Chapter 01

1532 Words
LUCAS was humming to a certain song playing on his airpods. Paborito niyang kanta ang nagpi-play kaya hindi niya maiwasang masabayan ang kumakanta. He gently opened his eyes after hearing a soft giggles. Napangiti siya ng makita ang maluwang na pagkakangiti ng hairstylist na nag-aayos sa kanya. Umayos siya ng upo at sinipat kung maayos ba ang pagkaka-ayos sa buhok niya. “You're so talented, Lucas.” Gusto niyang mapangiwi sa papuring natanggap na masyadong peke ang dating sa pandinig niya. He has a good voice but being a singer never crossed his mind. Ayos na sa kanya ang maging racer s***h businessman s***h philanthropist. “Hey, Lucas have you read your script? Five more minutes before the show goes live.” Paalala sa kanya ng road manager niyang si Philip. He signed okay to Philip before grabbing his script. Pinasadahan niya iyon uli para maiwasang magkamali lalo't live ang show na lalabasan niya. “Some questions were about your past self. They will flashed your teenage photos later. Will that be okay?” “No big deal, Phil. Those teenage photos was the real me after all. I just changed for the better.” Sino bang niloko niya? Kahit si Philip ay hindi maniniwala sa sinabi niya. He changed to get someone's attention but got rejected. Mapait siyang napangiti nung maalala ang taong dahilan ng pagbabago niya. Nakita niya ang pag-iling ni Philip mula sa salaming nasa harapan niya. “Dude, suporta naman dyan,” Philip understands tagalog since they've been together for almost six years now. Tumango lang ito sa maluwang na ngumiti bago siya inayang lumabas ng dressing room. Agad na nagsimula ang live show pagkasalang niya. Questions on the script were asked and he answered it according to what he memorized. It's a one hour interview about his life, journey, works, and love life. Lucas was tagged as the hottest eligible bachelor in town. Lahat ng babae ay nag-uunahan sa kanyang atensyon ngayon na malayong malayo nung nasa kolehiyo pa siya. A wallflower, that's how he described his old self. He was shy, nerdy genius and no friends around him aside from books. Puro aral lang siya noon at bihira makipag-usap lalo na kung hindi naman academic topics. Ngayon kaliwa't kanan na ang kaibigan niya at kakilala sa mundo ng pagne-negosyo at racing. “If you were given a chance to go back in the past, what will you do?” May answer key siya sa tanong na 'yon na memorize pa niya pero pinili niyang h'wag iyon banggitin. He improvised his answer that was far to what the writers wrote for him. Naisip niya kasing masyadong scripted yung show at kung ano lang yung nasaulo niya ang dapat na sabihin. Inulit niya yung tanong sa isipan niya saka umisip ng magandang sagot. Tila may bumbilyang umilaw sa gilid ng ulo niya nang makaisip agad ng sagot. “I won't changed myself just to get someone's attention.” Makahulugan niyang sabi na kinataranta ni Philip na nasa likuran ng director. A lopsided grin flashed on his face. “Because of love I changed myself to someone I couldn't recognize now. Lately through charity works, I realize that it's not love if it forced you to change not to grow. It's not love if it breaks your wings and stop you from seeing colors everywhere.” Lahat ay iisa ang naging reaksyon sa sinabi niya. Gulat na may halong pagtataka kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. Good thing na sumenyas ng commercial cut ang director kaya walang naging follow up question. Madami ang naging curious online at lahat may speculations na sinasabi. He turned off his phone and passed it to Philip. Pinikit niya agad ang mga mata niya pagkasakay nila sa coaster van niya. Paraan niya iyon upang hindi siya masermunan nito. Buong byahe pabalik sa tinitirhan niyang penthouse ay tahimik lang mga kasama niya sa van. Walang sinuman ang nagtanong o kumausap 'man lang sa kanya. Alam na kasi ng mga ito na nag-iiba ang mood niya kapag napapag-usapan ang past niya. Naging sport lang siya kanina kaya naitawid niya ang buong interview. Pagkatigil nung sasakyan sa harap ng condominium building niya, agad niyang bumaba matapos magpaalam sa lahat. Dire-direcho siyang naglakad papasok at hindi na inabala pa ang sarili na alisin ang suot na sumbrero. Tapos na siya para sa araw na iyon at wala na siyang energy pa na kumausap ng kahit sino. He went straight to the elevator and pressed the floor button where he resides. Kalilipat niya lang doon nung isang buwan at mangilan ngilan palang ang nakakaalam na doon na siya nakatira. Hindi iyon ang first choice lalo't matatapos na din naman ang pinatatayo niyang bahay sa North Carolina. Kailangan lang talaga niyang tapusin ang kontrata ngayon sa New York bago tuluyang magretiro na. “Hey there buddy!” Bati niya sa asong si Frida na siyang nabungaran pagkabukas ng pintuan. Lumapit ito sa kanya at naglambing matapos dilaan ang mukha niya. “Do you miss me?” tanong niya saka patuloy na hinimas ang tiyan ni Frida. Ang alagang aso ang kasama niya ngayon sa buhay at regalo pa 'yon ng isang Japanese fan sa kanya. Bukod kay Philip, isa si Frida sa mga nakakarinig ng mga kwento niya tungkol sa araw niya at kung gaano siya kapagod. Tinigilan niya sandali ang pakikipaglaro sa alaga ng mapansin ang mga sulat na nasa ibabaw ng center table. He stood up to check each envelop that his house cleaner compiled. Mga bills, fan letters at isang interview invitation galing sa New York Times Magazines. Nadinig niya na ang magazine na iyon ngunit ngayon lang siya naimbitahan para sa isang interview. Tumahol si Frida upang kuhain ang atensyon niya na dahilan ng pagngiti niya. “Babasahin ko lang 'to pagkatapos lalabas na tayo,” wika niya sa aso. Tumahimik ito at humiga sa paanan niya. Hinagod niya ang ulo nito saka bago binukas ang sulat galing sa NYTM. It's a one on one interview for the trendiest column in New York City written by Maia Noelle De Leon. Maia Noelle De Leon... Ulit niya sa pangalang nabasa sa isipan. Matagal niya ding hindi nadinig ang pangalan na iyon. Tinigilan niya ang pagbabasa sa sulat saka binalingan si Frida. Tumayo ang aso saka muling dinilaan ang mukha niya. Kanina lang ay sumagi sa isipan niya si Maia dahil nga naungkat sa interview kanina ang past niya. Maia plays a biggest role in his life. She's the sole reason why he changed his self. Why he transformed his self to someone he couldn't recognize anymore? Ito yung tinutukoy niya kanina sa pagsagot sa huling tanong na binato sa kanya. “Maliit talaga ang mundo, Frida. Hindi ko sukat akalain na dito pa sa lugar na 'to makikita yung taong nagpabago sa akin.” Pagka-usap niya sa alagang aso. “Curious ako kung ano na itsura niya ngayon. Shall I accept her interview invitation?” Tumahol lang si Frida na nagpalawak sa ngiti niya. Inabot niya ang tali nito saka kinabit iyon sa leeg. Kapag panay na ang tahol ni Frida, isa lang ang gusto nito at iyon ay ang lumabas. Muli niyang sinuot ang cap saka lumabas sa uli ng kanyang unit. Habang naglalakad, iniisip niya yung tungkol sa sulat ni Maia. She sounds professional in her letter and not someone he met six years ago. A vibration from his pocket halted his thoughs. Tawag iyon mula kay Philip na iilang minuto palang nawawalay sa kanya. Kapag talaga bad mood siya sinisiguro nito palaging may kausap siya kahit na anong mangyari. Tingin nga niya dito talaga galing si Frida at hindi sa isang japanese fan. “Hello, do you received an interview invitation?” Agad na tanong ni Philip ng sagutin niya ang tawag. “Yes.” Maikli kong sagot. “I'll declined the invitation if you don't want to see that girl,” wika pa nito na kinangisi niya. Alam talaga nito ang lahat tungkol sa nakaraan niya. Ito na kasi ang naging immediate family niya simula nung maisip niyang manirahan sa New York matapos magkasunod na mamatay ang mga magulang niya. Sa banyagang bansa na niya tinupad ang pangarap niyang maging corporate staff hanggang sa magkaroon na din siya ng sariling negosyo. He owned several real estates, and F1 Car Accessories shop. He was tagged as successful young businessman in some magazines in the city. “Accept it, Phil.” He said to Philip. Curiosity kills the cat, sabi ng iba. Iyon malamang ang nagtutulak sa kanya ngayon para tanggapin ang imbitasyon na 'yon. “Are you sure?” Malalim siyang napahinga. “Yes. Include NYTM to my schedule tomorrow.” Decided na siya ngayon para muli nilang pagkikita ni Maia. Yumukod siya sa harap ni Frida matapos i-end ang tawag ni Philip. “Let's go home now buddy!” Giniya niya si Frida pabalik sa tinitirhang penthouse. Kailangan niyang maghanda para sa muling pagkikita nila ni Maia. May mga tao talaga na kahit anong iwas mo ay makikita at makikita mo pa rin. He wanted to see how will she react in person. How will she act in front of him? Madaming nagbago sa kanya at hindi na siyang yung dating Lucas Austin San Jose. Hindi na siya yung lalaking basta na lang nito iniwan sa ere at pinaasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD