“How’s Nadielyn?” tanong ni Angelo kay Danilo habang kumakain sila ng tanghalian sa canteen ng school. Napaangat tuloy ang tingin niya sa kaibigan. “Nando’n pa rin sa’min. Nagbukas na siya ng tindahan kanina. Bakit mo natanong?” “Wala naman. Medyo matagal na ulit akong hindi nagagawi sa inyo kaya hindi ko siya nakikita.” “Eh, di pumunta ka, para makita mo,” naibulalas niya. “Talaga? Sinabi mo ‘yan, ah? Sige, pupunta ako mamayang gabi,” nakangiting sagot nito kaya napakunot noo siya. “Teka nga, bakit parang gusto mo siyang makita? At ang lagay, eh, parang nagpapaalam ka pa sa’kin?” “Baka kasi magalit ka kapag bigla na lang akong sumulpot doon para dalawin si Nadielyn.” “Ba’t naman ako magagalit?” “Siyempre, ikaw ang parang tumatayong guardian niya. Kaya dapat humingi ako ng permiso