Chapter 03

1574 Words
SIMULA nung insidente sa pantry, alerto na si Maia sa kanyang paligid. Hindi siya basta basta nagbibitiw ng mga komento tungkol sa ibang tao lalo na kapag si Lucas ang usapan. Mahirap na kasing maulit pa yung eksena kung saan sigurado siyang nadinig ni Lucas ang mga sinabi niya. Kaya naman gano'n na lamang ang pagtitig nito sa kanya magmula ng dumating sila sa penthouse nito. Doon gaganapin ang interview at ilang photoshoot bago sila lalabas para sa concept na napili nito. “Are you okay, Maia?” tanong ni Paul sa kanya. “Yes I am. Last two sets of questions and we're done for today.” tugon niya sa binata. “Something's odd between you and Lucas. Tell me and be honest, do you have past with him?” Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan niya matapos madinig ang tanong na iyon ni Paul. Wala silang nakaraan - wala nga ba? - pero kilala nila ang isa't isa. “Silence means yes and now I know the reason why he kept on staring at you and me also. His stares can injured someone because of it's sharpness.” Dagdag na sabi ni Paul dahilan para mapatingin siya sa gawi ni Lucas. Totoo ngang nakatingin pa din ito sa kanilang dalawa pero bakit? Ano bang problema nitong isang 'to? She didn't answer Paul and stood up instead. Mabilis siyang tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nakakapanuyo ng lalamunan yung titig ni Lucas sa kanya at pakiramdam niya sunog ang laman loob niya ngayon. “Nice mahilig ka na uminom ngayon ng tubig.” Muntikan na niyang mabitiwan yung hawak na baso at pitsel dahil sa gulat. Magbabayad pa siya para sa damage ng wala oras kung nagkataon. “Sino nagturo uminom ng tubig? That white guy?” Lucas was pertaining to Paul whose been the subject of his sharp stares. Issue nito kay Paul? Inaano ba nung ka-trabaho ko? Sunod sunod na tanong niya sa isipan. “Cat got your tongue, huh?” Dagdag pa na sabi nito sa kanya. “Parang nung isang araw lang panay ang puri mo sa 'kin. Ano nga yung sinabi mo? I'm handsome, hot, charming and irresistible. Woah! I really didn't expect to hear those from you,” “Nainom naman ako ng tubig noon pa.” sabi niya dito. Bakit ba kailangan pa nitong ulitin yung mga sinabi niya? Pakiramdam niya lumaki ang ulo nito dahil sa mga compliment niyang iyon. Gusto naman nitong pinupuri at napapalakas noon ang aircon na dala dala. Nilamanan niya uli yung glass pitcher saka binalik sa ref at hinugasan naman ang basong ginamit niya. Akma siyang lalakad paalis doon ngunit humarang ito sa harapan niya. “What now? Do you need something?” “Stop avoiding my stares, Maia Noelle. Itatanggi pa ba natin na magkakilala tayong dalawa?” “W-well it's up to you kung sasabihin mo sa kanila kung paano tayo nagkakilala,” He scoffed, “you want me to tell that? Paano kung sabihin kong ako yung lalaking pinaasa mo? Ako yung sinaktan at pinaglaruan mo 'non?” She gulped. Punong puno ng galit ang mga mata nito na para bang walang saysay ang eksplanasyon niya kung sakali 'man. “Hindi ka makapagsalita kasi totoo?” “H-Hindi ko 'yon ginawa. May rason kaya ako umalis -” “Reason? Tingin mo maniniwala ako sa 'yo?” Nakakaloko itong ngumisi. Walang saysay ang magiging paliwanag niya sa taong sarado ang pag-iisip. “Galing galingan mo naman, Maia. Katulad nung arte mo kaya paniwalang paniwala mo ako na gusto mo ako,” Nakuyom niya ang magkabilang kamao. “H'wag kang maniwala kung ayaw mo. I won't force you nor beg, understand?” Tinulak niya ito para makalayo siya. Upon reaching the living room area, she picked up her personal belongings. She tried to compressed her tears so that no one will notice it. “Maia, shall we start now?” tanong ni Winston sa kanya. “Why does your eyes like that? Are you crying? Are you sick?” Umiling siya at napadako ang tingin niya kay Lucas ay agad namang binawi. “Finished everything here. I'll go ahead now. See you tomorrow guys,” paalam niya sa mga ito. Si Paul naman ang papalit sa kanya para lang matapos yung schedule ngayon. Tuloy tuloy siyang lumakad palabas ng unit ni Lucas. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon lalo't sadyang maaga pa. Isang lugar ang sumagi sa isipan niya at iyon ang charms and crystal booth ng housemate niyang si Minda. “So, he confronted you after staring at you for an hour,” tumango tango siya dito bilang sagot. Dito niya na-kwento lahat ng nangyari kanina sa unit ni Lucas. Wala naman kasi siyang ibang pwede mapag-kwentuhan kung 'di ito. Good thing wala doon si Carel kung hindi nagisa na siya nito at kung ano ano na natanong. “Kung si Carel siguro ako kanina pa ako nangisay sa kilig dahil tinitigan ka ni Lucas.” Iningusan niya ito saka matamang pinagmasdan ang mga binebenta nitong bracelet, anklet at ilan pang charms and crystals. Negosyo iyon ng housemate niya na nagagawa niya ding i-promote gamit ang column niya sa NYTM. Kasabay ng pagsikat ng column niya ang pagdagsa ng customer sa naturang shop kaya nagdagdag na si Minda ng tauhan doon. One of Minda's staff put a small box in front of her. Napatingin siya sa housemate at nginitian lang siya nito saka pinabuksan na sa kanya ang box. “Para saan 'to?” tanong niya. “To attract men so that you can find a boyfriend that will marry you.” Pang ilan na bang charms ang binigay nito sa kanya? Wala pa din siyang na-a-attract na lalaki hanggang ngayon. Malapit na nga siya sumuko at tanggapin na lang na tatanda siyang dalaga. “Your birthday is in two weeks. May plano ka na ba?” “Bahay lang tayo and I'll be working on that day for sure.” “Asus ang workaholic. Paalala lang Ms. Maia Noelle hindi ka na bumabata. Look for a guy na tatagal, pakakasalan ka at ibabalik ka sa Pilipinas.” “Opo tiyang Minda.” Pareho silang natawa. “So, anong mapapayo mo sa sitwasyon ko ngayon kay Lucas. He will not listen to my explanations.” “Eh kung h'wag mo na lang pansinin. Stay in your office and leave all the field tasks to your team. Abangan mo na lang ipapasa nila since doon ka magbabase ng isusulat mo sa column mo,” nag-isip siya at maaring umubra nga iyong suggestions ni Minda kaso importanteng project si Lucas para NYTM kaya dapat hands on siya. Umiling siya bilang pagtanggi sa suhestyon ni Minda. “Lalabas na mahina ko kung hindi ko kayang tapatan yung palabas niya.” “Now that's my girl.” Nakipag-apir siya dito at tumawa. Kahit paano'y gumaan ang pakiramdam niya. Kung makikinig lang sana si Lucas sa kanya maipapaliwanag naman niya kung pinaasa niya ito at bigla na lang nawala noon. She needed to choose her family over her own happiness. Masaya lang ang pamilya niya, masaya na din siya at hindi iyon maiintindihan ng sinumang sarado ang pag-iisip. Nung magsara ang shop ni Minda, kinita nila si Carel sa isang resto bar at doon nagpalipas ng oras. Not a typical day to drown themselves but it's needed so she can sleep immediately. “Girl, mukhang type ka nung nasa kabilang table.” Carel pointed out the guy three tables away from them. He's good looking but not her type. He's too playful in all aspects. Wala siyang oras para makipaglaro dahil nasabi na niya na kung papasok 'man siya sa isang relasyon ay yung pangmatagalan na. Nanawa na siyang manirahan mag-isa sa New York at tanging kasiyahan na lamang ng pamilya niya ang nagtutulak sa kanya na magpursigi pa. “Not my type,” medyo may tama siya dahil nakarami na din sila ng inom tatlo. “Eh ano bang type ng isang Maia Noelle De Leon?” Hamon sa kanya ni Carel. Tinungga niya yung isang bote ng beer sa harapan bago sumagot. “Yung ideal type ko is yung maiintindihan ang klase ng trabaho ko, susuportahan ako at nandyan palagi hindi tuwing down ako.” Alam niyang wala ng gano'n na lalaki ngayon pero naisip niyang hindi naman masamang umasa pa rin. “But I still can't imagine myself falling for someone again.” Noon kasi hindi naging maganda ang kinalabasan dahil ayun nga nasaktan niya lang. Hindi naman intentionally dahil kinailangan lang talaga niya lumayo kasama ng mama niya para hindi na sila paulit ulit na masaktan. “Again? Akala ko ba nbsb ka?” takang tanong ni Carel. “Almost is never enough nga sa kanila ni Lucas,” sulsol naman ni Minda na kinakilig naman ni Carel. “kaso galit sa kanya at malabong mapakinggan ang mga dahilan niya.” Tinaas niya ang kamay upang tumawag ng staff at nag-order ng isang bucket pa. She needed to be drunk tonight. “Hey, may pasok pa bukas.” Sita sa kanya ni Carel. Pinaalis nito ang staff na tinawag niya saka inaya siyang tumayo na. Minda carried her bag while Carel held and guided her out of that resto-bar. “Good luck sa headache bukas, Maia Noelle.” “Malaki kasi problema kaya hayaan mo na,” Nadidinig pa niya ang mga sinasabi ng kaibigan pero mas pinili niyang h'wag na lamang magsalita. Hindi totoong malaki ang problema niya dahil kayang kaya namang harapin iyon nga lang nakaka-intimidate ang titig ni Lucas sa kanya. Para bang sinasadya nito iyon para talunin siya at kusang mag-back out pero hinding hindi mangyayari iyon. No one can ever defeated her! Madami na siyang napagdaan kaya walang saysay at kaduwagan kung aatrasan pa siya sa laban. “He can't defeat me.” sambit niya bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD