Hope's Pov Mataas na ang sinag ng araw nang makabalik kami sa palasyo at at agad na kaming pinagpahinga ni Kei dahil makakapaghintay naman daw ang report namin. Pero kahit nakahiga na ako sa kama ko at nakatitig lang sa kisame ay hindi pa din ako makatulog. Patuloy akong ginugulo ng mga nalaman ko tungkol kay Prince Kelliar at ang katotohanang malapit ito kay Tita Heya. Kung magtatanong ba ako kay Papa, sasagutin nya ako? O baka maging tulad lang sya ni Mommy na bigla nalang malulungkot kapag nabanggit ko ang pangalan nito kaya babawiin ko din ang sarili kong tanong? Si Mama kaya? May alam kaya sya tungkol kay Tita? Bumangon ako at inis na ginulo ang buhok ko. Kahit naman pilitin ko ay wala akong makukuhang sagot kung sarili ko lang din ang tatanungin ko. Lumaba