MASAKIT ang ulo ni Maia nung magtungo siya sa penthouse ni Lucas. Doon ulit magsho-shoot ang team niya maghapon gaya nung unang beses nilang gawin iyon. She believed that everyone was there already since it's ten o' clock in the morning now. Late na nga siya kung tutuusin at yung migraine niya ang pumipigil sa kanya pumasok at kumilos ngayon araw. Hindi siya nakatulog nung nagdaang gabi dahil sa abiso ng mama niya tungkol sa muling pagpisan ng kanyang ama sa bahay nila. May sakit ito ayon kay Kaia ngunit hindi pa din sapat na rason para tanggapin uli. He chose to live without them before with that woman half of her mom's age. Matapos nitong gawin sa mama niya iyon ay babalik na lang ito na parang walang nangyari. When she arrived at Lucas' place, inokupa niya agad yung office table sa