PAKIRAMDAM ni Maia mauubos niya ang punch drink na nasa gilid niya sa gabing iyon. Ang boring kasi ng dance party na inorganisa ng eskwelahan nila. Inaantok tuloy siya at kanina pa niya gustong umuwi na lang at manood ng movie kasama ang mga kapatid. Kung hindi siya pinilit ng mama niya, hindi naman siya pupunta sa dance party na iyon. Kailangan daw niya ma-experience ang mga gano'ng bagay para naman may baunin siya kapag naka-graduate na. Hindi siya komportable sa suot niya at 'di rin makagalaw gaano. Ngayon lang siya nag-dress at hinding hindi na siya uulit pa. "Kakain ka lang ba dyan?" Tanong na pumukaw sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang nagtanong at halos mabitiwan niya ang hawak na baso nung masino iyon. It was Lucas but looks different from Lucas she known. He's wearing a l