“Nadielyn, pumarine ka nga!” tawag ni Danilo mula sa kusina kaya natigil ang dalaga sa pagmamanicure ng sariling kamay. “Why?” tanong niya habang hinihipan ang kanang kamay na katatapos lang imanicure. “Tumayo ka diyan. Puntahan mo ko dito.” “Arggh!” naitirik at naiikot niya ang mga mata saka siya tumayo. “Now what?” untag niya nang makapasok sa kusina at sumandal sa hambal ng pintuan habang hinihipan pa rin ang kanang kamay. “Tigil mo nga ‘yang kaartehan mo, magsaing ka. Nakaluto na ko ng ulam.” “Ow? Ano namang ulam ‘yan?” “Nilagang baka kaya magsaing ka na bago pa dumating ang Nanay.” “Nasaan ba si Yaya Menang? Magtatanghalian na hindi pa rin bumabalik?” “May pinuntahan la