Hope's Pov
We did our own investigation about the things that happen here.
At masasabi kong malayo iyon kaysa sa mga nalalaman namin tungkol sa grupo ni Prince Kelliar.
Dahil una sa lahat, alam ng mga tao dito na bampira sila. Pero ni minsan ay hindi sila sinaktan ng mga ito. At higit pa doon ay tinutulungan sila nito sa mga gawaing malaki ang benepisyo para sa buong village.
Pero syempre, hindi ganoon kabait ang prinsipeng iyon. He did all of that because of one thing and its blood.
Kusang nagdo-donate ang mga narito ng dugo sa clinic at ibinibigay iyon sa grupo ng prinsipe bilang kabayaran sa mga tulong na ibinibigay nito.
At kahit alam ng taga-rito na bampira at rouge na madalas mapabalitang umaatake sa mga mamamayan ng bansa na nakatira sa syudad ang grupong iyon ay hindi naging halimaw ang naging tingin nila sa mga ito.
"Ang karamihan sa'min dito ay matagal nang kilala si Kell." ani Isabelle, ang pinuno ng village na ito. "Madalas kasi syang dalhin ni Heya noon kapag bumibisita dito. At nagtatagal sila dito ng higit isang linggo."
Kumunot ang noo ko nang mabanggit ang pangalang iyon. "Heya? As in Heya Ehrenberg?"
Tumango ito. "Bakit, hija? Kilala mo ba sya?"
"She's my aunt."
"Oh. Kaya pala kamukha mo sya." aniya.
"Paano nyo sya nakilala?" Nagsimula na akong balutin ng curiousity tungkol kay Tita Heya.
"Palaboy ako sa syudad noong kabataan. Walang makain at nanghihina nang lapitan ako ng magandang babae. Tinanong nya ako kung bakit sa lansangan ako natutulog at nang sabihin kong wala na akong magulang ay inaya nya akong sumama sa kanya dahil may alam daw syang lugar kung saan hindi ko na kakailanganing mamalimos sa lansangan at makakapamuhay ako ng naayon sa gusto ko."
"At dinala ka nya dito?"
Nakangiti syang tumango. "Ang bundok na ito ay pag-aari ni Heya. Isang maliit na bahay palang ang nakatayo sa parteng ito ng bundok. Dito nya ako tinuruang magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng manok, baka at iba pang mapagkukunan ng karne. At mula noon, sa tuwing bumabalik sya ay palagi na syang may kasamang palaboy. Mapa-bata o matanda. Wala syang pinipiling edad sa mga nilalang na kanyang tinutulungan."
"Aware naman po kayo na isa ding bampira si Heya, hindi ba?"
"Aba'y oo naman." mabilis nyang sagot. "Hindi nya itinatago kung ano sya bago pa nya kami isama dito pero kahit minsan ay hindi nya kami sinaktan. At sa sitwasyon ba namin noon, sa tingin mo ay hindi din kami handang makipagkasundo sa kanya kung makikinabang din kami?"
"Well, you do have a point pero kahit minsan ba ay hindi sya nanghingi ng dugo nyo?" tanong ko pa. They are the first person I met who knows more about the woman who catch my curiousity.
"Ang katunayan nyan ay hindi namin sya kailanman nakitang uminom ng dugo. Kaya minsan ay nag-away sila ni Kell dahil doon." aniya. "Lagi syang pinupuntahan dito ni Kell para dalhan ng dugo pero lagi naman iyong tinatanggihan ni Heya. Ang sabi nya ay mas gusto nyang kumain ng pagkaing pang-tao dahil isa pa din naman syang half-blood."
"Mabalik tayo kay Prince Kelliar. Ibig po bang sabihin ay magkaibigan sila ni Tita Heya?"
Ngumiti sya. "Sa tinginan ng dalawang iyon sa isa't-isa, sa tingin ko ay higit pa sa pagkakaibigan ang namamatigan sa kanila. At sobra din ang pag-aalaga ni Kell dito. Kaya nga hindi na ako nagtaka nang mabalitaan naming namatay na si Heya ay hindi din kami pinabayaan ni Kell. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kailangan na naming magbigay kapalit ng mga tulong nya sa amin."
"Hindi ba nya kayo tinakot?"
"Nako..." Mabilis syang umiling. "Hindi marunong manakot iyon. Ang totoo nyan ay nakiusap sya sa'min sa kabila ng pagiging prinsipe nya ng bansang ito. At higit ding mas madali kung tinakot nalang nya kami pero hindi nya ginawa." aniya. "At isa pa, hindi para sa kanya ang dugong ibinibigay namin dahil sa pagkakaalam ko ay tinigilan na din nya ang pag-inom ng dugo ng tao nang mawala si Heya. Iyong iniipon naming dugo ay para sa mga kasama nya."
Kumunot ang noo ko. "Sa mga rouge?"
"Oo." sabi nya. "Ang totoo nyan ay nakikita namin ang aming sarili sa mga iyon kaya hindi na din kami nagdalawang isip na pumayag sa pakiusap niya." Bumaling sya sa mga ka-village. "Kailangan nila ng tulong. Tulong na si Kell lang ang nagbigay. Tulad namin, nabigyan kami ng tulong na si Heya lang ang nagbigay. At isa pa, tuwing nandito si Kelliar, pakiramdam namin ay kasama pa din namin si Heya. At para sa amin, sya nalang ang alaalang naiwan sa amin ng babaeng nagligtas at nagbigay sa amin ng pamilyang tumanggap sa amin."
Until now, hindi pa din ako makapaniwala sa nagawa ni Prince Kelliar.
This is a place where human and vampire is actually willing to co-exist without harming each others.
They accept everyone despite being different.
Sana ay ganito din ang mangyari kapag tuluyan nang nabunyag sa buong bansa ang tungkol sa mga bampira.
Pero kung ganito naman pala ang ginagawa ni Prince Kelliar, bakit hindi ito nakakarating sa palasyo? Bakit puro kasamaan lang ang nakikita nila sa lalaking iyon? At bakit sinasabi ng lahat na ang plano nito ay ubusin ang buong lahi ng mga bampira? Ano bang plano ng lalaking iyon?
At ano nga bang relasyon nya kay Tita Heya?
*********
Xan's Pov (Palace' Second General)
Nakatitig lang ako kay Heydrich habang abala sya sa pakikipag-usap sa mga naninirahan sa village na ito.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ako makapaniwala na nagawa nya ang bagay na iyon pero mukhang wala syang ideya sa bagay na iyon.
"Boss." ani Bella na naupo sa tabi ko. "Ire-report ba natin sa council ang mga nangyari dito? Siguradong sa mga oras na ito ay hinihintay na nila ang report natin."
Bumuntong hininga ako at umiling.
"Pero—" Akmang angal ni Seven pero agad ko syang tiningnan. "Sorry."
"We are working with the empire, not the council and Kei wanted this particular squad to protect Heydrich not from the rouges but from the council so what happen tonight will remain here. It is better for a while hangga't alam nating lahat na hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ni Heydrich ang full extent ng kapangyarihan nya." paliwanag ko at muling bumaling kay Heydrich. "And we are also here to guide her so that she'll do what is right that will benefit all of us not just one race."
"Her name fitted with her destiny." ani Bella. "Who named her?"
"Lady Heya." sagot ko tsaka tumayo at nag-inat. "Search the whole area to make sure na wala ngang sinaktan ang mga rouge na iyon. Though we don't really have to worry about this place dahil sila mismo ang nakipag-kasundo sa prinsipe." Nilapitan ko si Heydrich. "Are you having second thought about your mission after what happen here?"
"Hey, Xan." She look at me. "What is the mission of the half-blood?"
"Huh?"
Muli syang tumingin sa paligid. "Siguro ay masyado akong nagpadalos-dalos at hindi nag-isip ng mabuti nang tanggapin ko ang responsibilidad na ito pero ano nga ba ang misyong dapat kong gawin? Is it annihilate all rouges to save the monarch, elite and common vampire? Pero hindi ba't hangga't may bampirang nawawalan ng kontrol sa pagkauhaw sa dugo, patuloy ang pag-e-exist ang mga rouge at hindi matitigil ang gulong ito kahit ilang half-blood pa ang ipanganak sa mga susunod na henerasyon."
Tinitigan ko sya. At tulad ng sinabi ni Kei, hindi magiging madali ang pagdadaanan nya dahil maraming ganid sa kapangyarihan ang nanaisin syang makuha. Sa parte ng lahi ng mga bampira at mga tao. Habang ang rouge ay nanaisin syang mamatay dahil sa dugong dumadaloy sa kanya.
Human or vampire races, she will be a threat or hope.
"Your mission is to do what is right." Naupo ako sa tabi nya."What is right for you not for people around you."
"Even if it is not in favor to our race?" Muli syang tumingin sa akin.
"Bakit? Kung may ipapagawa ba sayo si Kei o ang council na labag sa paniniwala mo, gagawin mo?"
"Of course not." mabilis nyang sagot.
"Then, don't bother thinking of what your mission." I said. "Just do what makes you feel right. For the future of every races living in this country."
Nawala ang pag-aalinlangan sa mata nya at napalitan ng determinasyon. "Then, hindi ako pwedeng basta nalang magpatalo kay Prince Kelliar. And from what I see, that prince is not what we all know. He is smart and strong enough to do what he wants that's why I need to train more. I have to finish this problem with my own hands."
Ngumiti ako. She's really like her mother.
Ipinatong ko ang kamay sa ulo nya. "Then, you should be more careful dahil hindi lang ang prinsipe ang makakaharap mo sa daang pipilin mo. Maraming magtatangka sa buhay mo. Marami ang mag-aasam na makuha ka at makontrol ang kapangyarihang hawak mo."
Tumango sya. "I know that and I am ready for that."
Kei, I'll do what you wish to do. I'll protect this woman with everything I have. Even if I had to sacrifice my life.
**********
Kelliar Sierra's Pov
"Kell." tawag sa akin ni Zedd nang maiwan kaming dalawa sa office ko. "May pagkakataon ka na para makuha ang babaeng iyon, bakit hindi mo pa ginawa? Siguradong sa susunod na pagkakataon ay hindi—"
"Zedd."
Natigil sya at agad yumuko.
"Hindi pa ito ang tamang oras." Huminga ako ng malalim at bumaling sa labas ng bintana kung saan tanaw ang sira-sirang gusali na nakapalibot sa buong syudad. "Hindi pa ngayong mahina pa sya."
"Hindi ba't iyon nga ang pagkakataon natin dahil wala syang laban?"
Bumaling ako sa kanya. "Right now, she is being protected by Kei and you know what he will do to just for that woman."
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg. The hope of the vampire race, they say.
I don't know how they manage to hide you all this years but they did a great job at ngayong inilabas na nila ang pag-asang pinanghahawakan nila ay mukhang kailangan ko nang seryosohin ang pagharap sa kanila.
Hindi ko hahayaan na umayon ang lahat sa kanila. Wawasakin ko ang lahat ng hahadlang sa mga plano ko.
Kahit pa ang babaeng sinasabi nilang pag-asa ng lahat.
Heya, I'm sorry but I won't be able to do what I promise to you. You've suffer enough in the hands of those greedy vampire. Tama nang ikaw nalang. Hindi na ako makakapayag na iparanas pa nila sa isa na namang half-blood ang ginawa nila sayo kaya ngayon palang ay tatapusin ko na ang buhay nya.
"It's better this way." Umiling ako at bumuntong hininga. "No. Heydrich, this is the only way."