Chapter 13

1799 Words

Pinihit ni Nadielyn ang gripo sa banyo, balak na niyang maligo dahil nanlalagkit ang pakiramdam niya matapos makapaglinis ng bahay. Nagwalis, naglampaso ng sahig at sumama siya kay Bebang na magpatuka ulit ng manok at ilang itik sa looban.  Matagal-tagal na kuskusan ng katawan at buhok ang gagawin niya sa paliligo, pakiramdam niya kasi lahat ng klase ng alikabok ay kumapit nasa katawan niya. Bwisit kasi si Danilo. Napakapalautos ng hunghang! “Arrgh! Bakit wala ng tumutulo?” palatak niya nang walang lumabas na tubig mula sa gripo. Napahampas siya sa noo nang maalalang wala na nga palang tubig bago sumapit ang tanghali. Babalik lang iyon bandang hapon na. Ngayon lang siya nalate sa paliligo dahil sa mga household chores na ipinagawa ni Danilo. Tiningnan niya ang dalawang drum, puno naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD