MAIA kept on praying that Lucas will declined the interview invitation they've sent yesterday. Ayaw niya talagang maka-trabaho ang kaya lahat ng santong kilala niya ay dinasalan buong magdamag. Peaceful at masaya ang aura ng lahat sa department na kinabibilangan niya. Bawat makasalubong niya'y may ngiti sa labi at masigla kung siya'y batiin. Lubos niyang kinataka iyon at naging pala-isipan sa kanya hanggang sa makapasok siya sa working cubicle niya.
“Maia, congratulations!” Kunot noo niya siyang napatingin kay Winston na maluwang ang pagkakangiti.
“For what? Did we got a new project?” Sunod sunod na tanong niya na may halong pagtataka.
“There you are, Maia.” Malagom na tinig ni Nixon na bigla na lamang sumulpot sa likuran ni Winston. “Lucas will be here in a few minutes. We'll be having a meeting with him today because he accepted your interview invitation. You're really one of a kind, Maia. How did you do that?”
Tila bumagsak ang langit nang madinig niyang tinanggap ni Lucas ang interview invitation nila na pinadala kahapon. Gano'n kabilis lang pala magpa-schedule sa isang Lucas Austin San Jose. Napaisip tuloy siya kung busy ba itong tunay o hindi. Sabi kasi ng mga kakilala niya mahirap makasingit sa schedule ng binata pero bakit sila ang dali dali lang? Hindi effective ang pagdarasal niya buong magdamag. She was bound to work with Lucas. Wala ng atrasan pa 'yon.
“We're really lucky to have Maia, Nix.” sabat ni Paul na bigla na lang din sumulpot sa harapan nila. “Lucas is already here. Shall we begin the meeting now?” tanong nito sa kanila.
“Okay, let's go now.” Pag-aaya ni Nixon saka nauna na tumungo sa conference room. Winston followed Nixon there with Anikka.
“Maia, are you okay?” tanong ni Paul sa kanya.
“Yeah I'm perfectly fine,” tugon niya saka tumayo na bitbit ang notebook, ballpen at cellphone niya.
Sinundan niya si Paul sa paglalakad hanggang sa conference room. Patuloy sa matinding pagkabog ang kanyang dibdib habang palapit sila sa kwartong iyon. Hindi pa talaga siya handa na makita si Lucas kahit pa anim na taon na ang lumipas. As Paul opened the conference room door, her heart beats fast than it's normal beating. Anumang oras ay maari siyang ma-heart attack at ayaw pa niyang mamatay ng maaga. Wala pa nga siyang boyfriend at virgin pa!
“This is Maia, columnist of NYTM. Her team will conduct an interview and photoshoot with you for our next magazine issue.” Bungad ni Nixon ng makapasok sila ni Paul doon. “This is Paul Cabezas, also one of our columnist. He will be part of Maia's team.” Dagdag pa ni Nixon na lalong dumagdag sa kaba niya.
Lucas' dark fiercing eyes darted to her. Pinaglapat niya ang mga labi saka sinalubong iyon ngunit agad din naman siyang nag-iwas ng tingin. She can't stand his stares! Parang sinusunog noon ang lamang loob niya na para bang ang laki laki ng kasalanan niya.
Well, malaki naman talaga. Ego niya yung tinapakan mo, Maia. Paalala niya sa sarili.
Magkasunod silang tumungo ni Paul sa conference table at bago naupo ay nakipagkamay sila kay Lucas at sa manager nito. Sa paglapat ng kamay nila, may tila kuryenteng dumaloy sa ugat niya patungo sa puso na lalong nagpatindi sa kabog ng dibdib. Agad niya binawi ang kamay dito saka naupo na. She saw Lucas smirked that gives her chills down to the spine. Ano ba yung nararamdaman? Parang gusto na niya tumakbo palabas kung hindi lang nakakahiya kina Nixon at Paul.
Be professional, Maia. Be professional! Chant niya sa isipan saka binalewala na ang ngising iyon ni Lucas.
Nag-umpisa ang meeting nila sa brief introduction ni Nixon sa missions at vissions ng NYTM. Nagpakita din ito ng mga sample magazine issues nila na pumatok sa merkado. Paul showed sample of concepts that can be Lucas' source of choices and references. Habang siya dire-diretso niya lang in-esplika ang contents na laman ng column na hawak niya. Talagang nakinig sa kanila si Lucas at nagbato ng mga tanong na pareho naman nilang nasagot ni Paul. Pinatawag ni Nixon si Luna - graphic designer nila para mas ma-explain pa ang concept na nilatag ni Paul.
Ang meeting na iyon ang sumubok sa pagiging professional niya kaya naman pagbalik niya sa cubicle ay hinang hina siya. Mahirap magpanggap na hindi naapektuhan ng charms ni Lucas. Sobrang laki ng pinagbago nito na buong akala niya'y sa camera effects lamang. From his physique down to the way he talked. Hindi na naalis sa isip niya ang itsura nito maging ang boses na paulit ulit na umaalingawngaw sa tainga niya.
A phone ringtone halted her thoughts.
“Hello?” She said.
“Kumusta yung meeting with your ex?” Bahagya niya nilayo sa tainga ang aparato saka tiningnan yung caller ID. Her eyes rolled as she read Carel's name on it's screen. Matamlay niyang inabot ang bag ay kinuha mula doon ang earphone sinuksok niya sa cellphone. Pinasak niya sa tainga ang isang earpiece saka tumayo at naglakad papuntang pantry.
“Hindi ko siya ex, okay? Saka ayos naman kahit muntikan na akong mamatay sa mga titig niya,” she answered while walking towards the way of NYTM pantry. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa sobrang abala.
“Ay may titigang naganap!” Sinipat niyang muli ang cellphone dahil hindi tinig ni Carel ang nadinig na nagsalita. It was Minda and her forehead slightly creased. Ang aga naman magsama nung dalawang housemates niya ngayon. “Gwapo ba? Mas better ba in person?”
“Gwapo pero hindi doon ang focused ko. Gusto ko lang matapos na ang project na 'to para hindi na kami magkita ulit,” wika niya. She pulled the pantry door opened. Mangilan ngilan lang ang tao dahil lampas lunch time na din naman. Good for her who doesn't know how to socialize without being awkward. “Ang weird nga kasi iba yung kaba buong meeting. Yes, he's Lucas Austin San Jose whose hot, charming and irresistible.”
Parang may mali, bakit ba niya pinupuri si Lucas ngayon? Ano ba nangyayari sa kanya? Isang meeting palang at nagkakagano'n na siya agad. Paano pa sa susunod? Mahirap na ang sitwasyon niya ngayon kaya naisip niyang mag-alibi para maalis siya sa team nina Paul.
“Eh bakit parang pulos papuri ang narinig namin? Really? Hindi mo siya gusto?” Tukso ni Carel sa kanya.
“No one will believe you, Maia. May epekto siya sayo at aminin mo na,” dagdag pang tukso ni Minda. Nagtulong pa talaga para lang asarin siya.
“Ewan ko sa inyo.” Sinuksok niya sa bulsa ang cellphone saka pumili sa variety ng packed meals sa display. Iyon ang maganda sa pantry nila, kahit tapos na ang lunch may bagong luto pa din na mga pagkain na sine-serve sa mga katulad niyang breather na ang turing sa pagkain. Carel and Minda kept on talking and giving advice on the other line. Tango saka ngiti lang reaksyon at hindi na nagsasalita pa.
“Hi Lucas!” Tili na pumukaw sa kanya. The girl who just shouted was in front and she's looking right behind her. Nanlaki ang mga mata niya bigla at awtomatikong natutop ang bibig. Para siyang naging kurtina na hinawi nung babae kaya napalingon sa gawi ni Lucas. She witnessed how that girl almost ripped Lucas arm. Maya maya'y kumalma naman yung babae matapos kausapin nung manager ni Lucas na nakilala niya sa pangalan Philip.
Nabalik ang isip niya sa mga sinabi niya sa kay Carel at Minda. Nadinig kaya iyon ni Lucas? Bakit pakiramdam niya'y kanina pa ito nasa likuran niya? Madalas kasi wala siya pakialam sa paligid niya. Nagtama ang kanilang mga mata at gaya kanina gano'n pa din katalim iyon na dahilan upang mag-iwas siya ng tingin.
Rules to remember when Lucas is around. Never meet his gazed. Nakakapaso o mas matamang sabihin na nakakasunog ng lamang loob! She reminded herself.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang nag-order saka tumungo na sa claiming area malayo kay Lucas. Nagpanggap siyang hindi ito nakita para iwas conversation din.
Ano naman pag-uusapan niyo, Maia? How was he when you left? Kastigo niya sa sarili.
Mali yatang ngayon pa niya naisipang mag-late lunch. Nauna itong umalis kanina kaya pinagtataka niya kung bakit naroon pa ang mga ito. Pasimple niyang tiningnan ang gawi ni Lucas. To her surprise, she saw him looking at her also! Binawi niya ang tingin at nag-follow na lang sa order niya. Dinig pa niya sa earpiece ang pagchichikahan nina Minda at Carel pero naging clouded na agad ang isipan niya. Hindi na niya ma-absorb ang mga chika na nadidinig sa mga housemates.
“Ay palaka!” sigaw niya ng may humawak sa braso niya.
“What?” Takang tanong ni Paul na hindi niya nalamang nakatayo pala sa kabilang side niya.
She composed herself and cleared her throat. "Uhm, frog t-that's what I said," wika niya.
“Is there a frog here?” Nakita niyang luminga linga si Paul sa paligid nila.
“Wala... I mean there's no frog in here. It's just an expression - a Filipino expression rather - when we come up a bright idea. Just like Einstein's eureka.” Palusot niya na tinanggap naman ni Paul. Nakumbinsi niya ito na lubos niyang pinapasalamat sa Diyos. Inaya siya nitong sabay na kumain na hindi naman niya tinanggihan. At least someone like Paul saved her from the fires of hell.
Thank you, Lord! Usal niya sa isipan.