang daanang ito para pigilan ang mga magtatangkang umakyat ng bundok. Kaya siguradong dyan palang ay nakaabang na ang mga kalaban at hindi sila magdadalawang isip na sugurin agad tayo."
"That's why I prepare this for you." Inilabas ko ang mga gamit na nasa bag ko at inilatag ko sa mesa. "This is a special fabric that can't penetrate by any metal and of course, hindi ito natatagusan ng dugo ng mga rouge kaya makakalaban kayo sa kanila nang hindi inaalala ang nakakalason nilang dugo." Isa-isa kong ibinigay sa kanila ang uniform na ginawa ko.
Bago kami umalis ng Ehrenberg Mountain ay naisipan kong gumawa ng sariling uniform para sa grupo ko. Nasa akin ang body measurement ng bawat isa sa kanila kaya sukat para sa kanila ang mga ginawa ko.
And when I said special fabric? I've seen a defense spell on Tita Heya's book. I tried it to cast on a fabric and luckily, I succeed on my plan.
"Ikaw ang nagtahi nito?" ani Tamara habang tinitingnan ang kabuuan ng damit na hawak nya. "Seriously, Hope? Marunong kang manahi?"
"I know a lot of things, Tammy." ismid ko. "So? Nagustuhan nyo ba?"
"We love it." sabay pang sabi ni Graysean at Tamara.
"The fabric is soft and comfortable." ani Finn. "At tingin ko ay magiging madali ang kilos namin kapag napalaban na."
"Ah." May isa pa akong inilabas sa bag at binigay iyon sa kanila. "You will also use that."
"Why?" tanong ni Xan. "Sa tingin mo ay maitatago mo ang identity natin sa mga rouge na makakaharap natin?" Isang cloth half mask ang iniabot ko at matatakpan ang kalahati ng mukha mula ilong hanggang leeg.
"Hindi ang mga rouge ang inaalala ko." sabi ko. "Sa bawat misyon natin, hindi imposibleng maka-encounter tayo ng normal na tao at sa kanila ko gustong itago ang identity ko. Unti-unti nang lumalabas ang existence ng lahi natin at pare-pareho nating alam na hindi lahat ng tao ay kaya tayong tanggapin kaya hangga't maaari ay kahit ang identity nalang natin ang maitago para kahit paano ay makagalaw pa din tayo sa labas."
Ipinasuot ko na agad sa kanila ang mga uniform na iyon at ilang sandali pa ay masasabi kong hindi ako nagkamali ng pagkakatahi dahil sukat na sukat sa kanila ang bawat uniform na suot.
"I still can't believe that you actually made this." sabi ni Tamara habang manghang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Ikaw din ba ang nag-design nito?" Bumaling sya sa akin.
"Nope." Inilabas ko ang design ng uniform na iyon at ipinakita sa kanya. "It was Gracie's design na ibinigay nya nang malamang marunong akong manahi. And it is Gray's idea to put this symbol." Tinuro ko ang yellow anchor na nasa tagiliran ng damit. "He said that it is symbolize hope."
Pangarap ni Gracie na maging designer pero hindi nya iyon nagawa dahil nga sa sakit. Habang si Gray ay pinangarap maging heneral ng palasyo.
At sa'ming tatlo ay ako lang ang nabigyan ng pagkakataong magpatuloy sa buhay kaya gusto kong tuparin ang mga pangarap nila. Simpleng bagay lang iyon kumpara sa mga nagawa nila noon nasa ospital pa kami.
"Tama na ang daldalan." sabi ko. "Pag-usapan natin ang magiging plano mamayang gabi." Muli kong ipinakita sa kanila ang mapa. "Now, we have two ways that we can use paakyat sa bundok. Pero pareho iyong napalilibutan na ng mga rouge kaya naman hahatiin natin sa dalawang grupo ang mga—" Natigil ako nang mapalingon sa dalawang miyembro ng grupo ni Xan. Kumunot ang noo ko at akmang magtatanong pero agad hinawakan ni Xan ang pisngi ko at iniharap sa kanya ang mukha ko.
"Save the question. I wil tell you their story later, okay?" aniya.
Tumango nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa mapa. "Xan's group will go the north entrance of the mountain. And my group will use the south entrance." sabi ko. "Kill every rouge you will encounter and then we will meet at this coordinates." Itinuro ko ang isang village na nasa east part ng bundok. "But..." Ipinakita ko sa kanila ang isang larawan ng lalaki. "If ever you encounter this man, huwag na kayong magtangkang tumuloy at agad umatras."
"Zedd." madiing sambit ni Graysean kaya napatingin ako sa kanya.
"Do you know him?"
Tumango sya at nag-iwas ng tingin.
At dahil sa ikinilos nyang iyon ay nagkaideya ako kung ano ang ginawa ng lalaking ito kay Graysean.
"Ihanda nyo na ang mga dadalhin nyong gamit." Tumayo ako at nag-inat. "Magkita nalang tayo sa labas ng palasyo at 20:00 sharp." May tatlong oras pa ako bago ang misyon kaya may oras pa ako para mag-isip kung sakaling ang grupo ko naman ang makaharap ng Zedd na iyon.
Lumabas ako ng conference room at eksaktong nakasalubong ko si Kei.
"Did you finish your meeting?" tanong nya na tinanguan ko. "Then, bakit ganyan ang mukha mo? Parang may problema ka pang iniisip?"
Kumapit ako sa braso nya. "I don't know how to deal with Zedd."
Zedd is part of Sierra Clan. Pinsan sya nila Kei at Prince Kelliar pero piniling pumanig sa mga rouge. At kaya ako namo-mroblema sa lalaking iyon ay dahil kaya nitong mang-hypnotize ng kapwa bampira.
Well, ang mga bampira ay may kakayahan talagang mang-hypnotize pero gumagana lang ang kapangyarihang iyon sa mga normal na tao at hindi sa kapwa bampira kaya malaking problema ang lalaking iyon.
"His ability has its own weakness." ani Kei na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean?" Kumapit ako sa braso nya at dumeretso sa office.
"Don't ever look directly in his eyes." he said. "Kahit gaano sya magpa-cute o kahit gaano ka nya galitin, huwag kang titingin sa mga mata nya. That's where his ability coming. If you are aware of this then hindi ka nya basta mahi-hypnotize."
"Eh? That's easy."
Umiling sya. "Aside from hypnotism, he is one of the fastest vampire in Sierra's clan kaya talagang kinatatakutan sya ng mga general. Kahit si Don Oxeno ay hindi kayang sabayan ang bilis nya."
"Pero hindi pa din nya kayang talunin si Daddy?"
"Well, Don Oxeno have many experience in fighting kaya kahit gaano sya kabilis kung isang beterano naman ang kakalabanin nya ay wala pa din syang magagawa para talunin ito."
Tumangu-tango ako. Well, sa tingin ko naman ay makakayanan ko na ang lalaking iyon kung sakali mang magtagpo ang landas namin.