Chapter 19

1815 Words

“Nakakalungkot naman,” palatak ni Yaya Menang na kapapasok lang sa bahay galing sa tindahan matapos bumili ng pandesal at kape kasama si Danilo.             “Bakit po? Ano’ng nakakalungkot?” usisa niya at umupo na sa harap ng mesa para mag-agahan.             “Magsasara na si Aling Epang. Iyong tindahan at bakery diyan sa malapit,” si Danilo ang sumagot at saka naghugas ng kamay sa lababo, matapos ilapag ang pandesal sa mesa.             “Ang hirap pa naman ng walang tindahan sa malapit. Biro mo, halimbawang naubusan ka ng bigas o ano, luluwas ka pa ba ng bayan para bumili, kung wala ka rin namang maraming pera?” susog ni Menang.             “Sus ito namang si Tiyang. Bukod doon wala na rin kayong kalipon. Eh di ba minsan inaabot kayo ng ilang oras kakahunta niyo kay Aling Epang?” nat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD