WEIRD, 'yon ang tingin siya sa mga kinikilos ni Lucas sa harapan niya ngayon. Pinalampas niya yung nakaraan dahil baka totoo ngang concerned ito sa kanya. Pero ngayon, hindi na niya sigurado kung concerned pa din ba ito o power tripping na naman. Imbis kasi na siya ang sumundo dito ay ito ang naghihintay sa harapan ng apartment niya ngayon. He opened the shotgun seat door upon seeing her walking towards him. Hindi siya agad pumasok sa loob noon kahit binukas na nito ang shotgun seat door. Humalukipkip siya sa harapan nito saka tiningnan ito direcho sa mga mata. Sana hindi ka ma-intimidate, Maia... aniya sa isipan. "Anong ibig sabihin nito?" tanong niya agad sa binata. "Nagkakawang gawa? Iyon yata ang dapat na itawag sa ginagawa ko ngayon, Maia." Sagot ni Lucas sa kanya. What am I? A ch