Chapter 12.a

2265 Words
Hope's Pov   Halos limang oras din ang tagal ng ibinyahe namin kaya past midnight na nang dumating kami sa south entrance ng Mt. Cory.   This is the perfect time for them to hunt their prey kaya inaasahan kong ang mga ito ang unang sasalubong sa'min pero kunot noo akong bumaba ng kotse dahil tanging tahimik na paligid lamang ang bumungad sa amin.   Hindi ko din sila maamoy sa paligid kaya lalo akong nagtaka. Hindi kaya mali ang impormasyong ibinigay sa amin? O nakatunog sila sa pagdating namin kaya agad silang umalis.   "Hope." Bumaling ako kay Tamara. "Xan called me."   "At wala ding mga rouge sa lugar nila?" tanong ko na tinanguan nya.   "Anong gagagawin natin?" tanong ni Finn.   Hindi ako sumagot at bumaling sa bundok na aakyatin namin. Malago at masukal ang gubat na nakapalibot dito ay kapag hindi kami nag-ingat ay nasisiguro kong hindi magiging madali ang lahat sa amin.   But we need to do our mission. Hindi ko pwedeng ipahiya ang grupong ito at lalong hindi  ko pwedeng pabayaan maging hapunan nalang ng mga rouge ang mga taong naninirahan dito.   Muli akong tumingin kay Tamara. "Tell him we'll proceed our plan."   Tumango ito at agad tinawagan si Xan.   Saglit nilang inayos ang mga weapon na dala, maging ang sasakyan namin ay itinabi nila sa gilid ng kalsada pagkuwa'y lumapit na sa akin.   Inabot sa'kin ni Graysean ang katana'ng pinadala ni Kei. Ito ang din ang katana na ginamit ni Heidi noong sya ang 1st general ng palasyo. At gusto nilang ako na ang gumamit nito.   Kinuha ko iyon at tumingin sa gubat na papasukin namin.   "Siguradong naghihintay ng pagkakataon ang mga rouge para harapin tayo so don't let down your guard." sabi ko. "At kapag si Zedd ang nakaharap natin ay siguraduhin nyong hindi kayo titingin sa mata nya."   "Copy."   Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad papasok ng gubat.   Sa totoo lang ay binabalot ako ng kaba. Ito ang unang misyon ko bilang bampira pero isang delikadong sitwasyon na agad ang haharapin ko. At natatakot din ako para sa mga kasama ko dahil isang pagkakamali lang ay buhay agad nila ang magiging kapalit.   Well, I just hope that the good lucks are on our sides.   Tahimik at madilim ang gubat na tinatahak namin pero dahil sa enhanced senses na natural para sa mga bampira ay hindi na namin kinakailangan pa ng flashlight para makita ang dinadaanan namin.   At habang palapit sa destinasyon namin ay unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng hangin. Na para bang hindi lang basta mga rouge ang makakaharap namin sa lugar na iyon.   "Heydrich." Tumabi sa'kin si Graysean. "I have a bad feeling. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong nakaharap ko si Prince Kelliar."   Bumaling ako sa kanya. "Nandito ang lalaking iyon?"   Umiling sya. "Hindi ako sigurado dahil marami sa heneral nya ang hindi nalalayo ang kakayahan sa kanya at isa doon ang heneral nyang naging dahilan kung bakit muntik ako mamatay."   "Pero hindi nawawala ang posibilidad na nandito din sya kung tama ang nararamdaman mo." ani Argo. "What I heard from Xan, matagal nang hinahanap ni Prince Kelliar ang half-blood vampire and we all assume that he wants to kill you dahil isa kang malaking threat sa mga rouge na ngayon ay unti-unti nang lumalakas sa ilalim ng pamumuno nya."   Then, isang posibilidad iyon kung bakit ako kinakabahan ng ganito.   "To be honest, I am nervous about this mission and we are all aware that this is dangerous. Pero kung sakali mang narito nga si Prince Kelliar..." Seryoso akong tumingin sa kanya. "You will not do anything without my command. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos. Do you understand?"   Mabilis silang tumango na ipinapanalangin kong sincere nilang ibinigay.   Marami nang napatay ang mga rouge sa panig ng mga elite at common vampire. At kabilang na doon ang pamilya nila Lyle at Finn kaya hindi imposibleng mawalan sila ng kontrol kapag nakaharap ang prinsipeng nagkaluno sa sariling lahi para pamunuan ang mga halimaw na iyon.   Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang marating namin ang village na syang pakay namin. At eksaktong dating namin ay sya ding dating ng grupo ni Xan na bakas din ang pagiging alerto.   "Sa tingin ko ay naubos na nila ang mga tao sa loob ng village na iyan." ani Xan nang makalapit. "Their presense are overflowing in this area."   Yeah. Binabalot ng masangsang na amoy ng dugo ang buong lugar pero hindi iyon nanggagaling sa mga taong nakatira dito. Naaamoy ko iyon mula sa mga rouge na nagkalat sa buong lugar.   Pero nakakapagtaka na wala akong maamoy na kahit kaunting dugo ng mga tao. Nasaan ang mga nakatira dito?   Muli kong pinakiramdaman ang paligid at bumaling sa mga kasama ko. "Let's go. Mukhang kanina pa nila tayo hinihintay."   Maingat naming tinahak ang daan papunta sa gitna ng village kung saan nagtitipon ang karamihan sa mga rouge na narito.   At hindi ko maintindihan kung bakit may naaamoy akong dugo na galing sa tatlong monarch vampire.   Natigil ako sa pag-iisip nang may sumalubong sa'ming tatlong rouge.   Ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng tulad nila.   They are far different from us. They have pale white skin kaya't kitang-kita ang mga ugat nilang dinadaluyan ng itim na dugo. At kung sa amin ay dalawang pangil lang ang may matulis, sa mga rouge ay halos lahat ng ngipin nila sa bungad ng bibig ay matutulis na nakausli. Payat ang bawat parte ng katawan nila at may mga peklat sa buong katawan.   Naging alerto ang mga kasama ko at agad iniabas ang mga sandata nila pero agad ko silang pinigilan.   "They are not attacking us."   "Heydrich, they are enemies." madiing sabi ni Xan. "Kailangan pa bang hiintaying umatake sila bago tayo kumilos?"   "They are not attacking us for some reason." singhal ko sa kanya. "And I am sure that it has something to do with the people living in the village."   "What do you mean, Heydrich?" tanong ni Graysean.   "I can't smell any humans here. Even their blood kaya nasisiguro kong hawak nila ang mga iyon kaya kung gagawa tayo ng mga bagay na hindi nila magugustuhan ay baka tuluyan nila—" Nanlaki ang mga mata ko nang sa pagkakataong ito ay nakaamoy na ako ng dugo ng tao.   At iyon ang naging paraan para matukoy ko ang kinalalagyan nito kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Xan at matalim syang tiningnan.   "They are still alive, Xan." sabi ko. "So,don't attack them."   "But—"   "I am ordering you, Second Generald Xan!" madiin kong sabi. Hindi ko gustong gamitin ang posisyon ko bilang First General pero wala akong choice dahil buhay ng mga inosenteng tao ang nakasalalay sa anumang gagawin namin ngayon na hindi ko maaatim.   Nawala ang tensyon sa buong katawan nya at agad lumuwag ang hawak nya sa weapon tsaka umatras. "I'm sorry."   Sinenyasan ko din ang iba naming kasama na agad na ding sumunod tsaka ako bumaling sa mga rouge na nasa harap namin.   "What do you want?"   Tinitigan nila ako tsaka tumalikod sila at sinenyasan kaming sumunod sa kanila na agad naman naming ginawa.   Alam ko kung saan nila kami dadalhin pero hindi mawala sa isip ko kung paanong nako-kontrol ng prinsipe ang mga rouge.   Base on the information that I read, rouge are natural violent. They attack everyone around them because they are always hungry at hindi nila iyon kayang kontrolin kaya mapa-bampira o normal na tao ay agad nilang inaatake at sinisipsip ang dugo hanggang sa matuyuan ito.   Kaya nasisiguro kong si Prince Kelliar ang dahilan kung bakit kalmado ang mga rouge na ito at hindi nagtatangkang atakihin kami.   Habang naglalakad kami ay may iba pa kaming nakakasalubong na rouge at tulad ng mga nauuna sa'min ay hindi din sila umaatake. Saglit lang nila kaming titignan pagkuwa'y susunod kaya nang marating namin ang gitna ng village ay halos mapalibutan na kami ng mga rouge.   Pero wala iyon sa isip ko dahil ang mga mata ko ay nakatutok kay Prince Kelliar na nakaupo sa gilid ng fountain habang masayang nakikipaglaro sa mga bata. At sigurado akong mga normal na tao ang mga batang iyon.   Katabi nya si Zedd na agad bumulong sa prinsipe nang makita kami. Tumayo ito at inaya ang mga bata tsaka umalis. Habang si Prince Kelliar naman ay bumaling sa amin at ngumiti.   "It's a pleasure to meet you, half-blooded." Tumayo ito at naglakad palapit sa amin kaya naging alerto ang mga kasama ko.   Sa kinilos nilang iyon ay sya ding dahilan ng pagbaling sa'min ng mga rouge at nakahanda nang sumugod.   "Tell your friends to relax, young lady." mahinahong sabi ng prinsipe bago sinenyasan ang mga rouge. "Hindi kita hinarap ngayon dito para gumawa ng gulo."   "Don't—"   Pinigilan ko si Xan sa pagsasalita at tumingin kay Prince Kelliar. "Then, what do you want?" Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ko ang mga naninirahan sa village na walang takot at kampanteng nakikisalamuha sa mga rouge at iba pang kasamahan ng prinsipe. "Before you answer that, can you explain to me why all this rouges are actually listening to your command kung sa pagkakaalam ko ay—"   "They are listening to me because I am the only one who listen to them."   Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "What do you mean?"   Umiling sya. "This is not important. Who's child are you?"   "Huh?" Lalo akong napakunot noo sa tanong nyang iyon. "Bakit—"   "Answer my question, young lady." madiin nyang sabi. "The life of those innocent humans will depend on your answer so don't try to fool me."   Shit! Kaya pala hindi nya pinapatay ang mga taong dito dahil alam nyang magagamit ang mga iyon laban sa akin. Pero ano daw?   Nakasalalay sa sagot ko ang buhay nila? Sa simpleng sagot ko sa tanong na ibinibigay nya?   "Sino sa mga Ehrenberg ang magulang mo? Is it Novus? Clarkson? Pia?"   "Wait!" Itinapat ko ang kamay sa mukha nya dahil iniisa-isa na nya ang mga Ehrenberg. "Kalma, pwede?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit nababawasan ang kaba ko ngayong kaharap ko na ang taong gustong umubos sa lahi ng monarch, elite at common vampire. But never mind that for now. "Novus, Clarkson and Pia are my cousins. At ang mga magulang ko ay sina Oliver at Hina Ehrenberg."   Kumunot ang noo nya. "What did you say?"   "Ang sabi ko, sina Oliver at Hina ang mga—" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang hawakan ang mga balikat ko. s**t! s**t! This is bad!   "Let her go, you damn rouge!" malakas na sigaw ni Xan at wala na ako ng pagkakataon para pigilan sya nang magsimula syang sumugod.   Hindi na din nagdalawang isip ang mga kasama ko na umatake sa mga rouge na nakapalibot sa amin.   Alam kong ang misyon namin ay patayin ang lahat ng rouge pero hindi sa ganitong sitwasyon kung saan madadamay ang mga inosenteng tao.   Hindi sa ganitong sitwasyon!   "STOP!" I shout at the top of my lungs hoping that they will listen to me.   And I was shock that they actually stop. Agad lumayo ang mga rouges sa amin habang ang mga kasama ko naman ay lumapit sa akin.   Si Prince Kelliar ay umatras habang gulat na nakatingin sa'kin pero hindi ko na sya pinansin at bumaling ako sa mga kasama ko.   "This is your last warning, Xan." malamig kong sabi. "Naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin. Isang maling pagkakamali, hindi lang buhay natin ang malalagay sa panganib. Maging ang buhay ng mga taong iyan." Itinuro ko ang mga villager na bakas ang takot habang nakatingin sa kinatatayuan namin. "Stand.down."   Agad naman silang tumango at itinabi ang mga armas nila.   Huminga ako ng malalim para kumalma tsaka bumaling sa mga villager at nginitian sila para ipahiwatig na hindi nila kailangang matakot.   At mukhang effective naman iyon dahil nginitian din nila ako at muling nagpatuloy sa kani-kanilang ginagawa.   Bumaling ako kay Prince Kelliar. "You! Kung gusto mong magpatayan tayo, paalisin mo ang mga taong iyan. Hinding-hindi kita uurungan!"   Hindi ko alam kung tama ba ang mga nakita ko pero biglang napuno ng samu't-saring emosyon ang mga mata nya.   Galit. Tuwa. Lungkot. Pangungulila.   Pero agad iyong nawala at naiiling syang ngumisi. "You are really your parents' daughter. Kuhang-kuha mo ang ugali nya and now that I see your face clearly, I can see your mother to you."   Ah! He's the third person who said that I look like my mother. Pero hindi ko talaga makita ang pagkakamukha namin ni Mama.   "Anyway, I confirm what I need to know so we will take our leave."   "Wait." pigil ko dito bago nya ako talikuran.   "About this village—"   "You don't have to worry, young lady." Tipid syang ngumiti. "We didn't hurt anyone here maliban doon sa matandang nahiwa ng kutsilyo habang nagluluto." Sa taong iyon nanggaling ang dugong naamoy ko kanina kaya nalaman kong buhay pa ang mga tao dito. "But you must know na hindi ito ang una't huling paghaharap natin."   Seryoso ko syang tiningnan. "I know. At sa pagkakataong iyon, hindi na ako magdadalawang isip na labanan ka."   Tumangu-tango sya. "Good. Dahil hindi din ako magdadalawang isip na gamitin ang lahat ng paraan para mapabagsak ka."   Sa ilang sandaling ito na magkaharap kami, alam kong hindi sapat ang kakayahan ko para matalo sya. At kung mananatili akong ganito ay sa susunod naming pagkikita ay nasisiguro kong ako nga ang babagsak.   "Ah." Muli akong bumaling sa kanya. "Have you heard about the ability that only the Sierra Clan can possess?"   Kumunot ang noo ko. "Even the Sierra?"   Ngumisi sya. "Ask my brother. I'm sure that he will be happy to tell you that. And you can use it on your advantage."   At tuluyan syang umalis kasunod ng mga kasama nya hanggang sa ang natira nalang dito ay kami ng kasama ko at ang mga naninirahan dito.   "Ate." Binalingan ko ang batang humawak sa kamay ko. "You're pretty po. Girlfriend ka po ba ni Kuya Kell?"   Kumunot ang noo ko. "Kuya Kell?"   "Iyon pong gwapong lalaki na kalaro namin kanina." aniya. "Lagi nga po syang nandito para makipaglaro sa amin tapos iyong mga kasama nya, laging tinutulungan sina tatay sa pag-aayos ng malaking pader doon sa malayo para daw hindi na bumabaha dito sa amin."   Napatingin ako sa mga kasama ko.   Mukhang marami pa kaming hindi nalalaman sa kalaban namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD