Chapter 18

1527 Words

“Ate Nadielyn, sinong tinititigan mo diyan?” untag ni Bebang sa dalaga nang mapansin nitong nakatunganga siya habang nakaupo sa terrace ng mga ito.             “Tingnan mo iyong dalawang oldies na kapit-bahay natin. Ang sweet di ba?” turo niya sa direksiyon ng dalawang matanda na nagkakape sa balkonahe ng mga ito.             “Ah, si Lolo Minyong at Lola Epang?”             “Iyon ba ang pangalan nila?”             “Oo, mababait ang mga ‘yan. Kapag nga nagagawi kami ng mga kalaro ko doon, binibigyan nila kami ng mga bungang kahoy.”             “Wala ba silang anak?”             “Meron. Kaso sa pagkakaalam ko halos nasa ibang bansa na lahat, eh. Kapag nga may padalang package ang isa sa mga anak nila binibigyan nila ako ng chocolate, eh.”             “Gano’n? Medyo malungkot pala ‘no?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD