Chapter 00

1632 Words
“KASAL? Eh, 'di ba kakakilala palang nila one or two months ago?” Bulalas ni Maia matapos marinig ng buo ang kwento ng kapatid niya. Winston - one of NYTM researcher - walked in front of her cubicle. “Winston, make sure you'll send your research paper today.” Paalala niya niya sa rookie researcher nila na sinagot naman nito sa magalang na paraan. She handled five rookie researchers who helped her in producing a well informed articles. “Buntis ba kaya magpapakasal?” Another question she asked to her sister Kaia. Pinag-krus niya ang mga binti saka nagsimulang magtype ng article sa laptop niya. May deadline siyang hinahabol at mukhang matatapos naman niya ngunit tumawag ang kapatid niya at may hatid na tsismis galing sa Pilipinas. Tungkol iyon sa bunsong kapatid nila na nagbabalak na raw magpakasal. Hindi naman siya basta basta makakauwi lalo't masyado siyang abala. Unti unti na kasing nakikilala ang column niya sa NYTM at gumagawa na iyon ng ingay sa bawat kanto ng New York City. “Hindi naman, kaso itong si Kelvin gusto na talaga pakasalan yung babae. Na-meet ko na at medyo naartehan ako,” pagku-kwento ni Kaia. Kung hindi nagustuhan nito malamang 'di niya rin magustuhan bilang magkaparehong magkapareho sila ng ugali. “Makakauwi ka ba para sa pamamanhikan?” “Pamamanhikan na? Hindi ba masyadong nagmamadali naman?” “Kapag true love na raw hindi na dapat pinatatagal.” Gusto niyang mag-react pero lalabas kasing napaka-bitter niya. Wala siyang alam sa love dahil mas pinili niya ang career. Kinilig naman siya kaso nga bago pa lumalim ay sinasabi na niyang hindi siya interesado sa pang seryosohang klase ng relasyon. “So, paano na ang gagawin natin?” Malalim siyang napahugot ng hininga bago nagsalita. “Kung nakapag-decide na si Kelvin, wala na tayong magagawa. Lalaki siya at alam naman na siguro niya ang papasukin niya.” Ayaw niyang pigilan ang bunsong kapatid nila dahil habang hinihigpitan, lalong nagnanais na kumawala. “Hindi ako makakauwi ngayong taon. Ikaw na muna bahala kay mama at hangga't maari h'wag siyang hayaan na ma-stress. Kelvin knows the consequences of his decision. I-guide na lang natin siya.” “Ano pa nga ba? Anyway, okay ka lang ba diyan? Baka naman nakakalimutan mo na kumain sa tamang oras, Maia.” Napangiti siya ng dahil sa sinabi ng kapatid. “I'm perfectly fine here. H'wag niyo ako alalahanin dito.” Their conversation went on until Winston called her attention. Sinenyas nito na lahat ay pinapapunta sa meeting room. “I have a meeting, Kaia. Tatawag na lang ako uli mamaya,” she said to her sister. Natapos ang pag-uusap nilang magkapatid at sinilid na niya sa bag ang cellphone. She grabbed her pen and notebook then went straight to the conference room. Lahat nga ng nasa department na kinabibilangan niya'y naroroon ngayon. Ano kayang pagme-meetingan nila ngayon? Natatandaan niyang kaka-meeting nila kahapon para nga sa article na hinabol nila ng mga researchers niya. Lahat natahimik nung pumasok na ang president ng NYTM. Hindi ito nagpaligoy ligoy at sinabi na agad ang dahilan ng meeting na 'yon. Nixon - the NYTM president - wants to reset everything. Meaning magbibigay ito ulit ng bagong project na gagawin nilang lahat. “Lucas Austin San Jose.” Pangalan na ngayon lang niya uli nadinig. Mas maganda yatang sabihin na ilang beses niyang iniwasan na madinig. “He's the project that I want you to do, Maia. Conduct a one on one interview with him so that NYTM will become number one.” Bakit ako? Hindi ba pwedeng iba ang gumawa 'non? Sunod sunod niyang tanong sa kanyang sarili. Magtatanong siya dapat kaso nag-umpisa na mag-discuss si Nixon kung bakit kailangan nila ma-interview si Lucas. Sa discussion niya nalaman ang dahilan na gusto niyang malaman simula nung ibigay iyon sa kanya kani-kanina lamang. Lucas Austin San Jose is one of the eligible bachelor in town who loves to do charity works when not racing and doing business plans. Remarkable ang naging panalo nito sa racing event sa Japan kaya bigla ang naging pagsikat. Iyon lang ang balitang nasagap niya maliban doon ay wala na. Iniiwasan niya din kasi talaga bilang hindi lang naman basta kakilala niya si Lucas. He played a big role in her life. “We entrust this project to you Maia because your column in NYTM played a huge role to our magazine's success in the past months.” Ang mga salitang iyon ang huling binitiwan ni Nixon bago matapos ang meeting nila. Tiwala talaga ito na magagawa niya kahit napaka-imposible. Paano niya ngayon malalapitan yung lalaking lubos niyang nasaktan noon? Madali sana kung maayos ang lahat sa kanila ni Lucas. Baka kapag nakita siya nito'y isabit pa siya patiwarik sa Empire State building. Hanggang sa paglalakad niya pauwi sa studio type flat niya dala iyong problema na dapat harapin. Huminto siya saglit at tumingin sa LED billboard kung saan naka-flash ang mukha ni Lucas. Advertisement iyon ng sinusuportahan nitong charity. He changed a lot and she have to admit it that Lucas became more attractive than before. With that perfect tone body, killer smile, handsome face and down-to-earth attitude, no girls would reject him now. Malalim siyang napahinga saka sinuksok sa magkabilang bulsa ng suot niyang coat dalawang kamay. Kailangan niya yata tanggihan ang project at mag-stick na lamang sa naunang plano. Matatapos na din naman sila doon ng team niya at nanghihinayang siya sa efforts na binuhos ng mga iyon. Nixon gave them two months to do everything from persuasion, interview, photoshoot, article writing, proofreading down to publishing. Two months para lang sa project na kinalalaman kay Lucas na hindi pa niya sigurado kung magagawa niya. Hay... Bahala na nga! MINDA smiled as she pour wine to her glass. Niyakap niya ang magkabilang tuhod saka tinuon sa screen ang atensyon. Kasama niya ngayon sa living ang mga housemates at sa mga 'to na-kwento ang tungkol sa project na binigay ni Nixon. Umayos ng upo si Carel na tila ba inaabangan na magsalita siya. Ang dalawa ang naging kasama niya sa ilang taong pamamalagi sa New York. They became her immediate family there. “Are you ready to meet your the one that got away?” tukso ni Carel sa kanya. Saktong nag-flash pa sa TV ang mukha ni Lucas at ang pag-off ang tanging solusyon na nakita. “So, ano nga bang back story niyo ni Lucas?” Minda asked her. “Ang hirap i-explain saka ang labo.” Totoong malabo ang lahat noon sa pagitan niya at ni Lucas. Back then, Lucas was a nerdy genius boy in Santa Monica College. No particular friends around him aside from books. Lahat ay ilag dito at bukod tanging siya lamang ang naglakas loob na lumapit para makipagkaibigan. Sa una mailap sa kanya si Lucas ngunit nung lumaon ay parati na silang magkasama mula pagpasok sa umaga, lunch break at uwian. Days and months passed and she saw changes to Lucas. Pinalitan nito ng contact lens ang malaking salamin sa mata. Pinaalis nito ang braces sa ngipin at nagbago ng hairstyle saka pananamit. From Mr. Nobody, he became popular and gained friends in the campus. Hindi na sila gaano nagkakasama at naging busy na din naman siya sa school works. “Paanong malabo ba?” curious na tanong ni Carel bago sumimsim ng wine sa hawak na baso. “He became distant kasi nga nung magbago ang lahat sa kanya, naging popular siya. Hindi ko masyado pinansin at busy din naman ako. Until he confessed to me,” Sabay na napasinghap sina Minda at Carel na sobrang OA para sa kanya. “Anung sunod na nangyari?” Pangungulit ni Minda. “I rejected him...” May dahilan iyon pero kahit mag-explain siya siguro kay Lucas ngayon ay malabong pakinggan siya nito. “Lucas was hurt because he thought na mutual ang feelings, tama ba?” Tumango siya bilang sagot kay Minda. “Do you explain the problem that you and your family faced before?” “Nope. Umalis na kami sa Santa Monica agad pagkahiwalay ni papa kay mama.” “So, he is clueless until now.” She nodded again as an answer. Sumimsim siya ng wine basong hawak saka napabuntong hininga. “Ngayon hindi mo sigurado kung kaya mong makatrabaho siya, right?” “Yes but NYTM big boss entrust this project to me. Sobrang tiwala nila na pati major project ay sa akin na binigay,” Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa niyang housemates. “Okay lang kaya na tanggihan ko?” “No, Maia.” Umarko ang isang kilay ko ng dahil sa sinabi ni Carel. “Listen, if tatanggihan mo lalabas na affected ka at hindi nag-grow sa loob ng mahabang panahon.” She pursed her lips. Napatingin siya kay Minda at sumasang-ayon din ito sa sinabi ni Carel. “Get the project, do it in professional way, and work in civil manners.” Dagdag na payo ni Minda sa kanya. Ang mga ito ang nagturo sa kanya paano makaka-survive sa New York. Mataas kasi ang level ng competition sa bansang kinaroroonan niya. Lahat ay willing na gawin ang sa abot ng makakaya para lang maka-survive doon. Hindi na din biro ako pinagdaanan niya sa NYTM. Nagsimula siyang rookie reseacher na tiga-timpla ng kape sa lahat. Tiga tapos ng trabaho na hindi naman assigned sa kanya. She endured those hardships just to provide for her family in the Philippines. “You're not Maia Noelle De Leon if he will defeat you.” Pagpapalakas ni Carel sa kanyang loob. Tama ang mga ito at walang mangyayari kung paghahariin niya ang takot sa nakaraan. Ngayon pa ba siya aatras gayong madami na siyang naisugal para lang mabuhay doon na mag-isa. Being in a foreign land where no one is a friend nor an allied, she learned to be brave. Walang lugar sa bansang iyon ang mahihina ang loob kaya tatanggapin na niya ang project. Haharapin niya yung lalaking minsang naging bahagi ng kanyang nakaraan. Kaya mo 'to, Maia Noelle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD